Revenge ni Beki (Complete)

By AedrianBuison

205K 6K 290

Sinaktan nyo ako noon, sasaktan ko naman kayo ngayon. Si James Dean Lopez o mas kilala ngayon bilang Steph L... More

RECOMMENDATION
Revenge ni Beki
Prologue
Chapter One - New School
Chapter Two - Oh My Spencer!
Chapter Three - Tadhana
Chapter Four - Superhero
Chapter Five - Friends?
Chapter Seven - Bestfriend
Chapter Eight - ON
Author's Note
Chapter Nine - Confess
Chapter Ten - Picture
Chapter Eleven - Beginning
Chapter Twelve - Memories
Chapter Thirteen - Practice
Chapter Fourteen - The Drawing
Chapter Fifteen - Graduation Day
Chapter Sixteen - Party
Chapter Seventeen - Revenge
Chapter Eighteen - Plan
Chapter Nineteen - Woman in Black
Chapter Twenty - Bitchy
Chapter TwentyOne - Project
Chapter TwentyTwo- Project
Chapter TwentyThree - Vigan
Chapter TwentyFour - Ligaw
Chapter TwentyFive - Friends
Chapter TwentySix - Selos
Chapter TwentySeven - Fall
Chapter TwentyEight - Confused
Chapter TwentyNine - Truth
Chapter Thirty - Unexpected Scene
Epilogue
Author's Note

Chapter Six - Pretend

5.6K 171 11
By AedrianBuison

Chapter Six – Pretend


Spencer's POV


Kakalabas ko lang ng kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas ko palang rinig na rinig ko na agad sina Mom at Dad na nagtatalo, lagi nalang silang ganyan kaya minsan hindi ko nalang sila pinapansin eh. Hinayaan ko lang silang magaway at dire-diretsyo akong pumunta sa kusina para kumaha ng tubig sa loob ng ref.


Pagbukas ko ng red ay agad kong kinuha ang isang pitsel na may lamang tubig at linagyan ng tubig ang hawak hawak kong baso. Nang matapos na akong uminom ay agad akong umakyat sa taas pero napatigil ako ng biglang nagsalita si Mom sa akin.


"Hoy Spencer! Ano nakuha mo na ba si Taylor? Girlfriend mo ba sya!?" sigaw sa akin ni Mom, tumango naman ako kahit naririndi na ako sa kanilang dalawa.


"Nako subukan mong hindi mapasayo yang Taylor na yan at baka Makita mo ang kalalagyan mo!! Kailangan natin sila!" sigaw nya ulit at nagpatuloy na ako sa pag-akyat.


Gusto nilang maging Girlfriend ko si Taylor para may makuha silang pera. Ganyan talaga ang Mom and Dad ko, ang gusto lang nila ay pera. Minsan nga naiisip ko na lumayas nalang ako dito para mawala na ako sa bahay na'tong puro sigawan. Maganda, Malaki at magarbo ang bahay namin pero puro gulo, ingay, sigawan naman ang maririnig mo dito kapag pumasok ka. Ewan ko ba sa mga magulang ko kung bakit sila araw araw nag-aaway. Napapaisip ako kung lumaki ba talaga silang mayayaman? Ugaling skwater kasi silang dalawa.


Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ako at natulog na. Marami-rami rin kasi ang ginawa ko kanina sa school kaya napagod ako at nabeastmode ang utak ko sa kakaisip kung anong bagong batas ba ang pwede kong ipatupad. Kailangan daw bagong bago ang batas ko, yung batas na hindi pa nababatas sa ibang school. Pinagawa ako ng bago batas, batas sa school, sa mga nangbu-bully at sa mga estudyanteng hindi marunong sumunod sa batas.


Nagising ako bigla dahil sa narinig kong isang napakalakas na tunog, pagdilat ng dalawa kong mata nakita ko ang phone ko na nasa tabi ng mukha ko na tumutunog. Kinuha koi to at tinignan kung ano baa ng tumutunog..ang alarm ko lang pala. Ang bilis naman ng oras, 4:00am na agad. Parang kanina lang natulog ako tapos ngayon papasok na ako.


