Chapter 23

10K 178 26
                                    

Chapter 23

Ara

 

Nanginginig na ako sa sobrang lamig at hindi pa ako makalakad dahil sa sobrang sakit ng aking paa. To make things worse, bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan. Paano na ba ‘to? Hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Hindi naman talaga ako iyakin pero sa sitwasyon ko ngayon, talagang natatakot na ako. Niyakap ko ang aking sarili kahit wala na ri n naman itong silbi dahil sobrang basa ko na. Quietly, nagdasal na lang ako kay Lord.

“ARA! Nasan ka?”

Nagising ako dahil parang may tumatawag sa’kin. Panaginip ko lang ba ‘yun?

“ARA! I’m here! Sumagot ka naman please…” Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na ‘yun! Sumigaw ako bilang sagot pero walang boses na lumabas mula sa aking bibig. Isa pa, pakiramdam ko, ang hina-hina ko na.

“ARA!” Patuloy pa rin siya sa pagsigaw pero wala akong magawa. I feel helpless sa kinalalagyan ko ngayon. Silently, pinagdadasal ko na sana matagpuan niya ako dito. Naramdaman kong naglalakad na siya palayo dahil unti-unting nawala ang kanyang boses hanggang sa katahimikan ang muling naghari sa gubat. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. I curled up like a ball dahil sa sobrang lamig. Kahit ang hina ng boses ko, I tried to sing myself to sleep.

 

“Because maybe, you’re gonna be the one that saves me… and afterall, you’re my wonderwall…”

“Ara! Thank God I finally found you!” Bigla niya akong niyakap nang napakahigpit na parang wala nang bukas. Tinanggal niya ang kanyang jacket at sinuot sa’kin pagkatapos ay muli niya akong niyakap. Siya pa lamang ang lalaki na palaging gumagawa nun sa’kin.

“T-Thomas…” Mahina kong sabi.

“Yes, ako nga ito. Sshhh… you’re safe now. I told you hahanapin at hahanapin kita. C’mon, let’s bring you home.” Tinulungan niya akong tumayo at pinilit kong maglakad pero sobrang sakit talaga ng pilay ko kaya halos bumagsak ulit ako sa lupa. Buti na lang, nasalo agad ako ni Thomas. Agad niya akong kinarga. Habang naglalakad siya, unti-unti nang bumigat ang aking pakiramdam at nakatulog na pala ako.

“She’s awake. How are you feeling, Princess?” Nakangiting bungad sa’kin ni Mommy.

“Medyo okay na ako...” I told her honestly.

“Don’t worry. Nagamot ka na ng doctor. Thank God hindi malala ang nangyari sa ankle mo. It could’ve been worse. But we’ll go home as soon as possible for check-up just to make sure.”

Tumango lang ako bilang sagot.

“Is there anything you want? Food?”

“Pwede bang sa labas ako kumain, Mommy? Ayoko kasing dito lang sa kwarto.”

“Sure. Sigurado ka bang kaya mo nang lumabas?”

“Yes Mom.” Kahit papano, magaan na ang pakiramdam ko at hindi na rin masakit ang paa ko kaya nakakalakad na ako pero dahan-dahan nga lang.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now