One Seat Apart (GirlxGirl)

By Icieyou

360K 14.2K 1.3K

Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko s... More

Chapter One
Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter Thirty Two
Chapter ThirtyThree
Chapter Thirtyfour
Fin

Chapter TwentyNine

7.9K 349 22
By Icieyou

Cielo

"Hey baby—"

I raised my index finger "Stop calling me baby! And for your information, we are not close to call me baby. Second, you are not going to be my girlfriend!" nanggagalaiti ako dahil inuubos niya ang pasensya ko

"Baby? Why are you mad? Stop being naïve!" lalapit sana siya sakin pero di ko napigilan kalampagin ang table ko sa bwisit ko dahilan para mapaatras siya

"Damn it! I said stop! Get out of here! Or do you want me to drag you out?!" Umaalingaw ngaw ang sigaw ko sa loob ng room

Dali dali siyang lumabas ng room at binagsak ang pinto sa pagsara. Hindi ko napigilan iyukom ang kamay at isuntok ito sa table ko. "Damn that girl!"

"Ma'am? Are you okay?" Narinig kong sigaw ni Mich sa labas ng office ko

"Yes" I said with authority.

I get my phone and search for Raras' number but her phone is off. And that's strange. I called sa Mich sa intercom kaya agad agad siyang pumasok sa loob ng office, natataranta siya halata sa katawan niya dahil narin siguro narinig niya ang pagsigaw ko sa galit kanina

"Where's Rara? Sabi niya may meeting siya" taas kilay kong tanong. Agad niyang tinignan ang tablet niya to check Rara's schedule. Mich is also Raras' secretary since siya lang ang taong pinag kakatiwalaan ko maliban kay Rara. Her father was my father's finance adviser kaya tiwalang tiwala ako sa kanya

"Yun po Ma'am" nakunot noo ko hindi ko narinig ang mga sinabi niya

"Come again?"

"Wala pong naka schedule na meeting si Ma'am Emprey today" what the fuck? Where did she go?

"Talk to the guards alamin niyo kung nasaan si Rara. Now!" Tumataas ng kusa ang tono ng pananalita ko pag hindi ko gusto ang nangyayari

"Y-Yes Ma'am" nagmamadali siyang umalis sa paningin ko.

Umupo ako sa swivel chair ko habang nag hihintay ng balita kung nasaan si Rara. Where is she? Ano naman ang naisip niya bakit siya umalis?

Biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina, kung pano niya ako hinalikan sa harap ni Nikki. It tasted like coffee and... jealousy. What was that for?

After few minutes Mich return and guess what? Di alam ng guards kung nasaan si Rara. Damn it!

Tumayo ako at kinuha ang coat ko "Mich itapon mo yung bulaklak na nasa table ni Rara" tumango lang siya. Palabas nako ng room ng maalala ko ang isa pang ibibilin ko

"And one more thing—do not accept any gifts coming from July. Are we clear?"

"Y-Yes Ma'am"

Tumalikod na ako at nag lakad papunta sa Lobby where my guards are waiting. Paglabas ko ng hotel nag aabang na sakin ang kotse ko.

"Hanapin niyo kung nasaan si Rara, nagkakalinawan ba tayo?" agad kong utos sa mga guards ko dahil gusto ko mang magalit dahil hindi nila binantayan si Rara ay ayokong ibuntong ang galit sakanila dahil kasalanan ko naman... pero bakit ako nag a-assume na dahil sakin kaya nag walk out si Rara?

"Damn it!" bulong ko habang nasa byahe

"Hey sweetie nandito kana pala. Let's have a dinner" si Mom bungad niya sakin pag dating ko sa mansion. Agad na hinanap ng mata ko si Rara dahil umalis siya kaagad kanina ang sabi niya ay may meeting siya pero wala naman pala

"Mom where's Rara? Did she came home early?"

"Yes sweetie she's here kanina sabi ko maupo muna cause' I'm setting up our dinner kaso nung pag balik ko wala na siya" kinabahan ako bigla, nasan kaba Rara?

"What the hell! Where did she go?" Napapataas na boses ko ng di ko namamalayan

"Calm down sweetie maybe nagpahangin lang or baka may pinuntahan" I can't calm down! Nawawala siya hindi ko siya ma-contact!

