Tainted

By PollyNomial

68.4K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 18

1K 30 0
By PollyNomial

KABANATA 18 — Sisimulan Na Natin


Hindi natapos ang isang minuto. Or maybe I was just too lost to think about the time because Zandra was in my arms. Hinigit ko ang aking hininga nang bahagya niya akong itulak. Her hands were still on my chest when I let her go.

I could see the flush on her face. She can't look at me. Kung saan saan siya tumitingin makaiwas lang sa aking mga titig. Pinagmasdan ko ang bawat detalye sa kanyang mukha habang umiiwas siya. Mula sa bilugan at kulay tsokolateng mga mata niya ay nababaliw na ako. Tama ang sinabi ko kay dad. She has chocolate brown eyes that looks like it's going to hypnotize you everytime you stare at it. Parang tsokolate na tingnan mo pa lang ay mababaliw ka na habang ninamnam sa simpleng pagtitig ang tamis nito. Makapal ang kanyang pilik na nagdedepina sa mga emosyon sa kanyang mga mata. Her eyebrows were shaped in a perfect curve. And those full lips. Doon ako pinaka nababaliw. Iyon ang parte ng kanyang mukha na hindi ko kayang titigan lang. It's like those lips were manipulating me, teasing me to do something more than just stare at it.

Lumunok ako sa aking kahibangan.

"Ikaw naman," aniya kasabay ng paghampas sa aking dibdib. "Masyado ka yatang nasanay sa kakayakap sa akin," sambit niyang nakangisi.

Napaawang ang aking bibig. Nagulat ako dahil hindi iyon ang inasahan kong sasabihin niya.

Tumagilid siyang muli para tapusin ang hugasin. Wala akong nasagot sa sinabi niya. Hindi na rin siya nagsalita pang muli. Pinanood ko na lang siya habang tinatapos ang paghuhugas sa mga pinggan.

Umatras ako at walang paalam na umalis. Pumasok ako sa loob ng aking kwarto. Galit ako sa aking sarili. It was all too fast and I was not prepared. Do I really love her? Wala akong ibang makapa sa aking dibdib kundi ang sagot na 'oo, mahal ko siya'. Nagtagis ang aking bagang nang sinuntok ko ang ibabaw ng kama. Ipinatong ko ang dalawang kamay roon at tiim-bagang na hinihingal.

It's not her sexy body. It's not her seductive eyes. I clearly undestand the difference between lust and love. I am aware of how my body reacts every time I'm near her. But I am more aware of how my heart responds each time we're close to each other. Kasabay ng pagrespunde ng mga hibla ng aking pagkalalaki ang pagrespunde rin ng aking puso. It's not the same as what I felt to the first girl I've been with here in New York. I'm sure that was pure lust. Walang halong damdamin ang naramdaman ko habang kasama ko siya. Pero kay Zandra, mas pansin ko pa ang umaatikabong puso ko kada kasama ko siya kaysa sa reaksyon ng katawan ko.

Maliliit ang aking mga mura, ingat na ingat na baka marinig ako ni Zandra sa labas. Half of my mind was listening to the sounds she's making outside while the other half was in deep thought. Paano ko nga ba ito nasimulang maramdaman? I made my feelings for Angel as the basis. But I cannot remember a bit of emotion I had for Angel. Ang naaalala ko na lang ay noong mga panahong kaibigan ang turing ko sa kanya. Ang naaalala ko na lang ay nung nagkakilala kami at naging matalik na magkaibigan. I couldn't remember my love for her anymore. Kahit maliit na mantsa na magpapakita ng pagmamahal ko noon sa kanya ay nabura na. It's like I was given a new heart. A new heartbeat that will beat only for Zandra.

