JUST ONCE

By lovingtheapple

514K 9.1K 2.5K

More

JUST ONCE
CHAPTER 1.
CHAPTER 2.
CHAPTER 3.
CHAPTER 4.
CHAPTER 5.
CHAPTER 6.
CHAPTER 7.
CHAPTER 8.
CHAPTER 9.
CHAPTER 10.
CHAPTER 11.
CHAPTER 12.
CHAPTER 13.
CHAPTER 14.
CHAPTER 15.
CHAPTER 16.
CHAPTER 17.
CHAPTER 18.
CHAPTER 19.
CHAPTER 20.
CHAPTER 21.
CHAPTER 22.
CHAPTER 23.
CHAPTER 24.
CHAPTER 25.
CHAPTER 26.
CHAPTER 27.
CHAPTER 28.
CHAPTER 29.
CHAPTER 31.
CHAPTER 32.
CHAPTER 33.
CHAPTER 34.
CHAPTER 35.
CHAPTER 36.
CHAPTER 37.
CHAPTER 38.
CHAPTER 39.
CHAPTER 40.
CHAPTER 41.
CHAPTER 42.
CHAPTER 43.
CHAPTER 44.
CHAPTER 45.
CHAPTER 46.
CHAPTER 47.
CHAPTER 48.
CHAPTER 49.
CHAPTER 50.
CHAPTER 51.
CHAPTER 52.
CHAPTER 53.
CHAPTER 54-A.
CHAPTER 54-B.
CHAPTER 54-C.
CHAPTER 55.
CHAPTER 56.
CHAPTER 57.
CHAPTER 58.
CHAPTER 59.
CHAPTER 60.
CHAPTER 61.
CHAPTER 62.
CHAPTER 63.
CHAPTER 64.
CHAPTER 65.
CHAPTER 66.
CHAPTER 67.
CHAPTER 68.
CHAPTER 69.
CHAPTER 70.
CHAPTER 71.
CHAPTER 72.
CHAPTER 73.
CHAPTER 74.
CHAPTER 75.
CHAPTER 76.
CHAPTER 77.
CHAPTER 78.
CHAPTER 79.
CHAPTER 80.
CHAPTER 81.
CHAPTER 82.
CHAPTER 83.
CHAPTER 84.
CHAPTER 85.
FINALE.
EPILOGUE.
AUTHOR'S NOTE.

CHAPTER 30.

5.9K 82 21
By lovingtheapple

"break muna tayo" sabi ni Direk Cathy sa kanilang lahat. pangalawang linggo na nila ngayon sa Baguio. so far, so good naman. halos matatapos na nila yung mga eksenang kinukuhaan nila dito

"asan na si Ian?" nakapamewang na tanong ni Ms.Miles, ang kanilang assistant director "siya yung pinabili ko ng pagkain e, asan na ba yung mokong na yun?"

"o ayan na yung hinahanap mo" sabi ni Kuya Imbo ng matanaw niya mula sa malayo si Ian na kakaripas ng lakad, may bitbit pa itong dalawang bilao sa magkabilang kamay

"ang tagal mo naman" komento ni Ms.Miles ng makalapit si Ian sa kanila "sorry, sorry..naligaw kasi ako e"

"nuh ba yan?!!" nakangiting komento ni Direk Cathy "gutom na kami o, tirik na mata nung mga artista natin, wala ng energy o" sunod sunod na komento ni Cathy, siya naman ay panay ang hagikhik. napakadali talaga na siya ay patawanin

inilapag na ni Ian ang bilao ng pancit na dala niya. binili niya pa ito sa Star Cafe sa may Session Road. the best daw kasi ang pansit dito. tinulungan naman siya ng ibang staff sa pag-aayos

"oy, kuha na kayo" sabi ni Ms.Miles sa kanila

"tara, Ate!!" yaya niya sa assistant "uy, Nhila, tara kain" yaya naman ni Ana kay Nhila. tumayo na silang lahat at lumapit sa may lamesang mahaba. isa isa silang umupo roon. sa kanan niya ay nakapwesto ang assistant na si Ana, habang sa kabila naman ay si Gerald