"Mom I can't calm down, she's nowhere to be found!" napasabunot ako sa buhok ko sa inis

"I know sweetie but you need to calm down para makapag isip. Saan ba sa tingin mo pupunta si Rara maliban sa mansion?" I get my phone inside my pocket, I know who's I'm going to ask. It took a few rings before she answers

"Hello Isay" I walk outside the mansion

"Miss Cielo! Bakit napatawag kayo?" Halatang gulat siya sa pag tawag ko dahil may panginginig sa boses niya. I bite my lips before a single word comes out

"D-Do you know where Rara is? She's not here sa mansion that's why I call you."

"Ha? Kanina mag kasama kami at sabay kami umuwi. Pero di na siya nag text sakin kung nasaan siya" mas lalo akong kinabahan sa nalaman ko.

"Okay Isay, thank you. Bye."

Where are you Rara? God! I grip my phone so tight. I can't lose her! I need to find her

"Roel!" I shouted. Agad na lumapit sakin yung driver ni Rara na halatang nanginginig

"Nasan si Rara?!" hindi ko na maiwasan ang pagtaas ng boses ko dahil sa kabang nararamdaman ko

"M-Madam nung naihatid ko si Miss Emprey dito sa Mansion umalis din agad sila ni Madam Cindy"

Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya "Si Cindy? Saan sila pumunta?" humanda ka sakin Cindy kung saan mo man dinala si Rara ng walang paalam!

"M-Madam pasensya na hindi ko po alam" napapikit nalang ako dahil alam kong sasabog ako sa inis

"Damn! Get my favourite key right now and get out of my sight!"

"R-Right away Madam" natataranta niyang alis sa harapan ko dahil seryoso ako sa sinasabi kong umalis siya sa harapan ko ngayon din

Damn it! Hindi ko alam saan ako mag sisimulang hahanapin siya! Lagot ka talaga sakin Cindy uupakan talaga kita! Ibabalibag kita sa ayaw mo at sa gusto!

Dali daling inabot sakin ng driver ang susi ng paborito kong sports car. Sumakay ako at pinaharurot ko agad. Hindi ko na namamalayang mahigpit na pala ang pag kakahawak ko sa steering wheel sa inis na nararamdaman ko ngayon. I get my phone trying to search for Cindy's number but I can't contact her also. Peste! Nahagis ko nalang sa kabilang upuan ang phone ko sa inis.

Una kong pinuntahan ang bahay nila Isay. Huminto ako sa tapat ng gate nila, paglabas ko ay nag tinginan agad sakin ang mga taong nasa kalye kasama na ang mga nag jojogging ng dis oras ng gabi. Wala akong pake sa nararamdaman niyong lahat!

Nag doorbell ako ng dalawang beses hanggang sa marinig ko ang pag bukas ng gate, halatang gulat si Isay na makita ako

"M-Ma'am Cielo?"

"Wala kaba talagang idea kung nasaan siya? Wala ba siyang nabanggit?" I asked straight to the point

"S-Sorry Ma'am Cielo pero wala talaga siyang nasabi sa akin. Nung maghiwalay kami sabi niya uuwi na siya sa bahay"

Lalo akong na frustrate! Damn you Cindy!

"Shit. Sorry sa abala, I got to go. Thank you" nag mamadali akong pumasok sa sasakyan at agad itong pinaandar. Habang nag mamaneho naalala ko yung park baka sakaling nandoon siya. Nag drive ako papunta sa park pero pag dating ko walang sasakyan na nandoon, madilim na at wala naring tao

Shit! Nasan kaba?! Sa sobrang frustrated ko pati manibela pinag hahampas ko. I look so stupid!

....

Wala akong nagawa kundi ang umuwi. Tinawagan ko nalang ang mga body guards ko na abangan sila Rara at Cindy sa labas. Kung pwede lang rin na iutos ko ang posasan si Cindy ay ipagagawa ko sa ginawa niyang ito

Hinagis ko ang susi at cell phone ko sa kama. Umupo ako sa swivel chair at sumandal. Ramdam na ramdam ko ang pagod ko kung saan saan ako naghanap pero wala. Sana lang ay okay si Rara kung saan man siya dinala ni Cindy

••••••

Rara

"Cindy! Hindi paba tayo uuwi? Mag uumaga na baka patayin ako ng kakambal mo!" Sigaw ko sa tenga niya dahil sobrang lakas ng tugtog dito sa loob. Lumapit din siya sa tenga ko at nag salita

"Are you afraid of her?" Napakagat ako sa labi hindi ko alam kung sasagot ba ako ng Oo o hindi.