Pinilig ko ang aking ulo. Hindi ako makapaniwalang sa ilang linggong pagkakakilala namin ni Zandra, natutunan ko na pala siyang mahalin. O baka mas maaga pa kaysa nung nakilala ko siya ng lubos. Baka noong una ko siyang nahawakan nung iligtas ko siya sa bar. Baka nung nakita ko siyang humahalakhak habang kausap ang kanyang kaibigan. Baka nung nalaman ko ang kanyang pangalan. Nakakatakot na baka natutunan ko siyang mahalin nung gabing unang beses ko siyang nakita at ninais na iligtas sa lalaking inakala kong kasintahan niya.

Tinapos ko ang aking pag-iisip sa mas marami pang tanong. Hindi ako lumabas ng aking kwarto hanggang sa manahimik sa labas. Pinakiramdaman ko ang mga ingay roon. When I was sure enough that Zandra is finally in her room, I went out of my bedroom. Dumiretso ako sa bathroom at naligo sa malamig na tubig. Hindi na ako nagreklamo sa lamig niyon at tinapat ang sarili sa shower. I need this. I need this every time she's here. Hindi maaaring kada narito siya ay kung anu-anong init sa katawan ang nararamdaman ko. If I have to put my body in a bathtub full of ice, then I will. Ayokong may ibang naiisip sa isang babaeng pinangakuan ko na kaibigan niya ako. Kahit pa pagmamahal itong nararamdaman ko.

Hindi ko na uli nakita si Zandra hanggang sa matapos ang gabi. I figured out that she's probably avoiding me too. Marahil natakot na naman siya sa aking kinilos kaya nagkulong na lang siya sa kwarto. I wonder what she is doing right now. Tulog na kaya siya o baka naman iniisip kung bakit ko siya niyakap kanina? Siguro iniisip niya na niloloko ko siya at mas higit pa ang nais ko mula sa kanya.

Tinakpan ko ang aking ulo ng unan habang nag-iisip ng mga posibleng tingin ni Zandra sa akin matapos ng ginawa ko kanina. God, I hope she still sees me as her friend. Iyon ang sinabi niya. Kaibigan niya ako. Hindi naman humigit sa mga ginagawa ng magkakaibigan ang pagyakap ko sa kanya pero parang mali pa rin iyon. Lalo na at kaakibat ng lahat ng iyon ang mga nararamdaman ko.

Nang mag-umaga ay pakiramdam ko ang bigat bigat ng mga mata ko. Parang may laman sa loob niyon na sanhi ng pagkapuyat kagabi. I heard the noises outside and I sleepily went out to find out what's happening.

Saglit pa bago ako nakabawi nang makalabas ako. An awful smell went right into my nose. Tumigil ako sa harap ng aking pinto at namewang. Pinaikutan ko ng tingin ang buong apartment hanggang sa huminto ang aking mga mata kay Zandra na naghihisterya sa harap ng stove. Napaatras siya nang umusok ang kalan at napamura ako nang may kasamang apoy iyon.

"Zandra!" sigaw ko at tumakbo sa kanya habang hinuhubad ang t-shirt ko.

Nagmamadali akong binasa iyon sa lababo at hinagis sa ibabaw ng umaapoy na kawali. Agad na sumaboy ang usok at kaunting apoy.

"What the fuck!" utas ko at tinapunan siya ng matalim na tingin.

Agad siyang umatras palayo sa akin. Her jaw dropped and her face paled.

"What are you doing?" sikmat ko at tinuro ang sunog na laman ng kawali. "What did you do, Zandra?" tanong ko sa kanya.

Ang kawali ay umuusok pa rin. Maingay ang usok at ang pagkulo tubig na nanggaling sa t-shirt. Dahan dahan kong tinanggal ang tela gamit ang dalawang daliri. Inuubos ng mantika ang tubig na nanggaling sa tela.

"I'm sorry. I was trying to cook..."

Suminghap ako. "Ang dami ng mantikang nilagay mo. And what is this? Ang itim na nung itlog, Zandra!"

Pakiramdam ko umuusok din ang katawan ko kasabay ng kawali. Putlang putla ang mukha ni Zandra at takot na takot ang kanyang mga mata. Umatras siya palayo sa akin.

