Sana (EndMira: Jasper)

By alyloony

18.6M 560K 237K

Jasper Yu, the drummer of the band Endless Miracle and the known playboy of the group got the taste of his ow... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Epilogue

Chapter Nine

274K 8.4K 3K
By alyloony


Chapter Nine

NICA.


"You should have told me na hindi ka pa nag d-dinner. Edi sana sa restaurant kita dinala ngayon."

"Okay lang!" nag thumbs up ako kay Jasper habang kinakain ko ang ika-lawang slice ng chocolate cake. "I'm on a diet."

Napatawa si Jasper Yu.

"Wow lang. Sa lagay na 'yan?"

Ngumisi ako, "oo. Diet ako sa lagay na 'to. Say no to rice but eat cake."

Mas napatawa ng malakas si Jasper.

"May chocolate ka sa ngipin!"

Pinadaan ko sa ngipin ko ang dila ko para alisin ang chocolate rito. Nakita ko naman si Jasper na iiling-iling habang nakangiti.

"Ano? Turn off ka na agad? Nakikita mo na ang balahurang side ko," sabi ko sa kanya.

He grinned.

"Hindi. Natutuwa ako kasi ginagawa mo 'yan sa harap ko. Ibig sabihin komportable ka sa akin. At ibig sabihin talaga non gusto mo akong kaibigan," sabi niya sabay kindat.

Napailing naman ako habang tatawa-tawa pero hindi ko na siya sinagot.

Sige na, kahit ang yabang at nakakabwiset ang unang impression ko sa kanya, aaminin ko na masaya rin naman siyang kausap.

At binigyan niya ako ng mga libro. Nilibre pa niya ako ng cake.

Siguro hindi naman masamang magkaroon ng isa pang kaibigan bukod kay Mamita.

"Ano nga pala yung sinasabi mong paguusapan nating dalawa?" tanong ko sa kanya.

Biglang nag seryoso ang expression ni Jasper.

"Anong nangyari?" tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "saan?"

"You know what I'm talking about."

Mas napakunot ang noo ko, "ano ako manghuhula? Madam Auring ba pangalan ko?"

"Come on Nica. Pwede mo naman sabihin sa akin eh. I want to know."

Langya naman kausap 'tong isang 'to oh. Nakaka stress eh.

"Alam mo para kang mata ni Harry Potter—masyadong malabo."

Napabuntong hininga si Jasper.

"Lumapit sa akin si Aiscelle at sinabi niya na sabihin ko sa'yo na sorry."

Bigla akong natigilan.

"Oh."

"Ano bang nangyari at bakit siya nag s-sorry sa'yo?"

Napayuko ako kay Jasper at hindi agad nakasagot.

Nakalimutan ko na ang incident na yun sa totoo lang. Well, oo aaminin ko na nainis ako sa kanya ng sobra dahil grabeng pananapak naman sa pagkatao ko ang ginawa niya. Pero sa kabilang banda, kita ko naman ang concern niya kay Jasper.

Isang babaeng nakagawa ng maraming pagkakamali at nangangapa kung paano niya iaayos ang pagkakamaling yun. Trial and error ang nangyayari sa kanya.

Hmm trial and error.

Wait, interesting character yon ah? Pwede akong makagawa ng storyline doon. Baka maka-come up ako ng isang magandang movie script! Shit teka kailangan ko ng pen at notebook!

"Nica."

Napalingon ako kay Jasper at naala kong nagiintay pala siya ng sagot sa tanong niya.

Sorry naman. Madalas talagang gumala ang imagination ko. Alam kong may pagka weirdo ako. Marami na rin ang nag point out sa akin ng bagay na 'yon.

"Ah... wala..wala," umiling ako. "Wala lang yun. Hindi big deal."

"Nica," this time may pagbabanta na sa boses ni Jasper.

Bumuntong hininga ako.

"Okay. Medyo nagkaroon lang kami ng misunderstanding. Pero ayos na yun. Pinapasabi niya na sorry 'di ba? Okay na. Wala na yun."

"Hindi mo talaga idedetalye sa akin ang nangyari?"

"Wag kang mag-alala, hindi ko sinaktan ang girl friend mo---"

"---ex girl friend," paglilinaw niya.

"Okay, ex girl friend. Medyo may nasabi lang din ako na hindi maganda. Pero girl talk yun. Labas ka na doon."

Tumango siya.

"Concern ka pa rin sa kanya," sabi ko.

"No. Iniisip ko baka nakapag-bitiw siya sa'yo ng masasakit na salita. I know Aiscelle. Medyo may pagka impulsive siya."

