Revenge ni Beki (Complete)

By AedrianBuison

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... More

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Six - Pretend
Chapter Seven - Bestfriend
Chapter Eight - ON
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fourteen - The Drawing
Chapter Fifteen - Graduation Day
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Nineteen - Woman in Black
Chapter Twenty - Bitchy
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Eleven - Beginning

4.7K 149 7
By AedrianBuison

James POV


Hindi ako pumasok ngayon dahil ayoko munang makita ang mga mukha ng nang api sa akin kahapon lalong lalo na ang Carmella na yon.


Hindi ko sya mapapatawad dahil sa kanya pinagpyestahan ng mga netizens sa social media ang video habang inaapi ako. May nagvideo pala kasi kahapon habang inaapi ako kaya ayon kumalat sa lahat ng social media site kaya sikat na sikat na ako bilang "Kawawang Nerd" 


Biglang nagring yung phone ko na nakalapag sa ibabaw ng mini table sa tabi ng kama ko. Nakahiga lang kasi ako dito kanina pa. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino yung tumatawag,


Spencer my bae is calling...


Agad ko itong sinagot. Mygod! Parang nawala lahat ng hinanakit ko at parang relax na relax ako. Iba talaga ang nagagawa ng love, kaya nyang alisin ang problema mo. Chos


"Hello" tawag ko.


[Bat umabsent ka?]


Feeling ko namula ako dahil sa sinabi nya. Nagmistulang kamatis tuloy ang face ko dahil kay Spencer, paano naman kasi parang pinararamdam nya sa akin na importante ako sa kanya, yung hindi sya mabubuhay kapag wala ako! chos ang OA ko na.


"Ah kasi...hindi ko pa kayang humarap sa mga kaklase ko!! magmo-move on muna ako"


Narinig kong tumawa sya, bakit naman sya tumatawa? may nakakatawa ba sa sinabi ko? hindi naman joke yon eh ang serious kaya ng pagkasabi ko.


[Si Carmella na suspend sya ng dalawang linggo tapos yung ibang mga students naman na binully ka at sinabihan ka ng masasama sinabihan ko na kapag inulit nila yon sayo isu-suspend ko rin sila.]


"Eh bat ka tumatawa kanina?"


[ah wala yon, may binabasa kasi akong nakakatawa dito]


"ah okay pero matanong nga..ginawa mo talaga lahat ng yon? sinuspend mo talaga si carmella ng two weeks at pinagsabihan mo rin yung mga students?"


Nagtataka lang kasi ako, ganon ba talaga ako kaimportante sa kanya pero kung ganon nga!! thank you sa kanya dahil ang sweet sweet nyang jowa! chos.


[Oo naman, simple lang naman yon at para sayo naman yon eh! ganon ka kaimportante sa'kin]


At pagkatapos kong marinig ang sinabi nya, naibato ko yung phone ko sa salamin dahil sa sobrang kilig! joke lang. Pero grabe, feeling ko nasa langit nanaman ako at feeling ko rin kinakain ko yung mga clouds. Hays! ang lawak ng imahinasyon ko. Tsk


[Hello James, nandyan ka pa ba?]


Bumalik ako sa realidad ng biglang nagsalita si Spencer. Hindi kasi ako nakasagot agad nung sinabi nyang importante talaga ako sa kanya.


"Oo naman nandito ako!! kinikilig lang ako kaya natagalan ako sa pagsagot"


At pagkatapos kong sabihin ay nagmadali akong ibaba yung tawag. Grabe!! ang bang nakain ko bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga words na yon?! Ang sasabihin ko naman dapat sa kanya ay 'Oo naman nandito ako!! may kinuha lang ako sa bag ko kaya natagalan ako' shet!! Grabe, mix yung nararamdaman ko ngayon. Kilig na may halong kaba, baka nagtataka na si Spencer dahil sa sinabi ko!


Nagulat nalang ako ng biglang may kumatok sa pinto, sigurado si Mama 'to. Bakit naman kaya? baka yayayain nya akong pumunta sa palengke. Hays!


Tumayo ako sa pagkakahiga at binuksan ang pinto. Laking gulat ko ng makita ko si..si..Spencer! Nakasuot sya ng isang white tshirt na may nakaburdang 'Can i get your number?' at nakaskinny jeans na color blue with adidas shoes, yung latest na shoes na usong uso ngayon at nakacup pa sya may tatak na nike. Ayos din ng porma ng lalakeng 'to noh?


"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya.


Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dito? akala ko kasi na sa school sya eh.


"Hindi mo muna ba ako papapasukin sa kwarto mo?" imbes na sagutin nya ang tanong ko, nagtanong sya.


Inalok ko syang pumasok sa loob at pumasok naman sya. Nakangiti syang umupo sa kama ko, yung ngiti nya nakakatunaw.