Lumunok ako nang may maalala. I shouldn't have shouted on her.

"I... I panicked, okay!" umaalon ang boses niya sa takot. "I didn't know it will fry too fast. Ang akala ko ay maiiwan ko pa para ma-ready ang bacon..." tumigil siya nang manlisik uli ang mga mata ko.

Bago pa ako tuluyang umapoy sa galit ay tumalikod na ako. Inalis ko ang mainit na kawali sa kalan at pinatuluan iyon ng tubig galing sa gripo. Ang t-shirt ko ay tinapon ko sa trash can. Kung magagalit pa ako ay baka may mangyari na namang masama. Baka maghisterya na naman siya sa takot. Baka itaboy na naman niya ako dahil sa kung sinong makikita niya sa akin. Naalala ko ang insidente na ayaw ko nang maulit.

Narinig ko ang singhap ni Zandra sa aking gilid.

"Oh my god!" aniya. Nang tingnan ko ay siya nakatakip ang kamay niya sa kanyang bibig. Wala na ang kung ano mang takot sa kanyang mukha. "May paso ka, Andrew!" aniya at tumakbo sa akin.

Pinalis ko ang kamay niya palayo sa akin. Galit pa rin ako. "Are you okay? Ikaw.. may paso ka ba?" malamig kong tanong.

Mabilis niyang ineksamina ang katawan. "Wala," aniya at tuluyang kinuha ang kamay ko. "We need to treat this. Nasaan ang first aid kit mo?" tanong niya.

Umiling ako at bumitiw sa kanyang hawak. "You don't have to. Hindi ka pa ba aalis? Tanghali na..." Wala akong ideya kung anong oras na kaya hindi ko na itinuloy. She needs to go right now.

Ngumuso siya at nanliit ang mga mata. "I'm sure that hurts. Kukuha ako ng first aid. I think I saw one in the bathroom," aniya sa matabang na tono. Umalis siya at tumungo sa bathroom.

Umiling ako at minura ang aking sarili. This isn't my way of forgetting my feelings for her. Pinag-isipan kong mabuti ang damdamin ko kagabi at humantong ako sa puntong hindi ko ititigil ang nararamdaman para sa kanya. But I promised her that I will protect her. I will protect her from any harm. Kung ako ay magdadala sa kanya sa panganib, poprotektahan ko siya sa sarili ko. Kaya hangga't wala pa akong kontrol sa aking sarili ay ilalayo ko muna siya sa akin. I don't want to repeat my actions last night. I feel insane when I couldn't control my body whenever I touch her. Parang walang kwenta ang ilang taon kong pag-aaral at paghasa sa aking utak na mag-isip ng tama. I need to clear my head first.

Nang bumagsak ang pinto ng bathroom at nagbuga ako ng mabigat na hinga. Hindi ko pa tapos hugasan ang mga nadumihang pangluto ni Zandra nang hilahin niya ako patungong living room. Dala dala niya sa isang kamay ang first aid kit habang ang isa ay nakapulupot sa braso ko.

Napapikit ako sa pakiramdam ng kanyang mainit na kamay.

"Don't worry. At least I know how to do this. Nagawa ko na ito noon sa kuya ko," aniya. Tinulak niya ako sa couch upang makaupo bago tumabi sa akin. Napasandal na lang ako habang sinusundan ang bawat galaw niya.

Kinuha niya ang isang tube sa kit at binasa iyon. My mom bought me a first aid kit when she realized that I don't have one in my apartment. Hindi ko pa nakikita kung anong laman niyon dahil hindi ko naman kinailangan. I'm glad that she bought it, though.

"Kailangan palang hugasan muna natin," saglit siyang humagikgik. "Nakalimutan ko," aniya.

Suminghap ako at binawi ang kamay sa kanya. "Nahugasan ko na... Ako na." Kinuha ko ang ointment sa kanya pero binawi lang niya. Hinigit niyang muli ang aking kamay.

