Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 24

991 33 0
By PollyNomial

KABANATA 24 — Kisses and Touch


I forgot about everything. But only temporarily. Hindi pala talaga kaya ang pagkalimot sa isang bagay na alam mong sobrang tatatak sa iyo. Para itong malalim na sugat at gumaling man ay nag-iwan pa rin ng peklat. Na sa tuwing makikita mo ay magpapaalala lang kung paano mo ito nakuha.

Zandra must have been feeling this after everything that happened to her. I couldn't blame her. This phase of her life affected her whole existense. Kahit anong mangyari, kahit anong pilit, hindi na niya makakalimutan ang pangyayari.

Hindi ko alam kung anu anong mga proseso ang kanyang ginawa para malimot at malagpasan ang lahat ng ito. She said she has a doctor. It's definitetly a psychiatrist, for sure. I wonder if he or she is an expert and good at what he or she does. Dahil kung magaling na doktor siya, dapat ay nagawa na niyang matulungan si Zandra sa loob ng mahabang panahon. But I also wonder if Zandra's really letting her doctor help her. No one could help a person who's not willing to take anyone's help seriously.

Ikinumpara ko ang aking mga karanasan kay Zandra. Sure, my experiences are way different from Zandra's. But I still underwent the process of forgetting. Surely it has a bit of similarity.

Ang aking ginawa ay umalis ako sa lugar kung saan alam kong maaalala ko ang lahat ng bagay na magbibigay sa akin ng sakit. I left the Philippines where all the memories are still fresh on its familiar grounds. Pinutol ko ang lahat ng koneksyon ko noon kay Angel, ang dating babaeng minahal ko, para lang makalimutan siya. I didn't talk to some of our friends. I didn't try to look for her on her social accounts. The things that reminded me of her, I ignored all of it.

Inalala ko ang lahat. Paano ko nagawang makalimutan ang damdamin kay Angel ng ganoon kabilis? Should I consider how deep my feelings were for her? Kung gaano ba ito kalalim ay ganoon din kahirap? Kung gaano naman kababaw ay ganoon kadali? Kapag malalim ay mahirap hukayin paalis sa iyong puso ang mga damdaming bumaon doon. At kapag naman mababaw ay mabilis lang dahil nasa bukana lamang ito at kaya mo pang isalba ang sarili sa mas lalong paglalim ng damdamin. Maybe, what I really had for Angel was not as deep as what I believed. Nakuha ko ang pinagkaiba ng damdamin ko kay Angel sa nararamdaman ko ngayon para kay Zandra.

Nanikip ang aking dibdib. Pakiramdam ko nasa kaibuturan ng aking puso ang klase klaseng emosyon na para lang sa kanya. Now, I wonder if that one's a deep feeling. Real deep that I will never be able to dig into it anymore. Mahirap kalimutan ang ganitong klaseng damdamin dahil masyadong malalim. Sa ilang buwan pagkakakilala ko kay Zandra, hindi ko inasahan na sa kanya pa ako mahuhulog ng ganito. Sa tingin ko ay mahihirapan ako kung si Zandra ang susubukan kong kalimutin.

At iyon ang karanasan ni Zandra. Maaaring iba ang konsepto ngunit pareho ang kahulugan. What happened to her is burried deeply within her soul. Nakatatak pa nga sa kanyang kaluluwa. That was why it was very hard for her to forgive and to forget the person who did all of this to her.

Nakipagkilala ako sa maraming tao para maka-experience ng bago. While Zandra ignored everyone who wants to be her friend. Maybe not everyone. Siguro ay may pinipili lamang siya. At ang pinipili niya ay iyong mga taong alam niyang hindi siya kakayaning saktan. Should she consider opening herself to everyone? Para sa gayun ay mas magkaroon siya ng karanasan sa ibang bagay at mabigyan niya ng pagkakataon ang sarili na madagdagan ng mas masasayang alaala ang puso't isip kaysa panatilihin doon ang masasama? Hindi ko alam. I am not an expert at this. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan. Hindi ako sigurado. I suddenly want to learn how to aid mental and emotional conditions. Sana nga ganoon lang kadali.

