Unexpected

By ohpurplerain

75.4K 1.1K 334

Walang oras sa lalake si Jelynne. Kailanman ay hindi sumagi sa isipan niya na mainlove kung kanino man. Pero... More

Prologue
Chapter 1*
Chapter 3*
Chapter 4*
Chapter 5*
Chapter 6*
Chapter 7*
Chapter 8*
Chapter 9*
Chapter 10*
Chapter 11*
Chapter 12*
Chapter 13*
Chapter 14*
Chapter 15*
Chapter 16*
Chapter 17.1*
Chapter 17.2*
Chapter 18*
Chapter 19.1*
Chapter 19.2*
Chapter 20*
Chapter 21.1*
Chapter 21.2*
Chapter 22*
Chapter 23*
Chapter 24*
Chapter 25*
Part 2*
Chapter 26*
Chapter 27*
Chapter 28*
Chapter 29*
Chapter 30*
Chapter 31*
Chapter 32*
Chapter 33*
Chapter 34*
Chapter 35*
Chapter 36*
Chapter 37 ~ The Unexpected Ending

Chapter 2*

2.7K 42 7
By ohpurplerain

 Chapter 2 ~

Mabilis na tumakbo kami ni Kaysha papunta nang canteen. As expected, marami na kaagad tao sa loob. -_-

"Tingnan mo na, ang dami nang tao." pagmamaktol ko kay Kaysha. Kung hindi ba naman kami nagtagal sa CR, nauna na sana kami dito. 

Dalawa lang kasi ang canteen dito sa school. Itong main canteen pagkatapos ang isa ay nasa college department. Elementary at Highschool na nga ang gumagamit nitong sa main, pati college ay nakikihati pa. Mayroon naman sana silang cafeteria. -___- Kaya pag ganitong lunch time, asahan mong napakadaming tao.

"Sorry na. Sorry na." sabay irap naman ng mata niya.

"Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo nahuli, ikaw ngayon ang pumila."

"Whaaaaaat?"  katulad ng inaasahan ko ay magugulat siya. Pinandilatan ko lang siya ng mata at mabuti naman ay nakuha agad siya sa isang tingin. Napangiti na lang ako.

"Fine!"  pagsuko niya. "Anong order mo?"  tanong niya.

"Kung anong sayo, yun na din ang akin."

-- Kung anong sayo, yun na din ang akin. Lagi kaming ganyan ni bestfriend. Pag kakain. Pag may bibilhin. Madalas nga ay pinagtatalunan pa namin ito. Hahaha! Minsan kasi nakakatamad na mag-isip kaya nakikigaya na lang. 

Hinayaan ko na si Kaysha na pumila habang ako naman ay naghahanap ng mauupuan. Parang gusto ko nang sumuko dahil nalibot ko na ang buong canteen, wala pa rin akong nakikitang bakante. 

Ang iba naman kasi kahit tapos nang kumain hindi pa rin umaalis sa upuan! Ginagawang tambayan ang canteen. Nakakainis!

*scan scan*

Sa wakas, may nakita din akong bakanteng upuan. Buti na lang at umalis na si ate na kumakain dito kanina. Haha. Akala ko, mauunahan ako nung isang babae, niintay rin kasi nyang umalis si ate pero naunahan ko siya. Hahaha. Grabe. Daig ko pa ang nakipag-trip to Jerusalem, ang bilis kong umupo!

Sa aking paghihintay, bigla akong napalingon sa gawing kanan ko at di ko inaasahang nandoon na naman siya at nakatingin na naman siya sa akin. Feeling ko lalapitan na naman ako nito, since hindi pa dumadating si Kaysha! 

"Tigilan mo na ako, pwede ba?" bungad ko sa kanya nang lumapit siya. Hindi pa nga siya nakakaimik, inunahan ko na kaagad siya.

"I'm asking you for the last time, Jelynne." at hinawakan niya ang kamay ko. Parang nakuryente ako sa ginawa niyang iyon. Weird. Ito kasi ang unang beses na hinawakan ang kamay ko ng isang lalake, nabigla talaga ako.

"Hindi ko ipagkakanulo ang kaibigan mo sa lalakeng tulad mo!" sagot ko sa kanya. Nagulat siya sa narinig.

"Bakit, kilala mo na ba ako?"

Bigla akong napaiwas ng tingin. I don't know him, of course! Pero lahat ng lalake, manloloko! Kung kaya ko nga lang pigilan ang kaibigan ko na ientertain ang mga manliligaw niya, nagawa ko na. Pero hindi ko naman kayang ipagkait kay Kaysha kung anong ikasasaya niya.