"Oh bakit ka nga pala nandito?" tanong ko ulit.


"Binibisita ka. Ayaw mo ba?"


Sayang naman kung umalis pa 'to diba, sino ba kasing babae ang papayag na paalisin ang gwapong nilalang na 'to diba? wala ata eh. Parang lahat ng babaeng pupuntahan nito hindi sya papaalisin baka patirahin pa sya sa bahay. Chos lang! Kung ano ano nanaman ang iniisip ko, nyeta!


"Ah hindi naman pero anong bagay ang nakain mo bakit mo ako binisita dito? akala ko nasa school ka eh! tsaka dapat sinabi mo na pupunta ka dito para man lang nakapaghanda ako ng makakain." sagot ko.


"Isa lang naman ang dahilan kung bakit kita binisita eh" sabi nya sabay yuko. Ewan ko kung bakit sya yumuko, baka tinitignan yung shoes nya! ang ganda kasi at mukhang bago.


Ano kaya ang dahilan?


"Ano ang dahilan?" tanong ko. 


"Ang sabihin sayo na mahal kita."


Napatingin ako sa kanya bigla, napangiti nalang ako bigla. Sa paningin ko, nasa isang magandang hardin kami at umuulan ng mga puso. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko!! Pero baka naman nagkamali lang ako ng dinig! hindi kasi ako nakapaglinis ng tenga kanina eh.


"Ano ulit ang sinabi mo?" tanong ko.


Pinaulit ko yung sinabi nya para alam nyo na! baka nga nagkamali lang ako ng dinig diba? mamaya mukha akong tanga dito na tumatalon dahil sa kilig pero mali naman pala yung narinig ko.


"Mahal kita James, kadiri mang pakinggan pero yon ang totoo. Nung una, pinigilan ko ang sarili ko na huwag mahulog sayo pero hindi ko na pigilan. Habang tumatagal mas lalo kitang nagugustuhan,mas lalo akong nahuhulog sayo...hindi ko akalain na mahuhulog ako sayo, wala akong pake kung anong sabihin ng iba dyan basta ang alam ko mahal kita." seryoso nyang sagot.


Humarap sya sa akin, nakita ko ang mukha nya..umiiyak sya. Nakita ko ang bawat luha na lumalabas sa kanyang mata, ito na ang perfect timing para sabihin na rin kay Spencer ang tunay kong nararamdaman.


"Yung mga nararamdaman mo sa'kin Spencer, nararamdaman ko rin yon sayo. May feelings din ako sayo...nahihiya lang akong aminin dahil baka mapahiya lang ako, na baka iwasan mo na ako, na baka hindi mo ako matanggap dahil sa itsura ko. Pero lahat ng mga iniisip ko na yon ay biglang nawala ng malaman kong mahal mo rin pala ako, hindi ko inakalang may lalakeng gwapo, mabait at mapagmahal na magmamahal sa akin. Sa oras na ito ang tanging masasabi ko lang sa'iyo...mahal rin kita Spencer" sabi ko.


Lumapit ako sa kanya at yinakap sya. Yinakap nya rin ako, nararamdaman ko ang mainit na hininga nya na lumalabas sa kanyang bibig sa aking leeg. Itinapat nya yung bibig nya sa tenga ko at sabay bulong ng,


"I love you James ikaw lang at wala ng iba."


Bumulong din ako sa kanya at sinabing,


"I love you too Spencer, ikaw lang din at wala ng iba."


Pagkatapos ng madramang confess na iyon ay lumabas na kami ng kwarto at bumaba na. Sinabi ko kay Mama na boyfriend ko na si Spencer at agad namang tinanggap ni Mama si Spencer.


Author's Note: Hello guys! this is it'!! sorry kung may makita kayong typo dahil sa mobile lang ako nagupdate. btw, anong say nyo sa pagconfess nilang dalawa? hehehhe sobrang aga noh! chos bye!! muah abangan ang mga susunod na chapter na siguradong magpapanganga sayo. Lol!! hahahaha. 


Follow me on twitter: edrianxkathniel

PS: ang ganda ng psy! kaabang-abang hahahaha wala lang. manood kayo non ha! sige na bye na. muah

Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 834 24
This is a Spin-off Story of THE CAMPUS HEARTTHROB'S SUITOR BOOK 1 featuring the SINGTOKRIST Couple as the protagonist. ➖➖ Paano kaya kung mortal na m...
140K 5.6K 30
"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na ya...
109K 2.5K 20
Championship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue...
44.1K 2.2K 105
Nagbago ang mga buhay nina Theo, Tyler, Jenna, Catalina, Ian at Jake dahil sa Labing dalawang oroskopyo. Misyon nilang pigilan ang diyos ng pagkawas...