Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 5*

1.9K 28 3
By ohpurplerain

Chapter 5 ~

RENZO's POV

"Have you ever experienced swimming in a mud?" tanong niya. Bago pa ako makasagot ay bigla na lang siyang napairap at napatawa rin pagkatapos.

"Nadulas kasi ako noon sa putikan at lumubog doon. At alam mo bang tinawanan lang ako ng kababata ko? Hindi ako tinulungan , grabe! Pero nang umiyak ako, nagulat ako kasi bigla siyang tumalon at nabalutan rin siya ng napakaraming putik!"

At napahagalpak siya ng tawa.  "Hindi ko akalaing gagawin niya yun. At yun, tuluyan na kaming nagswimming sa putikan! Hahaha!"

Ngumiti na lang ako na kunwari ay natutuwa sa mga kwento niya. Okay na eh, pumayag na siya na lumabas nang kami lang, na hindi kasama ang best friend niyang si Jelynne. Ang kaso naman ngayon, sa tuwing nagku-kwento siya ay palaging nasisingit ang kababata niyang hindi ko naman kilala kung sino.

Hindi ko alam pero nakakainis!

"Tahimik ka ata?" tanong niya.

"May iniisip lang ako"  sagot ko.

"What is it? Tell me."

"I got bothered."

"With what?" nagtataka niyang tanong.

"No with what, with whom!" I corrected her.

Kinuha niya ang baso niya ng juice at agad na umiwas ng tingin sa akin. I know by now that she knew what I am talking about.

"Ikaw? Kumusta?" she said, trying to keep our conversation.

"Fine."  matipid kong sagot. Bigla na lang ako nawala sa mood.

"Sorry."

"It's okay. Siguro namimiss mo lang talaga siya."

Napakagat naman siya ng labi at mukhang na-guilty.

JELYNNE's POV

Pauwi na kami pero napansin kong hindi nag-aabang sa amin si Renzo sa labas ng room.

"Himala, wala ang manliligaw mo." sabi ko kay Kaysha.

"I told him na umuna na siya sa pag-uwi dahil may inaasikaso lang ako."  malungkot na sabi nito. Na-sesense kong mayroong problema!

Agad akong pumunta sa harap niya. "Nag-away ba kayo? Inaway ka ba niya?!"

"Pwede ba Jelynne." nanghihinang sagot naman niya sa akin at dumaretso sa paglalakad.

"Kung hindi mo sasabihin kung anong problema, susugudin ko ang lalaking 'yon!"

"Wala siyang kasalanan, okay?!" sigaw niya sa akin. "I'm just feeling guilty." nalulungkot na sabi nito.

"about what?"

"I just realized that Renzo is not the guy I'm looking for."

"See? Sinabi ko na sa'yong masama ang ugali niya. I saw him --"

"It's not about that!"  sagot niya na hindi man lang ako pinatapos sa pagsasalita. "Hindi ko naman sinasabi na kaya hindi ko siya gusto e dahil masama ang ugali niya."

"Then what?" napataas ang kilay ko.

"Alam ko na kung sino talagang gusto ko."

"At sino naman yan?"

"Si Reign?" parang nagdadalawang isip na tanong niya sa akin.

Biglang napataas ang kilay ko sa narinig. Parang imposible kasi. Akala ko isang matalik na kaibigan at nakakatandang kapatid lang ang turing nya roon.

"Totoo! Ang dami ko nang nakilalang lalake pero wala ni isa sa knila ang katulad ni Reign. Tsaka ko lang narealize na kaya pala walang nagtatagal sa akin dahil hindi sila si Reign. "

Bigla akong nasamid. "Ang Korni na ha."

"Anong korni don?" naiinis na tanong niya. "Palibhasa wala kang puso!"

"Makapagsalita 'to, may puso naman ako no. Pero ang puso ko para lang sa kaibigan at pamilya ko."

Napasinghal siya. "Mas korni ka! Masarap kayang ma-inlove!" at bigla na lang siyang ngumiti.

Natawa naman ako para kasi siyang nababaliw na.

Binato ko siya nang nilusot na papel. "Tumigil ka na nga! Para kang sira!" natatawa ko pang sabi.

