Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 8*

1.7K 31 6
By ohpurplerain

Chapter 8 ~ 

 

Jelynne's POV 

"Bitawan mo na nga ako!" sigaw ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Pinipilit kong makawala pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Ang lokong ito! Sa oras na makawala ako sa kanya, mananagot siya sa akin!

"Yan nandito na tayo. "  nakangiti nyang sabi sa akin nang huminto kami.

Bumitaw na ako sa pagkakahawak nya sa akin at balak na sanang pagalitan sya at bugbugin ng biglang nang mapatingin ako sa unahan ko, "QUANTUM?" 

"Para mabawasan ang pagka-badtrip mo." nakangiti pa rin niyang sabi sa akin. "Libre ko kaya wag kang mag-alala!"

Kinuha ko agad ang biniling token ni Renzo at agad na pumunta sa UFO catcher. Ngayon na lang ulit kasi ako nakapunta dito sa quantum. Naging busy kasi ako lately dahil sa research paper namin.

Hindi naman ako mahilig maggawi dito. Pero dahil kay Kaysha ay bumabalik-balik kami rito pag may time kami. Hindi ako titigil hangga't hindi nakukuha si Fluffy!

Renzo's POV

Nang makuha niya mula sa cashier ang token na binili KO ay agad itong tumakbo at hindi man lang nagpapasalamat sa akin. Nakakainis pero napangiti na lang din ako sa inasal na yun ni Jelynne, para siyang bata. Parang ngayon na lang uli siya makakapaglaro dito. Sabik na sabik eh! Haha!

Hinayaan ko na lang siya at naglaro na lang mag-isa. This is one of my simplest way to forget all the pain. Sana pala ay hinayaan ko na lang na mawala ang feelings ko sa kanya. Ang hirap! Kung kailan unti-unti na kaming nagiging malapit ay saka ko naman malalaman ang katotohanan. Hmm. Okay na rin siguro. Mas maaga, mas mabuti.

Nang matapos ako sa aking paglalaro ay saka ko naisipang hanapin si Jelynne. Nasaan na ba ang babaeng iyon? Parang nakalimutan na din na magkasama kami.

At nakita ko rin siya! Naglalaro sa UFO catcher!

 

( UFO catcher -- tinatawag din tong claw crane. O kaya teddy picker o toy catcher. Yung icocontrol mo lang yung claw gamit yung joy stick tas yun itatapat mo lang yung claw sa trip mong toy. Basta yun na yun. :D )  --- Trivia po 'yan mula kay Kuya Renzo. Hahahaha.

"Nandito ka lang pala e at yan palang UFO catcher ang trip mo. Hahaha. "  Pang aasar ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako napansin.

SNOB?

Hindi ko na sya kinulit pa kasi alam kong hindi na rin naman nya ako papansinin. Pinanood ko na lang sya habang naglalaro. 

"Sige, dito sa kaliwa. Atras ng kaunti. Wait, lumabis. Abante uli. Okay!"

Pinigilan ko ang sarili ko sa pagtawa. Hindi ko akalain na seseryosohin niya ang bagay na ito. Hahaha! Kitang kita ko ang excitement sa mukha niya pero nawala ito nang biglang bumagsak ang stuff toy.

Hinampas niya ang button at tumalikod na. Nagulat siya nang makita ako. Nginitian ko lang siya pero mukhang hindi niya 'yon nagustuhan.

"Anong nginingiti mo dyan? Tara na!" taas kilay niyang sabi sa akin.

"Hindi mo man lang ba ako palalaruin?"

Jelynne's POV

Wala na akong nagawa kung hindi ang intayin siya. Kahit yun man lang daw ay magawa ko pagkatapos daw niya akong ilibre! Hindi ko naman alam na kailangan ko pa palang itanaw yun ng utang na loob! FYI, I never asked for that. Siya naman itong nag-offer!

Imbis na makatulong ay mas lalo pang nadagdagan ang pagkabad-vibes ko. Maubos ba naman ang 50 tokens ko na hindi man lang nakukuha si Fluffy. Oo, si Fluffy! Si Fluffy yung purple bear na matagal ko nang tinatarget.

Pinanood ko lang siya at napansin ko na ang tinatarget din niya ay ang Fluffy ko. Pipigilan ko na sana siya pero nakuha na niya ito. Ang bilis! Bakit napaka-easy non sa kanya?

Wala na si Fluffy!

"Nakita mo ba kung gaano ako kagaling?"  pagmamayabang nya sa akin.

I just throw him a sarcastic smile. Hindi ko akalain na uunahan niya akong makuha si Fluffy. Nakakainis! This is the worst day of my life! Ang daming kamalasang nangyari ngayon!

"Bakit?"  nangingiti niyang tanong sa akin.

Grabe, at tinanong talaga nya kung bakit ha. Clueless ba talaga sya? Halata namang sinadya nya ang lahat. Alam nyang gustung gusto ko yung purple bear tapos kukunin nya. Napakadaya! 

Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka lang!"  dedma pa rin ako. 

Hinabol niya ako at agad na pumunta sa harap ko.

"Alam kong gusto mo 'to!" at iniharap niya sa akin si Fluffy! I knew it! Sinadya niya lahat.

"Iyo na! Saksak mo sa baga mo!"  at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Narinig ko naman ang nakakaloko niyang halakhak mula sa likod ko. Napapikit na lang ako sa sobrang inis!

