Mending Fina [COMPLETED]

By barbsgalicia

2.2M 56.6K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... More

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 4

54.8K 1.8K 100
By barbsgalicia

FINA

SAKTONG PAGKALABAS NI Fina ng cafeteria ay may biglang tumawag sa kanyang lalaki.

Nilingon niya agad ito. Si Pierre! Mabuti na lang at right timing ang pagsulpot ng kaibigan niya. Tumakbo agad siya papunta rito at nakisilong sa dala nitong payong.

"Tara, samahan mo 'ko." Hinila niya ito paalis.

Nagulat si Pierre, pero hindi na ito nagtanong, sumama na lang din ito sa kanya.

Nilingon niya sa likod si Jett. Napansin niyang titig na titig ito sa kanila ni Pierre. Binalewala niya na lang.

Dinala na niya si Pierre sa main library ng university. Pagkapasok nga nila, inasar agad siya nito. "Fina, kamusta naman ang eye bags natin?"

Tiningnan niya lang ito nang masama.

Napakamot tuloy ito sa ulo. "Grabe naman, galit kaagad. Bakit ba mainit ang ulo mo? Kanina ka pa hindi nagsasalita diyan. Nabigatan ka ba sa laki ng bag mo? Sabi ko kasi sa'yo ako na ang magdadala, ayaw mo naman. Siguro meron ka, 'no?"

"Tumigil ka nga. H'wag mong alamin kung meron ako o wala." Binilisan na niya ang paglalalakad papunta sa bakanteng mesa malapit sa shelf ng mga medical-surgical books.

"E bakit ganyan ka?" Tanong ulit nito. "Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit, ang sungit mo pa."

"Hindi ko naman kasalanan kung bakit ngayon lang tayo nagkita ulit. Busy ka kasi sa mga practice mo." Nilagay niya ang dala niyang gamit sa table at umupo sa silya.

Tinabihan siya ni Pierre. "Sige na, ako na may kasalanan. I-text mo kasi ako kapag gusto mo akong makita para tatakbo agad ako papunta sa building niyo."

Tiningnan niya ito sabay ngumiti. Ibang klase talaga bumanat 'tong si Captain.

Bigla naman siya nitong nginisian. "Kinilig ka?"

Napanguso siya. Ang yabang na naman.

Ganyan si Pierre. Babanat, tapos aasarin siya na kinikilig. Kung hindi lang ito six-footer baka kanina niya pa ito naitulak palabas ng library. Higante si Pierre, e. Kaya tumitingala pa siya minsan kapag kausap ito.

Hindi na niya pinatulan si Pierre. Nilabas niya na lang ang highlighter mula sa pencil case niya at sinumulang aralin ang dala niyang libro.

Baka sakali kasing makalimutan niya ang ginawa sa kanya ni Jett kanina kapag binaling niya ang atensiyon niya sa mas importanteng bagay.

Si Pierre naman, bigla na lang bumuntong-hininga sa tabi niya. "Ang seryoso mo naman. Nagbibiro lang, e. Sinama mo ako rito tapos hindi mo naman pala ako kakausapin. Alis na lang kaya ako?"

"H'wag. Dito ka lang, saglit lang naman ako. Wala ka na bang klase?

"Wala. Nag-cutting ako."

Tinignan niya ito nang masama.

Natawa naman ito. "'Yan na naman 'yang tingin mo. Biro lang. Wala na akong klase, kanina pang tanghali natapos."

"Ikaw Pierre, ha. Kapag ikaw talaga hindi naka-graduate on time, friendship over na tayo."

"Ang tindi naman ng parusa. Grabe ka talaga sa'kin."

"Joke lang." Ngumiti siya nang matamis. "Pero umayos ka talaga. Itigil mo 'yang cutting-cutting mo na 'yan."

"Oo na nga. Ang higpit mo sa'kin. Hindi naman ako babagsak kahit na mag-cutting ako. Ang dali-dali sa course ko. Hindi 'yon katulad ng Nursing na dapat araw-araw nag-aaral."

"Ang course ko na naman ang nakita mo? Ga-graduate na lang ako, hindi ka pa rin natapos-tapos diyan. O, nag-aral ka na ba? Malapit na ang prelim exams."

