Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 7*

1.7K 27 3
By ohpurplerain

Chapter 7 ~ 

 

Jelynne's POV

 

Halos 20 minutes na akong nag-iintay sa labas ng seven eleven. Hello, 10:30 na kaya eh 10:00 ang usapan! Bakit wala pa sila dito? Okay. Filipino time.

Dahil nangawit na ako sa pag-iintay ay sa wakas naisip kong pumasok na lang sa loob. Bakit kasi ngayon ko lang naisip?

Hays! Umiinit na ang dugo ko.

At dumagdag pa sa pagka-badvibes ko ngayon ay ang pagmumukha ni Renzo. Hindi ko alam kung bakit nandito ang isang 'to. Hindi ko na lang siya pinansin at dumaretso sa may upuan na dalawang pulgada lang layo. Kunwari hindi ko siya napansin kahit napaka-imposibleng hindi mapansin siya.

"Jelynne, nandito ka?" 

Hindi, wala. Wala. Sagot ko sa isip ko.

"Nandito ka din?" I asked sarcastically.

Tumawa naman siya bigla. "Ang aga, aga ang init ng ulo mo."

Badtrip lang talaga ako kasi late a naman si Kaysha. Haays. Sa susunod talaga magpapalate na din ako para maranasan naman nun ang mag-intay! Hays.

"Gusto mo ng ice cream?" tatanggi pa sana ako nang magsalita ulit siya  "Wag ka na tumanggi, hindi rin kasi tayo makakatambay pag wala tayong binili. "

"May choice pa ba ako?" at napairap na lang ako.

Dahil nga sa ice cream ay medyo nawala ang init ng ulo ko.

"Si Kaysha ba iniintay mo?"

"Uhmm!" sagot ko habang dinidilaan ang ice cream ko.

Natawa naman siya bigla. Napataas ang kilay ko at binigyan siya ng anong-tinitingin-tingin-mo-dyan look.

"Para kang bata kumain!" natatawa pa rin niyang sabi.

Kumuha siya ng tissue at iniabot ito sa akin. "Ayusin mo nga itsura mo!"

Kinuha ko din naman ito at ipinahid sa labi ko. Pagkatapos nito ay ngumiti siya sa akin. Bakit ba panay ang ngiti niya?

"Kahit kailan, ang taray mo!" natatawa pa rin niyang sabi.

Inirapan ko lang siya.

"I never believe na magiging chaperone ako sa araw na ito." pagkaraan ay sabi niya sa akin.

"Ikaw? Chaperone?" I mean, wala sa persona niya ang papayag na maging alalay. 

"Hindi bagay no? Ang gwapo ko kasi!" at hinagod nito ang kanyang buhok at tinaas-taas pa ang kilay.

Bigla naman akong nasamid. Totoo akong nasamid, walang halong arte!

"Makapag-react naman ito!" sabi niya sa akin.

Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng at nakita ko si Kaysha at malamang-lamang ay si Reign ang kasama niya.

"Insan, hindi mo sinabi na may ka-date ka na pala. Wait, parang natatandaan ko siya!"  Siya nga! Siya nga yung kasama ni Renzo nang makita ko sya sa may salon.

"Siya yung best friend ko, Reign." bulong ni Kaysha.

"Talaga? So magkakilala na pala kayo ni Renzo?"

"Y-yup, school mate kami." paliwanag ni Kaysha.

"What a small world. Hindi ko na pala kita kailangang ipakilala kay baby."  natatawang biro ni Reign kay Renzo.

Napatingin ako kay Renzo at nakita ko ang pilit na ngiti nito. Nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Alam kong may gusto siya sa kaibigan ko at nakakatuwa dahil nirespeto naman niya ang naging desisyon nmi Kaysha na itigil na ang panliligaw nito at maging magkaibigan na lang. 

Siguro wala na rin siyang choice kung hindi ang maging kaibigan na lang din talaga ni Kaysha. 

Tumango naman si Renzo na halatang naiilang.

"Si Jelynne na lang ang ipapakilala ko sa'yo." masiglang sabi ni Kaysha kay Reign. "She's my gorgeous best friend. Simula nang iwan mo ako ay siya na ang nagbabantay sa akin!" kwento ni Kaysha.

