RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

MERRY CHRISTMAS!

6.5K 203 55
By pluviopilya

October 2015


"Gusto kitang ipaglaban pero hindi ko pa kaya. Kung kaya ko man, hindi pwede."

Tumulo nanaman ang mga luha ni Rhian. "I told you G. Pwedeng pwede naman tayong lumaban e. Makikipagbreak ako kay J."

Umiling si Glaiza. "Ilang beses ko ng sinabi sayo na wag mong gagawin yun Rhian. Wag mong gagawin dahil hindi ka sigurado sakin."

"I will take the risks. Ready ako G. Alam kong alam mo yun."

"Pero hindi ako katulad mo Rhian. Hindi ako ready...." Napalunok si Glaiza. "Hindi ako katulad mo.... Duwag ako Rhian. Natatakot ako. Takot ako..."

Parang namamaos na silang dalawa dahil parehas silang umiiyak. Lumapit si Rhian kay Glaiza at hinawakan ito sa magkabilang pisngi at tiningnan ito sa mga mata. "I don't care. Nandito naman ako e... Handa akong lumaban mag-isa para sating dalawa. Handa ako, G. Please, hayaan mo kong lumaban para satin. Just please..."

Umiling nanaman si Glaiza. "No." Hinawakan ni Glaiza yung kamay ni Rhian na nasa pisngi niya. "I'm sorry. Duwag ako. Hindi ko kaya... Hindi ko pa kaya Rhian."

"Kelan mo ba balak umalis sa mundo nila G? Kelan mo ba balak itigil lahat ng kasinungalingang gusto mo yung pinapagawa nila sayo? Kelan G? Kelan ka magiging handa?"

"Hindi ko alam...."

Yumuko si Rhian habang umiiyak pa rin. "Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi kana maging ready pa kahit kailan. Natatakot ako na baka tuluyan ka ng hindi magkaroon ng lakas ng loob para samahan akong lumaban."

"Habang hindi pa ko handa Rhian, yung sa inyo muna ng boyfriend mo yung ipaglaban mo. Mahal ka niya."

Tiningnan ulit ni Rhian si Glaiza. "Pero hindi ko na siya mahal...."

"Sinasabi mo lang yan kasi nandito ako, Rhi. Sinasabi mo lang yan kasi naguguluhan ka lang."

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin? Naguguluhan? G, sa tingin mo ba naguguluhan lang ako sa sarili ko kaya ako nagmamakaawa ngayon sayo na lumaban para sa ating dalawa? Kung naguhuluhan lang ako, hindi sana ako umiiyak sa harap mo ngayon.... Pero Glaiza, eto ako oh. Kailangang kailangan yung 'Lalaban tayo' na words from you. Kailangang kailangan ko yun Glaiza."

"Hindi ka sigurado sakin--"

"I DON'T CARE! I will wait. Handa akong maghintay Glaiza hanggang sa maging ready ka na."

"Hindi mo naiintindihan Rhian...." Umiling nanaman si Glaiza. "Takot ako.... Takot ako na baka hindi ko maibigay yung pagmamahal na gusto mong matanggap, yung pagmamahal na nararapat para sayo. Natatakot ako na baka hindi ko maibigay yung pagmamhal na kailangan mo. Natatakot ako Rhian, ayaw kitang masaktan...."

"Nasasaktan na ko ngayon, G." Kitang kita sa mga mata ni Rhian yung luhang sunud sunod na bumabagsak mula sa mga mata niya. "At handa pa kong masaktan kung kinakailangan...para lang mapapayag ka na lumaban ako para sating dalawa."

Napalunok si Glaiza. Sobrang tunaw na yung puso niya sa nakikita ngayon kay Rhian. Pinunasan niya yung pisngi ni Rhian at inalis niya yung nagbabagsakang luha mula sa mga mata nito. Matagal niyang pinagmasdan yung mga mata ni Rhian at kitang kita niya yung sakit, pagmamakaawa, pagmamahal at pangangailangan sa mga mata nito.

Yumuko siya saglit para pagisipang mabuti yung sasabihin niya.

"Glaiza....."

Huminga ng malalim si Glaiza bago tiningnan ulit si Rhian. Napalunok siya. "Mahal kita.... Mahal kita Rhian pero....hindi pa talaga kita kayang panindigan. Hindi ko pa talaga kaya."

Literal na nanlambot na talaga si Rhian. Naibaba niya yung mga kamay niyang nakahawak sa pisngi ni Glaiza dahil sa sobrang panlalambot. Parang pagod na siya. Pagod na siyang magmakaawa ngayon.

Nakita ni Glaiza yung panghihina ni Rhian dahil sa sinabi niya kaya bigla niya itong niyakap. "I'm sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry." Umiyak na rin ng sobra si Glaiza. "Hindi PA. Okay? Hindi PA kita kayang panindigan. Pero, maniwala ka sakin, gagawa ako ng paraan. Gagawa ako ng paraan para masamahan kang lumaban para sa ating dalawa pero hindi pa ngayon yun Rhian. Hindi pa ngayon."

"Handa akong maghintay. Handa akong maghintay, G. Just please hayaan mo lang akong maghintay para sayo. Makikipagbreak ako kay Jason."

"Pero mahal ka nga niya...."

"Ayaw ko ng manloko Glaiza. Mas masasaktan ko lang siya kung mas papaniwalain kong mahal ko siya. Ayaw ko ng makasakit.... Hayaan mo kong tanggalin lahat ng dahilan kung bakit 'hindi pwede' maging tayo. Hayaan mo lang ako..."

Hinigpitan ni Glaiza ang pagkakayakap kay Rhian. "Sorry kung nasasaktan kita."

"Handa pa kong masaktan Glaiza.... Wala na kong pakeelam sa sakit na mararamdaman ko. I just want to be with you."