"pahingi nga ko ng pinggan" pasuyo ni Gerald kay Fred, inabutan naman siya nito "isa pa" suyo niyang muli. iniaabot niya ang isang plato kay Sarah. nginitian naman niya ang binata sa naging akto nito sa kanya 

"oy, Ge. kumuha na kayo. nako!! baka maubusan kayo pag kumuha na si Imbo" sabi ni Direk Cathy. nagtawanan naman silang lahat. ang sunod na ginawa ni Gerald, ang nagpatigil sa kanilang lahat sa pag-subo ng pagkain, sa pagkuha ng pancit, sa pagsasalita, sa pagtawa...sa lahat lahat na

tumayo ito at kinuha ang pinggan niya, ang binata na mismo ang kumuha ng pancit para sa kanya "tama na ba to? o dagdagan ko pa?" tanong nito sa kanya 

nag-tinginan ang mga kasama nila sa isa't isa. kapwa ang lahat ay may matamis na ngiti sa kanilang mukha. siya rin ay hindi napigil ang mapangiti 

"sandwich gusto mo? o pandesal?" tanong ng binata sa kanya habang kumukuha na ito ng sandwich at pandesal para sa kanya. siya, ay pinagmamasdan lang ang binata 

inilapag na ni Gerald ang kanyang pinggan sa kanyang harapan. bahagya pa siyang natawa ng makita niya ito, punong puno ito ng pancit, may dalawang sandwich at tatlong pandesal "akin ba talaga to o sayo?" natatawang tanong pa niya sa binata 

piningot naman ni Gerald ang kanyang ilong "kunwari ka pang, hindi mo kayang ubusin yan!!!!!" kumuha na rin ito ng sariling pagkain

ang mga kasama nila ay pinapanood lang silang dalawa, hindi pa rin maialis ang mga ngiti sa mukha ng mga ito. napansin naman ito ni Gerald "o bat di pa kayo kumakain?" tanong nito sa kanilang mga kasama "kakain na nga kami!!" sagot ni Ms.Miles "tara kain na tayo, oy!!" dagdag pa nito 

"wala ba tayong dessert?" hirit ni Kuya Imbo

"kailangan pa ba?" nakakalokong tanong ni Direk Cathy. nagtawanan silang lahat except lang sa kanilang dalawa ni Gerald. hindi yata nila nagets pareho ang ibig sabihin ni Direk Cathy

~~o~~o~~

pagkatapos nilang makapag-meryenda, napag desisyunan nilang lahat na bukas na lang ituloy ang eksenang kinukuhaan nilang lahat. ganun yata talaga kapag sobrang kabusogan, tinatamaan ng katamaran

nasa may labas siya ng inn. naglalakad lakad, or more of, nagpapatunaw ng kinain. nandun din naman si Sarah, nakaupo sa may isang bench. since nakatalikod ang dalaga sa kanya, hindi siya nito napansin. lumapit siya at umupo sa tabihan nito. nagulat naman ang dalaga sa biglaan niyang pag-sulpot

"anu ka ba?" nakahawak sa dibdib na usal ni Sarah "bat ba lagi kang nanggugulat, ha?"

ngumiti siya "e bat ba lagi ka na lang nagugulat?!!"

"anung ginagawa mo dito?" tanong niya sa dalaga

"nag-papahangin" sagot naman ni Sarah sa kanya "ikaw, bat ka nandito?"

"sinasamahan kita mag-pahangin"

sandaling naging tahimik sa pagitan nilang dalawa

"hindi ko pa nalilibot yung Baguio.." sabi ni Sarah. napalingon naman siya sa dalaga "..nakakapunta lang ako dito kapag may trabaho, tulad ng ASAP o kaya tour pero yung bakasyon, hindi pa" pagpapatuloy ng dalaga

"last Christmas, dito kami nag-bakasyon"

tumango tango naman si Sarah "yeah. i know" 

"alam mo?"

"uhmm...." napakagat labi si Sarah "...oo...instagram!!"

