[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #1

1.1K 20 5
By lettersfromdee

Revenge #1: Secret Affair.

“Wait, are you sure? Baka mamaya kamukha lang niya yun o kaya baka hindi naman talaga siya yun? Na naghahallucinate ka lang at nakikita mo si Miguel sa lahat ng lalaking nakikita mo?”

“Ano ba yan, Snow?! Parang pang limang beses mo na yang naitanong ngayong araw. Move-on na, it’s been a week!” Galit na utas sa akin ni Faye. Marahil naririndi siya dahil panay ang tanong ko kay Rain. Hindi lang talaga ako makaget-over eh. Hindi lang talaga ako makapaniwala na last week, matapos naming pag-usapan si Miguel Patrick Robles ay nakasalubong ko pa siya.

“Okay girls. I have to go. Ingat!” Wika ni Rain sa kabilang linya. Nagkaniya-kaniya rin kaming paalam. Nag-conference call kasi kaming apat. Ito yung pwedeng marami ang kausap mo sa cellphone.

Ibinaba ko na ang linya at saka humarap kay Kuya Ver. “Kuya, yung pinapa-imbestigahan ko sayo ha. I need it immediately.”

Tumango naman siya sa akin. Ipinarada niya ang kotse sa tapat ng gate ng eskwelahan ko. Bumaba na ako at pumasok.

Ford University is an exclusive school for elites. Mahal kasi ang tuition dito kaya ang karamihan sa mga nag-aaral ay may kaya sa buhay. Pero may tinatawag din kaming scholars. Nagtatrabaho sila at the same time nag-aaral.

“Hi Snow!” Sinalubong agad ako ni Jewel Trinidad pagkapasok ko ng room. Humalik pa siya sa magkabilang pisngi ko.

“Uh hi?” Alanganing tugon ko. Sa totoo lang, naiirita talaga ako sa kaniya. Sobra siyang papansin at palagi siyang nakadikit sa akin. Tatlong linggo na ang nakalilipas buhat ng unang araw ng pagiging kolehiyala ko pero ayaw niya pa rin akong tigilan. Ayoko kasi sa mga tulad niya na masyadong feeling close.

Mabuti na lang naka-alphabetical arrangement ang seat plan ng halos lahat ng klase namin kaya naman hindi niya ako nagawang tabihan. Vasquez ang apelyido ko at Trinidad naman siya. Buti nga at may naka-upo sa pagitan namin na Uy ang apelyido.

Sobrang boring ng mga klase ko kaya hindi ko na pinasukan yung iba. Tumambay na lang ako sa library mag-isa at tinawagan si Kuya Ver para sa updates.

Nalaman kong si Miguel Patrick Robles ay anak ng may-ari ng sikat na mall dito sa bansa. It was Millicent Malls. May dalawa rin siyang kapatid na babae at pangalawa siya. He is an engineering student luckily in my school. He is a member of our school’s Photography Club and the soccer team. Isa rin sa napag-alaman kong si Jana Constantino pala ay sa school ko rin nag-aaral. Ang kurso niya ay Business Administration katulad ko. Agad kong hinanap ang block section ni Jana at nagulat ako dahil kaklase ko pala siya. Pero bakit hindi ko siya nakikita? O baka naman di ko lang siya napapansin? Nagdesisyon akong bumalik sa room namin upang pasukan ang panghuling klase ko.

Mabuti na lang at wala pa ang professor namin nang dumating ako.

“Snow! Saan ka ba nanggaling? Bakit di ka pumasok? Okay ka lang ba?” Narindi na naman ako nang sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Jewel. Para bang unang beses kong mag-cut ng klase sa asta niya. She never fails to irritate me. Tatalikuran ko na sana siya kaya nga lang, may naisip ako bigla.

Ipinaskil ko ang pinakamaganda kong ngiti. “Hi Jewel! May emergency lang kasi sa bahay. Pwedeng magtanong?” Agad kong hinila ang braso niya at lumabas kami ng classroom.

“Ah sure! Ano yon?” Nakangiti na naman niyang sabi.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko at hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kaniya. “Kilala mo ba si Jana Constantino?”