Tumayo ako at humarap muna sa salamin. Ngumiti ako at pagkatapos non ay kumuha ako ng towel at pumasok na sa loob ng CR.


Paglabas na paglabas ko ng CR ay tumunog nanaman ang phone ko. Alam na alam ko ang tunog ng alarm ko kaya hindi ito alarm, isa tong tawag. Kinuha ko ito at sinagot ang tumatawag. Si Taylor ang tumawag kaya sigurado may ipapagawa nanaman ito.


"Hey Spencer."


"Hey beautiful."


"Puntahan mo ang bahay nila at sunduin mo sya, ite-text ko sayo ang address ng bahay nila kaya bilisan mo." Sabi nya at ibinaba nya na.


Nagulat ako sa sinabi nya. Ihahatid ko yon sa school? Paano ko yon mahahatid eh mamaya ko na sasabihin ang mga batas na ginawa ko, sasabihin ko ang mga batas na ginawa ko mamayang pasukan. Di bale gagawa nalang ako ng paraan para mapaaga pa rin ang pagpasok ko.


Tinignan ko ang phone ko. Sakto pagtingin ko ay agad itong tumunog sign na may nagtext sa akin. In-open ko ito at nakita ko ang text sa akin ni Taylor. 132*** etc. Aagd kong inilipag ang phone ko sa ibabaw ng cabinet ko at nagmadali akong nagbihis ng uniform ng school namin. Humarap ako sa salamin at inayos ko ang kwelyo at necktie ko.


Nang matapos akong magbihis ay ibinulsa ko ang Phone ko sa loob ng bulsa ng pants ko at lumabas agad ng kwarto para makababa na at makalabas na sa bahay. Paglabas ko ng bahay ay agad akong pumunta sa garahe at pumasok sa loob ng sasakyan ko para masundo na sya.


James POV


Nandito ako ngayon sa kanto at nag-aantay ng jeep na parating. Kanina pa ako rito pero kahit isa wala man lang akong nakitang jeep na paparating dito. Naiinis man ay kailangan ko pa ring maghintay. Ano bang nangyari sa mga Jeep ngayon? At bakit walang dumadaan na Jeep dito? Ayaw ba nila akong pasakayin? Pati ba mga driver ng Jeep ay nandidiri sa akin? Wala namang dapat pandirihan sa akin dahil malinis naman akong tao. Yun nga lang, maitim, maraming pimples at medyo marami akong peklat sa kamay at paa. Pero malinis pa rin ako kahit ganito ako.


May nakita akong sasakyan na paparating..hindi ko maaninag kung jeep ba yon? Pumara ako dahil baka jeep nga yon, sana jeep na 'to. Pero laking dismaya ko nung nakita kong isa tong kulay itim na kotse. Napasimangot at napakamot ako sa ulo ko. Jusko! Kapag umabot ng 5:40 at wala pa ring jeep na dumaan rito ay sa kotse nalang naming ako sasakay.


Nagulat ako nang biglang huminto ang itim na kotse sya sa harap ko. Anong trip nito? Para takpan ako. Inirapan ko nalang yung itim na kotseng hanggang ngayon ay nasa harapan ko pa rin. Nagulat nalang ako bigla ng...ng Makita ko kung sino yung bumaba sa kotse, hindi ako nagkakamali. Si..si Spencer 'to!! Kyaaah!!! Hindi ko nanaman maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang feeling ko kapag lumapit sya sa akin ay tuluyan ng sumabog ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Pero teka nga, bakit sya nandito?


"Anong ginagawa mo rito Spencer?" tanong ko sa kanya. Lumapit sya sa akin.


"Isasabay kita, isasabay kita dahil mukhang kanina ka pa nag-aantay dito ng sasa'kyan, tignan mo yung mukha mo pawis na pawis." Sagot nya. Nagulat naman ako sa huli syang sinabi...pawis na pawis ako? Kinapa ko yung mukha ko. Tama sya pawis na pawis nga ako pero hindi naman dahil 'to sa paghihintay eh, dahil 'to sa kanya! Ang hot nya kasi.


"Ah..ah..-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla syang nagsalita.


"Ayaw mo?" tanong nya ulit sa akin.