"Thank you Jelynne for taking care of my baby. But now I'm back, may katulong ka na para mapatino ang batang ito!" natatawang sabi sa akin ni Reign.

"Hindi na ako bata no!"  pagmamaktol ni Kaysha kasabay ng paghampas nito sa braso ni Reign. "Tsaka matino naman ako"

"Naniniwala ka ba kay Kaysha, Jelynne?"  tanong niya sa akin.

"I'm not yet convinced!"

At nagtawanan kami maliban lang kay Renzo. Kapansin-pansin ang pananahimik nito. Hindi ata ako sanay nang tahimik siya. 

"How about you, Renzo? Do you agree?"

Nagulat si Renzo nang marinig ang pangalan niya. Siguro ay lumilipad ngayon ang kanyang utak. Pero nang ulitin ni Reign ang tanong ay umiling lang si Renzo at kunwari'y natatawa.

"O sige, pagtulungan niyo ako!" 

"Okay lang ba kung mag commute lang tayo ngayon? Nasa pagawaan pa kasi ang sasakyan ko at saka namiss ko talaga ang sumakay sa jeep!"  paalam sa amin ni Reign.

"Syempre naman no!" masiglang sagot ni Kaysha. Hindi naman halata na sobrang saya niya ngayon na nagkita na ulit sila ng kanyang kababata.

Hindi namin alam kung bakit halos puno ang mga jeep na dumadaan. Ayaw pa naman namin ng masikip, hindi tuloy kami makasakay agad. Sayang naman ang oras sa pag-iintay! Kung bakit ba naman kasi hindi man lang nagdala ng sasakyan ang balikbayan na si Reign.

"Isa na lang talaga ha, pag wala pa ring maluwag sasakay na tayo!"  ang sabi ni Reign. 

Napanguso na lang ako at parang gusto ko nang bumagsak sa kalsada sa sobrang inip at sobrang ngalay.

Maya-maya'y may dumaang jeep at napakasikip sa loob na para bang hindi na kami kakasya! 

"Tig-dalawa pa sa magkabilang upuan oh!' sigaw ng kondoktor na nakasabit sa jeep.

"Sige na, sakay na nga tayo!"  si Kaysha na mukhang naiinis na din. Sumakay na ang dalawa at ako nama'y nagdadalawang isip pa sa pagsakay.

"Sasakay ka ba?" tanong sa akin ni Renzo. Napakunot naman ang noo ko nang makita kung gaano kalaking espasyo na lang ang nag-iintay sa amin sa loob. Promise! Kalahit na lang ng pwet ko ang makakaupo roon!

"Bahala ka."  ang sabi sa akin ni Renzo at umakyat na ng jeep. 

"Wala na bang sasakay?!"  narinig kong sigaw ng driver.

"Anong iniintay mo dyan?" naiiritang tanong ni Kaysha.

 "Wala na kayang space." sabi ko. Kunwari di ko nakita yung space sa tabi ni Renzo. Hahaha. Pero kasi ang liit na ng space eh!

"Sa tabi ni Renzo!" at umikot na nga ang mga ni Kaysha. 

Hayst! Ang sikip kaya.

"Ineng, bawal ang maarte. Kung ayaw mong sumakay sabihin mo nang hindi kami napupurwisyo."  ang pagsesermon sa akin nang isang matandang pasahero na nasa may pintuan.

Dahil sa hiya ko ay sumakay na lang ako. Nasa may gitna pa kasi ang espasyo na pupunan ko, naglalakad pa lang ako papasok ay umandar na kaagad ang sasakyan. Kung hindi ba naman bastos!

Muntik na akong matumba kung hindi lang ako nahawakan ni Renzo at agad na naalalayan. Magpapasalamat na sana ako nang bigla niya akong pangunagan.

"Di kasi nag-iingat."  bulong niya sa akin. 

"Whatever."  

Ngayon lang yata kami naging close ni Renzo. Yung ganitong ka-close na halos nakasandal na ang likod ko sa tagiliran niya. At ang init ng paghinga niya ay ramdam na ramdam ko mula sa aking batok na siyang dahilan para kilabutan ang buo kong katawan.

Naging tahimik lang sa loob ng jeep. Pero hindi ako mapakali dahil sobrang sikip nga dito, ang bilis pa magpatakbo ng manong driver. Chilax na chilax lang magdrive si Manong eh. Hindi ba nya napapansin na overspeeding na sya?

