Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 3*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 4*

2K 33 8
By ohpurplerain

Chapter 4 ~

RENZO's POV

Pagkarating ko sa dating bahay ng mga pinsan ko ay naroon na nga sila.

"Insan!"  at sinalubong ako ng loko ng kanyang mahigpit na yakap. Tinulak ko rin siya pagkaraan. "Kailan ka pa dito?"

Napakamot siya sa ulo. "Actually, noong isang araw pa."

"Ano? At hindi mo man lang ako sinabihan?" 

"Biglaan lang ang lahat iho." singit naman ni Tita Loren. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. Ginulo nito ang buhok kona parang bata. "Ang laki laki mo na!" natatawa niyang bati sa akin. 

"Syempre naman po, tumatanda na eh." 

"Pero baby face ka pa rin!" pagbibiro pa nito.

"Stop joking, mom."  hirit ni Reign.

"Wag ka nga, nagsasabi lang ng totoo si Tita." 

Puno lang kami ng kwentuhan. Kaya pala sila umuwi dahil napagdesisyunan ni Reign na dito na lang magcollege. Isang taon ang tanda nito sa akin at kung tatanungin ay talagang malapit kami sa isa't isa. Siya yung pinsan kong kahit minsan ko lang nakakasama, kasundong kasundo ko pa rin.

I spent my childhood days on States. Dito ako pinanganak pero doon na ako lumaki. Bumalik lang kami dito sa Pilipinas when I'm in middle school. Malubha na kasi ang sakit noon ni Mama at piniling umuwi na lang ng Pilipinas at yun nga, namatay rin siya after six months. Sina Tita Loren, which is my mom's sister,  ang naging magulang ko noon pero ilang buwan rin ay umalis din sila para manirahan naman sa States.

Gusto nila akong isama roon pero pinili ko na lang manatili dito sa Pilipinas.

"Teka, bakit wala po si Kuya Sean at si Queency(bunsong kapatid)?" tanong ko kay Tita. 

"Alam mo naman si Sean, hindi noon maiiwanan ang trabaho niya."  sagot ni Tita.

"At si Queency nasa middle school pa lang. Hindi na niya maiwan ang mga kaibigan niya kaya doon na yon magtatapos ng pag-aaral." dugtong naman ni Reign.

"E bakit hindi ka na lang din magtapos ng pag-aaral doon?" natanong ko bigla.

"Nandito kasi yung babaeng hindi kayang iwanan."  natatawang sabi ni Tita.

Bigla akong natawa nang makita na biglang nahiya si Reign. Hahaha! Ang lokong 'to, torpe pa din!

"Si baby ba?"  tanong ko sa kaniya.

Ito yung kababata niya na palagi niyang tinatawag na baby. Nakita ko na siya minsan noong nagbabakasyon pa lamang kami dito pero matagal na yun para maalala ko pa ang itsura niya.

"Siya nga!" si Tita na ang sumagot sa akin. Kahit kailan talaga, napakasupportive ni Tita. Haha!

"Mom!"  sigaw ni Reign. "Uhm pero sa totoo lang, siya nga talaga ang binalikan ko dito."

Tumawa kami ng malakas ni Tita.  

Bigla akong lumapit kay Reign at inakbayan siya. "Insan, hindi na uso ngayon ang torpe!"

Tinanggal nito ang kamay ko at hinarap ako. "Kung magsalita ito parang hindi torpe!" 

"Hindi naman talaga. May nililigawan na ako ngayon no!" pagmamayabang ko sa kanya.

"See Reign, mas matangkad ka lang kay Renzo pero mukhang mas matinik siya sa'yo!" pang-aasar ni Tita.

"It takes time, Mom."  sagot naman ng pinsan ko.

"Baka mainip yun kakaintay sa'yo, humanap ng iba."  sagot ko.

Biglang natamaan si pinsan sa sinabi ko. Bigla siyang napasip. "But don't worry, hindi pa naman huli ang lahat."  bawi ko. "Kailan mo ipapakilala sa akin si baby?"