"Cindy a-ano baka mauna nalang ako? Marami din kasi ako gagawin sa hotel bukas!" umiling siya sakin at ngumiti. Mukhang may tama na siya

"No Rara, I'm in charge here so we're going home together" tumango lang ako sakanya. Bumulong siya kila Ann at ngumiti naman ito samin. Tumayo agad si Cindy at Ann

"Let's go Rara?" Tumayo narin ako at lumapit ako kay Abby para mag beso ganun rin kay Vanessa pero bago maglayo ang pisngi naman ay may binulong siya saakin

"You can do it"

Napangiti lang ako at tumango. Habang palabas ng bar magkahawak ng kamay si Cindy at Ann. Kakaiba kasi hindi sila masakit sa mata tignan, nakakakilig pa nga kasi makikita mo yung spark between them. Well I guess that's true love?

Sumakay ako sa likod nagulat ako ng tumabi sakin si Ann

"Bakit di ka sa tabi ni Cindy?"

"Naaah! Hayaan mo siya she's my driver"

"What?" Sagot ni Cindy pag sakay niya sa driver's seat

"What, what? Anything wrong Miss Cindy?" pagtataray ni Ann. Tumawa lang si Cindy

"Nothing Miss beautiful" Mukhang alam ko na kung sino ang kumander sa kanilang dalawa.

Habang nasa biyahe napatingin ako sa oras patay ako nito

"Hey Rara? Ayos kalang ba? Kanina kapa palinga linga" si Ann medyo nag aalala ang mukha niya

"A-Ah wala kasi--" napapalunok ako kapag naiisip ko ang bulyaw na gagawin saakin ni Cielo pagdating ko sa mansion

"I think she's afraid to someone Babe" sabat ni Cindy kaya naman napa letter-O ang bibig niya

"So sino siya?" nakangiting tanong ni Ann saakin

"H-Ha? Sinong, sino?" nagpapatay malisya lang ako dahil isa lang ako ngayon at dalawa silang dito! Lugi ako kapag nagkataon

"My twin Babe" lumapad ang ngiti ni Ann habang nakatingin sakin

"So you're afraid of Cielo? That human lion?" Natawa naman ako sa description niya, mutant lang?

"What? That's true, stop laughing and answer me Rara, takot ka kay Cielo?" nakahalukipkip pa niyang tanong

Sasabihin ko ba? o hindi? Pero what's the point of telling a lie? Kung obvious naman.

"Oo, t-takot ako sakanya" sumingkit ang mata ni Ann sakin, shocks! Ang hot niya.

"So bakit takot ka?" napalunok ako sa tanong niya

Bakit nga ba?

"Maybe because they're living in the same room" napa face palm nalang ako ang daldal talaga ni Cindy! Tumaas agad ang kilay ni Ann sa narinig niya

"So that's why—smell something fishy" pagtapos ay bigla siyang tumawa ng malakas mukhang nabuko na niya ako. Peste kasi di pa ako ready mag bunyag

"But that's okay Rara alam ko rin naman na hindi ka pinsan nitong si Cindy. Go girl! We will support you" sabay kindat sakin. Nag smile lang ako sakanya.

Maybe hindi lahat ng tao mapanghusga. At sana lahat ng tao katulad nila.

Huminto kami sa labas ng gate ng Mansion bago pumasok binaba ni Cindy yung window para magtanong

"Kuya? Why all of you here outside the gate? "

"Madam Cindy good morning po. Pinaghihintay po kami ni Madam Cielo dito sa labas para abangan kayo"

Napalunok ako agad agad patay na patay na talaga ako! Hindi ko mapigil ang pag kuyakoy ng dalawang tuhod ko sa nerbyos. Shit paano pag galit siya? Paano kung sigawan niya ako? Paano kung? Teka! teka! Bakit ba ako takot sakanya? Di naman kami. Aysh! hindi pala kami.

"Go inside na Kuya and please go to rest thank you for waiting" hanga lang talaga ako sa pamilya nila Cielo na kahit ubod ng yaman ay mabait sila sa mga nagsisilbi sakanila. Isa lang naman ang masungit sa angkan ng mga Lopez. At siya ang makakatunggali ko ngayong gabi. Patay na talaga ako nito!