"Wala. Hindi naman big deal yung sinabi niya," pagsisinungaling ko.

Ayoko nang ipaalam sa kanya na sinubukan akong bayaran ni Aiscelle. Hindi naman na makakatulong sa issue nila 'yon. Mamaya eh malagay pa ako sa gitna ng kadramahan ng dalawang mag ex-jowa na 'yan. Dagdag stress lang.

Hindi na sumagot si Jasper kaya naman napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya at nakatuon ang atensyon sa mga kamay niya. Parang ang lalim ng iniisip. Yung expression niya parang gulong-gulo siya ngayon.

Napabuntong hinga ulit ako.

"Bigyan mo na kasi ng chance. Mahal mo pa eh," sabi ko.

Napa-angat ang tingin niya sa akin at binigyan ako ng isang malungkot na ngiti.

"Sana ganun kadali yun Nica."

"Take a risk."

"Ikaw ba? Kapag nakita mo yung ex mong nakabuntis ng iba at sinabihan kang after all this year mahal ka pa rin niya. Na nakuha na niya ang lahat at ikaw na lang ang kulang sa buhay niya at gagawin niya ang lahat mahalin mo lang ulit siya, ano ang isasagot mo sa kanya?"

"Sasabihan ko siya ng pakyu sabay sipa sa bayag."

Napatawa ulit si Jasper.

"Exactly! Ngayon naiintindihan mo kung bakit hirap na hirap ako."

"Naiintindihan naman kita. Pero Jasper magkakaiba tayo ng storya. Yung buhay ng tao, parang libro rin yan. No two books has the same exact story not unless plagiarized. Sa side ko, hindi ko na mahal ang ex ko na yun. Naka moved on na ako sa kanya. Believe it or not, napatawad ko na siya. Pero ikaw? It's obvious Jasper na affected ka pa rin hanggang ngayon. It's either dahil masyadong masakit at hindi mo siya mapatawad o affected ka dahil mahal mo pa. Pwede ring both. Affected ka dahil masyadong masakit at mahal mo pa."

Napakamot si Jasper sa likod ng ulo niya.

"Nakakainis ka talagang mag bigay ng advice Nica."

Napakunot ang noo ko, "bakit?"

"Wala. Para kang isang kanta na nagkukwento sa kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman ng isang tao."

Napa-slow clap ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Ang deep non! Magandang linyahan 'yan!"

"Talaga?"

"Pwedeng mahiram? Magagamit ko 'yan!"

Napatawa siya ng mahina, "sige lang."

Agad kong kinuha ang phone ko at tinype yung sinabi ni Jasper. Hugot na hugot eh bwiset.

Inangat ko ulit ang tingin ko kay Jasper.

"So ano palang----shit!" agad akong napayuko at iniharang ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Huh? Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Jasper sabay tingin sa likuran niya. "Bakit mo tinatakpan ang mukha mo?"

Shit shit shit shit.

Yung crush ko. Yung nagpupunta sa bar na laging nagbabasa ng book, pumasok sa coffee shop na 'to!

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong in-occupy niya ang isang couch sa may pader. Sa backpack niyang itim ay inilabas niya ang laptop niya.

Mukhang mag isa lang siya. Hindi ko siya nakita kanina sa bar eh. At hindi siya nagbabasa ng libro ngayon.

Pero ang gwapo niya pa rin. Mukha siyang fictional character sa isang fantasy book. Ang gwapo niya talaga.

"Huy, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Jasper.

"Yung boyfriend ko..." halos pabulong kong sabi.

"Yung ex mo?! Nandyan?! Nasaan! Sasapakin ko!"

"Gago hindi. Hindi yung ex ko."

"Eh sino? May boyfriend ka?"

Tumango ako.

"Kaso hindi niya alam na kami. Pag nalaman niya, mag b-break kami."

"Shit. Si Nica ka ba? Sinasaniban ka? This is insane! Ang Nica na nakilala ko hindi nag t-twinkle ng ganyan ang mata!" Itinapat ni Jasper ang dalawa niyang palad sa akin. "Masamang espiritu! Lubayan mo ang kaibigan ko!"

Sinapak ko nga sa braso. Bwiset eh.

"Ow!" sabi niya sabay himas sa braso. "Ayan ang Nica na kilala ko."

"Ulol."

Nilingon ko ulit si boyfriend na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. Ang seryoso niya pa rin. Never ko pa siyang nakitang ngumiti.