Hinigpitan din ni Rhian yung pagkakayakap kay Glaiza.

Isang malamig na simoy ng hangin ang pumasok sa kwartong yun. Yun ang tumapos ng usapan nilang dalawa nung gabing yun.



///

November 2015


"Umalis si Glaiza. Magtatagal ata sila sa Canada e. Hindi ba niya nasabi sayo?" Chyns said nang pumunta si Rhian sa kanila.

"What?! Hindi niya sinabi... Wala siyang sinabi." Para namang nanghina nanaman si Rhian.

"Hindi ka naman kasi ata nagtatanong."

"Anong hindi nagtatanong?! Kahapon lang kami magkausap sa phone. Wala naman siyang nababanggit." Napahawak si Rhian sa noo niya na parang stress na stress na siya at nawiwindang sa nangyayari ngayon.

"Oh eh bakit hindi mo tawagan ngayon?"

Umiling si Rhian. "Wala yung phone ko. Nasa kotse ni Jason at hindi ko na nakuha dahil nakipagbreak na ko sa kanya kanina."

Para namang nabigla si Chyns. "Break na kayo?!"

Rhian nodded. "Actually, dapat matagal na. Ngayon lang talaga official na tinapos. Ang panget nga ng nangyaring break up samin e. Ayaw niya kasing makipag-break pero ayoko na talaga e..... Tapos ito namang dahilan kung bakit nakipag-break na talaga ako kay Jason e bigla nalang akong iniwan." Parang maiiyak nanaman si Rhian.

"Langya tsong.... Alam ba yan ni Glaiza?!"

"I'm sure, alam niya. Ayaw niya ngang makipagbreak ako kay Jason e... Pero ginawa ko pa rin para sakanya. Ginawa ko pa rin kasi umaasa ako na lalaban na kaming dalawa.... But Chyns, what is this? Tinakbuhan niya ko...." Nakailang kurap si Rhian dahil parang maiiyak na talaga siya.

Kinuha naman bigla ni Chyns yung phone niya sa bulsa at iniabot agad ito kay Rhian. "Oh. Tawagan mo muna si Galura. Magusap muna kayo ng maayos. Hindi ko rin naman kasi masasagot yang mga tanong mo."

Tiningnan ni Rhian si Chynna. Nagdalwang isip pa siya kung kukunin nga niya yung phone na iniaabot nito o hindi....

"Rhian Ramos, sige na. Magusap na kayo. Kausapin mo siya."

Napalunok si Rhian bago kuhain yung phone ni Chyns. Hinanap niya sa contacts si Glaiza at mabilis niya itong tinawagan.

Napailing si Chyns at iniwan muna si Rhian sa sala.




Ringgg.... Ringgg....

Ringgg.... Ringgg....

Kinakabahan si Rhian... Please naman G, sagutin mo..

Ringgg... Ringgg--



"Hello Chyns?"


Napalunok si Rhian sa pagkabigla nang magsalita yung nasa kabilang linya.

"G-Glaiza....?"

"Chyns? Ikaw ba yan?"

"This is Rhian, G."

"Rhian?!" Halata sa boses ni Glaiza yung pagkabigla. "Rhian... Ikaw pala--"

"Where are you?" Rhian asked. At sa pagtatanong niya na yun, parang gusto niyang umiyak.

Medyo nag-paused sandali si Glaiza bago sinagot yung tanong ni Rhian. "Airport."

"Airport? NAIA?" Parang nabigla naman si Rhian.

"Rhian, I'm sorry--"

"Nasa NAIA ka ba ngayon G? Please tell me! I wanna talk to you right now. Magusap tayong dalawa please G."

"Nasa NAIA nga ako ngayon pero paalis na rin kami--"

"No. I'll go there. Wait for me please...." Parang bigla namang nagpanic si Rhian at mabilis na tumayo...

Napansin naman ni Chyns yung biglang pagpapanic ni Rhian kaya nag-mouth siya ng 'Kotse?' dahil feel niya ring nagmamadali si Rhian at alam niyang susubukan nitong sundan si Glaiza.

Tumango si Rhian kaya mabilis na lumabas na din si Chyns para samahan si Rhian papunta sa Airport.

"Rhian, wag ka ng pumunta. Baka hindi mo ko abutan." Glaiza said over the phone.

"No. Papunta na ko. Hintayin mo naman ako kahit konting oras lang G. Please, kahit ngayon lang, ako muna yung hintayin mo. I really need to talk you. Gusto kitang makausap. Yun lang... Kaya please, please G, wag ka naman munang umalis." Obvious naman na nagmamakaawa na si Rhian para lang makapagusap sila ni Glaiza.

Gustung gusto niya talaga itong makausap ngayon. Gusto niyang itanong kung bakit ito aalis, kung bakit ito mang-iiwan.... Gusto niyang itanong kung babalik pa ba si Glaiza at aasa pa ba siyang lalaban na ito pagbalik ulit sa kanya?


Pinaandar na ni Chyns yung sasakyan at minadali na ang pagdadrive papunta sa Airport.

"Glaiza please.... Hintayin mo muna ako. Kahit saglit na oras lang. Gusto lang talaga kitang kausapin."

Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Glaiza sa kabilang linya. "Rhian....."

"Please naman Glaiza.... Please... Konting oras lang hinihingi ko. Please... I'm begging you..." Tumulo na yung luha ni Rhian. "Hindi man kita mapipilit na mag-stay nalang, sana naman mapapayag kita na hintayin lang muna ako... Konting hintay lang Glaiza, please...."

Tiningnan ni Chyns si Rhian.... Doon niya naramdaman na totoo talaga yung nararamdaman ni Rhian para kay Glaiza. Sobra na to. Bihira lang ang taong magmamakaawa para sa taong mahal nila. At yung mga taong yun, yung mga seryoso at totoo talagang nagmamahal. Nakikita niya yun kay Rhian ngayon....

