Tainted

Oleh PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... Lebih Banyak

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 36

967 30 0
Oleh PollyNomial

KABANATA 36 — Different Smiles


"Hence, the interior of the boutique will be all white as what Miss Zandra wants the design to be," pagtatapos ni Kaydee sa kanyang presentation tungkol sa interior design ng aking boutique.

Napangiti ako at marahang pumalakpak. Ganoon din ang ginawa nila kuya. Kahit si Architect Sebastian ay napansin kong nagustuhan ang presentasyon.

"We already have the furniture. All we need is your approval, Architect Cortez," ani Kaydee. Napansin kong pormal siya pagdating sa trabaho. Kaibigan niya ang arkitekto pero hindi ko pa siya narinig na tinawag ito sa unang pangalan.

Isang tikhim ang narinig mula kay Architect Sebastian. "I don't know why you still need my approval, Kaydee," ngiti niya. "But anyway, since you want to know my opinion, I'd say that your design is indeed good and it fits the idea of this boutique," aniya.

Napatango ako sa kanyang sinabi. I'm glad he liked what I want. Gusto ko lang talagang marinig ang opinyon niya dahil siya ang nagdisenyo ng istraktura at malalaman niya kung alin ang mas babagay at hindi sa kanyang sariling dinisenyo. As a designer, I would want that power over my designs too.

"If this is what Miss Morris wants, then anyone of us have no say about this, right?" ani Architect Sebastian habang nakatingin sa akin. "Siya ang nagbabayad sa atin para gawin ang kanyang gusto," dugtong pa niya.

I smiled at his politeness. Yumukod ako sa kanya upang ipaalam na nagustuhan ko ang kanyang sinabi. Nang iangat ko ang mukha ay kay Andrew sumakto ang aking paningin. He is staring at me. Nasa tabi siya ng kanyang pinsan at kanina ko pa hinahayaan ang paninitig niya sa akin. Hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya. But if I were to base this at how I knew him years ago, I think he's glaring at me because he disliked what he's seeing.

Nagtaas ako ng isang kilay at umiling naman siya bilang sagot. Inalis niya ang tingin sa akin.

Sumali siya sa meeting kahit hindi naman kailangan. He said he has nothing to do for the rest of the day. Gusto lang daw niyang bisitahin ako rito. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya pagkatapos ng meeting. Maybe he'll decide to leave after this. Wala naman siyang sinabing plano para mamaya.

Unti unti ay nasasanay na rin ako sa kanyang presensya. Pakiramdam ko ay walang nangyaring limang taon at ang eksena ngayon ay nangyari pagkatapos ng gabing umamin siya sa akin. It was a weird feeling. Pero sana naging totoo na lang ang pakiramdam kong iyon.

Pagkatapos ng usapan ay sabay sabay kaming tumayo. Architect Sebastian congratulated his friend. Si kuya naman ay nakipag-usap dito pagkatapos. Si Kaydee ay naging abala sa pakikipag-usap sa mga tauhan ng furniture company habang ineeksamina ang mga dumating na kagamitan.

Kami ni Andrew ang naiwang nakaupo sa harap ng mesa.

Sinusuri niya ang paligid ng aking boutique. Pinagmasdan ko ang kanyang kilos at pansing pansin ko ang kawalan ng pagbabago sa kanya. Tumigil ang kanyang mga mata sa fountain na tuyo pa dahil nakapatay pa ang kuryenteng magpapagana rito.

"I like the fountain," aniya. "I guess this is your idea too?" sambit niya at nahimigan ko roon ang panunuya.

Napangiti ako. "Naisip ko lang palagyan. I don't really know why I suggested it," pag-amin ko.

Basta ko na lang kasing naisip iyon noong nasa kalagitnaan na ng pagdidisenyo ang kanyang pinsan.

"Akala ko nga ay mahihirapan akong kumbinsihin ang arkitekto. Good thing na si kuya ang kumausap sa kanya. Huli na kasi nung naisip kong gusto ko ng fountain sa gitna na bubungad sa entrance. It was weird but Architect Sebastian did it anyway," nangingiting utas ko.

Napatingin ako kay Andrew at saka ko lang napansin na nakabaling na pala siya sa akin. Nakatitig na naman siya. Lumingon siya sa direksyon kung nasaan sila kuya at bumalik din sa akin ang mga mata.

"Matagal mo na siyang kilala?" tanong niya.

Umiling ako. "Ngayon lang kami nagkita at nagkakilala. Kuya was the one communicating with him. Si kuya ang koneksyon naming dalawa para magkausap," sabi ko. Iyon ang takbo ng aming trabaho mula pa nang simulang gawin ang boutique. I actually didn't know why we had that kind of set up. Si kuya ang nagsimula niyon.

Marahan siyang tumango at nanahimik.

