The one in vain

By xxakanexx

964K 17.1K 2.7K

Calen Eugene - The black sheep of The Pastels had always believe that he will only love one woman and that is... More

The one in vain
1. The ghost of him
2. Things will be better
3. Abnormalities
4. Harmony
5. Harmonious Adoration
6. First ever
7. Stay still
8. Bright lights
9. Those little things
10. Everything has changed
12. The man who loved her
13. The one that got away
14. Everything
15. Downfall
16. Dare
17. For the last time
18. Incidents
19. Closing time
20. Good things come

11. Si Calen

30.4K 668 89
By xxakanexx

Sunday is family day for Harmony’s family. Tuwing linggo ay nasa Laundry shop silang mag-anak para tumulong sa Mama niya. Rythym was doing the inventory, habang si Melody at ang Mama naman ang tumatanggap ng orders, sa likod siya at ang Daddy niya ang namamahala sa paglalaba.

“Harmonya,” Tawag sa kanya ng Daddy niya. Napangiwi siya, Harmonya ang tawag nito sa kanya kapag may itatanong itong seryoso o kaya man ay pagagalitan siya nito.

“Dad?” She looked up. Kasalukyan siyang nagsusuot ng gloves dahil sisimulan na niyang labhan ang mga white things ng customer nila.

“Ikaw ba ay may boyfriend na?” Tanong nito. Muntik na siyang masamid sa itinanong nito. Napakamot siya ng ulo. “Nagtatanong lang ako, ayoko naman kasing maulit ang nangyari kay Rythimiya noong nakaraan.”

“Dad, ako na naman!” Narinig niyang sigaw ni Rythym mula sa labas. Natawa siya. Noong isang taon kasi ay nahuli ito ng Daddy niya na may ka-date sa mall. Inilihim kasi muna ni Rythym ang tungkol sa boyfriend nito. Retired army officer ang Daddy nila at mahigpit talaga ito pagdating sa kanilang tatlo.

“Ay sinasabi ko lang ang totoo.” Komento pa ng Daddy niya. “Si Melodiya tinanong ko na rin, mukhang walang balak ang kapatid mo. Ikaw boyfriend mo ba iyong lalaking naghatid sa’yo noong isang gabi?” Tanong muli nito. Napabuntong hininga siya. Kung ganoon ang tanong ng Daddy niya ay hindi niya alam ang sagot. Hindi niya talaga alam.

Ang sabi ni Calen noong huli silang nag-usap sa bahay ni Lex ay liligawan daw siya nito. Hindi naman nito ginawa iyon. Halos tatlong araw na itong hindi nagpapakita sa kanya, hindi rin naman siya nito tinetext o kung anuman. She just sighed.

“Hindi po, Dad.” Sagot niya. “Tropa-tropa chill lang kami noon.” Aniya dito. Kumunot ang noon g Daddy niya.

“Tropa-tropa chill?”

“Means barkada lang. Friends.” Matipid na sabi niya. Napailing ang Daddy niya.

“Ang old naman ng friend mo.” Sabi ni Rythym.

“Calen is not old. He’s only twenty-nine.” Sabi niya.

“Twenty-three ka pa lang. Dapat iyong mga friends mo, mga ka-age mo lang, like twenty-four mga ganun.”

“In love, age doesn’t matter, Rythym.” Narinig niyang sabi ng Mama niya mula sa counter. Binelatan niya si Rythym, umalis na rin ang Daddy niya kaya ipinagpatuloy na niya ang paglalaba.

Habang ginagawa niya iyon ay naiisip niya ang huling gabing kasama iya ito. That night she realized na hindi lang basta tropa-tropa chill ang nararamdaman niya dito. She was in love with him, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon – maybe she had always been in love with him – noon nga lang hindi niya masyadong pinapansin kasi she was just a mere fan – hindi niya pa noon abot kamay si Calen – pero ngayon – he’s near na. She sighed again.

“Harmony, iyong white things din daw ni Mr. Robles ha!” Sumigaw si Melody.

“Got it!” She said. Tumalikod siya para kunin ang mga damit ni Mr. Robles at para mailagay na rin sa loob ng washing machine sa kabila niya, she busied herself with her chore para hindi niya naman masyadong maisip si Calen. Sa totoo lang ay kating-kati na ang daliri niyang i-text ito pero hindi niya ginagawa kasi baka isipin nito na patay na patay siya dito.