"Ako na," aniya. "It's the least thing I can do for you. After I almost burn your house," ngumuso siya at sumulyap sa akin bago binuksan ang tube.

Huminga ako ng malalim. Iniwas ko ang aking paningin sa kanyang ginagawa. Nakuha lamang niya muli ang atensyon ko nang ipatong niya ang aking kamay sa balat ng kanyang hita. Tinikom ko ang aking bibig.

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kanina." Pinanood ko siya nang magsimula siyang magkwento. "I was about to take the pan away from the stove nung umapoy. Sunog na sunog 'yong itlog nung bumalik ako galing frigde," kinagat niya ang kanyang labi habang titig na titig sa pinapahirang kamay ko.

Sinabayan ko siya sa pagkagat ng kanyang labi. But I was biting mine, though. Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nasa ibabaw ng kanyang hita. Ang paso ay nasa likod ng aking palad. Kaya ang palad ko mismo ang nakapatong sa hita niya. Ang mga daliri naman niya ay nagpapailot ikot doon.

Nag-iwas ako ng tingin. Masusuntok ko na talaga ang sarili ko kapag may nagawa na naman akong wala sa isip ko.

"Buti na lang dumating ka... Tinulungan mo ako." Nagkatinginan kaming dalawa nang sabihin niya iyon.

Kumikislap ang mga mata ni Zandra. It was shining with joy and something more that I can't identify. Tila may iba pa siyang kahulugan sa mga katagang iyon.

"Bakit ka ba kasi nagluluto? I bought cereals at may frozen food naman sa ref. You should've just used the microwave if you want to eat," namaos ang boses ko.

Tumungo siya. "Hm, but I want to cook. I tried to cook for you. Lagi na lang kasing ikaw ang nagluluto para sa akin," aniya sa mahinahon na boses. Kung nahihibang lang ako, iisipin kong pinalambing niya ang tono upang mapagaan ang loob ko.

Binawi ko uli ang aking kamay.

"Wait," aniya at kinuha uli iyon.

Hindi na niya ito pinatong sa kanyang hita nang lagyan niya iyon ng bandage. Marahan niyang tinapik iyon at nang matapos ay siya na mismo ang nagbalik ng aking kamay sa ibabaw ng aking hita.

"There..." Ngumiti siya at tumitig doon.

Ako naman ay nakatitig lang sa kanyang mukha. Nang iangat niya ang paningin ay mabilis ang aking pag-iwas.

"Next time, hintayin mo muna ako. It's safer if I'm with you..." untag ko.

"Yeah... Ilang beses na nating napatunayan iyan," aniya at sinipat ko ang kanyang mukha.

Nakangisi siya habang nagtititigan kaming dalawa. Ilang maliliit na mura ang binulong ko sa aking isipan bago ako tumikhim.

"Are you free tomorrow night?" Nangunot ang noo ko pero tinuwid kong muli iyon para ituloy ang naisip na balak.

Napaawang ang kanyang bibig. Saglit niya munang sinuri ang aking mukha bago sumagot. "Saturday bukas. Yeah, I think I'm free," aniya.

Tumango ako. "May party ang kaibigan ko. He's also from our school," sambit ko. "It's his farewell party before leaving for college. Medyo napaaga ang alis niya kaya bukas ay magse-celebrate kami," matabang ang aking tono.

Tumungo siya at napansin ko ang paglalaro niya sa kanyang kamay. "Party? Where?" tanong niya.

"Sa bahay nila..."

"And you want me to come?" tanong niya.

"Kung dito ka matutulog bukas ay wala kang kasama. It's better if..."

"I'm with you..." pagtutuloy niya sa aking sasabihin.

Lumunok ako at nanliit ang mga mata sa kanya. Kagat kagat niya ang pang-ibabang labi. Tila may malalim na iniisip.

