One Shot of Vodka

By KentEndrin

548 121 0

Do you believe in happy endings? Eh sa mga ending na di mo alam kung happy o hindi? More

Bahay-bahayan
Pass
Jeepney
Picture
Sayang
Five
Gitara
Tagpuan
Fastpace
Reunion
Pass (Part 2)
Flames
Byahe
Ulan

Strangers

40 10 0
By KentEndrin


Isa akong dakila. Dakilang kaibigan. Yung mga role na hindi pang bida ganun.

Pero ayos lang. Alangan namang magdamdam pa ko.

December.

Mga panahong kailangan ng Student Teacher. At isa ako sa pinili.

"Miguel ikaw kukunin kong ST ahh."

Pinakita sa kin ni Mam Cabrera yung part sa libro na ituturo ko for 1 week.

Di ako masaya dahil nahihiya ako. Pero masaya ako kasi paborito ko yung History pero hindi pa din eh. Hay. Kinakabahan ako.

Una kong section na tuturuan. Section 2.

Minsan naiintimidate din ako sa mga tao dito eh. Halos lahat nakasalamin. Kahit section 1 ako mas mukha pang nerd yung mga nandito.

"Good morning. I will be your student teacher for the subject Araling Panlipunan. Isang linggo lang naman kaya pagtyagaan niyo na" Sabay ngiti.

Habang nasa harap at nagsasalita may isang babae na kumuha ng atensyon ko. Di ko alam kung aware siya pero parang kanina pa siya nakatingin. Mas lalo yata akong naintimidate.

Hanggang matapos yung klase ganun pa din siya. Hindi naman malagkit yung tingin niya kaya tingin ko naman di niya ako pinagnansaan.

Ala una na ng madaling araw pero gising pa din ako. Apat na section yung papel na chinecheck ko. Tas irerecord ko pa to. Ngayon tuloy ako naawa para sa sarili ko.

Alam kong mahirap magaral ng history pero di ko matanggap na 11/20 pa lang yung highest sa mga chinechekan ko. Pakiramdam ko tuloy wala silang natutunan sa akin.

Nagtimpla ako ng kape bago bumalik sa gawain ko. Sakto naman na ginanahan ako dahil yung sumond na chinekan ko....

Teka lang. Mali spelling.

Napolon Bonaparte.

Kulang ng E. Ikoconsider ko ba?

Naginsert ako ng E sa Napolon niya. Tsaka chinekan.

20/20

Ang galing. Medyo napangiti ako.

Kinabukasan binalik ko yung mga papel nila.

"May nakaperfect. Congrats."

Nagtinginan lahat dun sa babaeng nakaupo sa gitna. Siya yung kahapon pa nakatingin sakin. Ngayon kinakagat niya yung dulo ng ballpen niya habang.... Nagbabalance ng equation sa Chemistry.

Kaharap ko lang siya kaya kitang kita ko.

Halimaw ba 'to?

"Pauline Levantino inabot ko yung papel"

Pero walang kumuha.

"Sino si Pauline?"

Kinalabit nung mga katabi niya yung babaeng nagbabalance.

"Uy Tawag ka"

"Ay ha?"

Di niya ba ako narinig.

Kinuha niya yung papel saka bumalik sa ginagawa niya.

Nagturo ako hanggang matapos yung klase.

Sa loob ng isang linggo ganun yung gawain ko. Napakahirap maging teacher.

Dumaan yung Awarding para sa Best Student Teacher.

Di ako nanalo. Pero madami akong natanggap na letter galing sa mga estudyante ko na kabatch ko lang din naman. Sadyang di lang kami magkakakilala.

Thank you Sir. Madami po akong natutunan.

Sir salamat. Sana maging close tayo.

Sir.... Wala lang kayo pa din Best ST.

At marami pa. Pero may weird na letter na nakasulat sa foil ng sigarilyo.