A few days passed. Hindi na muling nagbukas ang paksa tungkol sa mga nangyari noon sa kanya. I think what I heard from her and what I have read from the article is enough for me. That would be the last information. I don't need to know more. I just have to let go of this and think of ways to help my girl. Yeah... my girl.

"You want me to sleep again in your room?" tanong ko kay Zandra pagkapasok namin ng aking apartment. Sinundo ko siya sa labas nang ihatid siya ng kanyang kuya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala. I was already running down the lobby para lang maabutan ito pero nakaalis na.

Ngumisi si Zandra at saka umiling. "I think I can sleep well this time," aniya.

Tinikom ko ang aking bibig nang tumalikod siya para pumuntang bathroom. I saw her bag. Medyo malaki iyon at sa tingin ko ay sinunod na niya ang payo ko noon na magdala ng mga damit dito. I still don't know why she chooses to sleep here. Ayokong magtanong. Ayoko ring isipin niyang big deal sa akin iyon. Big deal kasi nagugustuhan ko iyon at ayaw iyong huminto. Damn, she could just live here with me if she wants!

Ang mga masasayang pangyayari sa mga nagdaang araw ang pinagtuunan ko ng pansin. I realized, after a few nights of thinking and figuring everything out, that I don't have the right to loathe the man who stole my girl's innocence. I don't even have the right to think bad things about him. Kung nasaan man siya ngayon, I'm sure he's already paying for every bad thing he had done to Zandra. Somewhere that will painfully punish him for what he had done to her. God has his own ways of punishment. Kung nasaan man ang taong gumawa nito kay Zandra, siguradong nagdurusa na siya sa pagsisisi.

All I have to do now is to take her of her. Make her happy. Protect her from more pain. Iyon na lang. Iyon na lang ang magagawa ko.

Ako naman ang naligo pagkatapos ni Zandra. I went out with only a towel on the lower part of my body. Nadatnan ko siya sa living room na nanonood ng t.v. Hindi niya ako pinansin nang dumaan ako para tumungong kwarto. Nagbihis ako roon ng t-shirt at shorts at lumabas din. Sa labas ay masusing sinusuklay na niya ang kanyang buhok.

"Can I?" tanong ko nang makalapit sa sofa kung nasaan siya.

Tumunganga muna siya sa aking nakalahad na kamay. Nag-angat siya ng tingin at tumaas ang kanyang kilay. Pinadaanan ko ng daliri ang medyo basa ko pang buhok.

"Magsusuklay ka rin?" tanong niya. "I don't think you still need to brush your hair, Andrew," aniyang nakangisi.

Umiling ako at ngumisi rin. "Can I brush your hair?" tanong ko ulit.

Umawang ang kanyang bibig. Nilahad ko ng husto ang kamay ko at titig siya sa brush nang iabot sa akin iyon. Napangisi pa akong lalo at tumindig ang aking balahibo dahil doon. Just this one simple thing about her is affecting me. It's so fascinating.

"Please... turn..." kinagat ko ang labi ko nang naunahan niyang gawin ang sasabihin ko. Nakatalikod na siya bago ko pa iyon matapos.

"It's still wet. Sinusuklay ko para matuyo," aniya.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. Sinuklay kong maigi ang kanyang buhok kagaya ng ginagawa niya kanina. I brushed it softly at sa bawat pagdausdos ng brush ay ang pagdausdos din ng aking daliri roon. I can hear her breathing fast. Could it be that she's affected with what I am doing too? I... hope so.

"Basa pa masyado," untag ko nang makaramdam ng tumutulong tubig mula sa kanyang buhok.

"I don't have my blower here kasi, e," sagot naman niya.

"Straight pala ito kapag basa," napangiti ako. It's not like I don't know that. Alam kong tumutuwid ang kulot na buhok kapag basa ito. Ang buhok ni Zandra ay maalon at bahagya lamang ang pagkakaulot kaya kapag basa ay tila natural ang pagkakatuwid nito.

"Do you want it straight?" tanong niya. Tumigil ako sa pagsusuklay nang itagilid niya ang ulo para masulyapan ako.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Why? Ipapa-straight mo ba kung iyon ang gusto ko?" diretso kong tanong. May kumalabog sa aking puso.