Napailing siya habang nagdadrive. Tanga nalang talaga si Glaiza pag hinayaan niya pang mawala si Rhian sa kanya.


///

After 2 hours...

Kanina pa lingon ng lingon si Rhian at hinahanap si Glaiza sa mga taong dumadaan sa harap niya, sa mga taong nagkkwentuhan sa likuran niya, sa lahat ng taong nadadaanan ng mga mata niya pero wala pa rin siyang makitang Glaiza..

Ringgg... Ringgg....

Ringgg... Ringgg...

Ringgg... Ringgg...

Please naman Glaiza, sagutin mo naman....

Ringgg... Ringgg...

Ringgg... Ringgg...

The subscriber cannot be reached. Please try again later.

Inend niya yung call at dinial ulit yung number ni Glaiza.

Ringgg... Ringgg....

Ringgg... Ringgg....


"Rhian, baka umalis na sila." Chyns said. "Kanina mo pa siya tinatawagan e."

"Nandito pa siya. Sabi ko maghintay siya e." Lingon pa rin ng lingon si Rhian at umaasang makikita si Glaiza.

"Hindi na nga niya sinasagot yung phone niya e."

"Nagriring naman Chyns..."

"Nagriring nanaman tapos cannot be reached nanaman maririnig mo maya maya." Parang naiinis na sabi ni Chynna.

"Baka hindi niya lang napapansin na may tumatawag sa kanya.... Hintayin lang natin na sagutin--"


"Rhian? Chyns?"



Napalingon silang dalawa sa nagsalita.

Sa sobrang gulat at saya at lungkot at inis at halo halong emosyon ni Rhian e naibaba niya yung phone ni Chyns at halos takbuhin niya si Glaiza para mayakap agad ito.

Nang mayakap niya si Glaiza e bigla nalang lumabas yung mga luha niyang kanina pa parang gustong lumabas mula sa mga mata niya.

"I love you." Rhian said habang umiiyak at yakap yakap si Glaiza. "I love you. Yun lang yung gusto kong sabihin bago ka umalis. I love you G. Gustung gusto ko sanang itanong kung bakit ka aalis at bakit mo ko iiwan pero ayoko na marinig ulit na sabihin mong kasi hindi ka pa talaga handa. Ayoko ng marinig yun Glaiza, nasasaktan ako."

Napalunok si Glaiza at parang maiiyak din siya habang yakap yakap siya ni Rhian ngayon. Napahawak siya sa likod nito para yumakap din. "Sorry kung sobra ka ng nasasaktan dahil sakin.... Sorry. Ang tanga tanga ko kasi nasasaktan kita.Sorry Rhian... Sorry."

Lalong niyakap ni Rhian si Glaiza. "Sinasabi ko lang naman na nasasaktan ako pero kung para sayo, hinding hindi ako mapapagod na masaktan Glaiza.... Hinding hindi. Handa pa kong masaktan..." Nagbuntong hininga si Rhian pero parang namamaos na siya. "Nakipagbreak na nga pala ako kay Jason. Natuloy na yung break up namin at official na wala na talaga kami. Nakipagbreak na ko ng tuluyan sa kanya G. Nakipagbreak na ko dahil umaasa ako sating dalawa. I don't care kung sasabihin mo nanamang hindi ako sigurado sayo. Eto na e. Nagsisimula na kong harapin yung mga mangyayari kung ipagpapatuloy ko to. Sabi ko naman sayo, I'll take the risks."

Bumitaw bigla si Glaiza sa pagkakayakap kay Rhian at hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Rhian at tiningnan ito sa mga mata. Pinunasan niya pa yung nagtutuluang luha sa pisngi ni Rhian.

"Rhian, bakit mo to ginagawa?"

"Kasi Mahal kita... Mahal kita Glaiza at mahal mo din ako diba? Pero bakit ganito yung ginagawa mo? Bakit ayaw mo kong samahan na harapin to?"

"Hindi sa ayaw kitang samahan Rhian. Kung alam mo lang, gustung gusto ko ng lumayo kasama ka. Gustung gusto ko ng hawakan yung kamay mo at tumakbo palayo sa mundo... Gusto ko ng tumakbo kasama ka at lumayo sa kanila. Kung alam mo lang Rhian gustung gusto ko ng lumaban.... Pero hindi ko talaga kaya." Kitang kita yung pagtulo ng luha sa mga mata ni Glaiza habang nakatingin pa rin sa umiiyak na si Rhian. "Mahal kita pero... tingin ko talaga hindi pa sapat tong pagmamahal ko sayo para iwanan sila e. Umaasa sila sakin... Hindi ko pa alam kung paano lumayo sa kanila. Sorry. Mahal kita Rhian pero ngayon, mas lumalamang pa rin yung pagmamahal ko sa kanila."

Napayuko si Rhian at umiyak na ng sobra dahil sa sinabing yun ni Glaiza. Ramdam na ramdam na talaga niya ang pagkadurog ng puso niya.

"Pero maniwala ka sakin...." Hinawakan ni Glaiza yung baba ni Rhian para ipaharap ulit ito sa kanya. "Kailangan ko lang munang mag-isip. Kailangan ko lang muna ng panahon. Kaya nga ako aalis ngayon.... Kaya ako lalayo muna sayo kasi gusto ko munang maghanap ng paraan kung paano tumakas sa mundo nila at samahan kang buuin yung mundo nating dalawa. Lalayo muna ako Rhian kasi gusto ko pagbalik ko at pag nagkita na ulit tayo, masasabi ko na sayong Lalaban na tayo at sasamahan na kita. Gusto ko pagbalik ko sayo, buo na yung loob ko.... Gusto ko kasi pagbalik ko, mapupunan ko ng sobra sobra yung mga nasira ko sayo. Gusto ko, maibalik ko yung pagmamahal na ibinigay mo sakin at sosobrahan ko pa." Pinunasan ulit ni Glaiza yung luha ni Rhian na parang wala na atang balak tumigil. "Pero ngayon, pagpasensyahan mo muna ako kasi mahina pa talaga ako.... Sobrang duwag ko pa Rhian. Wala pa kong lakas ng loob."

