Laman(Completed)Wattys2016

By jessicapcasil

132K 3.2K 145

Isang dalagang mahirap, pangit at puro panlalait ang nararanasan ang bigla nalang gaganda.... Alamin ang kany... More

Buhay ng Api
Sukdulang Pang aalipusta
Panaginip o Katotohanan?
Ang Paghihiganti
Buhay ni Tandang Upeng
Pangarap
Puso para sa kagandahan
Pagtakas
Hinala
Kasunduan Sa Demonyo
Simula ng Lagim
Unang kabilugan ng Buwan
Maitim na Balak
Ang Pagbabalik
Bad Vibes
Huli ka
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Finale
Epilogue
Pasasalamat

Chapter 24

4.5K 99 7
By jessicapcasil

                   Chapter 24

Aemy's POV

   Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung matandang kuba habang pinapanood ang nangyayari sa isang grupo ng mga kalalakihan, animo ay isang pelikula ang nangyayari sa mga ito, isang brutal at kapangapangilabot na pelikula. Natutop ko nalang ang aking sariling bibig upang mapigilan ang aking pagsigaw ng makilala ko ang grupo ng mga kalalakihan na ngayon ay dalawa nalang ang natira sa kanila, ito ang grupo na hiningan ko ng tulong at palihim na sumunod samin kanina, ang grupo ni Lucas o kung tawagin ay Demon Slayer! Kitang kita ko kung paano pagpirapirasuhin ang katawan ng pinakapinuno sa mga ito si Lucas...

       Nakaramdam ako ng awa sa kanila, pero wala naman akong magagawa akala ko kasi isang simpleng kampon lang ang mga ito, hindi ko naman alam na ganun pala sila karami. Napatakbo naman ako ng biglang lumingon sa gawi ko ang matanda! Hingal na hingal akong bumalik sa tabi ng wala paring malay na si Lander. Panalangin ko, sana ay hindi ako nakita ng matanda.

" Saan ka galing?? Nakita kitang tumatakbo.." biglang salita sa may likuran ko.

" Ah... ehh.. naghanap kasi ako ng banyo.. kanina pa kasi ako naiihi eh" kinakabahan man ay iyon nalang ang idinahilan ko.

Tumitig lang sakin ang babae, lumapit na ito sa natutulog paring binata. Hinaplos nito ang gwapong mukha ni Lander. Hindi ko na iyon pinansin dahil malakas parin ang kabog ng aking dibdib. Naupo nalang ako sa isang malaking bato malapit sa mga ito. Binalot na ng takot ang buong katauhan ko, wala na ang mga taong pwedeng makatulong pa sa akin...

Kristine' s POV

       Nakakamangha talaga ang kakayahan ni Apo Lamberto... Akalain mo yun, kaya niya pala ang magbukas ng isang lagusan patungo sa kung saan.

" Iha, handa kana ba?" seryosong tanong sakin ng albularyo.

" Opo, kakayanin ko po, at napapikit ako at taimtim na bumigkas ng dasal.

" Kung ganon, halina kayo , wala na tayong oras" wika nito samin.

Kasama rin kasi namin si Albert, ayaw sana ni Apo Lamberto na sumama ito pero mariin ang naging pagtutol ng binatilyo, ika nito ay hindi rin naman ito matatahimik kung magpapaiwan ito, hindi ko maiwasang makonsensiya dahil nadamay pa ang mga ito. Pero wala naman akong magagawa. Andito na to at wala na akong magagawa pa.

Inutusan na kami ni Apo.Lamberto na maghanda na. Naunang pumasok ito sa lagusan, sumunod ako sa kanya at nasa hulihan naman si Albert.

Diyos ko.. kayo na po ang bahala sa amin, iligtas niyo po kami at wag niyo pong hayaan na manalo ang kasamaan.." taimtim ko muling dasal sa isip.

Napamulagat ang mata ko sa lugar na kinatatayuan namin sa ngayon, nababalot ito ng hamog at maiitim na ulap ang makikita sa kalangitan. Sigurado akong walang kahit anong nabubuhay rito kasi maging ang mga puno ay mga patay na. Hindi rin maganda ang amoy sa lugar na ito, parang amoy patay na daga , pero mas masahol pa ang amoy dahil napakasangsang talaga. Kaya hindi ko napigilang magtakip ng ilong.

Nilingon ko naman si Albert sa likod ko, maging ito ay nagtakip na rin ng ilong at mababakas sa mukha ng binatilyo ang pagkamangha at kilabot sa nakikita sa paligid.

Tiningnan ko rin si Apo Lamberto na kaagapay ko sa paglalakad. Walang ekapresyon ang mukha nito maliban sa pagiging seryoso , marahil ay sanay na talaga ito sa mga ganitong bagay.