Paghinto ng kotse sa tapat ng malaki nilang pinto nag goodbye ako agad kay Ann

"Rara don't say goodbye to my Babe, she's staying here tonight. Go ahead" tumango agad ako at bumaba ng kotse pag pasok ko nakaabang saakin ang limang kasambahay

"Bakit di pa kayo natutulog?" Tanong ko sa kanila

"Ma'am Emprey pinahihintay po kasi kayo ni Madam Cielo" kahit natatakot ako na aapreciate ko ginagawa niya

"Ganun ba? Sige na pahinga na kayo at sorry ha napuyat pa kayo"

"Pero Maam Emprey wala po ba kayong ipag uutos?" nag smile ako bago sumagot sakanila "Ayos lang ako wag kayo mag alala sige na mag pahinga na kayo"

"Yes Ma'am Emprey"

Nag lakad ako papunta sa malaki nilang hagdanan, habang paakyat pakiramdam ko ang bagal ko at ang bilis ng oras. Bawat hakbang ko ay parang titilapon ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Huminto ako sa tapat ng pintuan ng kwarto. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong hininga ang napakawalan ko bago ko mapihit ang doorknob. Nakapikit ako habang unti unti ko itong binubuksan pero pag mulat ng mata ko nagulat ako sa nakita ko. Isang tulog na tulog na Cielo ang naabutan ko sa swivel chair niya. Hindi pa siya nakakapag alis ng sapatos at damit niya halatang pagod na pagod siya.

Dahan dahan akong lumapit sakanya ng makalapit ay umupo ako saglit para alisin ang sapatos niya. Napapangiti ako habang ginagawa ito, para ko siyang asawa na pagod sa trabaho. Hindi nakaligtas sa mata ko ang maganda at makinis niyang paa. Bakit ang perpekto mo? Mula ulo hanggang paa. Hindi na siguro ako magtataka kung bakit nagkagusto ako sayo

Tumayo ako ulit para alisin naman ang necktie niya. Hay, ang ganda mo kahit natutulog para kang baby. Ang hahaba ng pilik mata mo, mapupulang labi. Hindi ko namalayang wala nang isang inch ang pagitan namin sa sobrang pagka mangha ko sa nakikita ngayon. Lahat ng kaba ko kanina ay napalitan ng pagkamangha

Inilayo ko ang mukha ko sakanya papuntang noo niya "I'm home Cielo" bulong ko sakanya sabay halik dito. Parang napuno ng kuryente ang labi ko ng dumikit ito sa noo niya. Ramdam ko ang pag lipad ng paru-paro sa loob ko. Sayo lang ganito ito.

"Rara?" Narinig kong bulong niya sabay hawak sa kamay ko na nakakapit sa swivel chair

"Yes Cielo?" Tumingala siya sakin siya namang yuko ko sakanya

"Kadarating mo lang? Saan kaba galing? Bakit di ka nag papaalam? Bakit Hindi mo sinasagot tawag ko?" Sunod sunod niyang tanong. Napangiti tuloy ako dahil para siyang bata na naiwan sa bahay mag isa

"Sinama lang ako ni Cindy sa isang exclusive party and don't worry I'm okay" I assured her.

"Sa susunod mag papaalam ka. Kung saan saan ako nag punta para hanapin ka" kinilig naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam na hinahanap niya ako kanina pa

"Bakit di kapa nag papalit?" Nakapameywang kong tanong sakanya. Siya namang tingin sa katawan niya

"Ay shit. Nakatulog ako ng ganito?"

"Teka nga ikaw ba nag dinner na?" Tanong ko ulit

"Another shit." Napailing nalang ako pati pag kain nakalimutan na dahil sa pag hahanap saakin. Aaminin ko sobrang kabog ng puso ko dahil sa kilig

"Lika na mag palit kana tapos midnight snack tayo, okay? May nilagay akong cup noodles dyan sa cabinet ko" feeling asawa ako. Kainis! Kinikilig ako!

"Yes Ma'am" tumayo siya agad at hinubad ang coat niya agad ko naman itong kinuha pati yung tie na inalis ko kanina. Agad siyang pumasok sa CR para makaligo. Kumuha ako ng damit niyang isusuot pantulog ang kinuha ko yung sexy outfit. Pervert ko shet!

Pag labas niya sa CR agad kong inabot sakanya yung damit dahil naka tapis lang siya! Naginit ang mukha ko ng makita ang mga pumapatak ng tubig sa buhok niya at balat niya para bang ang slow motion lahat

Ang tindi ng tama ko hindi naman ako uminom! Mamamatay ako dahil sa hyperventilation dahil sa kanya!

Pagkabihis niya agad akong pumasok sa CR mabilis pa sa alas kwatro ay tumakbo agad ako sa tub at binuksan ang shower. Malamig na tubig gusto ko ng malamig na tubig para malamigan ang nag iinit kong katawan!

Habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig sa katawan ko kasabay nito ang pag alala ko sa mga sinabi sakin ni Isay at ni Vanessa kanina. Inaamin ko na, mahal ko na talaga si Cielo hindi ko alam paano nangyari katulad siguro ng pag lalakad mo sa madilim na kalye sabay nahulog ka sa kanal nang di mo namamalayan. Pero paano si July? H-hindi ko pa alam sasabihin ko sakanya, paano ko sasabihin wag na siyang manligaw? Ang gulo nito pero mas magulo kung malalaman to ni Cielo. Baka iwasan niya ako? Paano sila tito at tita pag nalaman? Matatanggap ba nila na ang pinatitira nila ngayon dito ay may gusto sa anak nila? Hirap pero isa lang ang alam ko sa ngayon, ang mag tago at taguan ang nararamdaman ko.

Nagising ako mula sa pag iisip ng malalim ng katukin ako ni Cielo

"Come on Rara labas na diyan kanina kapa magkakasakit ka niyan" agad kong pinihit ang shower at kinuha ang towel na nakasabit sa di kalayuan para punasan ang katawan ko at buhok. Kinuha ko yung bathrobe at sinuot ito. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng CR.

Nakita ko siyang nakaupo sa kama at hinihipan yung cup noodles na sinasabi ko sakanya habang nanunuod ng tv. Napangiti ako ang cute niya para siyang bata. Ito ang Cielo na hindi nakikita ng lahat aminin natin na kahit gaano kabangis ang isang leon meron parin itong tinatago na pagiging maamo. Ganito ko siya mailalarawan.

"Come Rara kain tayo" pag aaya niya habang hinuhubad ko ang suot kong bathrobe sabay sinabit ito sa gilid ng cabinet ko

"Akala ko di mo kakainin yan" Pag tingin ko ay sakto naman niyang hinihigop ang mahabang noodles di ko tuloy napigilan matawa "Para kang bata"

"What? Gutom ako eh" pag susungit niya habang patuloy sa pag higop ng noodles. Makita ko lang siyang ganito masaya na ako. Makasama sa pag tulog ay isang pribelehiyo. At ang mahulog sa kanya ay isang aksidenteng ginusto ko.

"Busog kaba?" Tanong ko sakanya pagkalabas ng CR para mag toothbrush

"Yes and thanks to the noodles they made me full"

"Sa noodles ka talaga nag pasalamat hindi sa nag bigay?" Lumabi ako

"Yes." Inirapan ko lang siya tsaka umayos sa pag kakahiga tumalikod ako sakanya

Naramdaman ko ang pag higa niya. Ito na naman ako umaasang yayakapin niya pero pag silip ko nakatalikod din siya sakin

Ano ba? Walang epekto ang suot kong spaghetti strap? Kitang kita na nga likod ko di manlang naakit?!

"Rara?"

"Hmm"

"Can you do that again?" Napakunot noo ako, ang alin?

"Ang?"

"Kissing me" nanglaki ang mata ko sa sinabi niya

"B-Bakit?"

"Cause I love it" nakagat ko ang kamay ko para pigilan ang tili ko dahil sa kilig! Nakakainis talaga tong babaeng ito! Hindi mo alam kung bumabanat o di lang niya talaga alam sinasabi niya

"Hey, gising kapa ba?"

"Uh O-Oo sige walang problema" nagkakanda baluktot ang dila ko dahil sa kilig kainis!

Ilang saglit pa naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. Shit! shit! shit! I need help!

"Now—"bulong niyang sabi sakin

"Kiss me, again—"tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng sambitin niya malapit sa tenga ko. Nakakaakit. Napakagat ako sa labi ng hapitin niya ako palapit sakanya kahit nakatalikod ay ramdam ko ang katawan niya at ang kabog ng dibdib niya na kasing bilis ng akin. Para akong kakapusin ng hininga sa ginagawa niya. Humarap ako sakanya saktong pag tama ng ilong ko sa ilong niya

"Kiss me—"pinigilan ng hintuturo ko ang labi niya sa pag sasalita

"I will" bulong ko sa kanya.

Kasabay ng pag kawala ng pagitan naming dalawa.

Hindi ko alam kung tama ba ito, pero isa lang ang alam ko,

Mahal kita Cielo.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
90.8K 5K 32
"To serve and protect." More than just being an enforcer of the law, Police Major. Indigo Marudo- as part of the Philippines National Police is duty...
677K 18.8K 34
[GirlxGirl] Live, Love, Life Series | COMPLETE College professor si Ariella sa Colegio de San Luis. Kilala siya bilang isang terror teacher dahil nap...