A Man's Life

By aKo_Narcisso

368K 6.8K 1.2K

Lalaki ako. Yun. Period. Bago kayo mag-isip ng kung ano pa man, lalaki po ako. So clear all your misconceptio... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine ~END~
To be published under Life is Beautiful
FAQ

Thirteen

7.6K 137 21
By aKo_Narcisso

Ayoko na. Sinisingil na talaga ako ng konsensya ko. Huhu.

Alam niyo yun? Hindo kasi ako sanay magsinungaling pero marunong naman ako maglihim. Anghirap-hirap na talaga ng sitwasyon ko. Sa sobrang hirap nauutot na ako. Huhu.

Kung tinatanong niyo kung ano problema ko... kayo. Kayo ang problema ko. Di, biro lang po. Natutuliro na po kasi talaga ako sa pagpapanggap bilang Shan-Shan. Ayoko nang magsinungaling kay Krystal. Nakakapagpabagabag na talaga eh.

Breaktime namin noon at kasalukuyan akong nagkukunyaring nagbabasa ng National Geographic na magazine nang makatanggap ako ng tawag from an unknown number.

"Good afternoon. This is a call from the Principal's office of your school and I would like to clarify some information. Kindly state your fullname." Iyon ang bungad sa akin mula sa kabilang linya.

Hala! Bakit? Sa pagkaka-alam ko wala naman akong nagawang kabalbalan ah. Liban nalang dun sa...

Waaaaa! Nalaman kaya ng Principal's office na nagsuot ako ng uniform na babae

ng uniform ni Charlie -  ng school namin? I-eexpel na ba ako dahil dito? Masisira na ang kinabukasan ko? Malalaman na ni Krystal ang totoo? Mapupoot na siya sa nalaman niya? Isusumpa na niya ako?

ANONG GAGAWIN KO?

Alam ko na. Sasagutin ko muna ang tanong sakin. Baka naman kasi nag-oover react lang ako. Baka naman may meeting ulit ang mga class officers. Tama. Yun na nga siguro yun.

"S-Sebastian F-Flores po s-sir. B-Bakit p-po?" medyo nauutal kong sabi. Eh sa kinakabahan ako talaga ako e!

"How many siblings do you have?"

Eh? Hindi pa ba alam ng school yun?

"I-I'm a-an only child, s-sir," sagot ko.

Naptahimik saglit ang kabilang linya.

"Are you... are you sure about that? Like a hundred percent pretty sure, my child?"

"H-Hundred percent sure s-sir. P-Para saan po ba ang tawag na ito kung mamarapatin niyo pong itanong ko?"

Ano ba talaga to? Sa Principal's office ba talaga to?

"I'm sorry my child but you have no right to ask any questions or whatsoever. Thank you for your rapid response, bye." At tuluyan nang naputol ang tawag.

Napaisip ako bigla. Ano kaya yun?

"CHAN-CHAN!" rinig kong sigaw ni Louie.

"Bakit?" wala sa sarili kong sagot.

"Tumayo ka diyan. Aalis tayo," utos niya.

"Saan naman pupunta? May isang subject pa kaya. Baka hanapin tayo ni ma'am," sagot ko naman.

"Mas importante pa ba yan kesa kay Charlie?" singhal niya. Napatayo na ako sa sinabi niya.

"Bakit? Anong nangyari? Anong nangyari Charlie?"

"A-ano kasi bespren. Sinapak ni Louie si Nile," sagot ni Charlie na medyo namamaos pa.

"HA? Bakit mo sinapak si kuya Nile?" baling ko kay Louie.

Nakita ko naman ang biglang pagkairita sa mukha ni Louie. "Ewan ko sayo Sebastian. Ano? Sasama ka ba o kakaladkarin ka namin paalis dito?" banta niya.

"Eto na. Sasama na nga eh!" Kinuha ko na mga gamit ko. Agad namang naglakad palabas si Louie.

"Ano ba kasi talaga nangyari?" tanong ko kay Charlie habang palabas kami ng room. Ikinuwento naman sakin ni Charlie. May girlfriend na pala yung si kuya Nile. Ang kapal naman ng mukha nun para i-lead on si Charlie.

"Dapat lang sa kaniya yun!" sabi ko pagkatapos magkwento ni Charlie.

"Pati ba naman ikaw?"

"Tara na nga. Bilisan nating makahabol kay Louie. Ako na bahala sa pagkain."

"Talaga bespren? Hoho. Pakiss nga!" at akma niya akong hahalikan.

"Kadiri ka Charlie umayos ka nga! Subukan mo lang di na kita ililibre!"

"Ang KJ! Nagpapasalamat lang eh!"

Nakalimutan ko saglit ang problema ko. Or safe to say pansamantala ko munang kinalimutan. Mas kailangan ni Charlie ng karamay ngayon.

Bago kami dumeretso sa Timezone ay nag DQ muna kami at nag McDo. Buti nalang may dala akong extrang pera. Ansiba kasi talaga netong si Charlie eh. Inisip ko nalang depressed kaya ganoon. Pero hindi rin eh. Masiba parin talaga. At sinulit talaga yung panilibre ko ng pagkain sa kanila ni Louie. Buti nalang si Louie ang natoka sa credits namin sa laro.