Napakamot ito ng ulo. "H'wag mo 'kong i-pressure. Busy na nga ako sa practice, pinapa-alala mo pa 'yang prelim. Malayo pa naman, tsaka na ako mag-aaral."

Hay, napailing-iling siya. Mas importante talaga rito ang basketball kaysa sa academics.

"Bahala ka," sabi niya na lang. "Sige, hintayin mo ako, wala ka naman na pa lang klase. Mag-aaral lang ako saglit tapos aalis na tayo. Ililibre mo ako ng ice cream tapos ihahatid mo na ako pauwi."

Hindi naman sa makapal ang mukha niya. Dati kasi, ganoon na talaga ang ginagawa nila ni Pierre. Natigil lang 'yon noong mag-umpisa na ang regular practice nito. Naghahanda kasi ang team nito sa nalalapit na intercollegiate competition.

Natawa na lang naman si Pierre sa sinabi niya. "Oo na lang. Makakahindi ba ako sa'yo?"

Ngumiti ulit siya tapos napansin bigla ang buhok nito. "Ayusin mo nga 'yan. Ang gulo-gulo na naman. Hindi talaga uso sa'yo ang suklay."

"Ang tawag diyan, messy hair."

She chuckled. May pa-messy hair-messy hair pa itong nalalaman. Binalik niya na lang ulit ang atensiyon niya sa inaaral niya.

"Sige na, tapusin mo na 'yan. Dito lang ako," sabi naman nito. "Mukhang stress na stress ka. May sakit ka ba? O pagod lang ulit sa duty?"

"Nagka-sinat lang ako. Naabutan kasi ako ng ulan kagabi, tapos hindi pa ako nakatulog nang maayos."

Bigla naman itong napatuwid ng upo. Dumikit ito sa kanya at sinilip ang mukha niya na tutok na tutok sa tapat ng libro. "Tsk, naulanan ka? Sana hinintay mo ako para naihatid kita." Kinapa pa nito ang noo pati leeg niya.

Sus. Dinaig pa yata siya nito sa pagiging Nursing student.

"Uminom ka na ba ng gamot?" sumunod pa nitong tanong. "Dapat umabsent ka muna."

Umiling siya. "Alam mo namang hindi ko ugaling uminom ng gamot. Nakaka-immune kapag sinasanay mo ang sariling mong mag-gamot. Sinat lang naman 'to. Okay lang ako."

Pero ang totoo talaga, parang biglang bumalik ang sama ng pakiramdam niya. Nilalamig siya kahit na may suot naman siyang jacket. Kanina pa 'yon pagkalabas niya ng cafeteria, e. Siguro nakadagdag din 'yong ginawa ni Jett.

Nagulat na lang naman siya ngayon nang biglang isara ni Pierre ang librong binabasa niya at kinuha iyon.

"U-uy teka, hindi pa ako tapos," pigil niya.

"Bukas ka na lang mag-aral," sabi nito. "Tara na, ihahatid na kita."

"Hindi pwede. May short quiz ako bukas." Sinubukan niyang agawin ang libro mula rito pero iniwas lang agad 'yon ni Pierre. Wala siyang laban sa tangkad nito.

"Hindi ko 'to ibabalik," sabi pa nito. "Mamayang gabi ka na lang mag-aral. May sinat ka pala, ang tigas talaga ng ulo mo."

"Okay lang nga ako, Pierre. Sinat lang 'to. Alam ko naman ang gagawin ko." Sinubukan niya uling agawin ang libro niya, pero ayaw talaga nitong ibigay.

Natigilan na lang silang dalawa nang mapansin ang paglapit ng isang lalaki sa pwesto nila.

"Pierre," tawag ng lalaki.

Tsaka lang binalik ni Pierre ang libro sa mesa. Nakipag-apir ito roon sa lalaki. "Oy! Bakit?"

"Alas-siyete raw mamaya?"

"Oo, naurong. Male-late raw si coach. May lakad daw, e. Gio, Si Fina nga pala," pagpapakilala nito sa kanya.

She knows this guy. Ito 'yong isa sa mga kasama ni Jett kanina.

"Ah oo, si Fina," sagot naman nitong si Gio kay Pierre. "Nakita ko siya sa kanina sa cafeteria."

"Oo nga. Doon ko siya naabutan."