Ano kaya ang pakiramdam na mapangiti ang isang tulad niya? Yung ikaw ang magiging dahilan ng pagtawa niya?

Ang saya siguro.

Ang sarap gawan ng kwento. Yung kwento namin dalawa na kahit sa fiction lang maging kami.

"Huy! Lusaw na yung lalaki!" sabi ni Jasper na may kasama pang tulak sa braso ko.

"Wag kang magulo dyan leche! I'm savoring the moment. Pag nasa bar siya hindi ko siya natititigan."

"Aba gimikero rin pala 'yan? Itsurang 'yan? Hindi halata."

"Yun nga eh. Alam mo ba kada nandoon siya sa bar, nasa may bar counter lang siya, tapos nagbabasa. Ang weird 'di ba? Ba't siya sa bar pumupunta para mag basa?"

"Baka may pinupuntahan," sabi ni Japer. "Baka may gustong masilayan."

Napatakip ako ng bibig.

"Shit na malagkit kinikilig ako!"

Kumunot ang noo ni Jasper.

"Hala! Baka makita niya ako na kasama ka! Baka magselos siya!"

Biglang nag slow clap si Jasper habang iiling-iling.

"Wow. Writer ka nga. Hindi ko kinaya ang bangis ng imagination mo."

"Gago ka talaga! Bayagan kita diyan eh!"

"Uy wag! Mamaya mabaog ako. Sayang genes. Ganda pa naman ng lahi ko."

Ang hangin talaga ng lecheng 'to.

Napatingin ulit ako kay boyfriend at napabuntong hininga.

"Hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan niya."

"Ganun? Gusto mong malaman? Madali lang yun!"

"T-talaga? Paano?"

Biglang tumayo si Jasper, "wait ka lang diyan."

Oh shit.

"Jasper! Huy! Saan ka pupunta?!"

Hindi niya ako pinansin at dire-diretso siya sa table kung saan nakapwesto si boyfriend.

Ay takte. Ay leche. Jusko po. Anong iniisip nito?! Bakit niya lalapitan! Jusko naman Jasper Yu papaslangin kitaaaaa!

Nakita kong nakikipag-usap na si Jasper sa kanya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang lalabas sa dibdib ko. Anong sinasabi ng mokong na yun sa kanya ha? Baka nilalaglag na ako ng isang yun! Naku talaga! Siya ang ilalaglag ko sa bangin pag nagkataon! Sasapakin ko talaga siya!!

Nakita kong nakipag-kamay si Jasper sa kanya.

Tangina ba't nainggit ako? Nahawakan niya ang kamay ng asawa ko!

Naglalakad na si Jasper pabalik sa pwesto namin habang ngiting-ngiti.

"Anong sinabi mo sa kanya?!" tanong ko sabay hampas nang makabalik na siya.

"Tinanong ko anong oras na. Tapos sabay segway kung ano name niya," sabi nito sabay kindat.

"A-ano raw name niya?"

"Secret. Ayokong sabihin. Ipang b-bribe ko muna sa'yo. Iisip ako ng kapalit."

Leche talaga ang isang 'to!

"Dali na! Ano nga! Ililibre kita ng lugaw sa susunod na pagkikita natin!"

Pinanliitan niya ako ng mata.

"Okay, pati isaw o betamax o adidas!"

"No thanks."

"Arte neto. Dali na kasi!"

Nilingon niya ako at ngumiti ng nakakaloko. Parang ayoko ng iniisip nito ah?

"Gago ka. Manyak! Wag ang katawan ko!" pangunguna ko sa kanya.

Napatawa si Jasper.

"Well hindi naman yun ang sasabihin ko. Ang layo ng narating ng imagination mo. Pero pwede rin."

"Gago ka talaga! Ano nga kasi?"

"Okay. Sabihin mo sa harap ko na kaibigan mo ako."

"H-ha?"

"Dali na! Tanggapin mo nan a magkaibigan tayo."

"Talagang pinupush mo 'yan 'no?"

Tumayo si Jasper.

"Oh saan ka pupunta?"

"Lalapitan ang crush mo at sasabihin sa kanyang patay na patay ka sa kanya."

"Huy wag! Sige na! Friends na nga tayo! Kasi naman kailangan pang sabihin! Kainis. A-advice-an ba kita kung 'di kita kaibigan hayop ka!"

Napahagalpak ng tawa si Jasper.

"Bawat salita mo punong-puno ng pagmamahal sa akin Nica."

"Oo na. Mahal na kita. Ano nang name niya?"