“Oo bakit?” Nagtatakang sagot niya sa akin.

“Wala naman. Gusto ko lang siya makilala. Pamilyar kasi ang pangalan niya, baka kako kakilala ko.”

Tumango naman siya sa sagot ko. Ang dali namang utuin ng isang to. Tara sa loob! Pakilala kita sa kaniya. Close kami nun.” Nakangisi pa niyang sabi bago ako hinila papasok ng classroom. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ni Jewel na close sila ni Jana. Paano ko siya paniniwalaan kung lahat na lang ata ng nasa paligid niya eh ‘close’ kuno niya.

Lumapit kami sa mga kumpol ng mga estudyante sa bandang likurang parte ng classroom. Agad na naagaw namin ang atensiyon nila. Tumaas ang kilay ng mga babae at napangisi naman ang mga lalaki.

“Girls and guys si Snow pala. Kilala niyo naman siya di ba?” Sabi pa ni Jewel. Tinignan ko sila isa-isa, sa totoo lang pamilyar ang mukha nila pero hindi ang pangalan.

“Hi! I’m Fred.” Inilahad ni Fred ang kamay niya kaya hindi na ako nag-atubiling tanggihan iyon. Kaso sa loob-loob ko, naiirita na ako. Ang sinabi ko kay Jewel, ipakilala ako kay Jana. Hindi sa buong barkada niya.

Halos lahat ng lalaki ay nagpakilala sa akin isa-isa. Yung mga babae lang talaga ang hindi. Wala silang ginawa kundi titigan ako at pagtaasan ng kilay. Wala naman akong pakialam.

“Ah Snow. Ito pala sina Ana, Kate at Jana.” Napako ang tingin ko sa huling tinuro ni Jewel. Maputi siya, medyo mukhang namumutla nga lang. Mahaba ang brown niyang buhok na halatang kinulot sa dulo.

Sa kanilang tatlo, si Jana lang ang ngumiti sa akin ng bahagya. Pero halatang peke ito. Ngumiti na lang din ako pabalik at laking tuwa ko nang dumating na ang professor namin.

Buong klase kong pinagmasdan ang bawat kilos at galaw ni Jana na nakaupo sa bandang harapan. Hindi siya nakikinig sa itinuro ng prof so as me. Panay ang kwentuhan nila ng katabi niya at panay din ang mahinang hagikhikan. Natatawa na nga lang ako dahil panay din ang irap ng katabi niya sa may gawing kaliwa na mukhang naiingayan na sa kanila.

May ibinulong sa kaniya ang kausap niya which is Kate, at may itinuro ito. Sinundan ko ang siyang itinuro ni Kate at nakita kong si Josh iyon. Isa siya sa mga nagpakilala sa akin kanina noong ipinakilala ako ni Jewel sa barkada nila. Kumindat si Josh at nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Jana. Did she just blush?

Pagkarinig ko agad ng mga salitang dismiss ay agad kong nilapitan si Jewel. “Jewel! Sabay na ko sa inyo palabas? Pwede?”

Bakas sa mukha ni Jewel ang pagkabigla. Maybe because this is the first time I ask her if I could join them. Palagi kasi akong nauuna pag-uwian dahil nga iniiwasan ko siya pero hindi na ngayon. Ngayong nalaman kong kaibigan niya pala si Jana. If Jewel and I became close friends then I guess I can be friends with Jana too. In that way, malalaman ko ang feelings niya towards Miguel.

“Pwedeng pwede Snow.” Ngumiti si Jewel sa akin at saka iniligpit niya ang kaniyang gamit. Pinagmasdan ko ulit si Jana habang hinihintay si Jewel. Lumapit sa kaniya si Josh at kinuha nito ang librong dala-dala ni Jana. Hmm, I smell something fishy between the two.

Nagtaasan na naman ang kilay nina Kate at Ana ng makita akong kasama ni Jewel na naglalakad palapit sa kanila. But Jana didn’t mind, she was busy giggling with Josh.

