Chapter 17

10.5K 149 10
                                    

Chapter 17

 

Ara

 

“Best, sagutin mo na nga ‘yang tumatawag sa cellphone mo. Kanina pa ‘yan.” Inaantok na sabi ni Mika.

Tuluyan na akong nagising dahil sa napakalakas na ring mula sa aking cellphone. Sino ba kasi ang tumatawag ng ganito kaaga? Maliban na lang kung… agad kong inabot ang aking cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si MOMMY! Oh my gosh! This is it! So this means successful si Thomas kahapon. I love you na talaga Thomas! Wait, saan ba nanggaling ‘yung I love you?! Correction, idol na talaga kita Thomas! Whooo!!!  Sinagot ko na ang tawag.

“Good morning Mom! Ba’t ang aga mong napatawag?” Kahit super excited na ako sa good news, pinilit kong gawing inaantok at hindi interesado ang aking boses.

“I’m sorry Vicki kung na-isturbo kita nang ganito kaaga. I called beause it’s about the wedding and it’s really urgent…” Medyo nag-aalala na sagot ni Mommy. Sinasabi ko na nga ba! Yess!!!  Kahit Vicki ang itawag niya sa’kin, wala na akong pakialam… sobrang good mood na ako.

“Yes, what about the wedding, Mi?” Sabi ko sa kanya na pinipilit tinatago ang overexcitement sa aking boses.

Narinig kong huminga muna nang malalim si Mommy. “There’s been a change of plans.”

“Ano po ‘yun, Mi?”

Change of plans daw… this is really a good sign. Alam ko na kung ano ang susunod sasabihin ni Mommy. Ganito: “There’s been a change of plans, anak. Hindi na pala matutuloy ang kasal niyo ni Thomas since he already backed out at in love pala siya sa iba. Blinackmail pa nga niya ang parents niya na magpapakamatay daw siya….”

“Instead of 5 years, your wedding will take place in 5 months.”

…tapos magtatalon na ako sa saya dahil sa sinabi ni Mom. “YES! YES! I’m so happy Mom! Salamat naman! Sinagot na ni Lord ang aking dalangin! Oh yeah!” Nag-happy dance pa ako sa sobrang kagalakan.

“Are you sure anak? So hindi ka galit?” Nalilitong sabi ni Mommy.

“Bakit naman ako magagalit? Dapat nga ako mag-celebrate! Because I’m freeeeeee!!!!!” Masaya kong tili kaya binato ako ng unan ni Mika na nakatalukbong.

“Well this is good news then. I thought you’d take it hard knowing about your reaction with the engagement and all but I’m glad you’re happy that your wedding will happen in 5 months. I mean 5 months is too short to plan for a grand wedding pero ano pa nga bang magagawa ko? Sina Papa at Tito Teodoro na ang nag-desisyon. Besides, Teresa will be there to help with the planning. Excited na nga ako! Anyway, I’m just too happy that you took it lightly, Princess. Afterall, magiging asawa mo na rin sa wakas ang boyfriend mo.”

Wait, wait, wait… ang haba ng speech ni Mom; hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Ano? 5 months to plan for a wedding? Tama ba ‘yung narinig ko? Akala ko ba cancelled na? Better clarify it to be sure.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now