Chapter 35

8.4K 191 66
                                    

Chapter 35

 

Ara

 

“Well how do I look?” Tanong ko kay Mika.

“This is bad. So bad.” Mika looked at me with alarm.

“A-anong ibig mong sabihin?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. Mika naman kasi eh… sabi niya okay na daw yung blue na patterned dress ang isuot ko.

“This is bad! Dahil sa ayos mo ngayon, siguradong iiwan agad ni Thomas si Arra G. para sa’yo. Di ba bad ‘yun para sa name-alike mo?” Eksaheradang paliwanag ni Mika.

“Whatever, Best. Ang OA mo. Kahit kailan, hindi na talaga nagbago ang trato mo sa kanya. Hanggang ngayon, kontrabida pa rin siya sa iyong paningin.” I breathed a sigh of relief. Okay naman pala ang itsura ko. Hehehe…

“Kasi nga, kontrabida naman talaga siya sa inyong dalawa ni Thomas.” Mika replied.

“O baka ako naman talaga ang kontrabida. Sila nga unang nagkakilala at nagka—inlove-an.”

“Which is no longer the case base sa mga nakikita ko. You and Thomas love each other.  She’s just a nuisance.” Mika said while rolling her eyes.

“Kasi Best, ayaw kong may ibang taong masaktan dahil sa’kin. Lalo na at siya naman talaga ang unang minahal ni Thomas. Isa pa, hindi naman niya kasalanan na maging engaged kami ni Thomas.” I said sadly.

“Tama ka Best. Kaya nga kung ako ang nasa sitwasyon mo, siguradong mahihirapan rin ako. I’m sorry, pilit ko lang kasing pinapagaan ang loob mo.”

“Okay lang ‘yun. Ganyan naman palagi ang role ng isang bestfriend.”

Magsasalita pa sana ako pero bigla naming narinig ang kotse ni Thomas na pumarada sa baba.

“He’s here. Go!” Itinulak pa ako ni Mika palabas. Dahil sa sobrang kaba, nagpatulak na rin ako. Nang makalabas na ako, maglalakad n asana ako palayo nang bigla akong tawagin ni Mika.

“Best! By the way, good luck! Alam kong magiging okay rin ang lahat sa huli.” Ngumiti lang ako bilang ganti sa kanya.

Paglabas ko ng dorm, nakita ko agad si Thomas na nakatayo sa labas ng kanyang kotse, looking so handsome and immaculate in his suit and tie. Bigla tuloy akong na-conscious sa suot ko. Hindi ba ako magmumukhang yaya o katulong kapag magkatabi kaming dalawa? Mukhang napansin ni Thomas ang pag-aalinlangan ko kaya siya na mismo ang lumapit sa’kin.

“You look so beautiful tonight.” He smiled at me as he held out his arm and the familiar wild palpitations in my heart is happeing right now.

“Thank you. Ikaw rin, ang pogi mo.” Bakit ba napakadali para kay Thomas na paniwalain ako sa lahat ng kanyang sasabihin? Tiningnan ko ang nakalahad niyang braso at nag-hesitate kung kukunin ko ba ‘yun o hindi pero it only took a fraction of a second bago tuluyang kinuha ni Thomas ang kamay ko at nilagay sa kanyang braso. Pagdating namin sa tapat ng kanyang kotse, pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok bago siya umikot patungo sa driver’s seat. Tahimik lang kami habang nasa loob kami ng kotse patungo sa restaurant kung saan kami magdi-dinner. Okay na rin naman sa’kin ang katahimikan basta magkasama kami ni Thomas.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now