Hindi na rin niya iniisip na liligawan pa siya nito – although umaasa siya. Wala siyang babanggitin dito, baka kasi isipin nito na nag-expect siya. Ganoon naman talaga ang buhay, you expect tapos hindi nangyayari – madi-disappoint lang ang taong umasa at ngayon nasa disappointment stage na siya.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng damit nang mag-ring ang cellphone niya. Inabot niya lang iyon at saka sinagot – hindi na niya tiningnan kung sinong tumatawag.

“Hello, kung sino ka man busy ako. Bukas ka na lang tumawag.” Sabi niya na hindi man lang nag-hello. Natigilan siya nang makarinig siya ng halakhak sa kabilang linya. Her body froze, her heart beat faster – kilala niya ang tawang iyon.

“C-calen?” She asked the other line.

“Yes, bhe?” Sagot nito. “Ano bang pinagkakaabalahan mo at bukas ka pa pwedeng tawagan?” He asked in a playful tone. Hindi siya makahuma, nandun pa lang siya sa stage kung saan tinawag siya nitong bhe. He called her baby. Unti-unting napangiti siya.

“Anong atin?” Sinubukan niyang maging casual, ayaw niyang mahalata nito ang kasiyahan sa boses niya.

“I just wanna hear your voice.” Sabi nito. Kulang na lang ay mamilipit siya sa sobrang kilig. Sa panahon ngayon bihira ang lalaking nag-e-effort na tumawag para lang marinig ang boses ng isang babae. Calen is really sweet.

“Hmnn, okay…” Wala siyang masabi.

“Okay lang? Wala man lang I miss you, Calen?” Banat pa nito, Napahagikgik siya. “I miss your laughter. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.” Sabi pa nito. She just sighed.

“Huwag.” Sabi niya. “Marami akong ginagawa.”

“Tsk, sige na, I haven’t seen you in three days.” Sabi pa nito sa kanya.

“Calen, Sunday is family day.” Sabi niya pa dito

. “Ganoon? Kailan naman iyong Boyfriend Day?” Tanong nito. Napaawang ang mga labi niya. Did he just…

“What?” She whispered.

“Sabi ko, kailan iyong boyfriend day. Definitely, not Saturday kasi may school ka noon, bhe. So kailan ang boyfriend day?” Tanong ulit nito. Hindi siya makapagsalita. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya. Tinatanong ba talaga ni Calen iyon sa kanya? Was he really using the word boyfriend? Sarili ba nito ang tinutukoy nito?

“Calen…” She sighed. “Pwede bang pag-usapan muna natin iyan?” She asked him. Natahimik naman ito. Hindi naman sa hindi niya ito gusto – mahal niya nga si Calen pero kailangan pa rin nila ng maayos na usapan. She needed to know things. Gusto niya bago siya pumasok sa relasyon kasama ito ay malinaw ang lahat.

“Okay, sige. Bye…” Sabi nito. Tinapos nito ang tawag. Napabuntong hininga na naman siya. Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak nito, wala talaga siyang clue. Basta ang alam niya hinalikan siya nito – passionately – at mula noon, nag-iba na ang lahat.

Sinimulan niyang banlawan ang mga white things ng mga kliyente nila. Busy na naman siya, pero at the back of her mind, iniisip niya si Calen. Ano na kanyang ginagawa nito? Naiisip kaya siya nito at kailan kaya sila mag-uusap?

“Harmony!”

Napatigil siya sa ginagawa niya nang marinig niya ang boses ni Rythym. Pumasok ito sa laundry room. Humarap siya.

“Bakit?” kunot na kunot ang noo niya sa kakambal.

“May naghahanap sa’yo.” Sabi nito habang nakanguso.

“Huh? Sino?”

“Lagot ka kay Daddy. Buti na lang umalis sila ni Mama.” Sabi pa nito sa kanya.

“Sino ngang naghahanap sa akin? Susuntukin  ko iyang nguso mo!” Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid niya. Rythym was about to talk when suddenly, namataan niya ang isa pigura na nasa likuran nito. Kilala niya ang tayong iyon, ang likod na iyon at ang balikat.

“Hey,”

It was Calen. Her heart beat faster. Napaawang ang labi niya.

“Calen!” She was breathless. Iyon yata talaga ang epekto nito sa kanya. Kinakapos siya sa hininga. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya. Nalukot ang mukha nito.

“Sabi mo, mag-uusap tayo.”

