Facing The Legacy (FS # 1)

By SilentInspired

1.7M 33.2K 1K

"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We h... More

Facing The Legacy
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Wakas
"Kamukha ito ng.."
SilentInspired Closer

Kabanata XXV

34K 689 18
By SilentInspired

Naglalakad ako sa may hallway. Masyado pang maaga dahil wala pang taong gising. Medyo may mga ilan na rin akong bisitang nakita, based on my observation.. mga taong kilala ang mga nandito.

They came from different businesses.

Nagulat ako nung tumatakbo papunta sa direksyon ko si Jade. Pero mas nagulat ako nung makita ko siyang umiiyak.

"Jade!" Tawag ko sakanya at doon lang siya natigil. Tumingin siya sa akin at yinakap ako.

"I'm stupid. I'm too stupid Jas. Pero mas masakit pala na ibang taong hindi pa ako kilala ang magsasabi non" yinakap ko rin siya at pinatahan.

"Lahat tayo nag kakamali. Lahat tayo nagiging tanga pero nasa sa iyo yun kung paano ka mag rereact towards don. Will you let it drag you down or make it a motivation to be better. You are better than this. I know you.. and I believe in you" gustong gusto ko pagaanin ang pakiramdam niya. pinagtanggol niya ako kagabi so I will always do everything for her. She is my cousin, my best friend and my sister from another mother.

"Thank you Jasmine. Let's talk later.. aayusin ko lang ang sarili ko." Tumango naman ako at pinanuod siyang lumayo.

Naglakad na ako ulit pero natigilan ako nung may makita akong lalaki na prenteng nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Mukhang pinanuod niya ang nangyari kanina.

"Excuse me" sabi ko at tuloy tuloy na naglakad pero pinigilan ako non.

"Can I ask something?" Napalingon ako sakanya. Mabilis naman niyang tinanggal ang kamay niya sa akin at nag pamulsa ulit.

Now that I can see him closely, I can sense that he has that aura in him that is very proud like he knows who he is and what he can do. His tantalizing eyes, proud nose and his jawline says it all.

Natigilan ako nung tumikhim ito.

"How I wish that the girl a while ago will also look at me like that." Mahina niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

"What?" Tanong ko pero ngumisi ito muli.

"Nevermind. You can go now." Sabi nito kaya lalong napakunot ang noo ko.

Tumalikod ito sa akin at hinintay ko siyang lumayo pero tumigil siya.

Lumingon siya muli sa akin at lumapit.

"Can you give this to the girl a while ago. Nahulog niya kasi." Sabi niya at binigay sa akin ang isang kwintas.

Napaawang ang labi ko nung makitang naka engrave don ang pangalan ni Jade.

"Oh.. thank you" sabi ko at tumango naman ito at umalis na.

Ibinulsa ko ang kwintas at naglakad na paalis.

Nung makapunta ako sa may pool ng barko ay nakita ko agad si Dylan. Mag isa siya doon na nakatayo habang nakatanaw sa kabuuan ng swimming pool. Covered ang pool area at sa loob ng barko.

"Hey" mahina kong tawag sakanya at umupo, inilublob ko ang paa ko sa swimming pool.

Umupo din siya sa tabi ko.

"I saw the bear" panimula ko sa usapan namin. Matagal kong pinagusapan ang lahat. Gusto ko ng maayos to.

"Dylan.. ano tayo?" Diretsa kong tanong. "Alam kong pangit na ako ang magtanong sayo nito dahil ako ang babae pero kakapalan ko na ang mukha ko. I want to know" seryoso kong tanong sakanya at pinagmasdan siya. Habang tinitignan siya ay naalala ko ang lalaki kanina.

Aaminin ko at gwapo din yung lalaki pero hindi tulad ni Dylan ay hindi kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sakanya.

Ngumiti ito sa akin at parang nalulusaw ako sa ngiting iyon.

"Actually I want you to be my girlfriend pero ayokong mahirapan ka habang may naka sabit sa pangalan ko na arranged fiance. Aayusin ko muna iyon para sa panahong sasabihin ko na sa lahat ay hindi ka huhusgahan at hindi ka masasaktan but one thing is for sure. You are my everything. I love you and nothing can change that" napapikit ako sa sinabi niya at naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.

It's not the answer that I want but it's much better than that.

