Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 26: Lurking
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 30: Attack

450K 19.7K 2.6K
By april_avery

Chapter 30: Attack

Hapon na noong nakabalik kami sa bayan. Sa border palang naramdaman na namin na may hindi tama. Wala ang mga orders na madalas ay nakabantay dito. They are the one who checks every car or vehicle that past through the territory of Van Zanth.

Nagtaka si Zander. Nagpatuloy kami sa pagmamaneho pauwi sa bayan. Pero habang palapit kami sa sentro nito tuluyan naming naramdaman ang pagbabago sa atmosphere ng paligid. The air was heavy and tensed. Malayo ito sa tahimik na bayan noong umalis kami. Something must had happened when we were gone.

Nakarating kami sa downtown. Halos walang taong makikita sa labas. Ang ilan na nadaanan namin ay nagmamadali na makapasok sa kanilang mga tahanan o tindahan. Their faces were anxious, their moves rigid and careful. Isa sa mga orders ang nadaanan namin. Papunta ito sa gymnasium ng bayan. Huminto ang aming sasakyan. Agad nakilala ng order kung sino ang may ari nito. Agad siyang tumigil. Nang bumukas ang pinto at nakita niya si Zander, yumuko ito.

"Ano ang nangyayari dito?" Tanong ni Zander. "Nasaan ang orders na nagbabantay sa bayan?"

"Alpha," Tila nag alangan ito sa sasagot. "Sugatan ang karamihan sa mga orders na nagbabantay sa mga borders."

Nag igting ang panga ni Zander.

"May nakapasok po sa bayan."

--

Mabilis ang pagpapatakbo ni Zander sa sasakyan. Napansin ko ang mahigpit na hawak niya sa manibela. Ilang minuto lamang ang lumipas dumating kami sa harapan ng gymnasium ng Van Zanth.

"Stay here."

Lumabas siya mula sa sasakyan. Agad siyang binati ng mga orders na nasa lugar. Pumasok siya sa pintuan ng gym. Labas pasok ang mga orders dito. A lot of them had stains of blood in their clothing and injuries in their body. Hindi ako nakatiis. Lumabas ako mula sa sasakyan at sumunod sa loob ng gym. Ilang orders ang pumigil sa akin.

"Miss Laura, mas makabubuti kung hwag muna kayong papasok."

"I need to talk to Zander."

"Pero Miss Laura,"

Nilampasan ko sila. Alam kong hindi nila ako tuluyang mapipigilan. Nang makapasok ako sa loob isang hallway ang bumungad sa akin. Naging tahimik at bahagyang madilim ang paligid. Napatingin ako sa sahig, katabi ng aking sapatos ang mga patak ng dugo sa sahig. Muli akong naglakad. The only sound resonating on the hallway was my footsteps. Bumabalot sa paligid ang pinaghalong amoy ng alcohol at dugo. Unti unti kong narinig ang mga ingay. Voices shouting frantically, screams of pain. Mga nagmamadaling yapak sa sahig.

Tumigil ako sa paglalakad noong nasa dulo na ako ng hallway. Nagdalawang isip ako na tingnan ang nasa likod ng malaking pintuan. I know what I will see inside can ruin me. Hinawakan ko ang pintuan at unti unti itong tinulak.

I froze. Blood. Every body I saw in the place were stained with blood. May sugatang orders na nakahiga sa sahig. Ang iba ay nakasandal sa pader. Ilang mga nurse mula sa local hospital ng Van Zanth ay ng nasa lugar. Kasama nila ang natitirang orders sa pag gamot sa mga sugatan.

Out of the corners of my eyes, I saw Zander. He was talking to Sebastian. Halos matutop ko ang aking bibig nang makitang maging si Sebastian ay sugatan. Binabalutan ng benda ang bahagi ng kanyang likod. Lumapit ako para kamustahin siya. Ngunit natigilan ako nang marinig ang pag uusap nila ni Zander.

"Hunters." I heard Sebastian said. "Nakapasok na sila sa teritoryo."

Napa-atras ako. Tahimik akong umiling. Hindi. Tuluyan akong lumayo. Nanginginig ang aking mga binti. Nakabalik ako sa sasakyan. Ngunit hindi ako mapalagay.

Ilang minuto ang lumipas pero hindi parin ako kumakalma. Alam kong hindi pa makakabalik si Zander sa mga oras na ito. Binuhay ko ang engine ng sasakyan at pinaandar ito. May mga orders na nagtangkang pigilan ang pag alis ko.

"Miss Laura, kailangang malaman ni alpha-"

"I need to go home." Sinabi ko mula sa nakabukas na bintana. "Tell Zander I'm heading to the mansion."

Tuluyan akong umalis. Kailangan kong malaman ang totoo. Kung hindi ito magmumula kay Zander, mabuti pang alamin ko ang gamit ang bagay na ito. Ito lang ang alam kong makakapag paliwanag ng lahat.

--

Habang nasa byahe unti unti akong nanghihina. This is why everyone wanted me to stay away. I could bring chaos in Van Zanth. Tears blurred my eyes. I tried to wipe it off. I almost lost control of steering wheel when I saw a person blocking my way. I cursed and stepped heavily on the break.

Halos tumama ang ulo ko sa manibela. Huminga ako ng malalim. Hinintay ko ang ilang segundo bago kumalma. Nang muli kong ibaling ang tingin sa labas, nanlamig ang aking katawan. He was standing there, with a light smile on his full lips. Hindi ko akalain na makikita ko siyang muli. The outsider.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Nanatili ako sa loob ng sasakyan. It was a de ja vu. Halos ganito din ang sitwasyon noong una kaming nagkita. Lumapit siya sa akin. Alam kong hindi niya ako sasaktan. I could see it in his eyes. Tila ba kilala niya ako maliban pa sa pagiging mate ng alpha.