"...kelan ka babalik?" Namamaos na tanong ni Rhian.

Umiling si Glaiza. "Hindi ko alam.... Pag handa na ko? Pag alam ko sa sarili ko na okay na ko. As soon as alam kong handa na ko, babalik agad ako. Babalikan kita. Promise. Maghihintay ka ba?"

"Lagi akong maghihintay for you G. Paulit ulit akong maghihintay hanggang sa bumalik ka."

Napalunok si Glaiza. "Pagbalik ko ba, walang magbabago diyan sa nararamdaman mo para sakin?"

Tiningnan ni Rhian ng masinsinan yung mga mata ni Glaiza. "Ako yung natatakot na baka magbago yung nararamdaman mo para sakin, G. Nandiyan si Benjamin na gustung gusto ng pamilya mo para sayo. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagbalik mo, lahat ng to, bigla mo nalang makalimutan.... Natatakot ako."

"Hindi yun mangyayari. Alam ko sa sarili ko kung ano at sino yung gusto ko.....at ikaw yun." Hinawi ni Glaiza yung buhok ni Rhian. "Natatakot lang talaga ako... Pero hindi ako natatakot na mahulog lalo sayo. Natatakot ako na baka hindi ako deserving sa pagmamahal na binibigay mo."

"Hindi kita mamahalin ng ganito kung hindi ka deserving Glaiza..."

"Maraming salamat. Maraming salamat Rhian. Pinapadama mo sakin na may kakampi ako.... Salamat." Hinalikan ni Glaiza si Rhian sa noo. "Hintayin mo ko ha? Babalik naman ako e...."

Unti unting tumango si Rhian. "I will wait. Kahit abutin ako ng forever kakahintay, hihintayin pa rin kita. Maghihintay pa rin ako sa pagbabalik mo."

Niyakap ulit ni Glaiza si Rhian. Yun na yung yakap na kahit ayaw bumitaw ni Rhian, alam niyang kailangan niyang bumitaw. Kahit ayaw niyang pakawalan si Glaiza, kailangan niya pa rin itong pakawalan.

"I love you, G."

"I love you too, so much Rhi."

Yun na yung huli. Kumaway sa isa't isa at nagpaalam na. Kahit ayaw maglayo, alam nilang kailangan pa rin nilang maglayo. Kailangan din nila munang hanapin ang sarili nila habang magkahiwalay at magkalayo silang dalawa.

Hindi 'kagustuhan' nila yung nanalo kundi yung 'kailangan'. Kahit kagustuhan nilang mag-stay sa isa't isa, alam nilang kailangan pa rin nilang maglayo.... Wala silang magagawa. Kailangan muna nilang makisakay sa agos ng tadhana.



///

November 2016



"Mahigit isang taon ka ng walang boyfriend diba? How was it? I mean, ang pagiging single, kamusta?"

Napatingin si Rhian sa nag-iinterview sa kanya ngayon. Ininvite kasi siya na interviewhin para sa isang celebrity talk show.

"Uhm, so far, naeenjoy ko naman siya. Yung moment na nag-christmas ako last year na kasama ko family ko then nag-new year, kasama ko din sila. I'm happy naman and naeenjoy ko yung company ng sarili ko." Medyo natawa pa si Rhian. "And, I'm currently waiting for someone din kasi." Rhian smiled.

"You're waiting for someone? Bakit? Nasaan ba siya ngayon?"

Rhian exhaled. "Mahirap magsabi e. Basta po ayun. Naghihintay lang ako... Hindi naman ako nagmamadali basta, naghihintay lang ako. Although, syempre, super miss ko na siya, pero kahit ganun, kailangan ko pang maghintay sa kanya e."

Medyo natawa yung interviewer. "So itong Rhian Ramos ba ngayon e, siya na yung nanliligaw kaya naghihintay sa 'someone' na ito?"

"Uhm, hindi naman po 'nanliligaw' actually." Natawa si Rhian. "I'm waiting.... Yun yung tamang word dun. Waiting."

"So ganito kaspecial sayo itong si 'someone' at talagang hinihintay mo.... Gaano katagal ka ng naghihintay sa kanya?"

Medyo nagisip naman si Rhian. "One year. One year na din... Pero, ready naman po akong maghintay pa. Pero syempre, until now, hindi pa rin nawawala yung pag-wiwish ko na sana, one day, paggising ko, nandito na siya ganyan. Na magtetext siya at sasabihin niya, nakabalik na siya...bumalik na siya sakin." Nag-smile si Rhian pero parang matamlay na yun dahil parang nahahabag nanaman siya dahil sa pag-iisip kay Glaiza. Namimiss na niya si Glaiza ng sobra. Isang taon palang siyang naghihintay pero feeling niya parang forever na siyang naghihintay.... Pero alam naman niya sa sarili niyang handa pa siyang maghintay, sobrang miss niya lang talaga si Glaiza...

"One year na pala. Matagal na din... Mahal mo talaga itong 'someone' na ito no?"

Lalong ngumiti si Rhian. "Hindi ako maghihintay ng matagal at handang maghintay pa kung hindi ko siya mahal... Of course, mahal ko siya... Sobra."

Tumango tango yung interviewer. "Wala bang clue sa 'someone' na ito? I mean, sino to? Celebrity rin ba or non-showbiz?"