Tinabihan agad ako ni Fred. “Hi Snow! Buti naman at sumabay ka sa amin. Akala ko talaga isnabera ka eh. Hindi ka kasi namamansin dati. Crush pa naman kita.” He winked at me. Biglang tumaas ang kilay ko. Nako kuya, hindi mo ako madadala sa pakindat-kindat na yan!

Nginitian ko na lang siya. “Sorry ha. Hindi lang talaga ako friendly.”

“Ay shy type ka pala? Hindi halata!” Biglang sabat ni Kate. Uminit agad ang ulo ko. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang barkada nila to get close to Jana baka kanina ko pa siya tinarayan.

“Hindi ba halata?” I asked smirking. Inirapan niya lang ako. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya. Nasa labas na kami ng building ng college namin ng may nakita kaming kumpulan ng mga babae. Nakalabas ang mga gadgets nila at panay ang kuha nila ng litrato.

“Sino kaya yung pinagkakaguluhan ng mga babaeng yan?” Tanong ni Fred. Hindi namin gaanong makita kung sino ba yun dahil masyado siyang natatakpan ng mga babae. Baka artista? Hindi naman nakapagtataka na may nag-aaral na artista sa Ford dahil nga ang eskwelahang ito ay para sa mga elites.

“Sino pa ba? Eh di si Migs. Siya lang naman ang dahilan kapag may ganiyang commotion sa tapat ng building natin eh.” Sagot ng isa pa nilang kaibigan na lalaki. Sad to say, hindi ko natandaan ang pangalan niya.

Bahagyang nagsi-alisan ang ilan sa mga babae kaya medyo naaaninag ko na ang pinagkakaguluhan nila. Nakasandal siya sa kotse niya. He was smiling with his eyes closed.

“Hey Migs!” Biglang sigaw ni Jana na naging dahilan kung bakit tuluyang nagsi-alisan ang mga babae. Napamulat bigla yung Migs at agad na nagtama ang mga pangin namin. Pamilyar ang singkit niyang mata pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ba iyon nakita.

“Hi J!” Sabi niya ng makita si Jana. Nakipagbeso siya rito. Nakipagbeso rin sina Jewel sa kaniya, nakipag-high five naman ang mga lalaki. Kinuha niya ang mga libro ni Jana ng makita niyang hawak ito ni Josh. Pagkatapos ay napatingin siya sa akin. Napatingin tuloy silang lahat sa akin.

“Oh Migs this is Snow, Jewel’s friend.” Pagpapakilala sa akin ni Jana. Itataas ko na sana ang kilay ko pero agad ko namang napigilan iyon. So si Jewel lang pala ang kaibigan ko? Nginitian naman ako ng lalaki at saka inilahad ang kamay niya.

“Miguel Patrick Robles. You can call me Migs.” Nanlaki bigla ang mata ko bago ko iniabot ang kamay ko. OMG! I knew it! Kaya siya pamilyar sa akin. And what the hell I am formally introduced to The Miguel Patrick Robles.

“Snow Agatha Vasquez.”

“You seemed surprise. Kilala mo ba ako?”

“I think I saw you before.” Iyon na lang ang nasabi ko saka ngumiti. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Oh yes I knew you! Sino ba namang makakalimot sa mukha nang lalaking nanloko sa pinsan ko?'

Inilagay niya ang isang kamay niya sa ilalalim ng kaniyang baba. Waring nag-iisip. Tumingin siya bigla sa akin at napangiti. “I know you! Ikaw yung nakabangga ko sa labas ng coffee shop diyan sa labas!” Sabi pa niya.

“Yeah. You’re the one who spilled coffee on my shirt.” Bigla akong sumimangot. Isa pa naman sa mga paborito kong t-shirt ang suot ko noong araw na yun pero tinapunan niya lang ng kape. Tss.

“Sorry if I was too clumsy that time. Pasensiya ka na, gusto mo bang palitan ko yung t-shirt mo?”

“No thanks.” Sagot ko naman. Binalingan ko si Jewel sa gilid ko. “I have to go, Jewel. See you tomorrow!” Sabi ko naman at nakipagbeso pa ako sa kaniya. Kay Jewel lang ako nagpaalaam. Talagang pinanindigan ko ang sinabi ni Jana na ‘This is Snow, Jewel’s friend.’