"Magka-kilala pala sila ni Jett. 'Yong kaklase ko na nakainuman natin minsan?" sabi pa ni Gio.

Patago siyang napasimangot. For his information, hindi siya kakilala ni Jett. Tsaka ano ba naman 'tong Gio na 'to, bakit kailangan pang sabihin kay Pierre 'yon. Tapos mukhang kilala pa ni Pierre si Jett.

Sinubsob niya na lang ang mukha niya sa table nang mapansin niyang napalingon si Pierre sa kanya. Malamang nagtataka ito kung bakit kakilala niya ang kaklase ni Gio. Siguradong mamaya magtatanong na ito sa kanya.

"Uy, Jett. Si Fina, o!"

Agad din naman siyang napa-angat ng mukha dahil tinawag ng Gio na 'to si Jett!

Sinundan niya agad kung saan ito nakatingin. Nandoon rin pala si Jett sa loob ng library, at ang lapit-lapit lang ng pwesto nito sa kanila. Sobrang wala yata talaga siya sa sarili kanina kaya hindi niya napansin ang pag-pwesto nito sa table na hindi gaanong kalayuan sa mesa nila ni Pierre.

Nahuli niya pa si Jett na nakatingin na naman sa kanya. Nakakunot ito ng noo, pero umiwas din naman kaagad at tumingin sa ibang direksyon.

Ito pa talaga ang may ganang mang-isnab. Hindi niya na lang din pinansin at muli niya na lang sinubsob ang mukha niya sa mesa.

"O, bakit ganyan siya?" narinig niyang tanong ni Gio kay Pierre. "May sakit?"

"Sinisinat," sagot ni Pierre. "Ang tigas kasi ng ulo. Nagpabasa sa ulan kagabi."

"Nabasa sa ulan? Kagabi? Teka, akala ko ba magkasama kayo ni Je—."

Nataranta siya! Nag-angat agad siya ng mukha at nilakihan ng mga mata si Gio.

Mukha namang naintindihan nito ang ibig niya at hindi na nito tinuloy ang dapat sasabihin. Grabe kinabahan siya! Hindi pwedeng malaman ni Pierre ang tungkol doon. Magtataka ito.

Itong si Gio naman, ngumisi sa kanya. Napaka-pilyo ng ngiti. Siguro iniisip nito, 'ah, hindi pala pwedeng sabihin sa iba, ha.'

"Sige Pierre, mauna na ako," paalam na bigla ni Gio. "Kita na lang tayo sa practice mamaya. Bye na rin, Fina."

Tiningnan niya ito, pero hindi siya umimik. Ngumisi na lang ulit sa kanya si Gio na para bang ang dami-dami nitong alam tungkol sa kanya. He's creepy.

Nang tuluyan nang nakaalis si Gio, napansin niya namang nakatingin sa kanya si Pierre. Hindi naman siya makatingin pabalik dito. Sigurado kasi siyang aasarin na naman siya nito, eh.

"Uhm, may practice ka pala mamaya," sabi niya na lang. "Sige, ano, h'wag mo na lang akong ihatid. Humina na naman yata ang ulan."

"Hindi. Ihahatid pa rin kita. Alas-siyete pa naman 'yon."

"S-sigurado ka?"

"Oo."

"Hmm, okay, ikaw ang bahala." Tapos napasilip siya rito. "O, bakit ganyan ka makatingin?"

Kasi naman 'yong tingin ni Pierre, hindi niya alam kung nagsusuplado ito o nang-aasar.

"Bakit kilala mo si Jett?" tanong nito. "Matagal na kayong magkakilala?"

Hay, sinasabi niya na nga ba at magtatanong talaga ito tungkol doon.

"Nanliligaw ba 'yon sa'yo?" Tuloy pa nito. "Ikaw, ah. Malihim ka na."

Napangisi na lang siya tapos niligpit na ang libro at pencil case niya.

Pasimple niyang sinilip si Jett na nandoon pa rin sa table. Nakatingin na naman ito nang malalim sa kanila. Hinayaan niya na lang.

"Sinong Jett?" sabi niya pa kay Pierre. "Hindi ko 'yon kilala. Tara na, i-libre mo na ako ng ice cream."

Hinila na niya si Pierre patayo. Hawak-hawak niya lang ito sa braso hanggang sa makalabas silang dalawa sa library.