"Tingnan natin kung hindi ka din mabaliw kapag na-inlove ka na."

"Excuse me, hindi po ako maiinlove."

"Sabi mo lang yan!" sagot niya sa akin. "But back to the story, ano nang gagawin ko kay Renzo? He's nice. Ayaw ko siyang saktan."  nalulungkot niyang sagot.

"Problema mo na yan! Hindi mo naman pala gusto, inentertain mo pa."

"I'm just taking the posibilities."  sagot niya. 

"Uhmm. Ewan. Hindi ko alam solusyon dyan." at inayos ko na ang gamit ko. Napasarap ang pagtambay namin sa students park. 

Gagawa kami ng draft para sa research paper namin eh tapos nauwi lang sa chikahan! What a waste of time!

"Teka lang Je, tulungan mo naman ako."

"Edi sabihin mo sa kanya na hindi mo siya gusto."  sagot ko sa kanya habang nilalagay ang mga photocopies ko sa folder ko.

"Ang hirap naman!" sagot niya.

"Edi sagutin mo!"

"Naman eh! si Reign nga gusto ko!"

"Ang gulo mo talaga."

"E kung kayo na lang kayang dalawa para atleast naman hindi siya lugi? Hahaha!" pagbibiro niya.

"Gusto mo sapak?"

"Para naman magka-love life ka na! Dali na, sabihin ko sa kanya ikaw na ang ligawan. Hahahaha." hinampas ko siya ng folder ko at tumayo na.

"Tara na nga! Puro ka kalokohan."

Speaking of Renzo, nakita namin siya nag-iintay sa may gate/

"Speaking of Renzo oh!"  sabi ko kay Kaysha.

"Ang kulit talaga! Sinabi nang wag na niya akong hintayin eh!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong kaartehan na naman ito?

"Sige, sabihin ko ayaw mo na sa kanya." bigla niya akong hinila pabalik.

"Loka! Wag naman ganun. Sabihin mo lang, may meeting org namin."

"Tuturuan mo pa ako magsinungaling?" 

"Hindi naman ganun! Dali na, please? Kailangan ko lang pag-isipan ang dapat kong gawin sa kanya."

"Dami mong alam!" hays. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito. "Sige na, sige na."

"Thank you, best friend!" at niyakap niya ako ng mahigpit bago pa man ako tumuloy sa room namin. 

At tulad ng inaasahan ko ay nang makita ako ni Renzo ay agad siyang tumakbo palapit sa akin. Ngumiti pa ito sa akin. Napairap lang ako.

"Wala si Kaysha."  sabi ko bago pa man siya makapagtanong. "May meeting ang club nila."

"Magka-club kami di ba, bakit hindi ko alam na may meeting?"

Bigla akong napakagat ng labi. Tsk!  Oo nga pala, bakit hindi ko iyon naalala?

"Puntahan mo si Kaysha, nasa students park siya."  pag-amin ko sa kanya.

RENZO's POV

Hindi ko alam kung bakit kailangan pang magsinungaling ni Jelynne kanina. Ayaw ba akong makita ni Kaysha? Umiiwas ba siya? Pero dahil sa na-corner si Jelynne sa kanyang kasinungalingan ay napilitan siyang sabihin kung nasaan ba talaga ang kaibigan niya.

Nang makarating ako sa students park, naabutan kong may kausap si Kaysha sa cellphone. Nakangiti siya at parang kinikilig pa.

"Oo na, miss na nga kita!"  narinig kong sabi niya. Parang biglang may tumusok sa puso ko, ang sakit. 

"Kailan mo ba balak magpakita sa akin?"  pakunwaring galit pa siya pero hindi naman nawawala ang ngiti niya. "Sure yan ha? Sige, isasama ko ang bestfriend ko, ipapakilala kita sa kanya!" tuwang tuwa niyang sabi. "Okay. Okay! See you!" at ibinaba na niya ang telepono. 

Naroon pa'rin ang masigla niyang ngiti na hindi ko nakikita tuwing magkasama kami. At maya-maya'y napalingon siya at nakita ako. Nawala ang ngiti niya.

"Kanina ka pa dyan?"

Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya. "Hindi, bago lang."