Medyo natawa si Rhian. "Uhmmm..." Parang nagisip naman si Rhian habang natatawa. "Siguro... Ano nalang... Panda." Tiningnan ni Rhian yung interviewer. "Panda siya."

"Wow.... Panda. Nice. So, Rhian, maraming salamat sa pagbibigay ng oras sa amin ngayon. Sa uulitin ha." Inabutan na si Rhian ng isang bouquet ng bulaklak. "Sana worth it yung paghihintay mo sa Panda na ito... Good luck."

"Thank you po. Thank you."

Nagpasalamat na yung interviewer sa sponsors at inend na yung show.

Lumabas na si Rhian ng studio at pupunta na siya ng parking lot dahil may usapan sila ni Bianca ngayon na pupunta sila sa isang charity organization na binuo nila para sa mga batang wala ng mga magulang. Itong taong 2016, doon niya halos ibinuhos. Lagi nga siyang nanghihinayang kasi wala si Glaiza para makita to.... Kung nandito si Glaiza, na-meet din sana niya yung mga bata.

Sumakay na siya ng kotse niya pero before siya mag-start magdrive... Naisipan niya munang mag-post sa twitter.

Rhian Ramos @whianwamos :
It's been a year..... at namimiss kita araw araw. Hinihintay pa rin kita ha? Umaasa pa rin ako na babalik ka =) ily.

After nyang magtweet, chineck niya yung profile ni Glaiza. Napabuntong hininga siya nang makitang hindi pa rin ito nagttweet. Ang huling tweet nito, nung April pa. At nung April pa rin sila huling nagkausap. Hindi niya maiwasang mag-alala. Ang tagal na nilang hindi nag-uusap. Sobrang namimiss na niya si Glaiza to the point na umiiyak nalang siya tuwing gabi habang iniisip yung nakaraan. Sobrang nagke-crave na siya sa presence ni Glaiza. Gusto na niya itong makita.... Pero wala siyang magawa.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Rhian. Inistart na niya yung kotse at pupunta na siya sa mga bata.




///

"Nagtext na ba? Tumawag na?" Bianca asked pagkaupong-pagkaupo nila sa gilid nung room. Pinagmamasdan nila ngayon yung mga batang busy sa pagkain.

Matamlay na umiling si Rhian but she smiled anyways. "Hindi pa rin. But it's okay. Malakas naman yung kutob ko na okay siya dun.... Siguro, nagpapamiss. Na sobrang effective naman."

Napatango tango si Bianca. "But you know what whi, to be honest? Hanga ako sayo. Kasi sa isang taon na to, maraming lumapit sayo but you chose to reject them kahit na open ka naman sa relationship."

"Inisip ko kasi, pag pinatulan ko yung lumalapit, hindi pa rin ako magiging masaya. And ayoko ng magkunware Bestie. Ayoko ng magpretend na masaya ako. This time, sinusunod ko na talaga yung gusto ko. Parang wala na kong pakeelam sa sasabihin ng iba basta alam ko sa sarili ko na masaya ako at wala naman akong naaagrabyadong tao." Rhian said.

"Nakikita ko naman yung pagbabago sayo. I mean, isang taon palang pero malaki na rin yung nagbago sa pananaw mo...at natutuwa ako dun. You've changed in a very good way Bestie. And alam kong malaki yung naitulong ni Glaiza kaya ganito ka na ngayon...."

Napangiti si Rhian. "Kahit matagal ko na siyang di nakakasama, parang ang laki pa rin ng binago niya sakin. Siguro ganun talaga pag mahal mo, kahit magkalayo kayo, feeling mo, connected pa rin kayo. There's connection na para lang talaga sa inyong dalawa...."

Tiningnan ni Bianca si Rhian. "Pero minsan ba Bestie napaisip ka na para kang....sumusugal sa isang bagay na alam mong 50-50 yung possibility na mananalo ka? I mean, itong situation between you and Glaiza, I don't know but for me, matagal na yung one year. Sapat na yun pero wala pa rin si Glaiza dito ngayon but still, umaasa ka pa rin. Minsan ba naisip mo yun? Na parang... 50-50 lang naman yung possibility na bumalik si Glaiza at sasabihin niyang ready na siya."

Tiningnan saglit ni Rhian si Bianca tapos dun na ulit siya tumingin sa mga bata. "Araw araw. Lagi ko yang naiisip. Kasi araw araw akong umaasa. Nagbabakasakali. At yung pagbabakasakali ko na yun, para akong tumataya sa isang laro na alam ko namang hindi ako mananalo. Pero kahit ganun, nagbabakasakali pa rin ako. Parang tumataya pa rin ako kahit na paulit-ulit naman akong talo...." Huminga ng malalim si Rhian. "Pero never pumasok sa utak ko na tumigil. Tumigil na kakahintay, kakaasa... Tumigil sa pagbabakasakali. Never ko yun naisip. Kasi alam ko, Glaiza's worth it. Siya yung tipo ng taong dapat hinihintay talaga kasi deserving. Siya yung tipo ng tao na kapag binalewala mo, ikaw yung manghihinayang." Medyo natawa si Rhian. "Ewan ko, yun yung tingin ko kay Glaiza eh.... O baka sobra ko lang talaga siyang mahal kaya ganito?"

"Handa ka pa bang maghintay ng isa pang taon? I mean, Rhi november na. Tapos magnew new year na ulit. Malapit na nga magpasko tapos hindi pa rin siya dumadating. Hanggang kelan ka maghihintay?"