Ngayon agad? She didn’t realize na pupunta ito sa kanya agad-agad. Hindi niya naisip na noong sinabi niyang kailangan nilang mag-usap ay aagarin siya nito. Nag-excuse so Rythym, nang makalabas ang kapatid niya ay lumakad siya palapit sa pinto. She locked the door tapos ay ibinaba niya ang blinds dahil alam niyang pilit na sisilip ang mga kapatid niya. Hinarap niya si Calen at saka kinuwelyuhan ito, ibinalya niya ito sa pader kung saan hindi ito kita ng mga kapatid niya.

“Anong ginagawa mo dito?” She whispered. Calen smiled – Ugh! That mischievious smile! Napabuntong hininga siya.

“Diba sabi mo, mag-uusap tayo.” Sabi nito sa kanya.

“Ngayon agad? Hindi ba pwedeng bukas o kaya man sa Martes or sa Miyerkules?” Tanong niya dito. Parang nahulog si Calen sa malalim na pag-iisip.

“So, ano sa mga araw na iyon ang boyfriend day, baby?” He asked her. Nahigit niya ang kanyang hininga. Talagang pinaninindigan nito ang pagtawag nito sa kanya ng baby at ang paghingi ng boyfriend day. She smiled. Calen was just looking at her.

“Hindi mo naman ako niligawan, paano kita naging boyfriend.” Sabi niya dito. Calen tucked her hair behind her ear.

“Kailangan pa ba iyon? Nag-kiss na tayo, many times.” Itinaas-baba pa nito ang kilay nito at saka ngumisi na naman.

“Loko!” Binatukan niya ito. “Bakit hindi ka nagpakita ng three days? Di ka man lang nagtext.” Sabi niya kay Calen.

“Kasi po, wedding ni Lex, nasa Batangas ako. Gusto man kitang itext naaalangan naman ako kasi hindi ka naman sumagot noong nag-kiss tayo sa bahay nila.” He inhaled.

“Torpe ka?” Nanlalaki ang mga mata niya.

“Hindi.” He smiled. “I just don’t want you to think na atat ako sa’yo.” He gave her his mischievious smile again. Napabuntong-hininga siya. Napaigtad siya ng maramdaman niya ang kamay ni Calen sa baywang niya.

“So kailan nga ang boyfriend day?” Tanong pa rin nito. Binatukan niya ulit ito, matapos iyon ay hinuli ni Calen ang kamay niya. Bigla na lang sumeryoso ang mukha nito.

“Listen to me, Harmony, I will only say this once so you have to listen.” He cleared his throat. “All my life I have neglected my happiness and right at this moment, I want to be happy. You, your super kulit ways, that thing you do with your nose and with your brows, your voice, the way you call my name and the fact that everytime I see you – I suddenly remember that there are more things in life that I have to feel – you, you and only you – you are the source of my happiness and I will not let the source of my happiness be gone. I want you in my life, I need you, and you brought me back, Harmony. You make me happy…”

“I do?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Calen held her chin. Unti-unti nitong inilalapit sa mukha niya ang mukha nito.

“Ever since I met you, palagi na akong masaya.” After that, Calen brushed his lips against her. She closed her eyes and let herself feel the things she had been avoiding for the last three days, oo, mahal na niya si Calen at sa tingin niya, ganoon din ito sa kanya.

-----------------------

Jin Hye was looking out the window of her office. Nasa Hangbeok Resort siya. Halos dalawang linggo na siyang hindi bumabalik sa siyudad. She was fighting the urge of getting inside her car and travelling six hours to see Calen – hindi si Caleb – si Calen talaga.

Ilang beses na niyang tinanong sa kanyang sarili kung bakit at kung paano. She wasn’t sure what happened but after that confrontation she had with Calen almost two weeks ago, she realized one thing;

Hindi siya nagagagalit dahil disappointed siya kay Calen, she was mad at him because he was jealous of that woman dahil sa isan dahilan na hindi niya maintindihan, mahal niya si Calen.

Ilang araw niyang iniyakan ang bagay na iyon. She kept on thinking kung bakit kay Calen pa? Kapatid ito ng asawa niya at sa ngayon gusto niya talagang niyang maayos ang relasyon nilang dalawa. Pero paano mangyayari iyon kung sa tuwing makikita niya si Calen ay rumirigudon ang puso niya? Paano niya aayusin ang relasyon nila ni Caleb kung si Calen ang palagi niyang nakikita tuwing kasama niya ito?

Minsan pakiramdam niya, hindi talaga si Caleb ang naaalala niya kundi si Calen. Last night she dreamed of that moment where she was inside the football field with the man she remembers, pareho lang ito nang natatandaan niya. Same situation, same dream, pero nang tingnan niya ang mukha ng lalaking iyon sa kanyang panaginip, she didn’t see Caleb, si Calen ang nakita niya.