"Sige na nga." Sagot ko. Binuksan nya yung pinto para makapasok ako. Ang sweet nya naman para nya naman akong jowa. Pumasok na rin sya ng makapasok ako, pinaandar nya na ang kotse. Pinaupo nya ako sa backseat. Gusto kong lumipat sa driver seat dahil nagmumukha syang driver..isang gwapong driver.


Pumunta ako sa harapan kaya nagulat sya sa ginawa ko.


"Oh, bakit ka lumipat?" tanong nya habang nakakunot ang noo.


"Nakakahiya kasi kung sa likod mo ako papaupuin, nagmumukha ka tuloy ...dri-v-er." Sagot ko sa kanya. Nahihiya man ako pero sinabi ko pa rin. Tumingin sya sa akin..isang tingin na walang emosyon. Biglang nangatog ang mga tuhod dahil sa takot, mamaya kasi bigla nya akong pabababain o di kaya baka magalit sya sa akin. Kinakabahan ako.


Nagulat nalang ako ng bigla syang tumawa at dahil sa tawa nya nakahinga ako ng maluwag at nawala ang pagkangatog ng mga tuhod ko. Akala ko naman galit na sya.


"Alam mo ang galing mong magpatawa." Sabi nya habang tumatawa pa rin.


"Akala ko naman magagalit ka." Sabi ko.


"Bakit naman ako magagalit? Napatawa mo pa nga ako eh." Sabi nya naman.


Napangiti naman ako sa sinabi nya at feeling ko napunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.


"Oh, namumula ka nanaman. Umamin ka nga sa akin may gusto ka ba sakin?" tanong nya.


Lalo akong namula at kinilig. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Para bang nakarating na ako sa langit sa sobrang kilig. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko, totoo ba to? Kinurot at sinampal sampal ko ang pisngi ko, totoo nga. Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat ng ito.


Sabihin mo nga sa akin Tadhana, magiging kami na ba? Kung magiging kami man sana ifast forward mo na please! Nawala ako sa pag-iisip at bumalik ako sa realidad ng bigla akong tinawag ni Spencer.


"Okay ka lang ba? Nakatulala ka kasi. Nandito na tayo" sabi nya sa akin.


Binuksan nya na yung pinto at pinababa nya ako. Pagbaba ko, agad kong nakita ang mga babae at beki na nakanganga. Halos pasukan na ng mga langaw ang mga bibig nila sa sobrang nganga nila. Hindi ko alam kung bakit pero ang tanging naiisip ko lang kung bakit sila nakanganga ay dahil napagkamalan nanaman nila akong jowa ni Spencer.


Bumaba na rin si Spencer. Hanggang ngayon nakatayo pa rin ako dito at nakatingin sa mga babae at beki na nakanganga. Nagulat rin si Spencer sa mga taong nakanganga nga. Lumapit si Spencer sa akin at hinawak yung kamay ko. Oo, tama ang pagkakabasa nyo hinawak nya yung kamay ko. Kailangan ko na atang ipatest tong puso ko, sobrang bilis ng tibok.


"Excuse me mga Girls." Sabi ni Spencer sa mga babae at beki na nakaharang. Kahit hindi pa rin makapaniwala ang mga tao na nandito ngayon ay sinunod nila ang sinabi ni Spencer sa kanila. Nagkaroon ng daan sa gitna at doon kami dumaan ni Spencer.


Naglalakad kami ni Spencer habang nasa likod nya ako pero nakahawak pa rin sya sa kamay ko. Oh my Relationship goals! Pero bawat madaanan kong babae ay sinasabihan naman ako ng masama.


"Bitch."


"Fvck you."


"Slut!"


"Mang-aagaw"


"Higad"


"Dapat sayo patayin."


"Nerd"


"Baklang pulgoso"


Yan yung mga masasakit na salita na binitawan sa akin mga estudyante. Napaka-judgemental nilang tao, sino sila para husgahan ako samantalang hindi pa naman nila ako kilala. Hindi pa nga nila ako nakakausap eh at sino rin sila para sabihan akong 'slut' hindi naman ako malandi eh. Kung makapanghusga sila feeling nila napakaperpekto nilang tao. Wag muna dapat sila nanghuhusga kung hindi muna nila alam ang totoong nangyari. Tandaan nyo, huwag mong husgahan ang tao kung nakita mo lang naman ang ginawa nya pero hindi mo pa alam ang totoo. Kailangan mo mo munang malaman ang totoo para mahusgahan mo sya. Lahat ng pangyayari, may dahilan.


