Prostitute's love

By lovely_day

4.9K 30 7

More

Prostitute's love
Chapter 1: Jane finds a job
Chapter 2: The dark side of the city
Chapter 3: Love and Passion
Chapter 4: The first meeting
Chapter 5: Revengeful Insights
Chapter 6: My childhood friend
Chaper 7: Revelation of Secrets and true Friendship bloomed
Chapter 8: Demolition of Casino bar
Chapter 10: A kind of affection to each other
Chapter 11: Welcome to Baguio City
Chapter 12: Another hot moments to each other
Chapter 12: In Manila
Chapter 13: Confusion
Chapter 14: Searching for a momentary place
Chapter 15: The mysterious woman
Chapter 16: The truth and his acceptance
Chapter 17: Old Bed Acquaintance
Chapter 18: Doubts and Hesitation
Chapter 19: Hot Night
Chapter 20: Happy Moments
Chapter 21: Zachary and Victoria
Chapter 22: The Warning

Chapter 9: Jane and Phyllis

153 1 0
By lovely_day

Halos mahingal sila sa katatakbo dahil sa napakalayo na ng kanilang narating. Hindi sila puwedeng manatili ng panandalian lamang sa lugar na ito dahil baka mahuli sila ng mga pulisya. Kailangan nilang manatili sa isang lugar na walang makakahanap sa kanila. Nakita ni Phyllis ang bus station, hindi nila napansin na sa sobrang layo ng kanilang narating ay umabot sila rito. Maraming tao ang nandoon at magbabakasyon sa kanilang mga probinsiya. May naisip silang dalawa, sasakay sila ng bus papunta sa napakalayong lugar, kahit saan basta ligtas sila.

Nakasakay sila ng bus papuntang Baguio at naisip nila na makakapagsimula sila rito, siguradong bagong buhay naman ang haharapin nila

Matulin ang takbo ng bus, maalinsangan ang daang mainit at halos magbuga ng maiitim na usok ang tambutso ng bus sa bilis nito. Maraming pasahero sa loob nito, at halos ang iba ay nakatayo para lang makapunta sa kanilang nais puntahan. Sina  Jane at Phyllis ay masuwerteng nakaupo sa loob, ang mga babaeng pasahero naman ay panay ang tingin sa kanilang dalawa dahil sa kaakit akit na itsura nito. Silang dalawa naman ay nagkakangitian lang sa isa’t isa. Hindi lubos maisip ni Jane na mangyayari sa kanila ang ganitong pagkakataon. Siguro nga ay nabigla lamang siya nang dumating ang mga pulis sa lugar na iyon, dahil darating ang pagkakataon na masasabit siya rito. Paano kung pinaghahahanap pa sila ng pulisya at pano kung malaman ni Phyllis na siya ang may kagagawan ng pagbagsak ng bar na iyon? Gulong gulo na ang kanyang pag iisip at hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hanggang sa napansin ni Phyllis ang itsura niya na nakatingin sa malayo at mukhang malungkot.

“Mukhang hindi maipinta iyang mukha mo ah? Dahil ba sa mga nag raid sa atin sa bar”? sambit ni Phyllis sa kanya at seryoso ang mukha

“Ahm…ay…siguro nga,oo,hmm-hindi ko alam”. Sagot ni Jane na parang takot na takot.

“Natatakot ka ba? Halika dito ka sa tabi ko” at inakbayan niya ito sa tabi niya.

“Wag kang mag alala, Jane siguradong ligtas na tayo.Ito na ang simula ng bagong pakikipagsapalaran” dagdag pa nito

Nakahiga na si Jane sa mga hita niya. Nag aalinlangan at parang nagi guilty sa nangyari. Parang pinagtakluban ng langit at lupa ang buhay niya at hindi man lang alam kung paano ito mareresolbahan. Sasabihin ba niya ito  kay Phyllis na siya ang may pakana ng pagbagsak ng lugar na iyon?Ay hindi, kailangan niya pa ring ilihim ito, kung hindi lalo lang magiging magulo.Hay! Paano iyan habang buhay siyang magi guilty ngayon. Sa isip isip niya. Hinaplos

haplos ni Phyllis ang buhok ni Jane habang nakahiga ito sa mga hita niya. Naisip ni Phyllis, kung makakasama niya habang buhay ang babaeng pinakamamahal niya ay magiging maayos at magiging masaya siya. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pagmamahal sa babaeng kinakasama niya. Ito na ba ang taong tatanggap at magmamahal sa kanya ng tunay kahit na marahas ang personalidad niya? Sana ay madinig na ang kanyang hiling na ito na ang pinakahihintay niya, na hindi niya kailanman pababayaan si Jane, ang taong magbabago sa kanyang buhay. Meron man silang alitan noon ay buo pa rin ang loob niyang makipagrelasyon sa kanya. Pagmamahal o sadyang pampainit lang ng katawan ang hanap niya?Ah hindi, nararamdaman niya na mahal na mahal niya ang babaeng kasama niya. Si Jane kaya?Tanggapin kaya siya nito at magbabago ang pagtingin nito sa kanya”?Ah basta, ngayon na nandito siya, hindi niya palalampasin ang bawat oras nilang dalawa.

Nakita ni Phyllis ang magagandang tanawin sa labas,napahanga siya nito at parang gusto niyang lumabas ng bus, ang mga berdeng puno,ang mga bulubundukin,ang nagniningning na kulay asul ng tubig  at ang makukulay na ilaw ay nabighani siya nito. Habang naglalaho ang lahat ng iyon at naging madilim ang daang tinatahak nila ay nabalot siya ng kalungkutan, dahil sa buhay niyang naging madilim, sa loob lagi ng isang bar na punong puno ng ilaw na patay sindi. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa lahat ng iyon. Now he realize that his life is full of  dark memories.

Papalubog na ang araw, at hanggang ngayon ay nakahiga pa rin si Jane sa mga hita niya. Kahit ipikit niya ang kaniyang mata ay nasa panaginip pa rin niya ang lahat. Maraming bagay ang hindi niya lubos matanto. Siguro ay kailangan na lamang nila itong ipabukas na lamang.

Tahimik sa loob at ang tanging maririnig lang ay ang singaw ng aircon dahil sa ang lahat ng pasahero ay tulog na.

Continue Reading