I want to take the silence down but I don't know what to say. Hindi ko alam kung anong klaseng paksa ba ang bubuksan ko upang pag-usapan naming dalawa. There's just one topic that I want to talk about. But it seemed that Andrew didn't want to deal with it at the moment.

"Wala ka bang gagawin? You've been here for hours now. Hindi ka ba kailangan sa restaurant ninyo?" tanong ko para lang mawala ang katahimikan. "Baka hinahanap ka na ng parents mo?" nag-aalangan kong tanong.

He looked at me first before he answered. "Zandra, I am not a kid anymore. Hindi na nila ako hahanapin. Wala rin akong gagawin pagkatapos nito. I reserved this day for you," utas niyang may kasamang tipid na ngiti.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. How can he manage to say sweet things to me? Hindi ba siya naiilang? Ano kayang nararamdaman niya habang sinasabi niya ang mga iyon?

"Hanggang mamayang midnight?" I have no idea why I said that. Shit! My mouth has no filter whenever I'm talking to him!

Naglaro ang ngiti sa mga labi ni Andrew. Nanatiling nakaharap sa akin ang kanyang mukha habang ako ay hindi makatingin ng maayos. Naramdaman ko ang paghilig niya. Mabuti na lang talaga at may mesang nakapagitan sa amin.

"If you want me to stay with you until midnight, then I will," untag niya bago kami naistorbo ng isang tikhim mula kay Kuya Zac.

Lumulundag ang puso ko nang lingunin sila kuya at Architect Sebastian. The architect has an amused grin on his face while kuya carries a serious one. Siguro ay narinig nilang dalawa ang mga sinabi ni Andrew. Wala nang panahon para mahiya dahil ako rin naman ang nagsimula niyon. Tumikhim din ako at nagtaas ng kilay sa dalawa.

"Zandra, Sebastian's going," ani kuya sa matigas na boses. Ngumiwi ako sa kanya. Bakit parang nagagalit siya? I can tell the reason behind his expression. He did not like what he heard from Andrew.

"I should go," ani Architect Sebastian at tinapos ang kanyang mga pagngisi. "I have another meeting to attend to." Bumaling din siya kay Andrew.

Mabilis akong tumayo at naglakad palapit sa kanila. Hindi ko na pinansin o tiningnan man lang si Andrew na batid kong nanonood sa akin. I heard him stood up and walked. Naramdaman ko siya sa aking gilid.

"Thank you, Architect Cortez," hayag ko at nilahad ang kamay.

Saglit niya iyong tiningnan. Nag-angat ang kanyang mga mata at napansin kong sumulyap siya kay Andrew. Tiningnan ko rin si Andrew na nakatitig naman sa akin.

Tinanggap ng arkitekto ang aking kamay. "You can call me Sebastian, Miss Morris. Kaibigan ko naman itong kuya mo," aniya. "Anyway, you're welcome. And again, it's nice to meet you," sambit niya.

Ngumiti ako. "Zandra na lang din ang itawag mo sa akin since you are a friend of my brother," utas ko at dalawang beses na iginalaw ang aming mga kamay.

Binitiwan niya iyon at umatras ng isang hakbang. "Mauuna na ako sa inyo. Magpapaalam lang ako kay Kaydee. Andrew, say hi to tito and tita for me," aniya pagkatapos.

"Sure, Seb," ani Andrew sa aking gilid.

Isang tango ang ipinamalas ni Sebastian bago tumalikod.

Isang nangungusap na titig ang ibinigay sa akin ni kuya bago siya sumama kay Sebastian. Ngumiti lang ako habang nakataas ang isang kilay.

What now, big brother? Ikaw kaya ang may pakana ng lahat ng ito!

"Kailan ka pa naging accommodating sa mga lalaki?" biglaang tanong ni Andrew sa aking gilid.

Natigilan ako. I stopped smiling and turned toward him. Alam ko ang kanyang ibig sabihin. And I know how much he deserves an explanation to this. "It's one of my jobs to accommodate people. I'm just being friendly to your cousin," sabi ko.

Kinagat ko ang aking labi lalo na nang wala siyang isinagot. Siyempre maninibago siya. Hindi ito ang Zandra na nakilala niya. Ang kilala niyang Zandra ay nakikipag-usap lamang sa tatlong lalaki—siya, ang kuya at ang tatay nito. Pero ngayon ay nabago ko na iyon sa sarili ko. In fact, I have Owen as my closest friend who happened to be a man too.

Nakokosensya ako at pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kasalanan. Hindi ko na rin kinaya ang kanyang pananahimik. Iniwan ko siya. Nagtungo ako sa mesa at kinuha ang nakapatong kong bag doon. I'm not serious about the 'midnight thing'. Kailangan ko nang umuwi dahil tatapusin ko pa ang pag-eempake para sa gagawing paglipat sa aking condo ngayong Linggo.