"Hindi mo pa ako kilala, Jelynne." mariin na saad niya sa akin. Umirap lang ako at hindi man lang siya nilingon.

"Renzo, hinahanap na tayo sa practice." at umalis na nga ang nilalang na nagngangalang Renzo. Napangiti ako nang mapait. Bakit kasi kailangan pang dumaan sa akin? If he's confident enough, ligawan na niya ang kaibigan at tingnan na lang natin kung papasa siya sa standards ni Kaysha!

 "Ehem." Hindi ko napansin na dumating na pala si Kaysha, nilapag nya sa aming table ang pagkain pagkatapos ay tinitigan niya ako. Isang nakakalokong tingin! Naku ha, I don't like that kind of stare. 

"Mayroon ka bang tinatago sa akin?"  tanong niya sa akin. 

"Kailan pa ako naglihim sa'yo? Ni utot ko nga alam mo!" 

Natawa siya nang wala sa oras pero agad niyang binura ito at bumalik sa pagiging seryoso kuno. Hindi bagay sa kanya ang maging seryoso! Promise! Haha.

"Kanina, may sinusundan ka ng tingin. Ngayon naman, may kausap ka na. Mukhang hindi totoo ang sinabi ni Nora Aunor na walang himala. I think there is really a miracle!!" natatawang saad ni Kaysha.

Binatukan ko siya. As usual. "Aray!" 

"Sapat lang yan sa'yo. Nagma-malfunction yang utak mo!"

"Okay lang naman kasi na umamin na may nagugustuhan ka eh. Matutuwa pa nga ako pag nangyari 'yon. Simula kaya nang maging magkaibigan tayo ay wala man lang akong naririnig sa'yo na nagka-crush ka na."

"Wala naman talaga eh."

"Mukha mo! Lahat kaya may crush!" 

"I am the only exception." sagot ko.

 "Hindi ka normal, Jelynne. Alien ka yata!"

"Kung alien ako, ano ka pa?"

Magsasalita pa sana si Kaysha nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Sino 'to?" tanong niya. Hinablot ko sa kanya ang cellphone at binasa ang text message mula sa kanya. 

/ Can I apply? /  iyon ang laman ng text. Alam kong parehas kami ng iniisip ni Kaysha nang mabasa 'to at hindi ako natutuwa sa ganitong klaseng text.

/ Tigilan mo na ang bestfriend ko. Wala na siyang panahon para mag-entertain pa ng mga suitors./  reply ko sa text.

"Ano na namang sinabi mo, Jelynne!" sigaw niya. Alam kasi niyang nirepyan ko na naman ang manliligaw niya.

"Huwag mong ise-save ang number nyan, Kaysha. Tumigil ka na muna sa pag-eentertain ng manliligaw. Wala ka rin namang mapipili eh."

... at inilapag ko ang cellphone niya sa mesa at nagpatuloy sa pagkain. Ang awkward kapag pinagsasabihan or more like pinagbabawalan about dito, about manliligaw and relationship, kasi wala pa naman akong experience pero I always act like I know everything.

"OMG! Jelynne! Nakakahiya!!"  Napaangat ang kilay ko sa bigla niyang pagtili!. "Tingnan mo ang text!"

/ I mean can I apply for Student council? Where can I get the application form? /

Napahawak ako sa ulo ko. Medyo tanga lang at medyo praning! Biglang natawa si Kaysha at natawa na rin ako. Ang feeling lang eh!

"Magsorry ka na lang, sabihin mo, wrong send ka." sabi ko na lang.

"Ang possessive naman kasi ng besfriend ko." natatawang sagot niya.

"Okay na 'yun kesa walang pake sa'yo."

"OMG! Ang cheesy mo!"

---

Pauwi na kami ni Kaysha. Natapos lang ang maghapon just like the ordinary days. Sana pala ay nag-ingay na lang ulit kami para mapalabas sa iba naming subject o kaya nagcutting na lang kami. Hahaha. Joke. Tama na ang minsan. 

"Pwede bang kumain muna tayo bago umuwi?"

"Ano ka ba, wala akong pera."

"Palagi ka na lang walang pera. Hmp!"

Palabas na kami ng gate ng makita ko na naman siya, nag-aabang sa gilid ng gate. Akala ko magtatago na naman siya dahil kasama ko ngayon si Kaysha pero nagulat ako nang lumapit pa siya sa amin. SO HINDI NA SIYA TORPE??