**

DUMAAN LANG SILA ni Pierre saglit sa gym dahil may kukunin daw ito, tapos tumuloy na sila sa maliit na canteen ng university na malapit sa IT building.

Doon talaga sila kumakain ng ice cream sa tuwing nagkikita sila. May avocado flavor kasi na tinitinda roon — her favorite. Ang dami ngang estudyanteng kumakain sa loob ng canteen. Miryenda kasi, at umuulan na naman kaya walang mapagtambayan sa labas.

Napalingon siya sa likuran niya habang nasa counter sila ni Pierre. Pakiramdam niya kasi may nakatingin sa kanya.

At hindi nga siya nagkamali.

Nakita niya na naman si Jett na nakaupo mag-isa sa isa sa mga high stools sa bandang likuran. Nagtama ang mga mata nila. He's staring at her again.

What's wrong with him? Bakit pakiramdam niya ay sinusundan siya nito? Akala niya ba hindi siya nito kilala e bakit kung makatitig ito ay para bang may utang siya na dapat bayaran?

Umiwas na lang siya ng tingin.

Sakto namang inaabot na sa kanya ni Pierre ang malaking plastic cup na puno ng avocado ice cream.

Tatanggapin niya na sana, pero bigla nitong binawi para balutan muna ng mga tissue ang labas ng baso. "O, para hindi lamigin 'yang kamay mo."

Napangiti siya. Ang bait-bait talaga ng higanteng 'to, wala na siyang masabi. Malakas lang talaga itong mang-asar, but he's really thoughtful.

"Nasaan 'yong iyo?" tanong niya bigla kasi napansin niyang wala itong biniling ice cream.

"Ayoko," sagot nito. "Malamig na nga ang panahon."

Natawa siya. "Ganoon nga 'yon. Mag-ice cream ka kahit na malamig. Para ma-adapt ng katawan mo ang lamig ng panahon tapos hindi ka na masyadong lalamigin."

Napangiti naman si Pierre tapos hinawakan na siya sa magkabilang balikat para patalikurin at simulang palakarin. "Oo na, nurse Tuazon. Ilang beses mo nang sinasabi sa akin 'yan. Kabisado ko na."

Natawa na naman siya. Naa-alibadbaran na siguro ito dahil palagi niyang pinapayo rito 'yong natutunan niya sa Biology class. Eh effective naman kasi talaga 'yon. Ayaw lang nitong subukan.

Palabas na sana sila ng canteen, pero biglang may humarang sa kanila. Hindi niya agad nakita kung sino kasi tutok siya sa kinakaing ice cream.

"Oy, Jett. Ikaw pala," sabi ni Pierre.

Doon lang siya napa-angat ng mukha. At totoo, si Jett nga ang nasa tapat nila!

Parang may kuryenteng automatic na kumislap sa tapat mismo ng mga mata niya. Ano na naman bang gusto ng lalaking 'to at nanghaharang pa ito? Malaki naman ang university pero bakit ba kahit na nasaan siya e nae-encounter niya si Jett. Malas pa dahil magkakilala pala talaga ito at si Pierre.

Hindi niya alam kung ano ang eksaktong mararamdaman niya ngayong kaharap niya na naman si Jett. Parang naiinis siya na hindi niya malaman.

Nagpapa-lipat lipat pa ito ng tingin sa kanila ni Pierre. Parang gusto nitong itanong kung anong meron at bakit magkasama silang dalawa ng captain ng basketball team.

"Jett, si Fina nga pala," sabi ni Pierre. "Magka-kilala na pala kayo sabi ni Gio."

Napabuntong hininga siya. "Hindi, Pierre. Hindi niya ako kilala."

Hindi na niya tiningnan ang reaksyon ni Jett sa sinabi niya, pero pakiramdam niya ay ang lalim na naman ng titig nito.

Humawak na siya sa braso ni Pierre pagkatapos. "Tara na. Ihatid mo na ako pauwi. Parang lalong sumasama ang pakiramdam ko, eh." Hinila na niya ito at tuluyan na silang lumabas ng canteen.

Kung hinabol ba sila ng tingin ni Jett, hindi niya alam. At wala na siyang pakialam.

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
5.2M 135K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...