Dire-diretsyo lang kaming dalawa sa building ng Fourth Year habang hawak hawak nya pa rin ang kamay ko. Ang sweet nya diba?


Nandito na kami sa harapan ng room, binitawan nya na ang kamay ko pero bago ako pumasok sa room ay hinarap nya ang sarili ko sa sarili nya at hinawakan nya ang braso ko.


"Sunduin kita mamayang recess hah! Bye" sabi nya sabay takbo na.


Kinikilig man ay hindi ko maiwasang magtaka, kung bakit ganon ang inaasal nya sa akin. Para tuloy nya akong tinuturing prinsesa Chos! Pero nagtataka talaga ako eh, may hindi ba ako alam? Para kasing sa kinikilos nya sa akin parang may hindi sya sinasabi. Tsk, hayaan mo na nga lang yon James basta ang iisipin ko nalang yung mga ginawa sa akin ni Spencer kanina. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon dahil hindi ako makapaniwala na hinawakan nya yung kamay ko sa maraming tao. Anong tawag don? Holding hands while walking? Mygod.


"Mr. Lopez, may problema ba? Pumasok ka na sa loob." Nawala ako sa pag-iisip ng bigla akong tinawag ni Mrs.. sino nga ba 'tong teacher na'to? Ngayon ko lang sya nakita pero bakit nya ako kilala.


"Mrs? Sorry po." Magalang kong sagot sa kanya.


"Oo nga pala, hindi mo pa pala ako kilala. Ako nga pala si Mrs. Santos at ako ang teacher mo sa Filipino." Magalang nyang pagpapakilala. Akala ko naman magagalit sya sa akin, hindi pala. Ngumiti lang sya sa akin at ngumiti rin ako sa kanya. Mukhang makakasundo ko 'tong teacher na'to. Umupo na ako at nakinig na sa tinuturo nya.


Nagturo lang sya ng nagturo hanggang sa nagdismiss na sya dahil break time na. Nang lumabas yung teacher naming, nakaramdam ako ng takot dahil lumapit sa akin yung mga babae kong kaklase..si Carmella ata pasimuno nito at may kasama silang dalawang beki na kaklase ko rin.


"Hoy kung ayaw mo pang mawala sa mundong ito, layo-layuan mo ang Spencer KO!" sigaw sa akin ni Carmella na may tonong pagmamaldita.


Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng biglang itulak ni Carmella ang dibdib ko kaya muli akong napaupo. Pinaikutan nila ako. Nasaan ka na ba Spencer? Akala ko ba susunduin mo ako dito? Sana dumating ka na Superhero ko!


"Ano? Siguro hinahanap mo si Spencer? Hindi yon darating dahil hindi ka naman importante sa kanya!" sigaw nya pa ulit.


"Yes, truelaly girl! Kung importante ka sa kanya babalikan ka nya." Sabi ni John.. yung beki na minamalditahan rin ako.


"Nasasaktan ka na ba? Hindi pa yan masakit. Ang totoong masakit kapag sinaktan ka nanamin!" sigaw ulit ni Carmella. Natatakot na ako..feeling ko kahit anong oras pwede nila akong saktan. Gusto ko ng lumaban pero hindi pwede, baka lalo nila akong saktan.


Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Alam kong babalikan ako rito ni Spencer, sinabi nya sa akin na susunduin nya ako dito kapag break time na pero bakit wala pa rin sya hanggang ngayon?


"Tandaan mo 'to, kapag nakita ka naming kasama mo si Spencer! Maghanda ka na dahil baka paglamayan ka na." pagbabanta sa akin ni Carmella.


Nakayuko pa rin ako at pinipigilang tumulo ang luha ko. Nasaan ka na ba kasi Spencer? Baka totoong hindi ako importante kay Spencer, baka kunwari lang sya. Pero hindi eh, alam kong hindi magagawa ni Spencer yon dahil mabait syang tao. Baka natagalan lang yon dahil baka marami syang ginagawa dahil nga isa syang President natural lang yon.