* BOOOOGSH *

Sa pagbiglang pagpreno nang driver ay bigla na lang akong napahiga kay Renzo. Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa buong katawan na para bang kinuryente ako. Ang weird. Nakarinig ako ng malakas na pagtibok ng puso. Hindi ko alam kung sa akin ba 'yun nanggagaling o kay Renzo.

"Hindi ko alam na ang bigat mo pala."  natatawang sabi ni Renzo. Doon ko lang napansin na halos nakapatong na pala ako sa kanya at hindi man lang ako tumatayo. 

Napairap ako at inayos ang sarili sa sobrang kahihiyan. Paano ba naman kasi, nakatingin ang lahat sa amin! Nakakahiya talaga!

"Grabe, namiss ko yung ganung byahe. Yung byaheng langit!" tuwang tuwang saad ni Reign pagkababa ng jeep. Tuwang tuwa pa siya sa nangyari e muntikan na nga kaming mabangga! Hayst.

"Kung gusto mong dumaretso na agad nang langit, magsabi ka. Marami pa kaming kailangang gawin dito sa lupa!"  ang saad ni Kaysha.

at nag-asaran na naman ang dalawa. Nauuna lang silang maglakad at kami ni Renzo ay tahimik lang na sinusundan sila. 

"Ang tahimik mo."  bigla ko na lang nasabi.

Narinig ko ang bitin niyang tawa. "Ilang minuto mo lang hindi naririnig ang boses ko, namiss mo kaagad."

Bigla akong napalunok at napaharap sa kanya. Walang salitang lumabas sa bibig ko pero sapat na ang pagtaas ng kilay ko para sabihing ang kapal ng mukha niya!

Ngumiti lang siya sa reaksyon ko at napansin kong unti-unting nawawala ang mga ngiti niya. 

"Ang tagal nang panahon, pero ngayon ko lang nalaman na si Kaysha ang baby na tinutukoy ni Reign. Ang baby na kababata niya, na first love niya." 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mas gusto ko pa yung nagyayabang siya kesa ganitong parang napakaseryoso niya.  Tono palang ng boses niya ay mahahalata mong may dinadamdam siya. 

"Inamin na rin sa akin ni Kaysha na si Reign ang gusto niya. They like each other." at tumawa siya na parang may nakakatawa sa sinabi niya.

"I already knew about that so what's the point?" pagatataray ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang dapat kong sabihin. 

Hindi ako marunong magcomfort, kung yun ang gusto niyang gawin ko sa kanya.

"Ang sungit mo! Grabe! Nag-oopen lang naman ako sa'yo eh!"  sabi niya "Bilisan na nga natin, naiwan na nila tayo!"

--

Hindi ko akalaing mabubusog ako ng ganito ngayon. Ang sarap pala ng may kasamang balikbayan. Ang dami niyang namiss na pagkain, amg dami tuloy namin nakain. Haha!

"Where's our next destinatio -- "  hindi natuloy ang pagtatanong ko nang biglang ibaling ni Kaysha ang atensyon kay Reign at nauna na naman sa paglalakad.

Nakakaramdam na ako. Kanina pa niya akong binabalewala. 

"Namiss talaga nila ang isa't isa." narinig kong sabi ni Renzo na siguro'y napansin rin ang ginawang iyon ni Kaysha sa akin.

"Obviously."  sagot ko.

Nang lumingon ako ay nawala na si Reign at si Kaysha. 

"Nasaan na sila?"  nagtataka kong tanong.

Tinaas lamang niya ang balikat.

Nabuntong hininga na lang ako. Nalulungkot ako at parang may kirot rin akong nararamdaman sa puso ko.

"Let's just give them some quality time together. Ngayon na lang sila nagkasama eh."

Hindi ko alam kung bakit nasasabi pa niya iyon. I mean, dapat nga nagagalit siya kasi di ba, isinama siya ni Reign pagkatapos ay iiwan lang siya nito. 

"Kung gusto talaga nila ng quality time, dapat hindi na lang nila tayo sinama."  naiinis kong sabi.

"Alam ko na!"  biglang lumiwanag ang kanyang mata na para bang nakaisip ng bright idea. Hinila niya ang kamay ko.

"Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Basta!"

At kung saan ako dinala ni Renzo ...

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...