And I got something that I really really want. Ang intensyon ko kung bakit ko iyon sinabi ay nagbunga. Kinagat niyang muli ang labi at namula ang kanyang pisngi. Lumunok pa siya habang nakatitig sa akin.

"Nah..." agaran kong dugtong sa aking sinabi kanina. "I want it natural. Mas maganda ang wavy mong buhok," sambit ko at hinawakan ang dulo nito. "Siguro mas maganda lalo iyon kung hindi nakaipit." Sinulyapan ko ang ipit na nakapatong sa mesa. Tiningnan niya rin iyon.

"It's hot. Kailangan nakapusod." Tumalikod uli siya at tinaas ang kamay para isenyas na magpatuloy ako.

Panay ang kagat ko sa aking labi. Mailap si Zandra kahit na halata nang apektado na rin siya sa akin. I don't want to do this but I think this could help her too. If I could be her distraction, then I am more than willing to be one. Kung maaari niya akong gamitin para makalimutan niya ang nakakamuhing mga karanasan ay papayag ako. Nakilala ko na ang kanyang ugali. Madalas ay magaan ang loob niya lalo na kapag normal lang ang pag-uusap naming dalawa. I can do that all the time.

"Do you mind if I ask you something?" tanong ko, patuloy ang pagsusuklay sa kanya.

"Depends on what you're going to ask..." sagot niya.

Tumango ako. "It's about... men," untag ko.

Saglit na nanigas ang kanyang likod. Sa sobrang bilis ay para bang guniguni ko lang. This conversation isn't normal, though. Gusto ko lang talagang malaman ang parteng ito sa kanyang buhay, kung mayroon man. It's... a personal thing for me.

"It still depends..."

"Did you ever had a boyfriend?" mapangahas kong tanong sa kanya. Tumigil ako sa aking ginagawa, handa na sa kanyang nalalapit na pagsabog.

Nilingon niya ako. Binawi niya ang suklay sa akin at siya na mismo ang nagpatuloy niyon. Yumuko siya at inipon ang buhok sa kanyang harap habang sinusuklay iyon. I suddenly feel cold.

"Yes. Eight grade," simpleng sagot niya na tipong nakakatamad ang pagsagot sa tanong ko. So, it isn't so bad to talk about some personal things about her, huh? Sinagot kasi niya.

"And? What happened?" tanong ko. Hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang gusto kong malaman.

"Bata pa ako nun. Sumubok lang dahil nakikita kong masaya ang mga naging girlfriends ng kuya ko. I thought I could be happy too."

Ngumiwi ako sa kanyang pahayag. She wasn't happy during their relationship... Who would be? Masyado pa siyang bata kung ganoon. Thirteen, maybe?

"So, it's nothing serious? You weren't happy with him?" tanong ko pa. I am very very careful with my words even if it is still somehow offensive to her.

"You can say that. I just tried it. Hindi na ako sumubok uli pagkatapos niyon," lumalamig ang kanyang boses.

Umupo ako ng diretso. Ang likod ko ay nasa sandalan na at ipinahinga ko iyon doon.

"You never loved him?" tanong ko pa at alam kong sumusobra na ito. May kumalabog uli sa aking puso. I hope she answers no. Paano kung oo? Mahal pa kaya niya ito hanggang ngayon?

But probably she just used that guy as her distraction. Upang makalimutan panandalian ang nakaraan ay sumubok siya ng mga bagay na maaaring makatulong. She yearned for happiness. She dreamed of a second chance in life. And she tried it by having a boyfriend. Because of that, I learned that she still wanted a chance. 'Coz she tried.

Inangat niya ang ulo at humagis patalikod ang buhok niyang bahagya na lang ang pamamasa. Ngayon ay unti unti nang bumabalik ang malalaking kulot niyon.

"I don't know. Siguro oo or hindi... Bata pa ako, e. I don't know what love is back then..." napatingin siya sa akin. Pumulang muli ang kanyang pisngi kagaya kanina. Pagkaraan ng matagalang titigan ay iniwas niya ang mukha.

