Operation: Destroy Thomas Tor...

Oleh TeamKatneep

445K 6.7K 1K

He’s too hot to handle. But is she too cool to resist? Ara hates Thomas. And the feeling is mutual. Pero isan... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 19

10.3K 154 25
Oleh TeamKatneep

Chapter 19

 

Ara

 

Habang naglalakad kami ni Mika patungo sa kanya-kanya naming classroom, nakita ko si Thomas na naglalakad palapit sa’min. Nang makita niya ako, agad niya akong nginitian kaya gumanti rin ako ng ngiti. Hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap dahil pareho kaming nagmamadali patungo sa aming klase.

“Akala mo hindi ko ‘yun nakita noh?” Panunukso sa’kin ni Mika.

“Ang alin?”

“Sus, nagkakaila ka pa. Obvious naman ang ngitian at tinginan ninyong dalawa ni Thomas.” Grabe talaga ‘tong si Mika, pati ba naman ‘yun napansin niya pa?

“Alam kong may hindi ka sinasabi sa’kin mula nung date ninyo ni Thomas kagabi.” Panunukso ulit ni Mika.

“Ang kulit mo talaga best. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ‘yun date? Nagkasundo lang naman kami na i-sekreto ang lahat. At pangalawa, di ba nasabi ko na naman sa’yo ang lahat ng nangyari?” Naiinis na sabi ko kay Mika. Totoo naman talaga kasi… kinwento ko na ang lahat ng nangyari kagabi. Alam ko kasing may pagka-chismosa rin si bestfriend.

“Nasabi mo na nga lahat pero alam kong may something sa inyong dalawa ni Thomas. Parang may spark!”

“Anong spark? Ano ba kami? Fireworks? Apoy? Tigilan mo na nga ako best, baka bumagsak pa ako sa test namin ngayon.”

“Bumagsak? Eh buong gabi ka ngang nag-aral. Halatang inspired. Ayieee….” Bago pa ako makaisip ng i-sasagot kay Mika, naglakad na siya palayo papunta sa kanyang classroom. Loka-loka rin talaga paminsan-minsan ‘tong si bestfriend. Dati nung magkaaway pa kami ni Thomas, napaka-supportive niya pero ngayong okay na kami, saka naman niya ako tinutukso. Tsk.

Nasa loob na ako ng classroom nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone. Since hindi pa dumadating si prof., chineck ko muna kung sino ang nag-text.

From: Thomas Pangit

Hi Ara! Sabay tayo mag-lunch mamaya ha?

 

Reply: Sure! Saan?

Teka, teka… erase… erase. Parang excited na excited. Type ulit.

Reply: Talaga? Sigurado ka bang ako ang niyayaya mo?

 

No, no… parang masyadong pakipot. Ugh! Ano ba kasi ang dapat kong i-reply dito?

Reply: Would love to. But got something important to do this lunchbreak. Next time na lang…

 

Send.

Perfect! Medyo ayoko rin kasi munang makaharap si Thomas. Parang hindi pa masyadong nagsi-sink in sa aking utak na friends na talaga kami. Isa pa, ayaw kong maulit ang nangyaring “random smile” ko kagabi dahil sa kanya. Oo na, aaminin ko, pinangiti nga ako ni Thomas kagabi. Ewan ko ba kung bakit. Pero hindi lang ‘yun…. Muling bumabalik ang wild palpitations ng aking puso lalo na kapag nagkakausap kami. Weird.

“Good morning class. Prepare for your quiz.” Dumating na pala si Prof.

Tinago ko na muna ang aking cellphone. Dyan ka lang Thomas ha? Mamaya na muna kita iisipin dahil for now, kailangan ko munang mag-concentrate sa quiz. Para rin naman ‘to sa future natin. I mean, para sa future KO lang pala.

 

Lunchtime:

 

“Best, bakit wala yata si Jeron ngayon?” Napansin ko kasing hindi na sumasabay si Jeron sa’min tuwing lunch.

“Ewan ko. Napaka-seloso kasi. Parang nakita lang niya na nag-usap kami ni Kiefer via Twitter at Instagram, kung magselos at magtampo, parang boyfriend ko. Ganyan na nga siya na hindi pa kami. Paano na lang kapag sinagot ko siya?” Halata pa rin ang inis sa tono ng pananalita ni Mika.