"Hi, Kaysha!" at binabati na niya ang kaibigan ko nang harap-harapan? Saan mo kinuha ang lakas ng loob mo? O_O

"Oy, Renzo!" masiglang bati ng kaibigan ko. "Ito nga pala ang bestfriend ko, si Jelynne." pakilala niya sa amin.

"Ah, siya yung na-wrong send kanina?" tanong ni Renzo. Anong sinasabi niya?

"Y-yup. Pasensya na ulit." awkward na sagot ni Kaysha.

"Uy, magsorry ka." bulong sa akin ng kaibigan.

"Anong sorry? Ano bang ginawa ko?" sagot ko. Pagkatapos ay tiningnan ko nang masama si Renzo.

"Siya yung nagtatanong about sa application for student council." 

NANLAKI ANG MATA KO SA NARINIG. AT NANGINGINIG NA DIN AKO SA INIS. IS HE MAKING A MOVE NOW? 

"Okay lang, I understand. Mukhang protective lang talaga ang bestfriend mo." sagot ni Renzo na akala mo'y anghel na nauunawaan ang lahat! 

"Sinabi mo pa!" sagot naman ni Kaysha na natatawa at mukhang komportable na kaagad sa Renzo na ito.

"Nakita nyo na ba yung bagong bukas na pastry house sa tapat ng school?" tanong ni Renzo.

"Bukas na yun ngayon?" excited na tanong din ni Kaysha.

"Oo, gusto nyo bang i-try? Tara, kaibigan ko may-ari nun eh."

Mabilis na hinigit agad ako ni Kaysha. "Go kami dyan ni Jelynne!" 

"Sige, kayo na lang." sagot ko.

Kinurit ako sa tagiliran ni Kaysha. "Mahiya ka nga, pagkatapos nang-"

"Kasalan niya yon, hindi niya nililinaw ang text niya eh!"

Narinig ni Renzo ang usapan namin. Actually, sinadya kong marinig niya 'yon! Alam ko namang type na type niya ang kaibigan ko at dahil hindi niya makuha ang tulong ko ay gumagawa na siya ngayon ng ibang paraan!

"Sorry if you misunderstand it." he sounded like nagpaawa. "Treat ko na lang kayo para makabawi ako." sumingkit lang ang mata ko sa kanya. Nakakainis! Halatang halatang nagpapa-goodshot sa kaibigan ko!

"Hindi ba dapat kami ang mag-treat dahil kami naman may atraso sa'yo?" sabi naman ng anghel kong kaibigan.

"No, ako talaga may kasalanan."

"Oh sige, libre mo na kami! Ha-ha!" biglang sagot ni Kaysha! As usual, gustong gusto talaga niya makatikim ng libre!

Habang si Kaysha ay namimili ng mga cupcakes sa may counter ay biglang lumapit sa akin si Renzo. 

 "Ikaw, hindi ka kakain?" tanong nya.

"Kung galing sa'yo, wag na lang." sagot ko.

"Ano bang problema mo sa akin?!" nagulat ako nang biglang tumaas ang tono niya. Kanina lang para siyang anghel na umaako ng kasalanan ko. Ito ba talaga ang ugali niya? Tsk. Sinasabi ko na nga ba eh, una palang iba na ang tingin ko sa kanya.

"Ikaw ang problema ko!"

"Tumigil na ako sa pangungulit sa'yo katulad ng gusto mo. Ano pang inaangal mo?" Grabe! Ang bastos ng bibig ng isang to ah!

"Hindi ka magugustuhan ng kaibigan ko kaya hangga't maaga pa lang tumigil ka na."

"Hindi ba talaga ako magugustuhan ni Kaysha o hindi mo ako magugustuhan para sa kaibigan mo? You're just her friend, stop interfering with her lovelife." at lumayo na siya sa akin.

Naiyukom ko lang ang palad ko. Anong karapatan niya para pagsabihan ako nang ganun. Yes, I am just a friend. Eh ano siya? He's just a stanger!! 

Habang namimili sila nang pagkain ni Kaysha ay nakita ko silang nagtatawanan at nagkukulitan. Sa ilang minuto na 'yon parang close na close na kaagad sila. Sabagay, friendly naman talaga si Kaysha, napakalayo sa ugali ko na madalas ay snob lang. 