"Lagi ko namang sinasabi na handa akong maghintay kahit kelan. Handa akong maghintay kasi siya naman yung hinihintay ko.... Pero syempre, sabi ko nga sa interview kanina, sa paghihintay ko, di naman maiiwasan yung sobrang mamimiss siya, ganyan. Na lagi akong nagpepray na sana bukas, pagmulat ng mga mata ko, naka-smile siya sakin tapos babanggitin niya yung pangalan ko tapos sasabihin niya, bumalik siya para sakin. At handa na siya. Mga ganun. Minsan hindi ko talaga maiwasang mapaisip ng ganun.... I miss her so much, Bestie. Sobrang namimiss ko na si Glaiza."

Nagbuntong hininga si Bianca at hinawakan ang balikat ng bestfriend niya. "Paano yun? Wala ako dito sa Christmas. Sina Tita Clara at Nadz din ata hindi makakauwi ng Pilipinas. Mag-isa ka tuloy. Sabi ko naman sayo, sumama ka nalang kasi sakin. Hindi ka naman magiging third wheel samin ng boyfriend ko."

Natawa si Rhian. "Bestie, PARIS yung pupuntahan niyo. City of Love yun kaya para sa inyo talaga yun ng boyfriend mo. Tsaka okay lang naman ako dito ano ka ba. Okay lang ako sa bahay..."

"Hay. Ikaw ang bahala. Pero habang hindi pa ko umaalis papuntang Paris, sabihan mo lang ako pag nagbago isip mo. Pwedeng pwede kang sumama samin."

Mabilis na umiling si Rhian. "Hindi na magbabago ang isip ko Bestie. Thank you pero Time niyo yun ng boyfriend mo kaya magpakasaya ka nalang."

Umirap naman si Bianca. "Bahala ka na nga. Pero pwede mo naman akong itext or tawagan anytime pag nalulungkot ka okay?"

Natawa nanaman si Rhian. "Bestie naman, medyo matagal pa yung pasko ano ka ba. Hindi nga ako excited magpasko eh. Pero sure, I'll call you kelan ko man gusto."

"Tingnan mo, di ka excited magpasko kasi wala kang kasama."

"Hindi naman sa ganun. Hindi ako excited pero magshoshopping pa rin naman ako nun..."




"Tapos na po kaming kumain."


Napalingon silang dalawa dun sa mga bata.

"Ayan, tapos na sila kumain. Ako na muna magliligpit, Rhi." Tumayo na si Bianca at inayos na yung pinagkainan nung mga bata.


Malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan ni Rhian.


G, nasan ka ba kasi?




///

December 23, 2016




"Merry Christmas po Ma'am."

"Merry Christmas to you too." Nag-smile si Rhian dun sa sales lady na bumati sa kanya at bumabati sa mga dumadaan.

Rhian exhaled. Napatingin siya sa mga paper bag na dala niya. Sobrang dami niyang pinamili ngayon na ireregalo para sa mga bata dun sa organization na ginawa nila ni Bianca. Hindi na nga siya magkandaugaga sa pagdadala dahil sobrang dami talaga. Nahihiya naman siyang tumawag ng isang tao at magpatulong dahil baka maka-istorbo pa siya. Nakasalamin siya ngayon (yung usual niyang salamin) at naka-ipit ang buhok niya kaya wala sigurong nakakakilala sa kanya. Tsaka konti nalang ang tao dahil gabi na at pasara na yung mall.


"Oh my!" She said nang mabitawan niya yung tatlong paper bags at bumagsak ito dahil di na talaga kaya ng kamay niyang humawak ng marami.

Uupo sana siya para kuhain yung nalaglag na mga paper bag pero bigla namang bumagsak yung dalawang paper bag pa na nasa kabila niyang kamay. Napailing siya. Naman eh. Bakit ba hindi ako naging octopus para madala ko to lahat? She thought.

Umupo ulit siya para kunin yung mga dala niyang naglaglagan na sa sahig pero useless lang yung pagkuha niya kasi alam niyang di niya rin naman mabibitbit.... Ugh Rhiri. Bakit ka kasi bumili ng ganyang karami tapos di mo naman kayang bitbitin lahat.....











"Hi po ate."







Napatingin si Rhian sa sapatos ng taong biglang pumunta sa harapan niya. Napakunot ang noo niya. Unti unti siyang tumingala at tiningnan kung sino tong nasa harap niya....

Napalunok siya. Binitawan niya lahat ng paper bag na hawak hawak niya at tumayo siya para makaharap ng ayos itong taong ito.




"Hi miss. Kailangan mo ba ng tulong?"



Napahawak si Rhian sa bibig niya at ramdam na ramdam niya yung biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya. Bago pa siya makapagsalita, nagunahan na yung mga luha na nagsibagsakan na mula sa mga mata niya.

Glaiza......

Gusto niyang humakbang para yakapin ito pero parang napako siya sa kinatatayuan niya.

Nakita niyang ngumiti si Glaiza. Yung ngiti na yun. Yung ngiting matagal na niyang hinanap.... Yung sweet smile from Glaiza. Sobrang namiss niya yun....

"Bakit ka umiiyak?" Glaza asked her.

"Ano bang akala mo?! Isang araw ka lang nawala?! Glaiza, isang taon yun.... Isang taon."

Natawa si Glaiza at humakbang na papalapit sa kanya.... Tapos bigla siyang niyakap.

Yung feels hindi niya maexplain... Sobrang feel na feel niya yung 'butterflies' sa tiyan niya na parang matagal na natulog tapos nagising nalang ulit dahil sa pagbabalik ni Glaiza... Yung feels... Kakaiba. Parang katulad pa rin ng dati pero mas kakaiba tong ngayon eh. Dinig na dinig niya yung pintig ng puso niya. Yung amoy ni Glaiza, sobra niyang namiss. Lahat kay Glaiza namiss niya ng sobra.


"Merry Christmas." Glaiza said.

Napalo naman ni Rhian si Glaiza sa braso habang nakayakap pa rin ito sa kanya. "Isang taon kang nawala tapos yan lang yung sasabihin mo?!"