Nakalabas na sila kuya at sa tingin ko ay hindi babalik iyon nang kami lang ni Andrew ang kanyang makikita. He still knows how to respect me. Hindi niya ako kakausapin sa harap ni Andrew.

"You don't have to be accommodating to him because he is not your job." Naramdaman ko sa aking likod si Andrew.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang dalawang braso ko upang iharap ako sa kanya. Nakakulong ako sa gitna ng kanyang katawan at ng mesa.

I felt the warmth ran through my veins. This was the first time we were this close. Ang huli ay noong nasa New York pa kami. Noong hinalikan niya ako. Noong nagtabi kami sa isang kama at yakap niya ako ng mahigpit. It was so long ago but my body never forgot the feeling of being so close to him. It was like it recognized something from the ancient years.

"Andrew..."

Yumuko siya at nang mag-angat ulit ng ulo ay mapupungay na ang kanyang mga mata. Nahirapan ako sa mabibigat niyang titig. Parang nakapasan iyon sa aking mga mata at hindi nito kinakaya ang bigat. Inaantok ang aking mga mata. Nagbuga siya ng hininga at mas lalo lang akong inantok doon. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang bibig ngunit ang atensyon ko ay mas nakukuha ng mga matitigas bisig niyang nakakapit sa akin.

"Kahit nasa harap na kita, hindi pa rin ako makapaniwala," bulong niya.

Idinikit niya ang kanyang baba sa aking noo. I felt his clenching jaw. Humigpit ang kapit niya ngunit hindi naman iyon masakit. Para bang may sinisigurado siya sa paghawak ng mariin sa aking braso.

"And I can't believe how much you've changed. Kanina pa kita pinapanood. The way you talk to your brother and to my cousin, it was something new to my ears. 'Yong pagtingin mo sa pinsan ko ng diretso sa mga mata niya, sa akin mo lang nagagawa iyon noon. And to think that you've just met. Sa mga mata ko lang ikaw tumitingin dahil hindi mo kayang sikmurahin ang masulyapan man lang ang ibang lalaki. The way you smiled at them. Damn. Kahit doon sa mga lalaking tauhan ninyo ay naibibigay mo na ang mga ngiti mo," aniya.

Nag-init ang aking mga mata. Really? Ganoon ba talaga ako kanina? Was there really a big difference between my actions before and now? Ganoon na lang ba talaga ako kamiserable noon?

I know it. I have an idea of what I do before. Pero iba pa rin talaga kapag nanggagaling sa ibang tao. Kagaya ng aking pamilya, ni kuya at ni Andrew. Minsan, akala mo ang lahat ng iyong ginagawa ay tama. Dahil iyon ang sa tingin mong makakabuti para sa'yo. Na iyon na magpoprotekta sa'yo sa kasamaan. But in the point of view of other people, the way they see you has a big difference to how you see yourself. Hindi lahat ng akala mong tama ay tama na rin sa mata ng iba. Minsan, ang ibang tao pa nga ang mas may alam ng tama para sa sarili mo. Kaya nga hindi lang iisang tao ang tumira sa mundong ito. Gumawa ang Diyos ng maraming tao upang magsama sama sila. At ang mga kasama natin ang magbibigay alaala at tutulong sa kung anong ikabubuti ng bawat isa.

"Was that a bad thing?" tanong ko.

Umatras ng kaunti ang kanyang ulo upang pagmasdan ako. Nahihirapan akong huminga dahil sa lapit niya. Nakadirekta sa akin ang mga mata niyang nagdidilim sa mga emosyon. Nakalebel ang kanyang ulo sa akin. He was so close to me and my chest ached because of it.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya pagkatapos ay ngumiti. Nakataas ang gilid ng kanyang labi at tila nanunuya iyon. I stared at the natural red color of his lips. I have tasted those lips before. I have felt how soft it is. Kahit isang beses lang akong nahalikan ng mga labing iyan, hindi ko na iyon nakalimutan.

"I don't think so. Pero bakit parang ayaw ko na ganoon ka?" aniya. Mahina siyang tumawa habang ako ay umaawang lamang ang bibig sa nangyayari sa harap ko.

I really didn't expect this all to happen after I left him before. Hindi talaga ito ang nasa isip ko noon na magiging pagkikita namin. Kahit katiting ba ay hindi siya nagalit o nagtampo man lang?

"No, Zandra. It isn't a bad thing. Tama 'yon. You changed into being responsive with other people. Alam kong hindi ka ganoon noon kaya ang makita kang ganito ngayon ay nakakapanibago. But in a good way, I guess," aniya.

Kumunot ang aking noo at napanguso ako. Bumagsak ang mga tingin ni Andrew sa aking labi. I gulped and felt my face flushed. Please... Please let me feel that you still love me. Please kiss me like the way you kissed me before.