"So, you know what love is now?" Matinding bigat ang nasa aking dibdib. Damn this feeling! Parang may mabigat na bomba sa loob at pumipintig na ang mga natitirang segundo bago ang malakas na pagsabog.

Dahil iyon ang naisip kong ibig sabihin ng mga kataga niya kanina ay iyon ang tinanong ko. So I can be sure. Bata pa si Zandra noon. Now that she's a little older, at siguro ay dahil na rin sa mga nasaksihan niya sa kanyang paligid, maybe she already has a meaning of love? She already had her own concept of it...

Saglit siyang nakatulala sa kanyang harapan. Inalis ko rin ang titig sa kanya. Andrew, stop being expectant! This might kill the hell out of you!

I should not be assuming. Hindi maaaring dahil sa akin kaya nalaman na niya kung ano ang pag-ibig ngayon. Hindi rin naman siguro ito ang ibig sabihin ng kanyang sinabi. Siguro ay hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kahulugan ng pag-ibig. I shouldn't be hopeful that she could somehow... learn to love me too. That maybe, after weeks of staying with me, she somehow fell in love with me.

Tiningnan niya ako matapos ng ilang minutong pag-iisip. Ngumiti siya. "Mahal ako ng parents ko," untag niya. "My brother loves me too. I realized their love for me and that's when I learned what love is," aniya.

Yes. Of course. That is right! Ang konsepto sa kanya ng pag-ibig ay iyong pag-ibig sa pamilya. Of course, Andrew! Damn!

"How about love with a special someone?" Hindi ko napigilang ibulalas iyan. "I mean... sa oppisite sex... to someone not related to you," paliwanag ko.

Umawang ang kanyang bibig. Nanatili ang titig niya sa akin at hindi ko alam kung may na-trigger na ba ako sa kanyang isip. I hope my question didn't push a button. Ayokong magalit siya sa akin ngayon.

"Andrew," sambit niya sa aking pangalan, hindi pinansin ang tanong ko. "Ikaw ba... Alam mo na? You said you never loved anyone before. Ang sabi mo ay paghanga lang ang naramdaman ko sa mga babaeng nakilala mo. You never had a special someone. So... alam mo na?" marahang tanong niya. She's not mad because I know when she's already irritated to me. She's just... confuse?

"I know... how deep the feeling could be. Alam ko na ngayon," bahagya akong lumapit. Hindi ko kayang lakasan ang napapaos kong boses. I moved closer to her so she could still hear me.

Hindi niya tinikom ang nakaawang na bibig. Sa halip ay kinagat lang niya ang labi at bumitiw para paawangin ulit iyon.

"And... I already have a special someone..." bulong ko.

I can hear every single sound in this room. The unusual sound inside my apartment, her sudden gasp, and my hearbeat. Naramdaman ko kung paano tumindig ang mga balahibo ko sa batok nang lumapit pa ako sa kanya.

Pumikit siya nang dampian ko ng halik ang kanyang noo. When my lips left her forehead, she opened her eyes again. Matalim ngunit may iba pa sa mga matang iyon. Kumikislap sa paraang nagustuhan niya ang ginawa ko.

I kissed the bridge of her nose too. This time, she didn't blink an eye. Nanatiling nakatitig sa aking mukha ang kanyang mabibigat at malalalim na mga mata. I could see how perfect her eyelashes are. Her eyebrows are perfect too. God was very generous to her when He was shaping her features. Bawat parte ng kanyang mukha ay perpekto. So special that I have never seen anything like this before.

Iniwan ko ang kanyang ilong at tumungo ako sa ibaba niyon. Nanatili kami sa pagtititigan. Hindi ko pa nararamdaman ang kanyang labi ay batid ko ang ang lambot niyon. God, she's making me crazy again. I don't have an effing idea of what I am doing now! She's making me forget things. Para akong nasa alipaap at ginagawa ang mga nais kong gawin ng hindi nag-iisip.

