Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 31

833 27 0
By PollyNomial

KABANATA 31 — Kaibigang Lalaki


"I don't know what he did to you but I'm glad that he did. Kung ano man iyon," ani kuya kahit pa ilang minuto na akong nanahimik.

I was contemplating what I just heard from him and what I need to do once I see him again. Napaupo na ako sa harap ng mesa, nakatulala at nag-iisip kung anong gagawin sa muli naming pagkikita.

He's not yet married. Napakagat labi ako sa isipin. He's too young to get married, alright. But it is a possibility. Ibang klase si Andrew. He could get any girl he likes. Sa pagkatao niya ay walang sinumang babaeng magdadalawang isip na magkagusto sa kanya, na mahalin siya. Even though I haven't seen him with any other girls before, I know that he could pull the attention of every girl.

"And I'd be honored to meet this man. He had changed you. A lot, Zandra," dagdag niya.

Napamaang ako kay kuya. Dinudungaw niya ako habang nakangiti ng sinsero. I never imagined that he would do it for me. Oo, humingi ako ng pabor pero hindi ako umasang gagawin niya iyon. He really tried to find Andrew for me. At nagkita sila? Did they know each other now? Did Andrew remember him? Hindi sila kailanman nagkakilala noong magkasama pa kami ni Andrew dito sa New York. But he always told me that he knew my brother by name. Nagkulang din ako noon dahil hindi ako madalas magkwento tungkol kay kuya. There's nothing to say about my brother. Bukod sa siya ang nagiging dahilan ko sa tuwing gumagawa ako ng excuse kay Andrew kapag hindi niya ako nakikita ng matagal o di kaya ay ginagabi ako ng uwi sa kanyang apartment noon.

"Kuya, how about his apartment? May nakatira na bang iba?" tanong ko nang maalala ang lugar kung saan punong puno ng mga alaala namin ni Andrew.

Namewang si kuya. I know. He couldn't believe that I'm still this drowned to the memories of the past. But he can't blame me for not wanting to forget the things that made me happy. Iyon ang sandata ko noon nang pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng pakikipag gera sa aking nakaraan. It was also my shield. Si Andrew ang natatanging taong tumulong sa akin bukod sa aking pamilya.

"I will ask someone to go there and see," umiigting ang bagang niya pero alam kong sa positibong dahilan iyon.

Nakahinga ako ng maluwag dahil ipagtatanong niya ang tungkol sa apartment. Hindi talaga ako matitiis ng kapatid ko.

"How about his address in the Philippines? Hindi mo ba itatanong?" tanong niya sa akin, nakapamewang pa rin.

Nangingiti akong umiling. I will not ask about his address. Kapag nasa Pilipinas na ako, I'd like to experience how fate works. Hihintayin ko ang takdang oras ng pagkikita namin. I'm not doubting fate. I know it will work for me. It will give me the right time. Nararamdaman ko na malapit na.

Umalis si kuya sa gabing iyon upang bisitahin ang na-miss niyang club. Sumama ako sa kanya. I wore a decent outfit for the night. It's a tube top, knee length dress. Nabili ko ito noon sa Paris na hindi ko naman nagamit dahil bihira ang paglabas namin upang mag-party noon dahil sa rami ng ginagawa.

Naalala ko tuloy ang mga naging kaibigan ko roon. I still communicate to some of them, lalo na ngayon. Pero ang iba sa kanila'y noong graduation ko pa huling nakita.

Umalingawngaw sa aking tainga ang malakas na boses ni Lady Gaga nang makapasok kami ng club. Kuya's arm was around my waist and he's guiding me while walking through the crowd. Hindi maiiwasang dumaan sa punong dance floor habang papasok kung ang tungo mo ay sa bar counter. That was my favorite spot and kuya will leave me there.

Maraming bumati kay kuya habang naglalakad kami papasok. Women kissed him on his cheek while saying how much they missed him. Men just gave him high fives and they laugh over something I can't understand. Hindi maipagkakailang party boy ang aking kapatid noon pa man. He wouldn't have his clubs if he's not into parties. He loves it so much. Kulang na nga lang ay dito siya tumira sa kanyang club dahil noon pa man ay nakakabit na ito sa sistema niya. I am wondering how our dad will take this out of his system. I guess he has nothing to do but accept this part of him.

"Is it okay if I leave you here?" tanong ni kuya.