Nag umpisa kaming naglakad, nakakatakot talaga ang lugar na ito.

" Kailangan tayong maging handa, sa ngayon ay ligtas pa tayo dahil sa ginawa kong orasyon upang hindi malaman ng mga kalaban ang pagdating natin, pero oras na mawala na ang bisa ng orasyon, marami ng kababalaghan ang mangyayari sa atin, " mahabang babala nito sa amin.

Grabeng kilabot na muli ang bumalot sa aking katauhan. Patuloy lang kami sa paglalakad sa nakakatakot na lugar na iyon..

" Isa pa, maging mapagmatyag at wag basta basta magtitiwala sa nakikita lamang ng ating mga mata, hindi natin alam na iyon pala ay isa lamang palang ilusyon..." makahulugang sabi nito sa amin. ..

3rd Person's POV

   Maaga palang ay nasa silid na niya si Lola Ditas, mga alas sais pa lang ng gabi noon. Kanina pa kasi siya hindi mapakali dahil sa kanyang apong si Kristine. Sobra ang pag aalala niya para sa nagiisang apo. Hindi na rin niya nagawang kumain pa ng hapunan. Hindi siya matatahimik kapag may nangyari masama rito.

" Boogshhhh!!!

Napatigil siya sa pag iisip ng may marinig siyang malakas na kalabog na nagmumula sa may kusina. Sigurado siyang ang alagang pusa na naman iyon ng kaniyang kapitbahay. Madalas kasi itong mamungkal ng mga tirang pagkain.

Napilitan siyang tumayo at alamin kung may nabasag na naman sa mga gamit niya.

Pagkarating niya sa kusina, agad niyang pinindot ang switch ng ilaw, bumaha ang liwanag at hinanap ang nabasag pati na ang inaakalang pusa.

Nalibot na niya ang buong kusina ay hindi naman niya makita ang anumang bagay na bumagsak at maging ang pusa.

" Nakakapagtaka naman.. imposible namang walang nabasag sa lakas ng pagkakabagsak na iyon..." nagtatakang sambit ng matanda sa sarili.

Nang masiguradong walang nabasag sa mga gamit niya ay ipinagwalang bahala na lamang niya ang narinig na kalabog. Pumihit siya upang magbalik ng silid...

Pero ganun nalang ang takot ng matanda nang sa pagpihit niya sa harapan ng pinto patungong silid niya ay may nakatayong nakakatakot na nilalang.

Para itong isang syokoy, maraming kaliskis ang buong katawan, namumula ang nagiisa nitong mata at matutulis ang mga nakalabas na ngipin. Sa madaling salita ay isa itong halimaw.

Naestatwa naman ang matanda...

" H-h-alimaw!!!! malakas na sigaw ng kawawang matanda.."

Pero kahit ano mang lakas ng sigaw ng matanda ay walang makakarinig, dahil bago pa man nagtungo sa bahay niya ang halimaw ay walang awa nitong pinaslang ang mga kapitbahay ng matanda.

" Tulong!!! tulungan niyo ako!!! " takot na takot na sigaw ng matanda.

Sa isang iglap ay nahawakan na agad ng halimaw sa leeg ang matanda. Dahil doon ay agad na nawalan ng malay tao si Lola Ditas.

Mabilis ring tumalon sa malaking bintana ng kusina ang halimaw bitbit ang walang malay na katawan ng matanda.

Lander's POV

   Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay napakabigat ng aking pakiramdam... Bumangon ako sa aking kinahihigaan at nilinga ko ang paligid kung saan ako naroroon...

Hawak ko parin ang aking ulo, at pilit inaalala ang mga nangyari. Sa pagkakatanda ko, sinundan ko si Aemy papasok sa isang lumang bahay, pagkapasok ko roon ay may bigla nalang may tumurok sa aking leeg at doon dumilim na ang lahat sa akin...

" Nasaan ba ako? " tanong ko sa sarili ko...

Nilinga ko ang paligid, hindi pamilyar sakin ang lugar na ito, nakakatakot naman dito... Lahat ng puno ay patay, at itong kinalalagyan ko ay isang malapad na papag malapit sa isang maliit at lumang kubo.

Sa paglinga ko sa paligid ay nakita ko na nakahiga sa may maliit na bangko ang natutulog na si Aemy..

Agad ang paglabas ng galit sa dibdib ko, ang walanghiyang babaeng ito... Siguradong plinano nito kaya naririto ako ngayon...

Lalapitan ko na sana si Aemy nang may narinig akong nag uusap na dalawang tao sa loob ng kubo.

