Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 2*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 3*

2.1K 34 5
By ohpurplerain

 Chapter 3 ~

Maaga talaga akong pumasok ngayon para makapag research. Second Periodical pa lang pero pinoproblema ko na agad ang thesis namin. Ganun talaga, mas maaga mas mabuti. Kesa naman kung kailan fourth grading na tsaka ako magca-cram. Mahirap yun, thesis namin ito. Hindi ako makakagraduate kapag hindi ko ito nagawa ng ayos. 

Actually, usapan talaga namin ni Kaysha na agahan ngayon but knowing her, baka naliligo pa siya sa sariling laway ngayon.

After I gathered all the books I might need, I immediately went to my table. I started reading and scanning some useful infos when somebody sits beside me and cover the book I'm reading with his bare hands. 

"Hindi ko kasama si Kaysha kaya umalis ka na dito!"  napataas agad ang boses ko ng makita ang pagmumukha niya. 

"Sssshhh!"  saway sa akin ng librarian. Nagtinginan ang lahat sa akin na siyang ikinahiya ko ng todo! Hinigit ko ang libro at inipod ang upuan palayo sa kanya. Kainis!

Umipod naman ulit siya palapit sa akin.

"Hindi pa ba sapat sa'yo na nagkakilala na kayo?" sigaw kong pabulong at saka ibinalik ang atensyon sa pagbabasa.

"Liligawan ko ang kaibigan mo."  napaangat naman ang ulo ko sa narinig. Alam kong iyon naman talaga ang gusto niyang gawin eh!

"Kung inaakala mo tutulungan kita, manigas ka."

"Hindi na."  bigla siyang ngumiti. "I found out that she's easy to get along with. Hindi ko na kailangan ang tulong mo."

Bilang nag-init ang ulo ko. Sa tono niyang 'yon, parang kayang kaya niyang makuha si Kaysha. 

"Sinasabi mo bang easy to get ang kaibigan ko?"  angil ko sa kanya. 

"Wala akong balak na masama sa kanya, gusto ko siya."

"Really? Ganyan naman palagi ang sinasabi niyong mga lalake eh."

"Wag mo akong igaya sa iba."  plain niyang sabi sa akin.

"Well, good luck." yun na lamang ang sinabi ko at inayos ko na ang gamit ko at saka tumayo.

"Hindi mo ba mabibigay ang suporta mo?" nang-aasar na sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at saka tuluyang umalis.

 "Mukha mo!"

---

Pauwi na kami nang makitang nakaabang si Renzo sa tapat ng room namin. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay para bang sumasama ang araw ko!

Umiwas siya ng tingin sa akin at agad na hinanap si Kaysha sa loob. Nang makita nila ang isa't isa ay agad naman silang nagkangitian. Ang lalandi talaga!

  

"Sabay na tayo umuwi?" tanong ni Renzo kay Kaysha.

Lumingon sa akin si Kaysha. "Sabay kasi kaming uuwi ni Jelynne eh." 

Lumingon sa akin si Renzo na parang .. ewan. Hindi ko maintindihan expressions niya.

 "Sumabay ka na lang sa kanya Kaysha, okay lang ako." sabi ko na lang.

"Sure ka?" tanong ni Kaysha. Aba't pipiliin pa nga niya ang lalaking ito kaysa sa akin? Ang walang hiya!

"Sabay ka na lang din sa amin."  biglang singit ni Renzo.

DUH. If I know, nagpapa-good shot lang ito kay Kaysha! Kala mo naman madadaan niya ako sa mga ganyang effect niya!

"Hindi na, salamat na lang." sagot ko.

"OO nga Je, sabay ka na lang!"  parang nagliwanag ang mukha ni Kaysha.

"Ayaw yata ni Jelynne na kasama ako. Sige next time na lang." nakakaasar ang tono ng pananalita niya, paawa eh! Ang arte! Mas okay pa sana sa akin kung magagalit siya kasi papatulan ko talaga siya. 

"Jelynne naman eh."  bulong ni Kaysha. 

 Dahil mapilit si Kaysha,  ang naging ending .. sumabay na kami sa kanya!

Nasa unahan ngayon si Kaysha, nagku-kwentuhan silang dalawa ni Renzo habang ako'y nasa likod at pinapakinggan lang sila. Super OP ako ngayon sa likod, nagtatawanan kasi sila at hindi ako maka-relate. Pero maya-maya'y nakaramdam din si Kaysha kaya tinawag niya ako.

"Je!"

"Oh?"

 "Alam mo ba yung kababata ko, umuwi na ng pinas?"

 bigla akong napaisip. Sinong kababata? Ah .. si Reign nga pala! "Eh? Talaga?" kunwari ay naging inetresado ako.

"OO. Noong isang araw pa pala. Tumawag ang mommy niya kay mama last night. Ang lokong 'yon! Hindi man lang nagsabi at hindi pa siya nagpapakita sa akin ha." pagmamaktol ni Kaysha.