Halos pandilatan ko na siya dahil sa narinig ko. He's really asking me that? Eh sa tinagal tagal kong pumupunta rito ay hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong sinamahan niya ako na tatagal sa kalahating oras.

"Seriously, kuya?" tumawa ako. Sumenyas ako sa bartender habang kinakausap si kuya. "Go to them. Na-miss ka nila. Lalo na ang mga kababaihan," nanunuya kong utas.

He chuckled and moved his head sideways. "Are you going to be fine here?"

Sumeryoso na ako ng mukha. "I'm fine. I won't do anything bad, I promise," panigurado ko sa kanya dahil maaaring naaalala niya ang mga panahon noon kung saan parati akong nagwawala sa club niya nang dahil lang sa may nakasanggi sa aking kung sino.

Sumaludo siya nang sa wakas ay makumbinsing ayos lang ako. He would always trust me when I say I'm okay. Sabi nga niya, nagtitiwala siya ngunit hindi pa rin mawawala ang pag-aalala niya.

Hindi pa man lumulipas ang kalahating minuto ay mahigit sampung lalaki na ang lumapit sa akin. Well, I am overreacting. Hindi lahat ay lumapit para kausapin ako o ayaing sumayaw. Pero halatang lumapit ang iba para tingnan kung sino ako sa malapitan. I think those who just came to look at my face have a problem with me. Siguro ay nasaksihan nila ang ugali ko ages ago.

I'm down to my second glass of whiskey when I heard a familiar voice. Napatuwid ako ng upo.

"You're here!" Sumakit ang tainga ko sa lakas ng boses kaya naman mabilis akong napangiwi. "Oh, I apologize. Ang lakas ba ng boses ko?" Owen was chuckling when I turned to him.

Hinimas ko ang aking tainga, natatawa na. "No. It's okay. Nagulat lang!" mas malakas kong sambit na tinawanan din niya.

He sat on the highchair beside me and we talked about random things. He told me how hard his current job is, how tired he is every time he enters his office and sees a lot of paper works on his table. Nakarating kami sa kanyang college life kung saan nahirapan siya sa pag-maintain ng kanyang grades at paglahok sa athletic activities at iba pang programs para lang mapanatili ang scholarship. Sinabi niya kung gaano kahirap ang ipagkasya ang monthly allowance niya na ikinumpara pa niya na kasing laki lang ng baon ko sa araw araw. I have no idea how he knew about my daily allowance, siguro ay nanghula lang siya para lang may maikumpara.

"So, you were just not some rich kid who parties here and there?" nanunukso kong tanong. If he was not rich before, then I'm sure he is now.

"No!" Halos bumilog ng malaki ang bibig niya nang itanggi ang aking bintang.

I laughed at his face. Hinampas ko pa ang counter sa aming harap. Inubos ko ang pangatlong baso ng whiskey at nang bibigyan pa sana ako ng bartender ay humindi na ako. It's my last glass.

Tiningnan ko siya at namumula na ang kanyang mukha. "I was a party kid, yes. Tuwing may party sa bahay ang mga kaibigan ko noong high school ay sumasama ako. I was still going to clubs when I was in college. But only occassionally at the time. Hindi na kaya ng schedule ko kung isisingit ko pa ang mga ganito," paliwanag niya.

And I believe him. Inaasar ko lang naman siya kanina. But it didn't occur to me na hirap pala sa buhay si Owen. I cannot see it in his face. Mukha siyang anak mayaman. Or maybe, it's because I am now looking at a successful man. Hindi ko naman siya nakilala noon o napagmasdang maigi para masabing ang katulad niya ay hindi pera ang ginamit para makapasok sa kolehiyo.

"Isa lang sa aming magkakaibigan ang hindi mahilig sa mga ganitong party," aniya.

Hindi ko pa agad iyon nakuha dahil abala ako sa pagtitig sa kanyang nakatagilid na mukha. Namumula pa rin siya at hindi ko alam kung dahil ba sa lasing na siya o dahil sa kahihiyan sa kumento ko kanina.

Ngumiti siya at doon ako natauhan lalo na nang lumingon siya. "Si Andrew," ngumisi siya.

Napanganga ako sa narinig. What about Andrew? Damn! What the?! Lumundag agad ang puso ko nang marinig ang pangalang iyon. Is he talking about my Andrew? Or another Andrew? What about him? Shit! Sumenyas ako sa waiter para sa isang shot. I didn't hear what he said about Andrew!