How I hope that I was helping her too. Sana ay makalimutan na niya ang lahat. Sana ay ako na lang ang iisipin niya. I want her to know how much I love her. That she was very special to me. At iyon lang ang mahalaga ngayon. Ang mahal ko siya at ang matutunan niya rin akong mahalin. I would do anything so she would love me back. So she would be happy and forget every detail for her past. Iyong ang kasalukuyan na lang ang mahalaga. Iyong ako na lang ang mahalaga.

My lips went to her lips. Hindi pa ako lubos na nakakalapit ay umatras na siya sa akin. Natigilan ako at mabilis na nanlaki ang mga mata ko.

"I'm sorry!" agad na bulalas ko nang makita rin ang panlalaki ng kanyang mga mata. "God, I'm sorry," pakiusap ko sa kanya.

Sinapo ko ang aking mukha. What have I done? Did I just taint her more? Iyon kaya ang naramdaman niya? Is she mad? Did she feel tainted again? Ito ba ang unang halik niya mula nang... God, I am so mad at myself! I promised to protect her and look at what I've done now! But, damn, I was only in love. How could this feel wrong and right at the same time?

"Andrew..." napapaos niyang bulong.

Mas lalong sumabog ang mga bomba sa dibdib ko. It was not a good thing. It was not a good feeling at all. "I'm sorry..." ulit ko.

"Andrew," mas may riin doon.

Tiningnan ko siya, nalulumo at namumungay ang aking mga mata. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I was just... I am so..." I am so in love with you and I wasn't able to hold myself back. I want to tell her that but it will only scare her. I know...

Napasinghap ako nang ikulong niya ang aking pisngi sa kanyang mga palad. Damn! Hindi ko mapigilang mangilabot sa titig palang niya, sa hawak pa lang niya!

"I was just stunned. Pero hinihintay ko iyon..." kumislap ang mata niya. Para bang may kaguluhang nangyayari sa loob niyon. Ngunit nawala lang nang pumikit siya at nilapit niya ang sarili sa akin.

I was, dammit, stunned too! But I still closed my eyes when I felt her lips over mine. Oh... Her lips were as soft as what I imagined.

Naalala ko kung ilang beses kong tinitigan ang mga labi ni Zandra. Ilang beses kong pinangarap ang mahalikan ito. Ilang beses kong inisip kung gaano kaya kalambot ito habang hinahalikan ko. Is she a good kisser? Is she going to tremble if I kiss her as deep I as could? Will she respond to my kisses? Will she slap me after a very, very long kiss? Lahat ng iyon ay nasa isip ko noon. And it was all coming true now. Lahat ay nasa harap ko na, nangyayari, naghihintay ng mga kasunod pa.

Huminto siya at bahagyang lumayo. Her hands are still on my face. I guess my dreams happened the other way around. She was the one who kissed me. I trembled, I responded. But I didn't slap her after that short kiss. It was a very nice feeling. Bakit ko siya sasampalin sa pagpaparanas sa akin ng masarap na pakiramdam na iyon?

Suminghap ako nang mapangiti siya habang tumititig sa akin.

"I l-love you..." utal kong sabi. Wala na akong malay dahil nabaliw na ako sa simpleng halik lang niya.

Nalaglag ang kanyang panga. Hindi niya ako binitiwan. Her eyes blinked and there were tears in it. Pumungay ang mga mata ko at hinawakan ko ang mga kamay niyang nasa pisngi ko.

"I love you, Zandra," mas malinaw kong sambit kung sakaling hindi niya naintindihan. "I'm in love with you... so much..." paos kong bulong.

Pagkatapos ng aking pag-amin ay sumubok akong muli. I was waiting for a slap but she didn't give me one. Hinintay niya ang pagdampi ng labi ko sa kanya.

I poured all my love to her through my kisses. I let her feel it through my touch. And if my feeling was right, I pray to God and to all saints, she's making me feel that she's in love with me too... with her kisses and touch. 



Continue Reading

You'll Also Like

25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...
635K 10K 53
Eligible Heiress Series Book 2 [Completed] In a relationship, with love, time will tell... it always does. But how elusive heart can be? The story i...
327K 6.4K 45
Savage Men Series #1: Estevan Zion Addison Dior was living a perfect life. Everything was well and fine but not until she met Estevan Zion. His prese...