Kaya pinili kong lumapit sa nakasaradong pintuan.. Mamaya nalang niya kokomprontahin ang dating kasintahan.

Naghanap ako ng pwedeng silipan upang malaman ko kung sino at ano ang pinag uusapan ng tao sa loob. Naging maingat ako dahil baka marinig nila ako na malamang ay ikapahamak ko.

May nakita agad akong maliit na siwang na tamang tama lang para makita ang nasa loob.

Nagulat ako ng makita ko si Chynna... at ang isang matandang kuba... Pinakinggan ko ang kanilang usapan.

" Pero Tandang Upeng!! Hindi maaari ang iyong gusto! " may galit na sabi ni Chynna sa matanda.

" Kailangan mong gawin iyon, may nalalaman na siya sayo.." katwiran ng matanda.

" Wala na namang tiyansa pang mabuhay ang Ina ni Lander, kaya wala kang dapat ikatakot...!!

Diyos ko... Si Mama ang pinaguusapan nila. At ayon sa naririnig ko , may masama silang balak sa Mama ko.. Ipinagpatuloy ko ang pakikinig. ..

" Pero mahal ko si Lander!! Napatay ko na nga si Micky, ayaw kong pati si Mam Merriam ay patayin ko rin" sabi ng babae.

" Tandaan mo Chynna!!! Kung hindi dahil sa puso ng kapatid ng lalaking kinababaliwan mo ay sana ay hindi mo tinatamasa ang ganyang kagandahan, dahil sana ay ikaw parin ang pangit na si Charry..!!" galit ng sabi ng matanda.

Animo ay bombang sumabog sakin ang sinabi ng matanda! Si Chynna rin ang pumatay sa kapatid kong si Micky... at tekaa... sinabi niyang si Charry... ibig sabihin... ginamit nito ang puso ng kapatid ko upang magtaglay ng kagandahan na taglay niya ngayon.. Nagkamali ng pagtitiwala si Mama sa babaeng iyon... Mga demonyo sila!!! Naikuyom ko nalang ang aking kamao dahil sa matinding galit.. Pinigilan ko ang sarili ko na sugurin sila, dahil alam kong wala akong magagawa laban sa kanilang mga alagad ng demonyo...

" Lander....

Isang boses babae ang nagsalita sa likuran ko...Pagharap ko ay si Aemy pala yun!

Sa bugso ng damdamin ko ay mabilis kong nilapitan ang babae at agad na sinakal...

" Hayop ka! Minahal kita! " galit na galit kong sabi habang gigil ko siyang sinakal.

" Akkk!!! L-la-nder..!!" sabi ng babae na halos hindi na makahinga dahil sa mahigpit kong pagkakasakal.

" Dapat lang sayo mamatay!!! Dahil sayo kaya nangyari yun sa Mama ko!!!" nanlilisik naman ang mga mata ko. Nakita kong anumang saglit ay malalagutan na ito ng hininga. Pero bago ko pa ito tuluyang mapatay ay itinulak ko ito sa lupa. Alam ko namang masamang manakit ng babae, pero hindi ko na talaga napigil dahil hindi ko akalain na ang babaeng akala ko ay siya nang makakasama ko sa habang buhay ang siya palang sisira sa buhay niya.

Nakita ko ang paghabol nito ng hininga...

" Ughhhh.... hah...hah...." habol nito sa paghinga.

" L-an-der..... patawad..." umiiyak na sabi nito sa akin.

Agad namang nag init ang ulo ko sa sinabi nito.

" P&*%ina M%o!!! Anong patawad ang sinasabi mo ngayon!!! Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin! Lalo na ang ginawa mo sa Mama kooo!!" galit na galit na sigaw ko.

Hindi na naman ito nagsalita pa, umiyak lang ito ng umiyak.

" Nagawa mo pang makipagsabwatan sa halimaw na iyon!! Akala mo ba hindi ko alam!" halos lumabas naman ang litid ko sa galit at poot na nararamdaman ko. Tila hanging biglang naglaho ang lahat ng pagmamahal para sa babae.

" Patawad... Naiipit lang kasi ako.." sabi nito habang luhaan..

" Hah!! Naiipit!! ? Dahil don halos makapatay ka na ng tao. At ang taong iyon mismo ay ang Mama ko! Ang mama ko na itinuring kang parang tunay na anak!"

" Mahal na mahal kita Lander...!! Patawad!!" luhaan na ito.