I panicked. Kinagat ko ang labi ko habang nararamdaman ko ang mga nanunuya niyang tingin.

"You still remember him, right? I'm sure what happened to the two of you weren't just a summer fling," sambit niya. He's a bit blunt about what he's saying.

Nanikip ang aking dibdib at hindi ako nakapagsalita. Hindi ko naisip ang bagay na iyon. What I felt for Andrew was real. It was not an infatuation. It was love. At naramdaman ko rin ang pagmamahal niya sa akin dahil sa mga ipinakita at ipinaramdam niya. It wasn't just a summer fling!

Nang mapagtanto kong naghihintay ng sagot ni Owen ay wala akong ibang nagawa kundi tumango.

Narinig ko ang mahina niyang pagtikhim. "I thought of it lalo na nang dalhin ka niya sa party ko. He doesn't involve himself to girls especially during night parties. Kahit sa school ay wala akong nakitang pinormahan si Andrew. You were the only one," aniya.

Sunod sunod ang aking paglunok. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi iyon dahil sa alak. I drowned myself with my last shot and turned to him. "How was he? Are you still communicating?" tanong ko bago pa magbago ang aking isip.

Nakalimutan ko na ang nauna kong plano noon na pag-usapan si Andrew. I almost forgot that he was Owen's friend. Nadala ako masyado sa pagkikwentuhan namin kanina na hindi ko na naisip na marami akong gustong malaman sa kanyang kaibigan. Owen could be the right guy to ask about him.

"Nah," iling siya. "Hindi na kami nag-uusap. The last time I talked to him was I think two years ago. Ikaw ang inakalla kong may contact pa sa kanya," aniya.

Bumagsak ang aking balikat. Ang pag-asa kong may malaman pang iba tungkol kay Andrew ay naglaho.

I don't want to show any disappointment on my face but I can't help it. Umiling ako. Sayang. Kung ganun ay kay kuya na lang ako aasa ng mga balita tungkol sa kanya.

Nalihis ang aming pag-uusap tungkol kay Andrew nang tumugtog ang isang medyo marahang kanta. Napabaling ako sa harap kung saan naroon ang disk jockey. Wala na ito sa pwesto at siguro ay nagpahinga muna ito mula sa paggawa ng malalakas at mabibilis na musika. Bumagal din ang paggalaw ng makukulay na ilaw. I looked around and saw the change in people. From their wild, sexy movements, the crowd change their pace into a slow, intimate dance.

May mainit na haplos sa aking dibdib nang mapakinggan ang musika.

I felt a hand tapping my shoulder. Nilingon kong muli si Owen. His face wasn't red anymore. The amusement in his eyes a while ago was now gone and it changed into something more serious. Napaawang ang aking bibig nang ilahad niya ang kanyang isang kamay.

"Wanna dance?" tanong niya. Nakatayo na siya sa harap ko at naghihintay ng isasagot ko.

Nag-init ang aking mga mata ngunit binawi ko iyon sa pagngiti. Tumango ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.

I saw a glimpse of surprise in his eyes but it vanished too fast. Baka nagulat lang siya na pumayag agad ako. O baka nagulat siya dahil napansin ang kaunting luha mula sa mga mata ko.

I willingly went with him in the dance floor. Unlike before kung saan ako pa ang hinihila ng mga bastos na nagyayaya sa akin. It wasn't so bad. Ang tumungo rito kahawak ang kamay ng taong sa tingin mo ay kaibigan mo na. Ngayon lang ulit ako makakatapak sa dance floor, and this time, hindi pinipilit.

Hinawakan niya ang pareho kong kamay. It was so comforting. Naiiyak na ako sa rami ng naaalala. Kahit na slow song ito ay may kaunti pa ring beat at rap. Doon kami sumabay ni Owen. He was laughing at his own moves. I was quiet for a while ngunit napangisi na rin habang sabay kaming gumagalaw sa gitna ng music.

Oh honey, you can have me when you want me

If you simply ask me to be there

And you're the only one who makes me come running

'Cause what you got is far beyod compare

Hindi ko napigilan ang aking sarili nang isandal ko ang ulo sa kanyang balikat. I heard him gasp but he only held me in my waist a bit tighter instead of pulling away. Pumikit ako dahil kung hindi ay lalabas ang mga luha.

And it's just like honey

When you're love comes over me

Oh baby I've got a dependency

Always strung out for another taste of your honey

"I miss you... I miss you so much, honey," I held on to him to tight. Sa tingin ko ay nagugusot ko na ang kanyang maayos na damit. My mind was a blur. I don't know what I am doing anymore. Naramdaman ko ang pamamasa sa aking pisngi. Kahit nakapikit ay nakatakas pa rin silang lahat.

"Zandra..."

One hit of your love addicted me

Now I'm strung out on you darling, don't you see?

Every night and day I can hardly wait...

Huling alam ko sa gabing iyon ay ang malungkot na pagbanggit ko sa pangalan ni Andrew. The four glasses of whiskey didn't help me remember what happened the other night. Pagdilat ko lang kinaumagahan ay nadatnan ko ang sarili na nasa aking kwarto sa bahay ng aking kapatid.

"Next time, don't let anyone bring you home unless it's a friend, Zandra," ani Kuya Zac nang madatnan ako sa kanyang kusina.

Kumuha ako ng tubig at ininom agad ang dalawang tablet ng gamot para sa hangover. Tiningnan ko si kuya nang nagtatanong ang mga mata.

"You mean Owen brought me home?" tanong kong hindi sigurado.

I have no idea of what happened last night. Ang huling alam ko lang ay nag-uusap kami ni Owen sa harap ng counter at may malabong alaala na nasa gitna kami ng maraming tao at nagsasayaw. I usually don't forget things after drinking alcohol. Ito ang unang beses. Pero ito rin naman ang unang pagkakataon na mas marami sa dalawang baso ang nainom ko.

"No, I was the one who took you home. Hinanap ako ni Owen and he told me that you were asking him if he can drive you home, Zandra. What was that?" puna niya sa bagay na hindi yata kapani-paniwala sa kanya.

Well, it was impossible for me too. Did I really ask Owen to bring me home? Ganoon na ba talaga ako kakomportable sa kanya? Nagtitiwala na ba talaga ako sa kanya?

Nagmaang maangan ako dahil wala akong maisagot sa kanyang tanong. Nagbago na nga siguro ang mga pananaw ko sa buhay na hanggang doon ay umabot ako. Or maybe I was too drunk to think clearly. Owen was there and I feel good with him. Pero kung nasa tamang pag-iisip ako ay hindi ako kailanman magpapahatid sa taong ilang araw ko pa lang nakikilala kahit pa pakiramdam ko ay katiwa-tiwala siya.

"Nasobrahan lang siguro ako kagabi. I'm sorry. It won't happen again," sambit ko.

Pinalagpas ni kuya ang araw na iyon. It didn't happen again like what I said to him. Dahil hindi na uli ako bumalik sa kanyang club. But somehow, Owen had a chance to get in touch with me. I didn't know where he got my number. Siguro dahil may malawak siyang koneksyon ay kaya niya nalaman ang numero sa aming bahay.

And I was trying again. To have someone as a permanent friend won't hurt me. Lately, the people who came into my life were just temporary. I met them, talked to them, and then give and do the things they want from me and after all that, boom, they're suddenly gone. Wala pa yata akong permanenteng nagiging kaibigan. It's what I am missing right now. Kagaya nila Sukie at Helen noon. Kagaya ni Andrew. Iyon ang naging kulang sa misyon kong pag-usad. Ang pakikipagkaibigan sa maraming tao.

That's why Owen became a friend.

Masarap pa lang magkaroon ng kaibigang lalaki. Iyong alam mo sa sarili na kaibigan lang talaga ang turingan ninyong dalawa. I can't compare my friendship with Owen to what I had with Andrew. Higit na lamang si Andrew kaninuman. But it made me feel the same way. Happy because you've got someone to lean on. 'Yong kapag sumandal ka ay matatag at hindi kayo mabubuwag. Ganoon pala kapag sa kaibigang lalaki. I wasn't so bad at all. 


Continue Reading

You'll Also Like

83.6K 1.6K 44
Ciara Lian De Vera is a medicine student who came from a prestige family. When things fall apart, who will she choose? The one whom she loves the mos...
119K 2.2K 53
Boundless Series Book 1 [Completed] An only child Sophia Montallana run away from home and lived from country to country to escape her father. She th...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...