One Shot of Vodka

By KentEndrin

548 121 0

Do you believe in happy endings? Eh sa mga ending na di mo alam kung happy o hindi? More

Bahay-bahayan
Pass
Jeepney
Picture
Five
Strangers
Gitara
Tagpuan
Fastpace
Reunion
Pass (Part 2)
Flames
Byahe
Ulan

Sayang

59 10 0
By KentEndrin

Playlist: Pakisabi na lang

May mga pagkakataong lagi kaming nagkakatabi pero walang chance na makapagusap. Laging ganun. Hindi naman kasi ako sobrang gwapo para kausapin niya. Sino ba naman ako diba.

Kung maguusap man kami laging academics ang paguusapan. Nakakapagod na din minsan. Lagi na lang akong nagaantay.

Kanina pa ko kinakabahan na di ko maintindihan. Kagabi pa nabuo sa isipan ko na sasabihin ko kay Vien na gusto ko siya. Pero di ko talaga alam pano. Nagsulat na ako sa papel. Bumili din ako ng chocolates. Baka nga matutunaw na yun sa bag ko.

Hindi ka naman manliligaw. Sasabihin mo lang na gusto mo siya. No more no less. Yun lang. Whoo. Grabe pinagpapawisan buong pagkatao ko.

"Uy brad happy valentines"

"Siraulo wala ngang girlfriend"

"Ligawan mo na kasi"

"Sino?"

Sigurado akong wala akong pinagsabihan na crush ko si Vien. Pero pano nalaman ng mokong na 'to?

"Si ano"

"Sino nga?"

"Tayo tyo na lang andito nagkakalokohan pa"

"Di naman ako sasagutin ni Vien"

"Si Vien? Weh? Hala. Actually wala akong tinutukoy niloloko lang kita."

"Loko ka talaga. Umalis ka nga sa harap ko"

"Hala pre..."

"Isa pa paduduguin ko nguso mo"

"Okay. Okay sorry lols"

Natigil paguusap namin ng biglang paspasan na pumasok yung mga kaklase naming nakatambay sa labas.

"Andiyan na si Sir"

Biglang nagsia-ayusan yung mga upuan sa loob lang ng sampung segundo.

"Good morning. Di ako magtatagal kasi may meeting ang faculty. Mr. President take charge sa attendance."

Yun lang at bigla siyang lumabas. Tumayo ako at pumunta sa hara para icheck yung attendance sa folder ni sir na iniwan. Maya maya lumapit sa akin yung Vice namin at may pakulo daw siya.

Nakaupo lang ako at nachecheck sa desk habang siya nagsasalita.

"Okay guys. Get 1/8 sheet of paper. Belize"

Maingay talaga yan si Claire parang bakla magsalita.

Kahit nagtataka yung lahat kumuha pa din sila.

"Isulat niyo pangalan ng crush niyo dito sa room. Wag niyong lalagyan ng pangalan niyo syempre para di malaman na galing sa inyo tas pasa niyo niyo sa akin"

Ang kornii sobra. Pero dahil wala namang makakatanggi sa kanya sumunod na din lahat.

Kakatapos ko lang magcheck ng attendance eh kakatapos niya lang din kolektahin yung mga papel.

"Hoy Art akin na yung sayo"

"Sandali lang"

Kahit nanginginig yung kamay ko sa pagsulat sinulat ko pa din. Wag lang talagang malalaman yung sulat kamay ko. Pero alam ko namang halos lahat ng lalaki sa room si Vien ang isusulat. Di naman siguro na mapapansin kung siya din isulat ko.

Nilagay ko na dun sa kahon ng zesto ung papel saka inalog alog ni Claire yung kahon. Bumalik na ko sa pwesto ko saka siya nagsimulang buklatin isa isa.

"Sya nga pala guys. Happy Valentines sa mga nagmamahal, magmamahal at patagong nagmamahal"

Di ko alam pero parang tinamaan ako dun sa sinabi niya. Di ko lang pinansin.

Di ko alam pero sobrang nanginginig yung kamay ko. Hindi ko alam kung bakit. May mangyayari ba ngayong araw na hindi maganda? Kasi kung meron uuwi na lang ako para di ako makawitness ng ikasasakit ng kalooban ko.

"Grace 1 point"

Nagsisigawan yung klase kapag binabanggit yung mga pangalan na nakasulat. 42 lang naman kami sa room kaya di naman din hassle na isulat pa niya bawat score sa blackboard. Di ko lang maintindihan kung ano bang price ng maraming score.

Sana maguwian na. Dun ko na lang siguro ibibigay. Tapos deretso uwi.

"Vien 1 point. Pamilyar yung sulat kamay haha"

Di ko alam pero napatingin ako sa harapan. Di naman siguro sulat kamay ko yun. Sana hindi yun akin.

"Vien ulit 2 points na"

17 lang naman ang babae sa room 25 yung lalaki. Ineexpect ko ng marami talagang vote si vien.

"Quota ka na girl ahh. 12 points ka na"

Napatingin ako kay Vien na nasa gawing kanan sa harapan. Ngumiti lang siya. Shet. Kinakabahan ako lalo.

Di ko alam kung maiihi ba ako sa kaba o masusuka.