"Soon. Haha!" pagbibiro niya. "Hindi pa nga niya alam na nakauwi na ako eh." natatawa niyang sabi.

"Son, I have to say something."  biglang sumeryoso si Tita.

"Don't tel--"

"Sorry, son. Hindi ko sinasadyang tawagan si Karen."

(Karen=Mommy ni Kaysha)

"As I expected. Hindi talaga napapakali yang bibig mo, mom." parang naiinis na sabi ni Reign.

Instantly, niyakap ni Tita si Reign para hindi na ito magtampo. Hindi na nakakapagtaka kung bakit kahit noon pa ay tinutukso itong si Reign na mama's boy. Haha!

 "Kailangan mo na talagang magpakita sa kanya bago pa yun tuluyang magtampo sa'yo."  sabi ni Tita. 

"Tama si Tita! Alam mo bakit hindi na lang tayo magdouble date. Isasama ko ang soon-to-be-gf ko, isama mo si baby mo." suhestyon ko.

"Sounds good, di ba Reign?"  sabi ni Tita.

"Uhm. That would be exciting though!"  

Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng gabi dito sa bahay nina Reign. Masyado kong na-miss ang pinsan kong ito. 

 "Sige Tita, uwi na po ako." paalam ko sa kanila.

"Why don't you stay here?" tanong ni Tita.

"Oo nga Insan, samahan mo na kaming mag-dinner!" 

"I would love to pero nagluto ngayon si Manang eh, alam mo namang hindi ko pwedeng mamiss ang luto noon! Ha-ha! Kung gusto niyo, sa bahay na lang kayo magdinner?" anyaya ko sa kanila.

"Naku, marami pa kaming aayusin ni Reign dito sa bahay eh. Siguro next time?"

"Sure Tita, just call me para makapagpaluto kaagad ako!"

"Oo nga! Namiss ko na rin luto ni Manang!"

At umalis na rin ako dahil nga alam kong nag-iintay na sa akin si manang ngayon. Si manang Ekay na lang kasi ang kasa-kasama ko sa bahay at ang ilang mga katulong. Sila ang kasalo ko sa hapunan imbis ang mga tunay kong pamilya.

"Wala talagang tatalo sa sinigang nyo Manang!" nangingiti kong sabi sabay subo ng kanin at ulam.

"Anak," napatingala ako nang hawakan ni manang ang balikat ko. Sa tono pa lang ng boses niya ay alam kong may problema siya.

"May problema ho ba?"

"Magpapaalam lang sana ako, uuwi ako ng probinsya."

Napatayo agad ako sa sinabi niyang iyon.

"Nagkasakit ang aking asawa at kailangan kong umuwi para bantayan siya." sabi niya bago ko pa naman ito matanong sa kanya.

"Ang mga anak niyo ho?"

"Naroon din sila pero hinahanap daw ako ng aking asawa. Kailangan niya ako doon." nakita kong nangi-ngiyak na si Manang at hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya.

"Gusto niyo bang samahan ko kayo sa probinsya?" agad naman siyang umiling.

"Hindi na anak, nagpaalam lang talaga ako sa'yo, ngayong gabi na kasi ako aalis."

Nagulat ako sa sinabing iyon ni manang at nakita ko sa gilid ng hagdan ang ilang mga gamit niya.
Masakit sa akin na umalis si manang, na halos naging pangalawa kong nanay ko na rin sa mahabang panahon.

"Hatid ko na po kayo?"

Hindi ko na tinapos ang pagkain ko. Hinatid ko na si Mamang sa Batangas Port at hinintay siya na makasakay ng tuluyan sa barko. Binigyan ko siya ng pera, hindi man kalakihan pero sapat na iyon bilang tulong sa kanya. Noong una pa nga ay ayaw niyang tanggapin pero kinalaunan ay tinanggap niya rin nang sabihin kong para iyon sa asawa niya.

Babalik daw siya, iyon ang sabi niya. Hindi nga lang niya alam kung kailan.