Gray eyes, mischievious smile, devilish grin – lahat iyon si Calen. She wanted to cry because she was so confused, pero hindi naman niya magawa, bakit siya iiyak sa isang bagay na wala namang linaw. Naisip niya na baka kaya niya napapaniginipan si Calen ay dahil nga sa in love na siya dito.

Isang bagay na hindi naman pwedeng mangyari. She took a deep breathe. She has to stop thinking about Calen. Kailangan niyang i-focus ang sarili niya kay Caleb.

“Jin Hye.” Napatingin siya sa may pinto ng opisina niya nang marinig niya ang boses ng secretary niya. She smiled at Sophia

“Hi.” She tried smiling.

“May mga naghahanap sa’yo.” Sabi nito sa kanya. Itinuro niya ang sarili.

“Sa akin?” Tumango ito. Nagtatakng sumunod siya kay Sophia at nang makalabas siya ng opisna ay nakita niya si Lex at si Kerky.

“Hi Jin!”

Natawa siya.

“Anong ginagawa ninyo dito?” Tanong niya sa mga ito. Kerky was posing his mowhawk haircut again, Lex’s hair was still long and wavy, ito iyong edge ng dalawang ito. Kerky looked at her.

“Sinusundo ka namin, Jin. Two weeks mo nang di dinadalaw si Calen eh.” Sabi pa ni Kerky. Kumunot ang noo niya.

“Kerkz…” Lex glared at his friend.

“Ibig kong sabihin si Caleb.” Sabi pa nito tapos ay nagbuntong hininga.

“Busy kasi ako…” Sabi niya sa mga ito.

“Kahit na, Jin, You should take a break. Kailangan mong makita ang mahal mo.” Sabi pa ni Kerky sa kanya. She just smiled.

“Nag-lunch na ba kayo?” Tanong niya sa mga ito. Bigla niyang naisip nab aka gutom na ang mga ito, malayo ang binyahe ng dalawa, pakakain muna niya ito bago sila mag-usap.

“Jin…” Kerky look at her. “Jin,” Hinawakan siya nito sa balikat. “Jin please, come back, please, really come back.” Makahulugang wika nito. Titig na titig ito sa mga mata niya.

“Antonio!” Lex hissed. Natigil si Kerky. Huminga ito ng malalim. “Jin Hye, pasensya ka na, gutom na si Kerky.”

“Kaya nga, pakakainin ko muna kayo.” Napapailing na tumalikod na lang siya. Tinawag niya si Sophia para magpahanda ng lunch para sa dalawa niyang kaibigan. She was talking to Sophia and after that, lumabas siyang muli para puntahan ito. Naroon pa rin ang dalawa, nag-uusa, pero parang seryoso. Naisip niyang tumalikod na lang at iwan ang mga ito pero napahinto siya nang marinig niya ang kanyang pangalan.

“Don’t you think it’s about time for Jin Hye to know?!” Kerky hissed at Lex. Dahan-dahan siyang lumingon.

“Hindi pa, hindi siya pwedeng mabigla. Remember what Nathan said---“

“Fuck Nathan and his logic! Oo, doctor siya pero kung hindi pa rin natin sasabihin kay Jin Hye na si Calen iyon, na si Calen ang mahal niya, na si Calen ang binabalikan niya at hindi si Caleb. Na siya ang Cinderella ni Calen! Na siya ang buhay at kamatayan ni Calen! Mauubusan na tayo ng panahon!"

You and your big mouth!” Lex hissed. Nagtalo pa ang dalawa pero siya nakatulala na lang siya sa mga ito. Ano bang sinasabi ni Kerky? Ano bang nangyayari?

“Kerky?” Tinawag niya ang atensyon ng mga ito. Kerky’s mouth was half opened, habang si Lex naman ay napapailing.

“Jin Hye…” Sabi ni Lex. Lumapit ito sa kanya at saka inalalayan siya. “Jin Hye, relax.”

“Si.. si… Calen?” Maluha-luhang sabi niya. Tiningnan niya ang dalawa. “Si Calen?”

Kerky nodded. Napaiyak siya... 

Continue Reading

You'll Also Like

542K 9.3K 14
Ian and Robi had an "aso at pusa" relationship. They fight almost ten times a day. But things started to change when Robi saw how his other friend...
2M 83.6K 23
Naniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon si...
2.2M 46.7K 22
Lex had always hated Keith. Keith had always hated Lex. They were archenemies. Lex wanted nothing to do with her but one night of foolishness changed...
932K 32K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.