Agad akong nagtungo sa kotse kong nakaparada malapit lang sa building ko. Doon palagi nagpapark si Kuya Ver para sunduin ako. Pwedeng pumasok ang mga sasakyan sa school pero madalas pag-umaga hanggang gate lang ako nagpapahatid. Trip ko lang maglakad papasok.

“Kuya. Sundan mo yang dilaw na BMW.” Agad na utos ko pagkapasok ko ng kotse. Nakita ko kasing pumasok si Jana sa kotse ni Migs. Saka ko lang narealize na nililigawan nga pala ni Migs si Jana. How could I forget such an important thing?

Sinigurado kong sapat ang distansiya namin sa kanila para hindi nila kami mapansing sinusundan namin sila. Ipinarada ni Migs ang kotse niya sa tapat ng isang Chinese restaurant na 20 minutes drive mula sa school. Bumaba silang dalawa at agad na pumasok ng nasabing restaurant. Nababalot ang buong lugar ng salamin kaya nagdesisyon na lang akong huwag bumaba at ipina-parada ko na lang kay Kuya ang kotse sa mismong tapat ng restaurant. Kitang-kita ko naman sila dahil sa may malapit sa pinto sila pumwesto kaya hindi ko na sila kailangang sundan pa sa loob. I told him to buy me some foods para naman hindi halata na tambay lang ang kotse namin sa labas ng resto.

I saw them both laughing at some jokes Migs threw. Panay din ang asikaso ni Migs nang dumating ang pagkain nila ni Jana. He seemed so happy. Pero hindi ko nakikita ang mga iyon kay Jana. Yeah, she’s laughing. Pero ang tawa at ngiti na yun ay hindi umabot sa mga mata niya. Hindi tulad nang kay Migs.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan sila ng maraming larawan. This is my first time to stalk someone and it really creeps me. Kaya nga lang kailangan ko itong gawin. Iisipin ko na lang na ang lahat ng ‘to ay para kay Rain. Inutusan ko si Ver na umalis na dahil nakita kong tumayo na yung dalawa. Ipinarada ni Kuya Ver ang kotse sa bakeshop na tapat nito. Nang nakasakay na sila Migs sa kotse at akmang aalis na rin ito, kunwari ring paalis na kami mula sa bakeshop. Sinundan namin ulit sila hanggang sa makarating kami sa isang exclusive village. Huminto ang sasakyan ni Migs sa tapat ng isang pink na bahay at saka bumaba si Jana. Pinanuod niyang umalis ang kotse ni Miguel. Nagdesisyon akong sundan si Miguel dahil siya naman talaga ang main target ko kaya nga lang habang nilalagpasan namin ang bahay nina Jana ay nakita kong may isang lalaking lumapit sa kaniya.

“Stop the car, Kuya!” Sabi ko agad kaya biglang nagpreno siya. “Bumaba ka ng kotse at i-check mo ang front. Kunwari nasiraan tayo!” Utos ko.

Sobrang nanlaki ang mga mata ko habang pinapanuod ang eksena sa tapat ng bahay nina Jana. Dalawang bahay lang ang layo ko sa kanila at kitang-kita ko talaga siya. The guy hugged her and then pulled her for a kiss. Akala ko, itutulak niya ang lalaki pero hindi niya iyon ginawa. Sa halip, ipinulupot pa niya ang dalawang braso niya sa leeg ng lalaki.

Paano kung bumalik si Migs? Paano kung makita sila nito?

Nalalaglag ang panga ko ng biglang naghiwalay na silang dalawa at tumama ang ilaw mula sa bahay nina Jana sa mukha ng lalaking kahalikan niya.

It was none other than, of course Josh Ramirez.

Continue Reading

You'll Also Like

16.1K 492 42
Ekaanta Amora Flores, Ang babaeng tahimik at parang hindi nage-exist sa school. Walang mga kaibigan. A girl who loves being alone, she doesn't care i...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
556K 13.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...