"Cris 1 point"

Si cris yung kaibigan kong mokong kanina. Akalain mo. Pero ineexpect ko namang si Troy yung maraming score diyan. Escort ng room.

Siya nga pala. Matagal niya ng nililigawan si Vien. Pero sigurado akong di siya gusto ni Vien dahil mukhang walang balak sagutin siya. Tingin ko lang.

"Vien ulit. 13 points ka na...Troy 1 point.. Another 1 point kay Troy.. Diane 1 point... Troy 3 points ka na."

Di ko na napapansin kung ilan na yung naboto pero ang tingin ko less than 10 na lang natitira.

"Recap tayo ahh. Grabe ahh wala man lang nagsulat ng pangalan ko. Kahit biro man lang. Grabe talaga. Vien 16 points, Grace 2, Hanah 1, Diane 1, Roxanne 1. Cris 3, Troy 12... Shocks guys konti na lang yung papel sa loob."

Bakit ba ako kinakabahan. Feeling ko naman nabasa na yung papel na sinulat ko.

"Di ko marecognize yung sulat sayang. Sinadyang babuyin. Anyways. Ganda girl Vien 17 points ka na"

Napatingin ako kay Vien ngumiti lang siya ulit at tumawa.

"Iuuwi ko lahat ng papel ahh"

Bigla niyang sinabi kaya nagasaran lahat sa klase.

"Troy 13 points...Hanah 2 points naks...Vien 18 points. And last but not the least.... Tentenen. Uy bakit sa lahat ng papel eto lang ang 1/8 crosswise ang pagkakahati. The rest lengthwise. Sino nagsulat nito aber? Haha. Shocks. ART!!.. Hoy may boto ka president!!"

Binato ako ng basahan sa blackboard ni Claire. Kaya nagulat ako. Nagtinginan din lahat sa akin. Tumingin ako kay vien pero mukhang may sinusulat kaya napaiwas ako agad.

Nakita ko si Hanah na ngumiti sa akin. Baka sa kanya galing.

Di ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya sa nangyari.

"Vien 18, Hanah 2, Grace 2, Diane 1, Roxanne 1, Troy 13 points, Cris 3, Art 1....." Napatigil siya bigla sa pagsasalita " Hoy sinong lalaki ang di bumoto 41 lang lahat. 24 lang boto sa babae"

Nagulat kami nung tumayo si Troy

"Eto yung boto ko. Si Vien."

Naghiyawan lahat sa room at di ko alam na parang gusto ko ng lumabas ng room.

Naglabas ng bulaklak si Troy at binigay kay Vien. Tinanggap naman nakangiti pa.

"This will be my last attempt. Vien Will you be my girlfriend"

Mas lalong nagingay yung mga tao sa room na parang mga bulateng inasinan.

"Hindi nagsalita si Vien... Pero tumango siya"

Mas lalong naghiyawan sa room dahil niyakap ni Troy si Vien.

May yakapan agad? Di man lang ginawa sa labas na lang.

Okay lang ako.

Sayang yung chocolate. Sayang yung mabangong papel. Bibigay ko na nga lang kay Mam Corpuz yung chocolate.

Di ko alam pero para akong nanghina bigla. Tinap lang ako ni Cris sa likod pero di siya nagsalita.

Natapos ang klase at dirediretso akong lumabas.

Nasa hagdan na ako ng may sumigaw sa pangalan ko.

"Pres"

Di ako lumingon.

"Art huy"

Napatigil ako nubg may humawak sa kamay ko.

Si Vien.

Nanginginig ako lalo.

Parang nablangko bigla yung utak ko at gusto ko ng kainin ng lupa bigla.

Bakit naman niya ko hinabol? May sasabihin ba siya? Kinabahan ako lalo.

"Naiwan mo yung folder ni Sir baka hanapin niya"

Yun lang pala.

"Ahh sige salamat"

Pagkaabot niya. Tumalikod na ako. Di ko alam pero para akong naiiyak. Pero pinilit ko pa ding humarap ulit.

Andun pa din siya.

"Siya nga pala Vien... May ibibigay ako"

Nagtataka lang siyang tumingin pero kinuha ko na sa bag ko yung chocolate.

Tumawa ako ng bahagya.

"Wag kang magisip ng kung ano ahh. Walang malisya. Binigay lang din to sa akin. Di naman ako mahilig diyan. Sayo na lang. Gift ko sa inyo ni Troy"

Sabay ngiti. Parang gusto kong murahin yung sarili ko tas pagsusuntukin para matauhan.

Pababa na ako ng hagdan ng may iabot si Vien sa akin.

1/8 crosswise.

Nagulat ako sa binigay niyo. Pero mas lalo yung pagtataka.

"Ano 'to?"

Tumingin siya sa akin.

"Ako yung nagsulat ng pangalan mo kanina"

Tinitingnan ko na lang siya habang palayo siyang naglalakad hawak yung chocolate na sinabi kong binigay lang sa'kin.

---

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 14 44
University Series #02: Hailey Cruz & Sheana Leigh San Diego "I already choose to be brave and strong for you." ©shaitamad Allrightreserved2K23
TOO LATE By eyynis

Short Story

116K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
789K 39K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle