[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

The Beginning of Revenge

3.2K 31 4
By lettersfromdee

A/N: Formerly known as The Sweetest Revenge pero pinalitan ko ung title =) Enjoy!

The Beginning of Revenge

Sa milyon-milyong taong nakatira sa Pilipinas, hindi ko alam kung bakit ang pinakaclose ko pang pinsan ang napiling pagtripan ni Miguel Patrick Robles. Ayon sa aking source, gwapo daw siya. But that is not an excuse for him to treat my cousin as a freaking barbie doll. Yung tipong nagpustahan pa sila ng barkada niya kung gaano ba kabilis mapapasagot ng walang hiyang Miguel na yun ang pinsan ko. Oo gwapo siya pero hindi lisensiya ang pagiging gwapo sa panloloko ng isang babae. It is not even a requirement.

“Alam mo Rain, hindi ka naman lolokohin niyan kung hindi ka rin nagpaloko eh.” Halos ipukpok ko na ang hawak kong tasa ng kape sa kaharap ko. It was my cousin Celyn Rain Espirito.

“Aba malay ko bang pinagpustahan niya lang ako. I really thought that h-he l-loves m-me. F-for r-real.” Humahagulgol pa na sagot niya. Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang coffee shop ngayon. Nakapalibot kaming magpipinsan kay Rain. Halos pagtinginan na nga kami ng ibang customer dahil kay Rain na umiiyak. Nakaka-isang roll na rin siya ng tissue at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagngawa.

“Minsan kasi uso magpakipot neng.”  Naasar naman na sabi ni Faye. Her face really shows that what Rain did, didn’t amused her. Sino ba naman kasi ang matutuwa? Sa aming magpipinsan, si Rain ang pinakaprinsesa. Siya yung parang pinakapaborito ng lolo at lola namin dahil nag-iisa lang siyang anak. Namatay pa ang tatay niya kaya kaniya palagi ang ‘spotlight.’ We’re really jealous of her. Pakiramdam ko nga noon, mas mahal pa siya ng mga magulang ko kaysa sa akin. Tapos iyong prinsesa ng angkan namin ay ituturing lang na laruan ng isang lalaki? Aba, hindi ata pwede yun!

“Paano naman kase, uto-uto ka naman. Di mo alam na pinagpupustahan ka na pala. Kung hindi mo pa nahuli sa text, di ka pa titigil. Minsan kase wag tanga ha?” Sabay pitik ko pa sa noo niya.

“Hindi naman ako tanga, nagmamahal lang.” Sagot naman ni Rain na bakas sa tonong ipinagmamalaki pa niya ito.

Tama pala sila no? Karamihan ng nagmamahal nagiging tanga. Nasobrahan nga lang yata itong pinsan ko. Love shits and such.

“Mahal, mahal! Sus, mahal ba iyong ipinagpalit ka sa limang libo. Kung ganiyan na ang pagmamahal ngayon, pagtatiyagaan ko na lang na mahalin ang sarili ko.” Singhal naman ni Faye pabalik.

“Wag mo na lang ipaalala please.”

“Ipapaalala ko sayo araw-araw ng magtanda ka.” Pagalit na sagot ulit sa kaniya ni Faye.

Ibinaba naman ni Den ang hawak niyang libro at saka tinignan ng mataman si Rain. “Learn from your mistakes, Rain.”

Sa aming magpipinsan, si Denisse ang pinakatahimik kaya pag nagsalita siya, pinakikinggan talaga namin. Napayuko tuloy si Rain ng marinig ang mga katagang iyon mula kay Den.

“Anyway pano mo nalamang pinagpustahan ka pala?” Pag-iiba naman ni Faye ng topic.

"Kinausap ko siya after class. Tinanong ko kung totoo, inamin naman niya tas sabi niya kung gusto ko ililibre na lang daw niya ako ng lunch. Pambawi!" Pagkwento ni Rain. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig ko. Wow, may gana pang manlibre yung hayop na yun.

“Did he say sorry?” Tanong ni Den.

Lumungkot naman ang mukha ni Rain. “Hindi.”

“Ay hayop!”

“Watch your words, Snow!” Saway sa akin ni Denisse kaya napatingin ako ng masama sa kaniya.

“Anong masama sa hayop, Den? Animal ang english nun! There’s nothing wrong.”

"Sabi pa niya, bakit daw siya magsosorry eh hindi naman niya kasalanan na nung nagsign sila kung sino ang unang babaeng makikita nila na nakapula, ayun. Ayun yung pagpupustahan nila." Rain continued, dismissing us.

“At hindi mo rin kasalanang nakapula ka.” Dagdag pa ni Faye.

“Taga san ba yung Miguel na yun, Rain?”

“Sa school mo siya nag-aaral, Snow. Engineering.” Sagot niya sa tanong ko.

“Sa school ko? At paano ka naman napadpad sa school ko? Sa pagkakaalam ko Rain Celyn Espirito, sa Loyola Heights ka nag-aaral at sa Ford University naman ako. Paano ka napagtripan nung Miguel na yun ha?” Utas ko pa. Bakas sa tono ko ang pagkayamot.

“Eh kasi a-ano..” Lalo kong sinamaan ang tingin ko sa kaniya. "Okay. I invaded your school. Wala lang trip-trip. Then I met him.”

“You invaded our school without informing me?” Galit kong tanong sa kaniya, nagpeace sign lang siya pabalik. I saw guilt in her eyes.

“Enough girls. Hindi naman yun big deal. Besides, tapos na yun.” Saway sa amin ni Faye. Ininom ko na lang ang kape ko saka sinamaan na naman ng tingin si Rain.

“So what now?” Tanong ulit ni Den habang nakatingin kay Rain.

“Eh di magmomove-on ako, simple as that.” Nakangising  sagot naman ni Rain. Kumislap pa ang mga mata nito na para bang ang ganda-ganda ng ideyang naisip niya. Ngayon ko lang din napagtantong kanina pa siya tumigil sa pag-iyak. Ngunit katulad ng palaging nangyayari, hindi ako pumayag sa sinabi niya.

Alam ko, ako na naman ang kontrabida.

Napahinga ako ng malalim. “Hindi naman ganun kadali yun Rain. He treated you as a freaking Barbie doll then left you just like that? Ano ka laruan? Na pagnakahanap na siya ng bago ay iiwanan ka na? It’s not that simple, Rain.” Umiiling-iling pa na sabi ko. Totoo naman, hindi naman dapat ganun-ganun na lang.

“So what’s your point, Snow?” Faye asked me with a questioning look. Napatigil din si Denisse sa muling pagbabasa sa hawak niyang libro.

“My point is you can’t just let that damn guy play a trick on you. Hindi tama ang ginawa niya at lahat ng mali ay dapat itinatama. Show that damn guy you are not a stupid barbie doll.” Inis na sabi ko. Naiirita talaga ako.

“So? Anong eksaktong dapat kong gawin Snow?”

“Revenge.” Simple kong sagot.

“No!” Napatingin kaming lahat sa sigaw ni Den. “It’s not right Snow and please, stop cursing.”

“I don’t care kung tama man o mali yun Denisse!! Bakit? Naisip ba nila na mali ang pagtripan si Rain? Hindi di ba?”

Umiling siya. “It’s still a no, Snow.” Mariing sabi niya. Nakatingin lang sa amin sina Rain at Faye. Maybe they don’t know what to say.

“I don’t need your damn permission, Den.” Sinamaan ko siya ng tingin saka direstong ininom ang kape ko. Naasar na ako. Hindi ba nila naitindihan ang gusto kong sabihin? Hindi tama na pagtripan lang si Rain ng ganun-ganun lang kaya dapat tinuturuan ng leksiyon iyong mga yun!!

“I’m in! What’s the plan?” Nakangising baling sa akin ni Faye. Sa aming lahat, siya ang pinaka-kasundo ko. Maybe because we’re alike. Pasaway din siya tulad ko. Hindi ako iyong tipong obedient daughter katulad ni Rain kaya sa lahat ng kalokohan, suportado ako ni Faye.

“Well, I’ll figure it out. All I can think right now is to ruin that guy!”

“It doesn’t seem right Snow.” Nag-init na naman ang ulo ko sa angal ni Denisse. Si Rain naman, tahimik lang. Marahil nag-iisip siya kung tama ba o hindi ang suhestiyon ko.

“Kung ayaw mo Den you can stay out of the plan.”

“A-ah sure.” Nag-aalangan namang sagot niya.

“So Rain ano? Can you do it?” Baling ni Faye sa tahimik pa ring si Rain.

Yumuko siya bigla. “I can’t.”

“What? Bakit? Ang hina mo naman Rain! Ito na yung chance, papalagpasin mo na lang ba?” May bahid na ng iritasyon sa boses ko.

“I can’t really do it, Snow. Hindi ko iyon forte, hindi ako magaling magpanggap. I don’t know how to act kaya nga engineering ang course na kinuha ko di ba? But you can do it!” Suhestiyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ako? Ako ang gagawa nun? Pero di naman ako yung niloko ah. Tsaka mas masarap maghiganti sa taong nanakit sayo at hindi naman ako sinaktan nung Miguel na yun. Baka maguilty lang ako pag nagkataon dahil unang-una, hindi naman ako yung pinagtripan niya.

Tumango-tango si Faye“I agree. Tsaka isa pa, pareho kayo ng university na pinapasukan. Mas malaki ang chance na magkrus ang landas niyo.” Nakangisi pang sabi niya.

“I have a plan girls. Sabi nila may nililigawan daw yung si Miguel sa school niyo Snow. I think the girl’s name is Jana Constantino. Since high school pa daw niya iyon nililigawan and he’s really serious with her.” May lungkot sa matang pagkwento ni Rain. Maybe he really falls in love with that asshole.