Naghihintay pa rin akong dumating si Spencer habang sila naman ay nasa harapan ko pa rin at tila parang binabantayan nila ako. Nagulat kaming lahat ng may nagsalita at napalingon naman kaming lahat sa nagsalita. Laking tuwa ko ng Makita ko si Spencer na hingal na hingal papasok sa room..feeling ko tumakbo sya papunta sa room. Nagulat naman sila Carmella.


"Anong nangyayari?" tanong ni Spencer habang hinihingal pa rin.


"Ah..ah.. Hi Spencer." Sabi ni Carmella. Tumingin sa akin si Carmella at nilakihan ako ng mata. Sign na huwag kong sabihin ang totoong nangyari at dahil takot ako kina Carmella ay hindi ko sinabi ang totoong nangyari.


"Ah, naguusap-usap lang kami tungkol sa project namin." Sagot ko kay Spencer sabay ngiti..isang pekeng ngiti. Tumango naman sya pero hindi pa rin sya tumitigil sa paghinga. Mukhang hingal na hingal pa rin sya.


May biglang nagsalita kaya napatingin kami sa pinto. Nakita naman si Denise, kaklase ko sya.


"Huwag kang maniwala dyan Spencer, kitang kita ng dalawa kong mata na inaaway nila si James at pinagbantaan nila si James na kapag daw nakita nila na kasama ka ni James ay papatayin nila si James." Nagulat naman si Spencer at narinig ko namang bumulong si Carmella.


"Isang maingay na pusa na kailangang patahimikin." Bulong ni Carmella. Nagtaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa takot, nakakatakot ang sinabi ni Carmella. Seryoso, mamamatay tao ba si Carmella?


Biglang hinatak ni Spencer yung braso ko kaya napatayo ako. Nagulat ako sa ginawa nya! Ipinwesto nya ako sa likod nya pero hawak hawak pa rin ang braso ko.


"Sa susunod na awayin nyo sya, ako ang makakalaban nyo kahit mga babae pa kayo." Sigaw ni Spencer kila Carmella. Nagulat ako sa sinabi ni Spencer, sya talaga ang superhero ko. Iniligtas nanaman nya ako laban sa mga nangbu-bully sa akin. Parte pa ba 'to ng tungkulin nya? Parang hindi na kasi eh. Handa syang masaktan para sa akin? Mygod.


Hinatak nanaman ako ni Spencer pero hindi na sya ngayon nakahawak sa braso ko, nakahawak sya ngayon sa kamay ko at nagmistulang Holding hands while walking nanaman kami. Medyo mararami pa ang tao sa Corridor kaya pinagti-tinginan kami. Yung iba nakasimangot, yung iba nagbubulungan, yung iba naman ay nashock sa nakikita nila.


Nang makalabas na kami ng building ay agad na nagtinginan sa aming lahat ng tao. Wala na ba talagang ibang reaksyon ang mga students na nakakakita sa amin kundi ang tignan at mashock lang sa amin. Wala man lang akong nakitang nakangiti na para bang suportado na suportado sa amin ni Spencer. Sa bagay, wala naman atang students dito ang matutuwa kapag nakitang magkasama kami ni Spencer.


Bahala na nga lang.




Continue Reading

You'll Also Like

69.6K 2.2K 29
"Sometimes, the person who drives you crazy, is the same person whom you cant live without." Drive me Crazy is a bishounen love story with pinoy appr...
61.4K 2.1K 20
⚠New Transfery ⚠Small ?? ⚠Attractive ⚠Innocent ⚠Cute Beware:That's my classmate a cute little innocent classmate. Sya si Keoji Kim transfer student i...
109K 2.5K 20
Championship ng Collegiate Basketball Association of Manila subalit habang ang mga bus ng magkabilang koponan ay bumibiyahe patungo sa sports venue...
17.1K 1.2K 75
Night Lights Series Book I The story revolves around the two main characters namely Race Clemente and Zena Alonte. Race suffers from a sleep disorder...