Kumatok siya sa bintana ng driver's seat. I gripped the steering wheel tightly. What is he doing here? He can't be here.

Dahil sa frustration at pangamba, binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at bumaba. Napaatras siya. Nang tuluyan na akong nasa harap niya, ngumiti siya. A strangely genuine smile.

"Long time no see." Bati niya.

"Hindi ka dapat nandito." Sinabi ko. How can he even smile in this critical situation?

"Bakit hindi?" Balewalang tanong niya.

Wala akong makitang pangamba sa kanyang mukha. Maybe he's more dangerous than I thought. Napaatras ako.

"I-I have to go."

Akmang babalik na ako sa loob ng sasakyan nang hawakan niya ang aking braso. I flinched. Agad akong lumayo sa kanya. Pakiramdam ko nakuryente ako.

"Masyado ka ng naging malapit sa kanya."

Naging seryoso ang boses nito habang nakatitig sa akin. Tila hindi niya nagustuhan ang nalaman.

"Ano bang sinasabi-"

Natigilan ako. Tinitigan ko ang kwintas na suot niya. Isang familiar na bagay ang nakasabit dito. A bullet. Pareho ito ng sa akin. Bumalik ang tingin ko sa mukha ng lalake. My mouth went dry and my breathing suspended. Madaming tanong ang pumasok sa aking isip.

"Who are you?"

"Laura, kakampi mo ako."

Umiling ako. Hindi maaari. Impossible na may kinalaman siya sa aking pamilya.

"Nandito ako para balaan ka."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Laura, ang lahat ng ito, sa ayaw mo man at gusto ay may kinalaman sayo. Kaya nilang wasakin ang bayan na ito."

"Stop messing with me!" Halos singhal ko. "I don't even know you." Mariin kong sinabi.

For a second pain flashed in his eyes. Pero agad itong nawala nang muli niya akong balaan.

"You don't belong here, Laura. The earlier you realize it, the better."

Tinitigan niya ako at bahagyang ngumiti.

"Siguro nga hindi ito ang tamang pagkakataon. Kung handa ka ng harapin ang katotohanan, alam mo kung saan ako makikita."

Tuluyan siyang umatras palayo sa akin. Pero ramdam ko na maging siya ay nagdadalawang isip na hayaan akong umalis. Why was he so worried?

Gusto kong masagot ang aking mga tanong. Gusto ko siyang makausap. Ngunit nangangamba ako na baka mapahamak siya sa lugar na ito dahil sa akin.

--

Panay ang tingin ko sa side mirror habang nagmamaneho pabalik sa mansion. He stood there, carelessly, in the open. Walang takot na mababakas sa kanyang mukha maliban sa pangamba noong hinayaan niya akong umalis.

Noong tuluyan na akong nakapasok sa property ng mansion, pagsilip kong muli ay wala na siya. Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag o mas mangangamba. How can someone like him roam freely in Van Zanth?

Walang tao sa mansion noong dumating ako. Nasa ancestral house parin si Miss Loraine at Aunt Helga. Baka mamayang gabi pa sila makauwi. Umakyat ako sa aking kwarto. Sa second floor nadatnan ko ang pusang si Elvis na tila naramdaman ang pagdating ko. Bumalot ang kanyang mabalahibong katawan sa aking paanan. I have to usher him away.

Nagmadali akong pumunta sa aking kwarto. Pagpasok ko kinalkal ko ang aking drawer. Isang bagay lang ang kailangan kong makita. Nang mahanap ko ito at mahawakan, bigla akong kinabahan. Paano kung totoo ang lahat ng aking hinala? Makakaya ko bang tangapin? Tinitigan ko ang itim na kahon na nasa aking palad. Binuksan ko ito. Kumislap ang metal na nasa loob nito. The bullet.

Kinapa ko sa aking bulsa ang isa pa. Dumikit ang bahid ng dugo sa panyo kung saan ko ito binalot. Palihim ko itong kinuha mula sa tray na may kasamang medical instrument bago ako umalis sa gymnasium kanina. Hawak ang metal sa magkabilang palad, pinagkompara ko ang mga ito. Same copper bullet. Mine was engraved with cursive words. The bullet tainted with blood has a single letter on its base. A.

Napaupo ako sa aking kama. The bullets were almost identical. Tila isa lamang ang pinagmulan nito. Bumalik muli sa aking isip ang sinabi ng outsider.

You don't belong here. The earlier you realize, the better.

Sila ba ang may kagagawan nito? Dapat ko bang ipaalam kay Zander ang lahat ng nalaman ko?

--

Nagkaroon ng meeting ang natitirang orders matapos ang insidente. Nangyari ito sa mansion at nasaksihan ko ang lahat. Kung paano nagalit si Zander at kung paano siya bumalik sa pagiging nakakatakot na leader.

"They would pay for this."

Tahimik akong nakinig habang nasa paanan ng hagdan sa second floor. Hindi ko gustong malaman niya na nakikinig ako at nakikita ko kung paano siya magalit. Zander, when it comes to protecting this town, could be heartless.

"Hunt them down. Kill them. I don't want to see any human hunter breathing in my territory."

Nakasandal ako sa pader habang naririnig ang kanyang command sa living room. Napahawak ako sa aking dibdib. May kung anong sakit ang bumalot dito.

How about me, Zander? Can you really keep me if both of our worlds collide like this?

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 5K 9
Their game is already over. Now It's their turn to take over. Never ending LIES and CHALLENGES will test even the new generation. Just remember the...
55K 1.6K 35
Welcome to my mind. My neverland. Contains poems, lines from my stories and random things that kept on running in my mind. WARNING: May contain dar...
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...