"Alam mo ba Renzo, nakakatuwa yung kababata kong iyon .. "

Si Reign ang kababata na naikekwento ni Kaysha minsan sa akin. Sabay silang lumaki at isang school lang ang pinasukan nila noong elementary. Kuya-kuyahan nga daw niya ito noon kahit isang taon lang naman ang tanda nito sa kanya. 

 .. at ang buong byahe ay napuno ng usapan tungkol kay Reign. Hindi man aminin ni Renzo ay kitang kita sa mga mata niya na badtrip siya dahil sa mga narinig! HAHAHA. Buti nga!

" at saka alam mo ba Renzo, ang tawag niya noon sa akin ay -- " napatol ang pagkekwento ni Kaysha nang bigla akong nagsalita.

"Lampas na tayo sa bahay niyo Kaysha!"  sigaw ko.

"Ouch, oo nga!" 

Umatras nang bahagya si Renzo at nang marating ulit namin ang bahay nina Kaysha ay bumaba na ito. 

"Gusto ko sanang iinvite kayo sa loob kaso may problema sa bahay eh. Next time na lang ha?"

"Okay lang."  sagot ni Renzo.

"Thank you Renzo!" ngumiti naman si Renzo. "Wag mong kakalimutang ihatid si Jelynne ha." paghahabilin ni Kaysha.

"Sure! Ingat ka."  sagot ni Renzo.

Nang makapasok si Kaysha sa loob ng bahay nila ay tsaka lang ako nagsalita. 

"Alam kong nathe-threatened ka na sa kababata ni Kaysha." natatawa kong sabi.

"Hindi no!" pagtanggi niya. HAHAHA. Natawa naman ako kasi labas sa ilong niya iyong sinabi. "Why would I?"  tanong pa niya.

"Syempre, matagal na silang magkakilala. Mas matagal pa kaysa sa amin."

"Pero matagal na rin silang walang communication. Bata pa sila noong huli silang nagkita."  sagot naman ni Renzo. 

Palaban talaga ang isang ito ha!

"So sinasabi mo na malaki ang lamang mo sa kababata niya?"

Natawa naman siya. "They are just friends."

"Paano kung yun talaga ang gusto ni Kaysha?"  hamon ko sa kanya.

Nakita ko naman na bigla siyang nainis sa sinabi ko. Haha! Yes! Panalo ako. Hindi na nagsalita si Renzo pagkatapos noon at hindi na rin ako naglakas-loob pa.

Nabasag ang katahimikan nang biglang tumunog ang phone ni Renzo.

"Hello, sino 'to? .. Insan? No, imposible! ..Seryoso, ikaw nga 'to? Woah. Hahaha. Okay. Okay."  at pinatay na niya ang phone. 

Napansin ko na biglang bumilis ang pagmamaneho niya. Napakapit tuloy ako ng mahigpit sa upuan.

 "Hoy! Wrong way na tayo!" sigaw ko sa kanya. Doon lang niya naalala na kasama pa nga pala niya kaya bigla niyang tinigil ang sasakyan.

"Aray!"  sigaw ko nang mauntog ako sa upuan sa harapan. Err! Nakakainis talaga ang lalaking ito.

"Okay lang ba kung dito na lang kita ibaba?"  kanina sinabi niya ihahatid niya ako, tapos biglang magbabago isip niya kung kailan malayo na kami? Nananadya ba siya?

"May emergency lang!"  sabi niya. 

"Fine!"  sagot ko naman at bumaba na. "Kapag nasabi ko ito kay Kaysha, pasensyahan na lang!"

"Teka lang!"  narinig kong sigaw niya pero hindi ako lumingon.

"Wag mo naman akong ilaglag sa kaibigan mo. Importante lang kasi ito!"

Hindi ako umiimik.

"Please?" 

Hindi ko pa rin siya pinapansin. Sa loob-loob ay natatawa na talaga ako. Para siyang bata na nagmamakaawa na wag siyang isusumbong sa nanay niya. HAHAHA.

"Sorry na. Gagawin ko lahat para makabawi sa'yo sa susunod!"  Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. 

Nakakagulat.

I mean, of all the words that I should hear from him, ito ang maririnig ko? Marunong pala talaga magsorry ang lalaking ito?

"Please?"  at nagmamakaawa pa?

.. at napatingin ako sa paligid, ang dami na palang nakatingin sa amin. So sinasadya pala ito ni Renzo? Para makuha ang simpatya ng mga tao? Nakakahiya! Baka nga isipin nila boyfriend ko si Renzo!

"Please?" 

Napatingin ulit ako sa paligid. Naiinis ako. Parang nanonood ang mga tao sa isang teleserye! Arggh. Lumingon muli ako kay Renzo at ..

"Oo na!"  sagot ko. 

Nakita ko na naman ang nakakaloko niyang tawa! Akala ko ay siya ang naisahan ko, ako pala ang naisahan niya! Kainis!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
20.8M 511K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
27.3M 696K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...