Dahil sa goal namin ni Louie ang pasiyahin si Charlie, hinayaan naming siya ang mamili ng lalaruin. Nag-arcade kami, na lagi akong talo. Nag shooting kami, na sinuwerte na akong makalampas ng 10 yung score. Nag band master, guitar hero, Crisis II, Jurrasic Park, House of Living Dead -na sila lang ang naglaro kasi nag CR ako kaya hindi ako nakalaro at hindi dahil sa nakakatakot yung laro, lahat nalang ata nalaro namin.

Kakatapos lang namin mag Racing nang napansin namin ang mga taong nagkukumpulan sa isang sulok. Nang tingnan namin ang pinagkakaguluhan nila, Dance Central pala. Yung larong sayaw gamit ang X-Box Kinect.

"Bespren! Subukan natin yun! Mukhang masaya," aya ni Charlie habang hila-hila kami ni Louie papunta dun.

"Ayoko! Nakakapagod," tanggi ko.

"Sige na Chan-Chan!" pagpupumilit ni Charlie. Umiling ako kaya biglang nalungkot si Charlie.

Binatukan ako ni Louie. "Ang arte arte mo talaga! Nandito mga tayo para pasiyahin si Charlie tapos ganyan ka?"

"Eto na nga eh! Maglalaro na nga eh!" sagot ko.

Sumigla naman si Charlie at dali-daling ini-swipe ang card.

Nung sumayaw na kami, naenjoy ko ata masyado. Di ko namalayan andami nang nanunuod sa amin. Naririnig ko pa ang ibang bulong-bulungan.

"Wow!!

"Ang galing naman niya!"

"Ang cute pa niya!"

"Pwede ko ba siyang iuwi?"

"Bespren ko yan!" Nangingibabaw ang boses ni Charlie sa lahat kaya napalingon ako.

Ako nalang pala ang sumasayaw. Si Louie nakatanga at si Charlie naman proud na proud. Napatigil ako pero sinabihan ako ni Charlie na tapusin ko nalang daw.

"Akalain mo may talent ka pala? Pero infairness magaling ka palang sumayaw ha!" ani Louie.

"Oo nga bespren ang galing-galing mo dun kanina!" bati naman ni Charlie.

"Ah, yun ba? Wala yun. Raw talent lang yun," sabi ko naman.

Pero ang totoo, nagpraktis talaga ako. Nasabi kasi minsan ni Krystal na natutuwa daw siya sa mga taong sumasayaw.

"Wee! Di nga Chan?"

Bigla nalang nag-ring ang phone ko. Unregistered number ulit. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

"Oy oy! Sino yan? Sino yan?" usyoso ni Charlie.

"Unregistered eh!" sagot ko.

"Wag mo nalang sagutin. Baka kung sino lang yan," sabi naman ni Louie.

"Sagutin mo na! Baka importante. Tos kwentuhan mo kami," sulsol ni Charlie.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello Shan-Shan? Si Krystal ito. Nagpalit kasi ako ng number. Kamusta ka na?"

Si Krystal? Pero bakit parang may iba sa boses? Di kaya namamalat boses niya?

"Sino daw?" tanong ni Charlie.

"Si Krystal daw," sagot ko.

"Ayiee!" kutya ng dalawa.

"Ano sabi?" tanong ulit ni Charlie.

"Maglaro nalang kayo diyan!" sabi ko bago nagpakalayo-layo sa kanila.

"Ako ito Krystal! Kamusta ka na? Okay lang ako. Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko?" ipit boses kong sabi.

"Okay lang ako Shan. Shalamat sa pag-aalala. Ikaw kamushta ka na?"

Si Krystal ba talaga ito?

"Anong nangyari sa boses mo Krystal?"

"Ha? Naku wala 'to. Wag mo nalang panshinin. Pag may S kasi nadadagdagan ng H yung wordsh ko bigla. Ewan ko ba. Pero cute naman diba? Parang name mo lang. Shan-Shan."

"Chan-Chan!" tawag ni Charlie pero di ko pinansin.

"Ganon ba? Eh ano na ginagawa mo diyan? Kumain ka na ba? Huwag magpagutom ha?"

"Chan-Chan!" tawag ni Louie. Di ko din pinansin.

"Busog pa ako Shan. Thank you. Uhm, may shashabihin pala ako shayo."

"Chan-Chan!" tawag ulit ni Charlie. Kulit!

"Ah. Basta wag magpagutom okay? Baka kasi magkasakit ka. Ano ba yun?"

"Oy! Chan-Chan!" tawag ni Louie. Ang kulit naman eh. Tinakpan ko yung mouthpiece ng cellphone bago lumingon. "Ano ba-"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naririnig kong may nagsasalita pa sa kabilang linya. Sino tong tumawag sakin?

Kasama nina Charlie... Si Krystal.

Eh sino yung kausap ko? 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.5M 55.9K 55
[Completed] One True Love Series #3 Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw mo kaya ang puso niya? O malugmok ka na...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...