"Dylan.. naisip ko kasi habang hindi ako makatulog kagabi. Paano kung itigil nalang natin to. Wala nang masasaktan non sa mga taong mahal natin. Your mom will be happy, your marriage with Stephanie will be good for your business. Hindi mo masisira ang legacy at tradisyon ng pamilya mo. Everything will be settled" sabi ko sakanya at nakita kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

Umiling ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinaglaruan niya ito.

"No.. don't say that. Paano ako? Paano ka? Magiging masaya ka ba? Ako hindi, sobrang masasaktan ako at mahihirapan. I don't need the business. I have one with your cousin. I can earn by my own. Sobra sobra na nga ito. If they want, sila ang magpakasal kay Steph." Napa buntong hininga ako sa sinabi niya at tinignan lamang siya.

"Hey.. say something. You are scaring me. Please don't ask me to stop this. Please don't" pag mamakaawa niya sa akin. Umiling ako at sumandal sakanya.

"I won't.. I love you" diretso kong sabi sakanya at ipinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko.

"Thank you" sabi niya sa akin at napangiti naman ako.

"Why?" Tanong ko.

"For coming into my life. For everything. For loving me" natawa naman ako sa sinabi niya at hinaplos ang kamay niya.

"My pleasure" sabi ko at pumikit.

"Kuya-- oh my gosh! Uh, sorry. Sorry for disturbing you" napalingon ako at nakita si Jess na mabilis na tumatakbo paalis. Natawa ako at natawa din si Dylan.

"How is she? Hindi ba siya nahirapan?" Tanong ko kay Dylan tungkol kay Jess.

"A little bit but she is strong. Parang kayo, I can see that she has a good foundation. Kinaya niya lahat para patunayan ang sarili niya." Napangiti naman ako dahil doon. Atleast okay siya at masaya.

"But she misses all of you alot. Sometimes I will caught her looking at your facebook accounts and she will stop browsing pag makakakita siya ng picture niyong magkakasama sa New York. I can see that she wants to be with all of you." tumango naman ako. Namiss din namin siya.

"Thank you for taking care of her. It means a lot." Sabi ko. Tumayo kami at nauna na akong maglakad sakanya pero pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa braso ko.

"What?" Tanong ko pero nagulat ako nung pagsiklupin niya ang kamay namin.

"Let's go sweet" natawa naman ako sa tawag niya sa akin.

"Corny mo!" Natatawa kong sabi sakanya habang naglalakad kami pabalik.

"What? Im just being a sweet man for you" ngumuso pa ito at kinurot ko ang pisngi niya.

"Cute mo" sabi ko at tumawa siya.

"I am not! I am handsome!" Lalo akong natawa sakanya.

"Yabang!" Natigilan ako nung mapansin ko ang daddy ni Dylan na nakatayo sa harap namin.

"Son" tawag niya kay Dylan at natigilan din ito. Hinila ko ang kamay ko mula kay Dylan pero hinigpitan niya ito.

"Mr. Wong" bati ko sa tatay niya at nag bow pa.

Kahit kailan ay hindi ko pa narinig mula sa tatay ni Dylan kung anong hatol niya sa amin kaya kinakabahan ako. Madalas ay tahimik lamang ito ay nakikiramdam sa mga pangyayari.

"Ija, call me Tito Ricardo" nakangiting sabi ng daddy nila at napangiti naman ako dahil doon.

"You're very pretty. No wonder my son likes you." Nakangiting sabi nito sa akin at mas lalong napanatag ang puso ko dahil doon.

"Thank you po" sagot ko at tumingin kay Dylan. Ngumiti rin siya sa akin.

"We need to talk" baling ng daddy niya sakanya. Tumango naman ito.

"I'll see you later" sabi niya at hinalikan ang noo ko sa harap ng daddy niya kaya nahiya ako bigla. Sigurado akong sobrang namumula na ako nito.

Tumalikod na ako at umalis. Mas panatag na ang loob ko dahil alam kong okay ako kahit papaano sa daddy ni Dylan. Atleast ay hindi niya ako pinagsabihan ng masasakit na salita. Maybe because Dylan is there but it doesn't matter.

I saw how genuine his smile is so I think its a good sign.

Pumunta ako sa hall at hinanap ang mga pinsan ko at yayain na rin silang kumain.

Lumapit ako doon at umupo sa tabi ni Jade. Kasama namin si Jess na kumakain at nakikipag tawanan na rin ito sa amin. Kinwento niya ang naging buhay niya doon.