Nanlalambot at parang nanghihina akong bumalik sa aking sasakyan at nagmaneho na pauwi sa bahay. Siya na nga lang ang tinuturing kong pamilya ay mawawala pa siya. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito ngayon sa akin.

Malapit na ako sa aming subdivision nang makaramdam ako ng pagkulo ng tiyan. Hindi nga pala ako natapos sa pagkain kanina at nagugutom pa rin ako. Sakto namang nasa tapat na ako ng minimart kaya agad kong itinabi ang kotse roon at pumasok sa loob.

Bigla akong gininaw ng pumasok sa loob. Fully airconditioned kasi at naka t-shirt lang ako. Pumunta ako sa counter at agad na binayaran ang cup noodles na binili ko.

 Hindi ko alam kung bakit panay ang ngiti sa akin ng cashier at nang ngitian ko siya ay hindi na nito napigilan ang pagtili!

"Ang landi!" narinig kong bulong ng nasa likod ko. Nang umalis ako sa pila ay agad na binalingan ko ng tingin yung nagsalita.

Si Jelynne! Pero mukhang hindi naman niya ako napansin dahil hindi naman siya nag-abalang lumingon sa akin at saka binayaran ang binili nitong sandamakmak na chips.

Yumuko lang ako at pinagmamasdan siya hanggang sa makaupo ako. Nakita ko ang labanan ng mga tingin nila ng cashier. Nangangamoy sabunutan na ata to! Haha! Ayos 'to, kumakain pa naman ako ngayon. Mas gaganahan ako! Hahaha.

Pero wala namang nangyaring bakbakan. Umupo si Jelynne sa may kabilang table at hindi pa rin ako napapansin.

"Ang mga lalake talaga ngayon -- " narinig kong sabi niya.

Napakunot ako sa sinabi niya. Akala ko ay sa babae siya naiirita kanina, sa akin pala? Napatingin siya sa akin. Isang matalim na tingin! So napansin na pala niya ako kanina pa, hindi lang talaga niya ako binabati!

" -- napakagaling magpahulog ng babae! Pag nasungkit na, gagamitin at pagsasawaan lang din!"  dugtong niya sabay nguya sa kinakain niyang chips at saka umiwas ng tingin.

"Ako ba ang pinariringgan mo?"  sigaw ko sa kanya.

"Natamaan ka ba?"  pagtataray niya.

Umangat lang ang sulok ng labi ko. Wala talagang tatalo sa katarayan niya!

"I must tell Kaysha that her suitor is flirting with someone else." bulong niya pero sapat lang para marinig ko.

"Ha-ha! Ayaw na ayaw mo talaga sa akin no? Lahat gagawin mo para ayawan ako ni Kaysha."

Ngumiti lang siya.

"o baka naman may gusto ka sa'kin kaya pinaglalayo mo kaming dalawa?"  biglang nawala ang nang aasar na ngiti niya. Siya na ngayon ang mukhang naaasar.

"Ang kapal ng mukha mo!" dinampot niya ang mga snacks niya at saka tumayo. "Walang magkakagusto sa malanding katulad mo, okay?!" at lumabas na ito ng minimart.

Dali-dali kong hinigop ang  cup noodles ko. Napaso pa ako dahil nakalimutan kong mainit pa iyon. Hinabol ko si Jelynne sa labas.

"Best friend, teka lang!" pang-aasar ko sa kanya.

Katulad ng ininaasahan ko ay mapapalingon siya sa narinig. "Anong best friend?" tumawa lang ako ng malakas para mas lalo siyang maasar.

"Hindi porket, manliligaw ka ng best friend ko ay best friend na rin kita. Kahit maging kayo pa, never kitang magiging kaibigan!"

"Napaka-taray mo talaga!" sabi ko sa kanya.

"Wala kang pakealam!" at dumaretso na siya sa paglalakad.

Napakamot na lang ako sa ulo at napangiti kinalaunan. Ang babae talagang ito ay saksakan ng arte! Madapa ka sana. Hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...