Ngumiti rin naman siya. Pilit at kinakabahan. 

"May problema ba?"  tanong ko.

"H-ha? Bakit mo naman natanong niya."

"Para kasing iniiwasan mo ako eh."

"Ah-eh, h-hindi naman pero -- "

"Hindi ako ang gusto mo?"  diretso kong tanong.

"Hindi naman sa ganun pero kasi--"

"Okay lang."  sagot ko at ngumiti na lang. "Naiintindihan ko."

"May gusto na akong iba. Sorry, hindi ko sinasadya na saktan ka. Sasabihin ko naman sa'yo e, hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin, ang bait mo kasi. Natatakot akong saktan ka."

"Don't worry, makakahanap ka rin ng babaeng para sa'yo." Hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. "Malay mo, si Jelynne pala yung babaeng hinahanap mo." pagbibiro niya. 

"Si Jelynne?"  bigla akong natawa. "No, thanks." 

"Grabe ka, mabait naman ang best friend." sagot niya.

"Hindi halata. Ha-ha."  

At tumawa naman siya sa sinabi ko.

Kung iisipin ay maganda naman din si Jelynne. Ang ayaw ko lang sa kanya ay ang pagiging mainitin niya ng ulo. Oo, nakakatuwa rin minsan ang side nyang yun dahil madali siyang mapikon kaya nag-eenjoy akong asarin siya. Pero si Kaysha talaga eh!

"Pero gusto ko maging magkaibigan pa rin tayo, okay lang naman siguro yun no?"  sabi niya sa akin.

"Syempre naman!" 

Masakit, syempre. Gusto mo yung babae tapos hindi pala ikaw ang gusto niya. Mahirap ipaglaban ang ganoong klase ng pag-ibig, yung one-sided! Wala kang pinanghahawakan, wala kang sandata!

Siguro I''l take just her offer, to be her friend. Mas okay na rin ang maging magkaibigan kami kaysa naman manatiling strangers na lamang.

"Anong problema, insan? tanong sa akin ni Reign. 

Nandito kami sa salon, so malamang pagpapagupit, alangang magpamake-over. Ganoon daw pag nagmo-move on, kailangang nagpapagupit. Hahaha. Joke. Ang totoo niyan, si Reign lang naman ang may balak, naengganyo lang ako.

"Hindi ko na maisasama ang soon-to-be-gf ko."  malungkot kong sagot.

"Ha? Bakit naman?" gulat na gulat niyang tanong. 

Napalingon tuloy siya bigla na siyang ikinagalit ng barbero. 

"Anong nangyari?" bulong niya sa akin.

"May gusto siyang iba."

"Sakit nyan, insan!" sagot niya.

"Kaya nga eh. Pero walang magagawa, ganun talaga."

"Hayaan mo na, sumama ka na lang sa akin next day. Double date pa rin tayo, isasama daw ni baby ang best friend niya."

"Wag na, insan. Ipapahinga ko muna ang puso ko."

"Hahaha! Di bagay sa'yo. Sige na, di ba gusto mo ring makilala si baby?" 

"Eh maganda ba daw bestfriend niya?"

"Hahaha! Ang lokong 'to, kunwari pang hindi ineteresado."

Natawa na lang din ako. Matagal ko nang gusto ko si Kaysha pero palagi na lang akong nauunahan ng iba. Ngayong nagkaroon na ako ng pagkakataon tsaka ko naman malalaman na may gusto na pala siyang iba. Saklap di ba?

Siguro wala namang masama kung ituon ko na lang ang atensyon ko sa ibang tao.

"So, are you going?" tanong niya uli.

"Sure."  sagot ko.

JELYNNE's POV

"Salamat Je sa ginawa mo!"  at niyakap niya ako. Tinulak ko naman siya palayo sa akin. Nasa gitna kaya kami ng kalsada pagkatapos ay yayakapin niya ako bigla.

"Bakit ba?" 

"Kasi nasabi ko na kay Renzo na hindi ko siya gusto."

"Anoo?"  bigla akong nagulat.

"Di ba yun ang sabi mo na gawin ko?"

"Oo nga, pero hindi ko inakala na gagawin mo nga yun."

"Well, I just realized that it would be better if I'll be honest with him."