"Maraming bisita? Party... With alcohol and..." she stopped speaking. Inangat niyang muli ang tingin sa akin. Blanko at walang bahid ng ano mang ekspresyon ang kanyang mukha. Ang mukha niya ay iyong tipong nawawala sa ulirat.

So, she hates places with alcohol? Doon sa bar ay maraming alak, doon sa house party kung saan una ko siyang nakita ay may alak. I already have my first clue. Ang isang kamay kong nakatago ay kinuyom ko. Anong mayroon sa alak? I saw her drinking at her brother's bar. It doesn't really prove that she hates alcoholic drinks. Pero kung mga lalaking manginginom ang kanyang problema ay may isa na akong patunay. Lalo na dahil sa sinabi noon ni Sukie sa akin.

"Mga kaibigan ko ang naroon. It's safe... Well, it'll be safe when you're with me," utas ko, inulit ang kanyang konklusyon kanina.

Diretso sa aking mga mata ang titig niya. Para bang sinusukat doon ang katotohanan sa mga sinasabi ko. Nagdadalawang isip pa marahil siya kung sasama ba sa akin at kung ligtas nga ba siya sa pupuntahan namin.

"I won't let anything bad happen to you," may bakas ng pangako sa aking tono.

Kumislap ang mga mata niya sa isang emosyong nag-aalala. "Andrew, alam mo kasi... Hindi mo maiintindihan..." umiling siya sa hindi niya kayang ipaliwanag sa akin.

"I will try to understand. Tutulungan nga kita diba?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. "Is it making you uncomfortable? 'Yong mga bar? 'Yong mga lalaki sa bar?" punong puno ng pag-iingat ang aking tono.

"No... That isn't the problem, Andrew," aniya.

Tumango ako. "Then come with me. Kung hindi iyon ang problema, ibig sabihin ay walang masamang mangyayari kung sasama ka sa akin," hinarap ko siya habang pinipilit siyang sumama.

"You don't understand. Ayan ka na naman, e."

"You said you will let me," putol ko sa kanya. "You will let me help you, Zandra. Kaya ito na 'yon. Sisimulan na natin. Habang tinutulungan kita, baka makayanan mo nang harapin ang kinatatakutan mo."

Umiling siya, hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko.

"Hindi mo malalagpasan 'yan kung hindi mo haharapin, Zandra. When you keep on turning your back and running away from it, then nothing will happen. Mananatili iyan sa likod mo at patuloy kang hahabulin,"

"Andrew, stop it," mariing utos niya.

Tumigil ako. Tinikom ko ang aking bibig. Tumango ako bilang sagot. Nalaglag ang panga niya at tila nabigla dahil sa paghinto ko sa aking pamimilit. Alright, that's it. Ayaw pa niya. Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Baka makasira na naman ang pamimilit ko.

Ilang segundong katahimikan ang pumalibot sa amin bago ako nagdesisyong tapusin iyon.

Hinawakan ko ang kamay niya. Ngayon ay malinaw ang isip ko sa mga sumunod kong ginawa. Hinila ko iyon paangat hanggang sa mailapit iyon sa aking bibig. I softly kissed the top of her hand. Pumikit ako habang nakadampi roon ang labi ng ilang segundo. Gulong gulo ang kanyang mga mata habang pinapanood ang kilos ko.

"If you change your mind..." marahang utas ko matapos ng halik. "Aalis ako bukas ng 6PM dito. Hihintayin kita," sambit ko.

Ilang segundo ko siyang kinumbinsi gamit ang mga mata ko bago ko siya iniwan para pag-isipan ang pag-alis namin bukas ng gabi. 


Continue Reading

You'll Also Like

25.7K 548 48
[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's...
184K 13.3K 39
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
26.1K 828 38
[COMPLETED] Johanna Agravante never became serious in all of her relationships with men; she just loved to play with their hearts and their feelings...
13.9K 506 32
Miss Rhythm (Misses Series #2) [COMPLETED] Eleina is the woman who believes that music is the way to make each one of us heal and escape reality for...