Natatawang bumitaw si Glaiza sa pagkakayakap kay Rhian. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Rhian at hindi nagdalwang isip na halikan ito sa labi ng sobrang bilis lang. "Bumalik ako Rhi. Bumalik ako para sayo at handa na ko. Handa na kong lumaban para sa ating dalawa. Handa na kong buuin yung mundo nating dalawa. Nandito na ko Rhian. Hindi na ko natatakot."

Napalunok si Rhian at matagal na tinitigan si Glaiza.

"My God, G. I missed you....." Tinrace niya ang ilong ni Glaiza. "I missed you so much."

"Yun lang yung sasabihin mo? Handa na ko Rhian. Tapos sasabihin mo, namimiss mo lang ako?" Kunwareng nadisappoint naman si Glaiza pero ang totoo, nagpapacute lang siya.

Nag-smile si Rhian. "Yung dati pa rin naman yung nararamdaman ko e. Wala na kong dapat sabihin kasi kung ano yung nararamdaman ko para sayo dati, yun pa rin ngayon. Mas tumibay pa nga ata. At mas lalo lang nadadagdagan yung pagmamahal ko lalo na't nakita na ulit kita ngayon." Nakatingin lang si Rhian sa mga mata ni Glaiza. "Sabi ko na nga ba, worth it ka e. Worth it kang hintayin, ipaglaban, mahalin. Worth it ka talaga Glaiza Galura...." Medyo huminga ng malalim si Rhian at parang bumulong, "Ngayong bumalik ka na, pwede bang akin ka nalang? Pwede bang wag ka na ulit umalis at dito ka nalang sa tabi ko?"

Unti unting nag-form ng kiligsmile ang mga labi ni Glaiza. "Hindi na ko aalis. Hindi na ko aalis sa tabi mo...... Pero, Rhi, kailangan na nating umalis dito. Pinapatay na kasi yung ibang ilaw at magsasara na ata tong mall."

Dun lang bumalik sa normal na mundo si Rhian. "Ay. Shoot. Oo nga pala. Tara na. Pakitulungan na rin ako Baby G sa mga dalahin please. Dami kasi e."

"Sure Love. Bakit ba kasi ang dami?"

"Ikkwento ko sayo pagdating natin sa bahay." Kinurot pa ni Rhian ng beri light ang ilong ni Glaiza at nagmadali na silang lumabas ng mall para umuwi sa bahay nina Rhian.



///

December 24, 2016



"So, kelan mo ipapakilala sakin yung mga bata dun sa charity organization na ginawa niyo ni Bianca?" Glaiza asked habang nagluluto ng pang-Noche Buena nilang mag-asawa...este, mag-jowa mamayang gabi. Oo, magjowa na sila.

At alam na din ni Glaiza yung about sa charity organization ni Rhian at Biancs dahil nakwento na ni Rhian yun. Nakwento na din ni Glaiza yung kung paano siya nakauwi dito sa Pilipinas nang di kasama yung pamilya niya. Umamin na kasi siya sa pamilya niya na si Rhian talaga yung gusto niya kaya ayun, syempre, di naman agad agad naintindihan... Sa umpisa nahirapan siya kasi parang kinakahiya siya pero ngayon, umokay na rin at bumalik nga siya para kay Rhian. Magdamag silang nagkwentuhan kagabi. As in, magdamag.... Yung parang ayaw nilang matulog kasi kausap na ulit nila yung isa't isa.

At kagabi naganap yung........pagsagot ni Rhian kay Glaiza kaya sila na ngayon. ((AN: Bawal magisip ng samting dito ha. Magtigil kayo. Lol =P))

"Bukas baby. Mamimigay tayo ng gifts." Rhian said habang nagluluto din.

"Love, tikman mo nga ito." Kumuha si Glaiza ng kutsarita at kumuha siya dun sa sauce ng spaghetti na niluluto niya para ipatikim kay Rhian.

Lumapit siya kay Rhian at ipinatikim nga niya.

"Okay na lovelove." Nag-thumbs up pa si Rhian para sabihing okay naman yung niluto ni Glaiza.

"Sure ka?"

Rhian nodded. "Ikaw pa ba? Pakishhh." Ngumuso si Rhian na parang nagpapa-cute pero kiniss din siya ni Glaiza.

Napa-stop si Glaiza after niyang i-kiss si Rhian at pinagmasdan lang ito...

"Love?"

"Yes, Lubb?"

"Bakit ang ganda ganda mo? Bakit ang Diyosa mo? Nakakatakot ka talagang dumihan......"

Napatingin si Rhian kay Glaiza. "Grabe ka naman Lubb, ano ka ba."

"Seryoso."

Napangiti si Rhian at kumuha siya ng sauce dun sa niluto ni Glaiza at ipinahid ito sa ilong ng Girlfriend niya. "Ang cute mo magseryoso."

"Hala naman Love!" Napahawak si Glaiza sa ilong niya dahil napadami yung nilagay ni Rhian na sauce ng spaghetti. "Madungis to. Ano ka ba."

Natawa si Rhian. "Ikaw kasi e. Kung anu anong sinasabi mo. Nakkyutan tuloy ako sayo."

"Naman eh. Paano ko to aalisin? Nasan tissue niyo?" Naghanap naman si Glaiza ng tissue dahil nga sa sauce na ipinahid ni Rhian sa ilong niya.

"Walang tissue dito." Rhian laughed. "Halika dito, kiss nalang kita para matanggal."

Napatingin si Glaiza kay Rhian. "Nako naman Rhian Denise. Bibreezy ka lang e. Gusto mo ba?"

Napakunot ang noo ni Rhian. "Anong gusto?"

"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin Rhian Denise." Nag-smile ng nakakaloko si Glaiza.