Binatukan ko siya. "Ang dami mong arte!"  sabi ko sa kanya.

"Akala mo lagi na lang akong nag-iinarte, totoo yun ah. Tsaka atleast ngayon, magaan na ang pakiramdam ko. Magkaibigan pa rin naman kami."

"Oh talaga."  walang gana kong sagot. 

"Tsaka, tumawag na nga pala sa akin si Reign!"  at nag-iiirit siya bigla. 

Nagtinginan tuloy lahat ng mga nakasalubong namin.

"Wag ka ngang umirit dyan, baka akalain ni inaano kita." saway ko sa kanya.

"E kasi namiss ko talaga si Reign, at alam mo ba Baby pa rin ang tawag niya sa akin. Shet! Gusto ko nang mahimatay."

Napaikot na lang ang mata ko. Kapag talaga kinikilig ang babaeng ito ay para laging kinakatay na baboy. Hays!

 "Baby kasi akala niya ikaw pa rin yung batang kalaro niya noon. Hindi yun endearment, okay? Wag assuming!" sabi ko sa kanya.

"Kahit kailan talaga kontrabida ka!"  sagot naman niya sa akin. 

"Malayo pa ba ang parlor?" tanong ko sa kanya. 

"Malapit na!"  sagot niya. "Tsaka nga pala niyayaya niya akong lumabas at sinabi kong isasama kita!"

"Ano, chaperone na naman ako?"  sabi ko sa kanya.

"Hindi, ipapakilala kita sa kanya. Syempre kailangan mong makilala ang pagiging bf ko no. Hihi!"

"Bf?!"  gilalas ko. "Akala ko ba magkababata lang kayo?"

"Oo nga. Doon na rin ang punta non."

Kahit kailan talaga ay may pagka-baliw din itong kaibigan ko. Ganito ba pag in-love? Nakakatakot ha. 

Maya-maya ay natanaw ko na rin ang parlor na sinasabi ni Kaysha. Magpaparebond kasi siya ngayon ng buhok biglang paghahanda sa muling pagkikita nila ng kanyang kababata na ewan ko kung magkababata lang ba talaga ang turingan. At sinama niya ako ngayon as her alalay. -____-

Nauna siyang pumasok sa loob at ako nama'y naiwan sa labas nang mapansin kong natanggal ang sintas ng sapatos ko. Tumabi ako sa may sulok at doon inayos ang aking sintas. Pagtayo ko ay bigla akong nabangga sa -- kay Renzo?

Muntik na sana akong matumba buti na lang at nasalo niya ako gamit ang malaki niyang bisig. Halos maubusan ako ng hininga sa sobrang kaba. 

"Jelynne?"

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa hindi malaman-laman na dahilan. Bago pa man sumabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok nito ay agad akong kumalas sa kanya. 

"Hindi ka man lang ba magthe-thank you?"

Tinaasan ko siya ng kilay katulad ng palagi kong ginagawa sa kanya. Paraan na rin para itago ang kaba na naramdaman ko kanina.

Nakita ko namang napangiti ang kasama niya.

"Tara na nga Reign! Walang utang na loob ang babaeng ito!"  biglang nanlaki ang mata ko, Reign? Tama ba ang rinig ko?

"Teka lang!" nakita ko lang lumingon yung Reign pero patuloy lang sila sa paglalakad palayo.

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan kong nakasalang na si Kaysha. 

"Ba't ba ang tagal mong pumasok?" tanong niya sa akin.

"Nakita ko si Renzo."

Nagulat siya. Ibigsabihin, hindi niya ito nakita. 

"At may kasama siya,  Reign ang pangalan?"

"Anooo? Si Reiiiggnnn?"  halos mapatalon na ito sa kinauupuan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Hindi naman ako sure kung yun nga yung kababata mo tsaka umalis din kaagad sila."

Bigla tong huminga ng malalim. 

"Wag mo nang isipin, magkikita rin naman kayo."

"Tama, hindi ko muna siya iisipin. Mas maaexcite lang ako eh, mas lalong hindi ako makakatulog."

Pumikit ito sandali at maya-maya'y biglang sumigaw, "Ihhh! Si Reign nga ata 'yooon!"

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!