Sa tingin ko ay bakas na bakas sa aking mga mata ang nais kong gawin niya sa akin. He closed his eyes and opened it again. His dark eyes brightened. May dala itong panibagong damdamin. Nakakapanghina lalo ang mga iyon.

Napabuga lang ako ng hangin at nakaahon sa panghihina nang marinig ko ang mga papalapit na yapak.

Ako ang unang bumitiw ng tingin. Andrew's still watching me when I turned my head to my brother.

"It's getting late. We should go," aniya.

Wala akong ibang naging reaksyon bukod sa matulala. Bahagyang lumayo si Andrew ngunit hindi niya binitiwan ang isang braso ko. Humarap na rin siya kay kuya na ngayon ay nakaigting ang panga at masama ang titig sa kanya.

"Nakauwi na rin ba si Kaydee?" tanong ko. Nawala na ako sa aking mga iniisip kanina. Ni hindi ko na rin napansin na wala nang ibang tao rito bukod sa aming tatlo. And it's all because I was too preoccupied by the man beside me.

"Yes. Hindi ka na raw niya inistorbo dahil may pinag-uusapan daw kayo," ani kuya bago bumaling uli kay Andrew.

Tumikhim si Andrew. Tiningnan ko siya at kitang kita ko ang gumalaw na umbok ng kanyang Adam's apple. He looked at me too and showed me a playful smirk. Tumindig ang aking balahibo at nagpasalamat na wala na siyang ibang ikinilos matapos niyon.

Iyon ang huli naming pagkikita. I drove myself home while kuya's following my car. Si Andrew ay sa ibang direksyon ang gawi. I remember how my eyes lingered from the features of his face down to his defined body before we get into our own cars. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Bigla na lang dumaan sa isip ko na kailangan kong pakatandaan ang bawat hiblang bumubuo kay Andrew. I just thought that it may be the last time I will see him again so might as well cherish the moment. Kung iyon nga ang huli naming pagkikita, at least I know that it ended well.

Naging abala kaming lahat para sa pagtatapos ng mga trabaho sa boutique. It will soon open by the third week of next month. I prepared all the things we need. Nakipag negotiate na rin ako sa mga magiging suppliers ko ng mga tela sa oras na magsimula na akong gumawa ng aking mga likha. It wasn't hard to find a supplier of high quality fabrics which has an affordable price. May mga koneksyon akong nakuha mula sa isang kaibigan. Gaya nga ng sabi ko noon, gusto ko ay abot-kaya kahit ng isang ordinaryong tao ang aking mga likha ngunit makakasigurado naman silang elegante pa rin sa mata ang aking gawa.

"Zandra," tawag sa akin ng isang baritong boses.

Nilingon ko si Sebastian na katatapos lang kausapin si Kaydee. Inabot na kami ng paglubog ng araw rito sa boutique at sa tingin ko ay magpapaalam na siya sa akin bago umalis.

"Hm?" I hummed while looking around.

Tumabi siya sa akin. We were in front of the fountain. Bukas ay susubukan na naming buksan ang kuryenteng magpapagana rito. Sebastian assured me that it was perfect and there will be no problem with it. I trusted him with that. Tauhan niya ang engineer at iba pang tao na gumawa nito.

"I'm just wondering if you'd like to have something to eat. A dinner, perhaps?" tanong niyang nagpabaling sa aking ulo.

Umangat ang mga mata ko upang makita ang pamilyar na ekspresyon sa kanyang mukha. Tiningnan ko ang aking relo at lagpas alas-sais na ng gabi. Hindi pa naman kumakalam ang aking tiyan ngunit siguradong maya maya lang ay mararamdaman ko na ang gutom. Kuya's not here so I'm just on my own. Ang plano ko sana ay uuwi na lang ako at gagawa ng salad upang madali lang at makakain agad. I want to have a rest as soon as a got home. Masyadong nakakapagod ang araw na ito.

"Of course, why not?" utas ko kay Sebastian. Kahit na may plano na ay tinanggap ko pa rin ang kanyang imbitasyon. Siyempre ay mas gusto ko pa rin ng mas maayos na hapunan kaysa sa salad na madalas laman ng refrigerator ko.

Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. Hinding hindi nakalagpas sa akin ang ilang pagkakahawig nila ni Andrew. Napansin kong pareho ang kulay ng kanilang mga mata at korte ng panga. But they have different smiles. Naalala ko ang ngiti ni Andrew nang huli kaming magkita. Wala sa sarili akong napangiti habang inaalala iyon.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

83.6K 1.6K 44
Ciara Lian De Vera is a medicine student who came from a prestige family. When things fall apart, who will she choose? The one whom she loves the mos...
15.3K 647 21
Trisha is totally attracted to Dominic since Day 1. But Dom is smitten with a much prettier, livelier and a younger girl. At maraming mga bagay na na...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...