Hindi ko talaga maiwasan ang hindi mainggit kay Mika. Buti pa siya, hindi ganun ka-lalim ang problema niya. Samantalang ako, buong buhay ko na ang nakataya. Hindi naman ako nagsisisi at ganung klaseng magulang ang binigay ni Lord sa’kin. Mahal na mahal nga nila ako… kaya lang, nakakaasar na pala kapag sobra ka nilang mahal. Pati kasi ang magiging buhay ko pinakialaman at plinano na nila. Hay life, parang buhay… and vice versa. Tsk.

“I thought you’re doing something important for lunch?”

“AY CHINITONG DEMIGOD!!!” Sobrang nagulat ako dahil may biglang nagsalita kaya natapon sa sahig ang mga pagkain na in-order ko.

“Habit mo na ba talaga ang i-describe ako sa tuwing nagugulat ka?” Hindi maitatago ang amusement sa tono ng boses ni Thomas.

“Anong pinagsasabi mong dine-describe kita?” Medyo loading kasi ako ngayon.

“Sinabi mo ang mga salitang ‘Chinitong Demigod’. I’m a chinito, and obviously para na rin akong demigod because I’m oozing with hotness and handsome-ness.”

“Excuse me? Kapal mo ah…” Habit ko na ba talagang sabihin ang chinitong demigod? Goodness! Dapat kasi nag-iingat ako sa mga salitang lumalabas mula sa aking mouth.

“Ara, bakit ka ba nagsinungaling sa’kin?” Oh knows. Oo nga pala, tinext ko siya kanina na may gagawin akong importante during lunchbreak. Bobo mo talaga Ara! Tsk!

“Ha? Ah.. oo nga! Kaya lang tapos na kaya nag-lunch na kami.” Sana lumusot ang palusot ko.

“So 10 minutes niyo lang ginawa ang importanteng bagay na sinasabi mo?” Nagtatakang tanong ni Thomas. Bakit pa kasi ako nagsinungaling sa isang matalino na tulad niya? Pfft.

“Ahem, alis na muna ako. Mukhang OP na ako dito.” Kinuha naman ni Mika ang kanyang tray at nagsimulang maglakad palayo sa’min.

“Teka best, puno na ang mga tables. I’m sure mahihirapan kang makahanap ng mauupuan.” Please Mika, ‘wag mo akong iwan kasama ang Thomas na ‘to.

“Parang nakita ko sina Ate Abi dun sa may dulo. Sige Best, Thomas.” Iniwan na talaga ako ni Mika. Huhuhu

Tumingin ulit ako kay Thomas. Bistado na talaga ang pagsisinungaling ko.

“So?” Naghihintay pa rin siya ng explanation?

“Ah, I’m sorry for lying. Parang di kasi kita feel na makasama ngayon.” There. I come clean.

“I thought you’re gonna make up another lie. Hindi ko inaasahang ganun ka pala ka-bilis mapaamin.”

Tuluyan ko nang naramdaman ang pamumula ng aking pisngi. Nakakahiya. Nakakatakot kasi ang mga blank stares niya sa’kin.

“I’m sorry ulit. Sige, goodbye.” Habang may natitira pa akong kahihiyan, evaporate na agad.

“Teka… habit mo na ba talaga ang mag-walkout at takasan ako?” Hinawakan niya ang aking kamay para pigilan ako.

“At habit mo na rin ba ang hawakan ang kamay ko para hindi ako makatakas?” Balik-tanong ko sa kanya.

“Ako ang nauang magtanong.”

“Fine. Yes. Pwede mo na ba akong bitawan ngayon?”

“Nope. ‘Cause like you said, habit ko na rin ang hawakan ka para hindi ka makatakas. Kaya dito ka lang. Bibili lang ako ng pagkain. Kapag pagbalik ko dito wala ka na, humanda ka sa’kin.”

“You don’t have to do that. Kayang-kaya kong bumili ng sarili kong pagkain.” Pero hindi niya pa rin pinakinggan ang sinabi ko. Naglakad na siya para bumili ng lunch naming dalawa. Napa buntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi ang kulit-kulit niya? At napapansin ko, napapadalas pa yata ang panglilibre niya sa’kin?