Napalawak ang ngiti niya.

"Ano? Naku masama yan. Don't fall in love with me."

"Gago! Asumero mo hayop!" sabi ko sabay taas ng middle finger.

Mas napatawa si Jasper.

Wala na ba siyang ibang gagawin kundi tawanan ako? Clown lang ang peg ko sa harapan niya eh.

"Benedict daw ang pangalan niya," sabi ni Jasper.

Napangiti ako.

"Benedict? Wow. Ang gwapo."

Napailing na lang si Jasper.

"Nakakatakot ka magka-crush."

~*~

Nag pumilit na naman si Jasper Yu na ihatid ako sa amin dahil gabi na. Medyo pagod na rin naman talaga ako kaya hindi na ako nag inarte at nagpabebe pa sa offer niya kaya um-oo ako.

Pero mukhang mali ata ang desisyon ko.

Sa labas ng eskinita na daan papunta sa tinutuluyan ko, nakita ko ang lumang puting kotse niya.

Shit. Nandito siya.

Dali-dali akong bumaba sa kotse ni Jasper.

"Dito na lang," sabi ko.

"I'll walk you home."

"Hindi Jasper. Dito na lang. Delikado sa eskinitang 'to. Muntikan ka nang ma-holdap dati rito 'di ba?"

"Yun nga. Delikado rito at babae ka. Mamaya mapaano ka."

"Hindi ako mapapaano. Walang gagalaw sa akin. Promise."

"Nica. Hindi pwede."

Huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Shit sana wag niyang makita si Jasper. Shit talaga.

"Okay ganito na lang. Mag stay ka rito. Kita mo naman akong naglalakad eh. Hangga't hindi ako nakakapasok sa bahay ko, wag kang aalis. Okay ba yun? Ayun lang ang bahay ko. Tanaw mo naman."

He sighed in defeat.

"Sige na nga. Bilisan mo ang lakad ah?"

Tumango ako, "thanks Jasper."

Nginitian niya ako at bumaba na ako sa kotse niya.

Binilisan ko ang lakad. Bawat hakbang ko, pabigat nang pabigat. Ang sikip na ng dibdib ko dahil sa kaba.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay ko, napansin kong bukas ang ilaw.

Sabi na nga ba.

Agad kong sinenyasan si Jasper na okay na. Kumaway naman siya sa akin at narinig kong inistart na niya ang engine ng kotse niya. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay ko.

At nadatnan ko siya.

At tatay-tatayan ko.

Nakahilata sa sofa ko.

"Oh Nica! Nandyan ka na anak!" nakangisi nitong sabi sabay lapit sa akin at pilit akong hinalikan sa pisngin.

Tinulak ko siya.

"Ano ba!"

Tumawa lang siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Habang patagal nang patagal, paikli nang paikli suot mo ah."

Hindi ko siya pinansin.

Kada nakikita ko talaga siya nangigilaiti ako sa galit.

"Nga pala, sabi ng isang kapitbahay mo, may inuwi kang lalaki rito na lasing? Shota mo? Mayaman ba? Pwedeng hithitan ng pera?"

"Gago. Wala lang ang lalaking yun."

"Dali na! Yayamanin daw ang itsura eh. Binibigyan ka ba ng datung non?"

"Hindi nga sabi! Hindi ko na nakikita ang lalaking yun. Umalis ka na. Wala akong pera ngayon."

Paakyat na sana ako sa taas ng bigla niyang hiniklat ang bag ko.

"Hoy ano ba! Wala nga sabi eh! Ano ba!"

Pilit kong kinu-kuha ang bag ko pero tinutulak niya ako.

"Anong wala? Eto o! Pera 'to 'di ba?!"

"Pambayad ko yan sa kuryente! Ano ba!"

"Magtiis ka muna sa kandila!" ngiting-ngiti niyang sabi.

Hinablot ko sa kanya yung pera.

"Hindi nga pwede eh!"

"Aba gago ka!"

Bago pa ako makalayo ay naramdaman ko na ang likod ng palad niya sa pisngi ko. Napa-tumba ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"Salamat sa datung!" sabi niya at tuluyan na siyang lumabas ng bahay ko.

Napayakap na lang ako sa mga hita ko habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Tanginang buhay 'to. Lagi na lang ba akong ganito?

To be continued...


Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 208K 33
Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot...
79.1M 1.5M 60
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
3.6K 480 61
Cassandra Cooper, also known as Cassy, has been the girl who loves to play around. That's why she takes the opportunity to tease one of her friends...