Masaya ako na natanggap siya agad, hindi naman maiiwasan na may hindi sasang-ayon. Sa mga narasan ko ay may na-realize ako. Ito ang hindi lahat ng bagay ay ma ko-kontrol mo. Hindi lahat ay magiging pabor sa'yo pero hindi mo na problema 'yon.

Ika nga nila, you're not born to please everybody.

"We need to go home tomorrow morning. Babalik na tayo" anunsyo ni Kuya Jos.

"Why?" Tanong ni Jade at tumingin sa akin. Nagkibit balikat naman ako.

"Pinapauwi na tayo. Kailangan na tayo sa kompanya." Tumango naman kami at nag patuloy sa pagkain.

NATAPOS ang araw ng hindi ko man nakita si Dylan ulit. Siguro ay naging busy din siya. Pabalik na ako sa kwarto ko dahil gabi na rin.

Nag bonding lang kaming mag pipinsan. Nag swimming din kami kanina. Jess is with us kaya parang bumalik din lahat sa dati.

Natigilan ako nung may post-it note sa pintuan ko.

'Proceed to the Deck. I'm gonna wait for you sweet" napangiti nanaman ako dahil sa tawag niya sa akin.

It's cringe worthy pero nevermind..

Kinuha ko ang note at pumunta sa deck. Natigilan ako dahil may mga petals ng tulip sa daanan ko papuntang deck. Sinundan ko ito at napanganga ako.

Isang nakangiting Dylan ang nakita ko. May nakaayos na table for two sa harapan ko. May wine dito at mga utensils. Mukhang mag didinner kami. Kahit busog na ako kanina ay parang nagutom ako ulit.

"Can you please have a dinner date with me?" Nakangiti niyang tanong. Natawa naman ako nung linahad niya ang kamay niya.

Nakangiti ko itong tinanggap.

"It's my pleasure" lumapit ako sakanya lalo at yinakap siya.

"I will be gladly to have this date with you" bulong ko sakanya at nagulat ako nung may tumugtog na music.

Dahan dahan ay sinayaw niya ako. Nakayakap pa rin ako sa leeg niya at ipinaikot niya ang kamay niya sa bewang ko.

Napapikit ako nung naging komportable na ako.

"I'm so happy" sabi ko sakanya.

Sobrang saya ko, hindi ko akalain na magiging ganito pa ako kasaya muli. Ayoko ng mangamba. Basta ang alam ko ay mahal ko siya. Sapat na iyon para maging matapang naman ako para sa amin.

"I'm also happy. So happy" sabi niya at tumawa pa ng mahina. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya.

Natawa ako nung maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Nervous mister?" Tanong ko sakanya pero naramdaman kong umiling siya.

"I feel different. I think I have insects on my stomach" natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa braso.

"Butterfly 'yon!" Natatawang sabi ko at narinig ko rin siyang tumawa.

"Gusto ko insects para maiba naman" tumango nalang ako.

"I promise to cherish you, love you and make you the happiest woman alive" napaawang ang labi ko sa sinabi niya at tumingala ng konti para makita siya ng maayos.

Ngumiti ito sa akin.

"I'm sure.. you are the only woman I want to bring in the altar and you are the only woman I want to marry" nararamdaman kong nangingilid na ang luha ko.

Hinalikan niya ako sa noo. Pababa sa ilong at dinampian niya ako ng halik sa labi.

"Do you feel the same?" Tanong niya sa akin at parang kinabahan pa siya sa magiging sagot ko.

Yinakap ko siyang muli.

"I do" bulong ko and I felt completeness nung sinabi ko iyon. I felt that I am already tied to him and I felt good.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 39.6K 43
| COMPLETED | 21 November 2016 - 30 March 2017 | Stonehearts Series #4 | Just like how valuable her birthstone is, Minerva Diamond Timbresa is her pa...
7.5K 189 62
Book 2 of Destined to Reunite Panibagong yugto sa buhay nila Caitlyn at Joshua. Paano kung ang past at binaon na sa limot ay muling magbabalik? Maay...
278K 14.5K 200
Highest rank: #1- Instagram Si Maymay at Edward ang casts dito as usual. Gagamit din ako ng ibang housemates or ibang tao na mag cocomment sa mga pos...
1.1M 20.1K 32
What is a damsel in distress means? According to the dictionary it means that a young woman in trouble and needs to be rescued by a prince, like in f...