Lumapit na ulit si Thomas sa mesa dala-dala ang tray na punong-puno ng pagkain. Napansin kong pinagtitinginan na kami dito. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang dalawang magkaaway ay sabay na kumakain ng tanghalian at parang close na close na talaga? Tiningnan ko kung anu-anong mga pagkain ang binili ni Thomas. Kinuha niya ang lasagna at nilagay sa tapat ko. Wow! Alam ba niyang lasagna ang favorite ko? Paano niya kaya nalaman?

“Baka gusto mong subuan pa kita?” Kinuha ni Thomas ang tinidor at akmang susubuan na sana ako pero kinuha ko mula sa kanyang kamay ang tinidor.

“May mga kamay naman ako. Bakit ba ang kulit-kulit mo?”

“Tinititigan mo lang kasi ang pagkain. Nakatulala ka lang.”

“Hindi ka naman ganito dati ah.”

“Anong ganito dati?” Nakakunot-noo niyang tanong sa’kin.

“Ganito. Nanglilibre ng pagkain. Matinong kausap.”

“I told you. From now on, makikilala mo na ang tunay na Thomas Torres.”

“Yeah, yeah. Paano mo nga pala nalaman na favorite ko ang lasagna?”

Sandaling nag-isip si Thomas bago ako sinagot. “Actually, hindi ko alam na favorite mo ‘yan. Nakita ko lang kasi na ‘yan ang binili mo kanina kaya lang natapon. It was actually just a replacement dun sa natapon.” Oh Gosh. Bakit ba napaka-slow ko ngayon? Malamang nga kasi ganito rin ang nakita niyang binili ko kanina kaya lang natapon. Tama na kasi Ara. ‘Wag mo nang masyadong lagyan ng kulay ang lahat ng ginagawa ni Thomas sa’yo. Psh.

“Ara, I’m sorry pero I cannot go to your game this Saturday.”

“Okay lang ‘yun. Masyado mo yatang kinareer ang pagiging lucky charm. Hahaha….”

“Nakakainis kasi si Dad eh. Gustong-gusto ko talaga kayong mapanood kaya lang may biglaang business trip sa Thailand. Gusto ni Dad na sumama ako para may experience at kaalaman na ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Sayang, excited pa naman ako na panoorin ka.” Mukhang bad trip na bad trip talaga ang pagmumukha ni Thomas.

“Okay lang ‘yun. Ipapanalo pa rin namin ang game kahit wala ka. Para na rin sa’yo. Hahaha… Hanggang kailan ka nga pala sa Thailand?”

“Mga one week. I’ll be leaving tomorrow.”

“Agad-agad?”

“Bakit? Mami-miss mo ako?”

“Hindi ah. Eh paano ‘yan? Exam na natin next week tapos Christmas break na. Paano ka makakapag-take ng exams?”

“Nag-exam na ako in advance ngayon. May dalawang subjects pa nga akong natitira this afternoon.” Wow, iba na talaga kapag matalino.

“Good luck sa exams.”

“Thanks. Anyway, I guess I’ll see you again on Christmas Eve.”

“Oo nga pala. Sabay pala tayo magno-Noche Buena. Well, I guess I’ll see you then. Ingat ka sa byahe ha?”

“Of course. Talagang mag-iingat ako para sa future wife ko.”

“Anong sabi mo?”

“Wala. Sabi ko, mag-iingat talaga ako dahil sabay nating kukumbinsihin ang parents natin para hindi matuloy ang kasal.”

“Right. Dapat lang. ‘Yan ang mission natin this break.”

“Ara, I gotta run. Nag-text si Prof. Ngayon pala ang schedule ko sa pagkuha ng exam niya. Mauna na ako. Good luck sa game niyo! Take care always!” Tumayo na si Thomas at nagmamadaling kinuha ang kanyang bag at tumakbo na palabas.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

815K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
12.4K 432 23
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Manunulat? Isang mundo na pinasok niya. Wala siyang balak at hilig sa paggawa nang nobela dahil ang tanging hilig...
67.9K 2.2K 29
(ALDUB FANFIC) She's on her 4th Grade when she met this guy. She doesn't care anything about him, all does she know is he's a total stranger that cam...