“Bakit hindi mo kaya subukang siraan si Miguel with that Jana girl?” Suhestiyon ni Faye.

“Pwede. Or maybe irereto ko na lang yung Jana na iyon sa mas gwapo pa kesa doon sa Miguel! Sigurado akong may dahilan kung bakit di pa niya yun sinasagot. If she really likes him, maybe she already said yes way back their high school days right?” Pakiramdam ko nangniningning ang dalawa kong mata sa naisip kong ideya. Tama naman ako hindi ba? Kung gusto talaga nung Jana si Miguel, sasagutin niya agad yun. If she really likes him, why prolong the courting stage?

“Pero ang unang hakbang ay ang paghanap ng butas sa Miguel Patrick Robles na yan. I’ll just tell Kuya Ver to stalk him, investigate him or whatever it is.” Sabi ko pa. Panigurado naman na malalaman ni niya ang lahat ng loopholes sa pagkatao ng Miguel na yun. Magaling ata ang bodyguard ko.

“So Snow?” Nanghahamong tanong sa akin ni Faye.

“Okay fine. I’ll do it.” Hinampas ko ang lamesa saka tumayo. Kinuha ko ang body bag ko. Tinitigan naman ako ng tatlo. “Let’s go home! Kanina pa ako tinitext ni Lola.”

Sumunod naman sila sa akin. Agad na inubos nila ang kanilang mga inumin at itinigil na rin ni Denisse ang pagbabasa.

Nasa pintuan na ako noong nilingon ko sila. “Ano ba yan? Ang bagal niyo ha!” Paasik na sigaw ko. Binuksan ko ang body bag ko para hanapin ang susi ng kotse ni Faye. Iyon kasi ang dala namin at hindi kami naihatid ng bodyguard slash driver kong si Kuya Ver dahil day-off niya kaya napilitan si Faye na ipagdrive kami. Siya kasi ang pinakamaswerte sa amin dahil binigyan siya ni Tito ng sariling kotse noong tumuntong na siya sa legal na edad.

“Shit asan ba yun?” Halos maibaliktad ko na ang laman ng body bag ko pero wala pa rin akong nakikitang susi. Diretso lang ako sa paglalakad nang biglang may bumangga sa akin. Nabitawan ko ang hawak kong bag at may naramdaman akong malamig at malagkit na likidong dumapo sa kamay at damit ko.

Galit kong tinignan ang nakabunggo sa akin. “What the hell? Bulag ka ba?” Napanga-nga ako ng matitigan ang mukha niya.

“Woah miss! Easy lang.” Kalmadong sabi sa akin ng isang lalaki. Mas matangkad siya sa akin kaya mukhang dehado ako.

“Anong easy? Nakikita mo ba tong t-shirt ko? Sa isang mamahaling boutique ko pa ito binili tapos bubuhusan mo lang ng kape? Wow ha!” Sana naman nahalata niya ang sarkasmo sa mga salitang binitawan ko.

“Naaah, I’ll just pay you for damaging your shirt. Or if you want, you can go with me in the nearest hotel at ipapalaundry natin yan.” He winked at me. What the fudge? Hindi porket matangkad siya, maputi, chinito at gwapo madadala niya na lang ako ng isang kindat.

“No thanks. I can afford to buy another. Sana naman sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo okay? Sana lang din hindi na magkrus ang landas natin.” Tinaasan ko pa siya ng kilay saka nagmartsa patungong parking lot. The nerve of that guy! Lumingon ako ulit at nakita kong pumasok siya sa coffee shop na pinanggalingan ko. Napansin ko ring nasa likod ko lang pala ang tatlo kong bruhang pinsan na hindi man lang ako pinagtanggol. Nakanga-nga lang silang lahat. Lalo na si Rain, halos sumayad na ang panga niya sa lupa.

“Oh ano? Tutunga-nga na lang kayo. Leche Faye, asan ba yung susi?”

“Ahhh here?” Inabot niya sa akin ang susi ng Porsche niya. Pinahirapan pa ako sa paghahanap gayong nasa kaniya naman pala? Asar.

“What the hell Rain? Will you close your mouth?” Napatalon si Rain sa sigaw ko. Nanlalaki ang mata niyang tinignan ako. Parang hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ako. Basta, mukhang gulat siya na hindi mapakali.

“What’s wrong Rain?” Tanong naman ni Den na mukhang nakarecover na rin sa pagkatulala.

“OH MY GOSH SNOW! Oh my gosh!” Hysterical na sabi pa niya. Niyugyog pa niya ang dalawa kong balikat.

“Ano ba Rain? Nakakairita ka na ha!”

“Oh my gosh Snow!! That was..” Pinaypayan pa niya ang sarili niya. Siguro kinakalma lahat ng nerves niya. “..that was Miguel Patrick Robles!! Oh my gosh!”

Nabitawan ko ang hawak kong susi. What the hell!

Continue Reading

You'll Also Like

141K 11.3K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...