"A....i thought your spying on me" nakangising sabi niya 

"kapal mo A!!!"

"gusto mong ma-experience ang Baguio?"

nagkibit balikat naman si Sarah "sana..."

tumayo siya mula sa pagkakaupo "tara!!"

napakunot ang noo ng dalaga "ha?"

"sabi mo gusto mong malibot ang Baguio, let's do it. anung oras pa lang naman o!" tumingin siya sa relong suot niya "..o 11 pa lang o. tara na!!!

"baliw ka ba?!!! gusto mong pag-pyestahan tayo sa tabloid?!!"

sandali siyang natahimik at nag-isip. kapag kuwan, ay kinuha niya ang kamay ng dalaga "oy, Gerald san mo ko dadalhin?" takang tanong ni Sarah habang hila hila niya ito papasok ng inn "Gerald?!!! anung gagawin mo? anung gagawin mo sakin?!!" hindi naman niya pinapansin ang pag-stesterical ng dalaga, tinatawanan pa nga niya ito 

"Gerald!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

~~o~~o~~

bumababa na siya mula sa kotse ng pagbuksan siya ng pinto ni Gerald. sumingaw ang isang ngiti sa kanyang mukha ng ilibot niya ang kanyang mata sa kung nasan sila. this is the first time she felt so carefree. no body guards, no assistant, no Mommy Divine. for once, she feel so normal

ngunit nawala rin ang kanyang ngiti ng napadako ang tingin niya sa binata na halatang nagpipigil ng tawa habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa

"aray!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" piglat ni Gerald habang hinihimas nito ang tagilirang kinurot niya "masakit yun a!!"

"sige tawa pa...sige lang!!" nakataas kilay na usal niya sa binata. pigil na pigil naman si Gerald na mapatawa ng malakas, pero ang mga balikat nito ay yumuyugyog na

umani nanaman muli ang binata ng isa pang kurot mula sa kanya "ikaw ha?!! pagkatapos mo kong pasuotin nito, tatawanan mo lang ako!!!" 

tawa lang ng tawa si Gerald. hindi talaga mapigilan nito na matawa sa suot niya, na ang binata rin mismo ang nagpasuot sa kanya. lakas maka-Muslim ng get up niya, na halos mata lang niya ang nakikita. sinadya talaga ni Gerald na ganito ang outfit niya para hindi siya makilala ng mga tao. si Gerald naman ay ganun din ang get up, Muslim male attire with matching shades at fake bigote

"so san muna tayo?" tanong ni Gerald sa kanya. nagkibit balikat naman siya "diba lagi mo naman akong ginugulat...so suprise me" sagot niya 

ngumiti ang binata sa kanya

nako Sarah!!!..yang mga ngiting ganyan, yan ang dumali sayo

ngumiti naman siya pabalik sa binata. nagsimula na silang maglakad lakad, una silang nag-tungo sa Burnham Park

"ay gusto ko nun..." turo niya sa bangkang nakita niya "gusto mo nun?" natutuwang tanong sa kanya ni Gerald, para siyang batang tila aliw na aliw sa mga nakikita niya "sakay tayo nun!!" 

pinagbigyan nga siya ng binata. nag-renta sila ng isang bangka, si Gerald pa mismo ang nagsasagwan para sa kanya. siya naman ay walang preno ang bibig sa pag-kwekwento ng mga experience niya nung bata, ng mga childhood fun memories niya. ang binata naman ay aliw na aliw na nakikinig sa kanya, well, basta siya naman ang nag-kwekwento...lahat ng topic para kay Gerald nagiging interesado

ng matapos sila sa pamamangka, dumaan sila sa White Mansion 

"pasok na tayo!!" pagpupumilit niya 

"hindi nga tayo pwedeng pumasok diyan"

"bakit hindi?!!"

"bawal!!!"

"bakit bawal??"

tinakpan naman ni Gerald ang kanyang bibig "ang hirap mo talaga matuwa, nagiging makulit ka, halika na!!" 

nagpupumiglas naman siya sa pagkakahawak ng binata sa kanyang bibig "uhhmm!! bat--uhhhm...bawal?? bakit??!!"