"Kaysha, uwi na tayo."  para akong nanay na inuutusan ang anak na umuwi sa bahay.

"Teka, hindi pa ako tapos kumain."

"Kainin mo na yan sa daan." ang sabi ko at tumayo na.

"Sige Renzo ha, bawal kasi kami gabihin. Salamat ulit dito."  narinig kong sabi pa niya kay Renzo bago tuluyang lumabas ng pastry house.

"Alam mo, ang sama mo talaga!"  bwelta sa akin ni Kaysha pagkalabas namin sa pastry house!

"Ako na naman ang masama? Nilalayo lang kita sa lalaking tulad niya." 

"Ha? Hindi mo pa nga kilala ang tao, hinuhusgahan mo na agad. "

"Matagal ka nang gusto nang lalakeng 'yon, Kaysha at dahil hindi ko siya tinulungan na magkalapit kayo ay gumagawa siya nang paraan para makuha ka."

Nanlaki ang mata niya sa narinig. Alam kong nagulat siya. It's too early to know that the guy she just has a huge crusn on her.

"He likes me?" tanong niya.

"Don't tell me, gusto mo na rin siya?" 

Hindi ko alam pero bigla na lang akong nag-walk out. Alam kong ang OA ko. Naiinis lang ako sa kaibigan ko dahil ang bilis-bilis niyang ma-fall pagkatapos siya rin naman ang masasaktan sa huli. Palagi ko siyang pinagsasabihan pero hindi naman siya nakikinig!

Ayaw ko lang naman na masaktan ang kaibigan ko. Pare-parehas lang naman kasi ang mga lalake eh! 

Ang dahilan ko kung bakit galit na galit ako sa kanila? ... 

Namatay si Papa noong tatlong taong gulang pa lang ako.  Syempre, bata pa ako para maalala ang mga nangyari noon. Pero sabi ni Mama namatay si Papa dahil sa cancer.

Seven years old ako nang makilala ni mama ang stepfather ko. Wala namang issue sa muli niyang pag-aasawa, hindi ako tutol. Ang hirap kaya ng walang ama at lalong mahirap para kay mama na mamuhay ng walang katuwang sa lahat ng bagay.

Si Daddy Mike. Step Father ko. Mabait naman sya. Nung nanliligaw pa sya kay mama. Noon kasi lahat binibigay nya kay mama, pati na rin sa akin. Halos lahat ng luho ibinibigay niya sa amin. Mayaman sya, no wonder. Pero nang magtagal ay nalaman ko rin ang sikreto niya.

I discover na ginagamit lang pala niya si Mama to produce a child. May asawa na siya at sa kasamaang palad, hindi sila nabiyayaan ng anak. Ilang beses kong gustong subukan na sabihin iyon kay Mama pero natatakot ako, ayaw kong masaktan si Mama pero hindi rin nagtagal ay nalaman din niya ito. 

Masakit. Mahirap. Pero kailangang tanggapin. Ang mahalaga, natuto siya.

Ngayon, masaya na kami ni mama at sinabi niya na hindi na siya magmamahal ulit. Mahirap masaktan, mahirap maloko. Kaya ang pagtutuunan na niya ng pansin ay ang trabaho niya at kung paano niya ako itataguyod, ng mag-isa.

Kaya ako, hinding hindi talaga ako magmamahal. Ayaw kong matulad kay mama. At iyon din ang ayaw kong mangyari sa kaibigan ko. 

"Sorry na."  narinig kong sabi sa akin ni Kaysha mula sa likod ko.

Sa tuwing may lalaking nagkakagusto kay Kaysha, madalas ay pinag-aawayan namin ito. Napaka-senstive ko nga kasi kapag ganyan. Pinoproktetahan ko lang ang kaibigan ko. Pero syempre, hindi ko naman hawak ang buhay ni Kaysha kaya siya pa rin ang dapat masunod.

 "Okay lang."  at ngumiti ako sa kanya. "Pasensya na din. Hindi ko lang talaga gusto ang inasal niya."

 "Hayaan mo, hindi ko na siya papansinin sa susunod."

Umiling naman kaagad ako. Kung mayroon man akong iniiwasan, iyon ay ang maging kontrabida sa buhay niya. Oo, pinapaalalahanan ko siya pero ang kagustuhan pa rin niya ang masusunod at ang kaligayan niya ay kaligayahan ko na rin.

Bigla akong na-guilty.

"If you find him nice, go ahead."

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
260K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
71.7K 4.6K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...