Mali yung pagcheck mo. 19 lang ako. Wrong spelling is wrong sabi mo eh.
- Napol(e)on Bonaparte

Nagulat ako. Sinabi ko pa lang wrong spelling wrong?

Di ko naman na yun mababago kasi wala na sa akin yung class record.

Di ko na lang pinansin.

Bibili sana ako ng makakain pero nawawala yung wallet ko.

Hinalungkat ko yung bag ko. Pero wala talaga.

Mabuti na lang talaga di ko dala pera ko lahat.

Umuwi ako agad ng bahay at dun na ako kumain. NAkakalungkot na araw pero masaya pa din.

Natapos yung third year at pumasok ang 4th year.

Buwan buwan pa din akong nakakatanggap ng sulat. Maayos naman yung sulat. Lagi nga lang may sobre.

Mula January nung third year hanggang November ng 4th year. Naka 27 akong sulat galing sa iisang tao lang.

Di ko naman alam kung sino. Lagi lang siyang may codename na National Bookstore. Ang weird. Di ko naman siguro admirer yung National Bookstore o yung may-ari nun.

Pero mas weird na lagi kong nakikita sa loob ng bag ko yung sulat pero di ko napapansin kung sino yung naglalagay.

Recollection Day.

Hindi ako maiyak kahit lahat nagiiyakan na dahil iniisip ko yung bagong sulat na dumating.

Ang gwapo mo sa bago mong gupit.

Napapalingon ako sa paligid ko kung may nakatingin ba sa akin pero wala naman.

Nagsindi ng kandila after nung Recollection. Pero parang wala talaga ako sa huwisyo. Di naman sa natatakot ako sa nagpapadala ng sulat, kaya lang mag gagraduation na. Magpakilala na lang kaya siya.

"Migz may nagpapabigay"

Sulat.

"Kanino galing"

"Secret"

"Kanino nga?"

"Di ko alam. Pinaabot lang din sa akin ni Jasper. Pero tinanong ko na si Jasper. Pinaabot lang din daw sa kanya. Mga 143 na tao pa siguro yung pinagabutan niyan bago umabot sayo"

Binuksan ko sa harapan niya.

"Ano daw sabi"

"Si National Bookstore na naman. Mahigit isang taon na tong consistent. Di ko naman kilala"

"Pre. Baka..."

Tumingin siya sa akin ng nakakagulat.

"Tumigil ka nga"

Kinuha niya yubg sulat. Tsaka binasa.

Napangiti siya.

"Ang sweet"

Anong sweet diyan.

"Gusto ka niya mameet sa personal"

"Ha?"

"Ayan oh. 31312-NB-SMF-7"

"Di ko nga alam yan eh laging lahsmat ng sulat niya parang may Bar Code"

Tumingin siya sa akin na parang di makapaniwala.

"Lahat ng sulat? You mean buong isang taon. Lahat may ganito?"

"Oo"

"Pre ano ka ba. 31312, March 13, 2012 ngayon yan. NB National Bookstore, SMF SM Fairview, 7 siguro 7 pm to. Di naman pwedeng 7 am. Kahit siguro bata maiintindihan 'to"

"Ha?"

Medyo naguluhan ako.

Nagulat siya nung naglabas ako ng mg sulat.

Dala dala ko araw araw lahat to. Di ko din alam bakit.

Binuksan ko lahat. 1611-NB-SMF-7, 12111-NB-SMF-7, 21411-NB-SMF-7.

Parang naawa ako sa taong nagsulat sa akin. Isang taon.

Matagal niya na pala gustong makipagkita.

"Uy pre punta ka na. Para makilala mo na yan"

"Ha?"

"Di yan stalker. Try mo lang."

5 natapos yung recollection kaya dumeretso na ako ng SM. Kumain muna saka ako dumeretso ng National saktong 7. Maraming tao. Kaya di ko alam kung saan ko ba siya makikita dito.

Napatingin ako sa mga libro ni Nicholas Sparks. Kahit meron na ko neto parang gusto ko pa ding bumili ulit.

Tumingin ako sa mga notebook saka ako bumalik ulit sa mga libro ni Nicholas. Paghatak ko nung The Guardian. May nalaglag na papel.

Grabe ka. Isang taon na kong pumupunta dito ngayon ka lang nagpakita.

Nakasulat dun sa papel.

Napalingon ako sa paligid ko. Pero puro may edad na yung mga nakikita ko. Meron namang mga kumpol ng estudyante pero di naman taga school namin. Binalik ko yung sulat kasi baka naman di para sa akin.

Pero kinuha ko ulit saka ako lumabas ng National.

"Juan Miguel"

May narinig akong tumawag sa akin mula sa likod.

Di ko siya kilala pero pamilyar.

"Di mo ko kilala alam ko"

Nagsimula na akong maghinala kung siya ba yung nagpapadala ng sulat.

Nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

"Grabe ka. Dalawang beses sa isang buwan ako bumabalik dito. Sayang pamasahe. Sayang effort."

Nakahawak siya sa tuhod niya habang nakayuko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Tumayo ka nga diyan. Huy"

May mga estudyanteng dumadaan na nakatingin sa amin.

Kaya hinatak ko na siya palabas ng mall hanggang sa may parking lot.

"Huy. Umayos ka nga"

"Nakakainis kasi"

Naawa ako sa kanya. Totol naman. At ang tanga tanga ko para simpleng code lang di ko pa nagets.

"Bakit kasi kinocode code mo pa. Malay ko ba. Gaano ka ba kasigurado na mahuhulaan ko yung mga code mo Chemistry Wizard"

Siya nga. Siya nga yung estudyante ko dati na nag babalance ng equation sa Chemistry habang nagtuturo ako.

Siya nga si Napoleon Bonaparte na wrong spelling.

Kaya pala National Bookstore.

"Ang simple simple lang nun. Di mo pa mahulaan. Nakakapagod maghabol sayo"

Binuksan niya yung bag niya.

Saka nagabot ng wallet.

Teka.. Akin to ah.

"Matagal ko na dapat yan ibabalik. Ngayon ka lang pumunta."

"Magkatabi lang yung room natin di mo na lang sa school binigay"

"Eh ayoko eh. Nakakahiya. Maraming tao. Baka anong isipin."

"Eh ano yung kanina di ba nakakahiya?"

"Hayaan mo na last naman na yun"

Nagtaka ako.

"Bakit?"

"Wala na ako dito after graduation"

Di ko alam bakit nalulungkot ako. Kahit total stranger kami sa isa't-isa.

"Dun na ko magka college"

Sabay ngumiti siya.

Nalungkot talaga ako. Ngayon lang kami nagkita at nagkakilala tas aalis na siya. Nakakalungkot.

Di ako nakapagsalita.

"Hoy Jun Miguel"

"Babalik ka pa?"

Nagulat siya sa sinabi ko.

"Hindi ko alam"

Mas lalo akong nalungkot. Ngayon ko lang naramdaman na espesyal ako sa buong buhay ko.

Binuksan niya yubg bag niya.

"Malaki ba yung bag mo?" sabi niya.

"Bakit?"

"Kasya ba tong 150 na sulat?"

Kahit naguguluhan ako parang naiiyak ako sa ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Good for 10 years yan. Isang sulat per month. Sinobrahan ko lang in case lumagpas ako ng 10 years sa pagbalik"

"Di kita kilala...."

"Pero kilala kita"

"Di kita kilala.... Pero bakit parang ang tagal na nating magkakilala"

Ngumiti lang siya.

"Wag ka muna magaasawa pagbalik ko. Congrats Salut."

Umalis na siya.

----

Continue Reading

You'll Also Like

72.9K 2.1K 28
GXG
85.1K 4.5K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
24.1K 495 21
Gaia Leyn Velasco is a sweet and beautiful girl. She has everything. Looks, money, brain, and more. But there's one thing she can't get. Love. She's...