"shhhss...." saway naman ni Gerald sa kanya. nakatapik pa rin ang mga kamay ng binata sa kanyang bibig habang nilalakad siya nito palayo sa White Mansion. sunod na pinutahan nila ay ang Wright Park kung saan sumakay naman sila doon ng kalesa 

"Kuya, pwede po bang ma-try?" tanong niya sa Manong Kutsero "ay pwede po Ma'am" tumayo bahagya si Mnong Kutsero at pinaupo siya sa unahang pwesto "ito po Ma'am, ito pong lubid sa magkabilaan, hihilahin niyo po yung isa diyan sa kung saan niyo po gustong lumiko si Stacy" Stacy ang pangalan ng kabayo ni Manong Kutsero 

tuwang tuwa siya habang minamani-obra ang pagpapatakbo ng kalesa. si Gerald ay ganun din, tatawa tawa habang pinapanood siya 

"oy...oy!!! ay!!! hahahahahahaha!!!!" usal niya habang aliw na aliw sa kanyang ginagawa

"Ma'am may kaboses po kayo, yung singer po...."

nagkatinginan naman sila ni Gerald dahil sa sinabi ni Manong Kutsero

"...si Angeline. kaboses niyo po siya Ma'am"

humagikhik nanaman siya sa pagtawa "kaboses ko lang po yun!!"

matapos pagurin at hiluhin ang kabayo, bumaba na sila pareho sa kalesa at nagtungo na sa kanilang next top...ang Butterfly Farm sa Camp John Hay

para batang manghang mangha siya sa mga paru parong dumadapo sa kanya. 

Him....all he did, the whole time was to admire her; her sparkling eyes, her giggles, her soft laughter, her voice, her story, and everything else about her...it never fails to capture his attention

ang huli nilang pinuntahan ay ang Mines View Park. duon, ay sabay nilang pinanuod ang unti unting paglubog ng araw

"breathtaking..." usal niya. halos hindi niya na maialis ang mata sa panunuod kay Haring Araw habang ito ay namaalam sa kalangitan 

ipinikit niya ang kanyang mata, at buong pusong dinama ang haplos ng hangin sa kanyang balat, gayon din ang napakagandang senaryo na ito

si Gerald naman, ay taimtim lang siyang pinagmamasdan. tumingin ito sa kanyang kanang kamay na nakahawak sa may rail, at muli ring ibinalik ang paningin sa kanyang maamong mukhang natatakpan ng kapirasong telang pula

napamulat siya...ng maramdaman niya na parang may dumantay sa kanyang kanang hinliliit. tinignan niya ito, at nakita niyang hawak hawak ng kaliwang hinliit na daliri ng binata ang kanyang kanang hinliliit. idinako niya ang mata sa mukha ng binata, ngunit nakapikit ito. tulad niya, dinadama din nito ang sandaling katulad nito...mga sandaling sila lang ang nakakaalam....mga sandaling kanila lang...

mga sandaling tulad nito...na hindi nila tiyak kung maaring mangyaring muli...

mga sandaling...HIRAM at PANANDALIAN LANG

pumikit siyang muli....isang luha ang tumulo mula sa kanyang kaliwang mata, luhang sumisimbilo sa isang salita na hindi masabi sabi ng puso niya

she's slowly seeing it...clearly seeing it

though it's been a while....though somethings have changed

there are still some...left, just like how it was left

-----------------------

sorry kung hindi ako nakapag-update kahapon

drain yung mga neurons ko kaya wala akong naisulat!!

sana nagustuhan niyo yung choppy na to! 

anyway..comments & votes

GOODNIGHT GUYS

HOPE YOU HAVE ALL A GOOD START OF THE WEEK!!

#522

Continue Reading

You'll Also Like

13K 724 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
18.9K 887 60
Sa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa p...
271K 3.8K 32
"No one believes in love at first sight until that one special person comes along and steals your heart."
323K 1.5K 4
Being the wife of a Mafia boss is dangerous. Dangerous enough for her younger brothers. How will she deal with every pain and hardship just to be wit...