 "Para kang bata! Ha-ha!" hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. "Hindi ko naman ito kailangan eh, para sa'yo naman talaga ito."

Napalingon ako sa sinabi niya. "Ano sa tingin mo, aagawin ko 'to sa'yo?" natatawa niyang sabi sa akin. Lumapit siya at inabot ito. Hindi na ako nagdalawang isip pa na kunin 'yon!

Agad kong niyakap si Fluffy at hindi napigilan ang sarili sa pagngiti. Napatigil lang ako nang makita si Renzo na natatawa. Alam kong pinagtatawanan niya ako dahil para akong bata! Nakakainis talaga ito.

"Tumataas na naman yang kilay mo!" sabi niya sa akin. "Pagkatapos kong ibigay sa'yo yang stuff toy!"

Eto na naman po siya, nambabaoy! Itatanaw ko na naman ba 'to ng utang na loob? Mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Ibaba mo lang yang kilay mo, quits na tayo!"Kusang loob namang bumaba ang mga kilay ko sa sinabi niya.

" .. at saka isang kiss!"  dugtong niya.

"Kiss? Sige, lapit ka!"

Lumapit naman sya. Ba, ang feeling ha. So akala nya talaga nya hahalikan ko sya? Sige lang .. 

Lumapit pa sya sa akin. Sobrang lapit na para bang maglalapat na ang aming mga labi. Medyo napalunok ako sa kaba. Teka, hindi dapat 'to mangyari. 

Kinabahan ako lalo. Pumikit na lang ako  .. 

AT ..

Inapakan ko ng malakas yung paa nya. Hahahaha. Muntik na. Muntik na akong mahulog sa sarili kong patibong. Phew* Pinagpawisan ako don. 

Ako, nakahinga na ng malalim. Si Renzo naman, nagtatatalon na sa sobrang sakit. Hahaha. Napalakas ba yung pag apak ko? Hehe. 

"Bakit mo ako inapakan?"

"Naapakan ba kita ? Sorry ha."

"Napakasama mo talaga!" reklamo niya. Tinawanan ko lang siya at naglakad hanggang makarating sa food court.

*kriiing kriiing .. *  

Tinawagan ko si Kaysha at agad naman nya itong sinagot. 

"O-ohh Jel-ynne?" pautol-putol na sagot niya. Medyo choppy, ang ingay kasi masyado. Napaisip tuloy ako kung nasaan sila. 

"Nasa sinehan ka ba?" tanong ko.

"Yup. Nanonood kami ni Reign. "  Ay malamang, alangan namang mag-isa lang manood si Kaysha ng sine. Para namang timang yon.

"Mang-iiwan ka talaga Kaysha!"  sabi ko sa kanya!

Pero akala niya nagjojoke lang ako. "Ha-ha! You know, dumadamoves!" bulong pa niya. "Gusto niyo ba sumunod ni Renzo? " tanong niya.

If I know, she'll be glad if I would say No.

"Hindi na. Makaistorbo pa sa inyo!" I heard her laugh over the phone. "Enjoy na lang kayo dyan!"

" Enjoy talaga? Haha. Sige. Text kita later pagkatapos nito. "

* toooot *  I ended the call.

Akala niya nakikipagbiruan pa ako. Akala niya natutuwa pa ako sa mga nangyayari. Hindi niya ba na-gets yung enjoy na sinasabi ko? I am being sarcastic and she failed to notice it because she's too busy with Reign.

Okay naman sa akin na magkasama sila pero sana hindi na lang nya ako sinama rito kung gusto nya talaga ng quality time with Reign. Nakakapagtampo!

"Nanonood pala sila ni Insan?" tanong ni Renzo. Nakikita ko na naman ang pain sa mga mata niya. Tumango naman ako.

"Selos ka no?" pang-aasar ko.

Tumawa lang siya. Ibigsabihin, nagseselos nga siya!

Hindi ko na sana ito itatanong pa pero hindi ako makatiis. "Akala ko ba hindi ka matitinag sa kababata ni Kaysha?" nang-aasar kong tanong. This is the safest way to ask him this personal thing.

Natawa naman siya sa tanong ko. "Oo nga eh, masyado akong gwapo para kay Kaysha eh kaya ginive up ko na! Ha-ha" natatawa niyang sabi pero I know, deep inside it really hurts.

"Joke lang. Pero seryoso, if Reign wasn't my cousin things would be different. Tsaka talo na talaga, marami na silang pinagsamahan."

Tumango naman ako.

Ewan ko pero may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko kasi akalain na kaya niyang i-give up ang mahal niya dahil iyon ang tama. I never expected na mayroon pala siyang ganitong side.

"Sige tumawa ka na." pagkaraan ay sinabi niya. Bigla naman akong nagtaka. "Alam kong masaya ka na kasi hindi ko na makukuha ang bestfriend mo!" natatawa niyang sabi.

Bigla naman akong napalunok at nakaramdam ng guilt.

"Hindi nga siguro ako nararapat kay Kaysha. Maybe Kaysha and Reign were meant to be. Don't worry, Reign is really nice. Hindi niya sasaktan ang bestfriend mo."

 Ngumiti naman ako. Bakit parang ang bait-bait ni Renzo? Nagkamali ba talaga ako ng pagkakakilala sa kanya?

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
83.8K 2.3K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...