"Hoy G. Manahimik ka diyan ah. Wag kang gumanyan nako pag ikaw pinatulan ko." Natawa si Rhian.

Natawa din si Glaiza at kumuha rin siya ng sauce para ipahid sa mukha ni Rhian.

"Oh my God! Glaiza Galura naman e. Gumaganti ka e-- OMG STOP!" Hindi pa tapos magsalita si Rhian e napahiran nanaman siya ni Glaiza ng sauce sa mukha.

Tawa naman ng tawa si Glaiza. "Halika dali, kikiss ko para matanggal."

"Yay G! Gaya gaya ka ng damoves. Hahahahaha." Natawa si Rhian at siya naman yung pumahid ng sauce kay Glaiza.

"Love naman eh! Tama na. Mauubusan na tayo ng sauce-- HALA RHIAN!" Napunsan na din siya ni Rhian ng sauce sa leeg bago pa siya ulit makapagsalita.

Tawa naman ng tawa si Rhian. "Okay okay. Hahahaha. Ayoko na. Ayoko na."

Nag-sad face naman si Glaiza. "Paano ko to matatanggal... Walang tissue."

"Halika nga...." Pinalapit ni Rhian si Glaiza sa kanya at hinawakan ito sa magkabilang pisngi tapos kinissan ito sa ilong para tanggalin yung sauce.

Napa-smile si Glaiza dahil kinikilig siya. "Meron ka din sa bandang noo." She said. "Tatanggalin ko ha." Lumapit siya kay Rhian at kinissan ito sa noo para tanggalin din yung sauce.

Kumuha si Rhian ng sauce at pinahiran si Glaiza sa bibig. Nabigla naman si Glaiza.

"Rhian naman--"

Hindi na niya naituloy dahil kinissan na siya ni Rhian sa labi....

Naramdaman ni Glaiza yung pag-smile ni Rhian habang nakakiss ito sa kanya.


"Sorry. May sauce kasi sa lips mo.." Nag-smile si Rhian na parang nangtitease after the kiss.

Napalunok naman si Glaiza. "Ang breezy mo talaga.... Kaya inlove din talaga ko ng sobra sayo e."

Nag-smile lang lalo si Rhian at lumapit ulit kay Glaiza. Niyakap niya pa si Glaiza sa leeg at nakatingin siya ngayon sa mga mata nito. "I love you."

Biglang kinissan ni Glaiza si Rhian sa ilong. "I love you too."

Napatingin si Rhian sa wall clock na nasa kusina. Tapos tumingin ulit siya kay Glaiza habang yakap yakap niya pa din ang leeg nito. "Malapit na mag-12. So Merry Christmas to this girl na kasama ko ngayong pasko...." Tinrace nanaman ni Rhian ang ilong ni Glaiza na parang naglalambing. "I'm so happy na kasama kita ngayon..." Kinissan niya ulit si Glaiza sa lips ng mabilis lang. "My God, I'm so inlove with you."

Lumabas nanaman yung dimple ni Glaiza na pagkakyutkyut. Nilagay niya naman yung kamay niya sa bewang ni Rhian at niyakap ito.... Medyo matagal niyang pinagmasdan si Rhian tapos bigla siyang kumanta.

(( Terrified ))

"You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side..."

Nabigla si Rhian dun. Gusto niya yung song na yun tapos di niya ineexpect na kakantahin ito ng Girlfriend niya sa kanya. Ang ganda ng pagkakakanta ni Glaiza....

"You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life..."

Sumenyas si Glaiza na sundan yung kanta kaya medyo natawa si Rhian pero kumanta din siya habang nakatingin kay Glaiza.

"And this could be good, it's already better than that
And nothing's worse than knowing you're holding back
I could be all that you're needing if you let me try..."

Sinundot ni Rhian yung ilong ni Glaiza tapos natawa siya na parang cute na cute siya dito pero pinagpatuloy niya yung kanta.

"You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love and I'm terrified
For the first time and the last time
In my only....
I only said it 'cause I mean it
I only mean it 'cause it's true
So don't you doubt what I've been dreaming
'Cause it fills me up and holds me close
Whenever I'm without you.."

Hinalikan ni Glaiza si Rhian sa noo bago kinanta yung huling chorus.

"You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love and I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life..." She smiled after niya kumanta tapos tiningnan niya yung mga labi ni Rhian.

Nag-smile si Rhian kaya napa-smile din siya lalo tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ng Girlfriend niya....



Pumikit si Rhian nang lumapit na si Glaiza sa kanya...

"I love you." Bulong ni Glaiza bago tuluyang halikan si Rhian.



December 25, 2016 -- They kissed under the mistletoe ❤



///

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.
Pluviopilya's Note:

MERRY CHRISTMAS! DI KO KAYO MATIIS. SANA NAGUSTUHAN NIYO. HAHAHAHA DI KO ALAM KUNG SAN KO NAPULOT YUNG MGA LINYAHAN DITO SO SORRY. AHIHIHI LOVE YOU GUYS! ❤ MAGPAKASAYA TAYONG LAHAT! ❤❤❤ *hugs to y'all*

Bye! ✌

Continue Reading

You'll Also Like

158K 6.7K 53
Rhian Denise "Yoyon" Howell And Glaiza "Cha" Galura Naranasan mo na bang mainlove sa bestfriend mo? Ipaglalaban mo ba ito kung sa pakiramdam mo ay...
89K 2.6K 28
This is a fan fiction of RaStro, #TheRichMansDaughter inspired story. Whatever writen here don't have any personal connection to Glaiza and Rhian. "T...
21.6K 743 46
[COMPLETED] Summer yun nang maisipan ni Winter na magtingin-tingin sa kanyang social media accounts. Hindi naman talaga siya stalker. Sadyang nawili...
1M 11.8K 60
Everybody knows how to love but few people knows how to stay in love with one person forever.