" Wala kang karapatang magmahal at mahalin, ang dapat sayo ay sinusunog at paulit ulit na pinaparusahan sa impyerno!! Masahol ka pa sa demonyo!!" masakit na salita na sabi ko rito. Kahit konting awa ay wala na akong nararamdaman para rito.. Galit at poot na lamang. Masakit rin para sa akin ang nalaman, ang babaeng akala ko na makakasama ko sa habang buhay ay siya rin palang sisira sa aking buhay. Mabilis na akong tumakbo palayo sa kubong iyon! Kailangan kong makaalis, kailangan ako ni Mama.

Naiwan namang nakatigagal sa kanyang kinatatayuan si Aemy. Napakasakit nang mga salitang binitiwan sa akin ni Lander. Kahit anong gawin niya ay wala na talaga itong pagmamahal para sa kanya. Kanina pa umalis ang binata pero parang paulit ulit lang niyang naririnig ang mga katagang sinabi nito sa kanya.

" Aemy, nasaan si Lander!!!" galit na sigaw  ni Chynna.

Napamulagat naman si Aemy, dahil sa masasakit na salitang sinabi nito na nakasakit ng todo sa damdamin niya ay nawala na sa isip niya na bantayan at wag hayaang makaalis si Lander...

" Nakatakas siya..." takot na takot naman si Aemy lalo na ng makita niya ang galit na hitsura ng babae.

" Walang silbi!!" sigaw ng babae at malakas na sinuntok sa mukha si Aemy.

Malayo ang tinalsikan ni Aemy, halos mawalan siya ng malay sa lakas ng pagkakasuntok ng halimaw sa kanya.

" Ughhh, ahhh..ahhh.." daing ni Aemy. Basag ang ngipin at duguan ang kanyang mukha.

" Sa oras na hindi ko maibalik rito si Lander.. humanda ka.. sa iyong katapusan!!" at mabilis na itong  tumakbo upang hanapin ang binata.

Nagpalinga linga naman si Lander sa kanyang dinaraanan.

" Nasaan na ba ako? Ano bang lugar ito? Paano ba ako makakaalis dito?" paulit ulit niyang tanong sa sarili.

Kailangan niyang makaalis, kailangan siya ng Mama niya dahil nanganganib ito sa kamay nina Chynna.

Patuloy siya sa pagtakbo, hingal na hingal na rin siya. Kanina pa kasi siya takbo ng takbo makaalis lang sa impyernong lugar na iyon , pero mukhang halos paikot ikot lang siya. Walang katapusan ang lugar na iyon, idagdag pa ang masangsang nA amoy na kanina pa sumusulasok sa pang amoy ng binata.

Dahil sa kapaguran ni Lander, napilitan siyang maupo sa isang malaking patay na puno. Hindi na niya kinaya ang pagod na nararamdaman.

Pero ganun na lamang ang takot na kanyang naramdaman nang may marinig siyang mga kaluskos malapit sa kinatatayuan niya. Halos sumabog ang dibdib niya sa labis na takot....





******************************

Kristine's POV

      Kanina pa kami naglalakad, nakakapagod na, kaya hindi ko na napigilang magtanong sa matanda.

" Apo Lamberto... malayo pa ba tayo?" di ko napigilang itanong.

" Wag kang mainip iha, baka kapag nakarating na tayo roon, ay bigla mong masabi na sana ay hindi nalang tayo nakarating doon." makahulugang sabi nito.

Medyo nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa sinabi ng albularyo. Tama naman kasi ito.

" Maghanda na kayo, ilang saglit nalang ay mawawalan na ng bisa ang orasyon na ginawa ko, kaya malalaman na nila na naririto na tayo sa teritoryo nila." babala sa kanila ng matanda.

Nagkatinginan naman kami ni Albert, parehong takot ang nararamdaman namin.

" Lolo, paano po tayo makakalaban kung wala naman tayong kahit anong panlaban." tanong ni Albert.

Kahit ako ay nagtataka na rin dahil wala man lang kaming maaaring ipanlaban sa mga kampon ng dilim.

Hindi naman umimik ang matanda, bagkos ay inabutan sila nito ng mahabang latigo.

" Ano po ito?" takang tanong ko.

" Buntot pagi iyan, ihampas mo lang iyan sa mga kampon ng dilim at patay sila." sagot nito.

Pagkatapos ay inabutan sila nito ng maraming botelya ng animo ay tubig.

" Holy water yan, at alam na siguro niyo kung para saan yan.

Sabay naman kaming napatango lamang ni Albert.

Sabay rin kaming napamulagat ng makita namin ang inilabas ng matanda mula sa loob ng jacket nito. Isang animoy armalite ang inilabas nito.

" Grabe Apo Lamberto, bakit po hindi namin nahalata na may ganyan po kayo sa jacket niyo.? nagtatakang tanong ko.

" Sikreto iha, hhahahha, pero masabi ko sa inyo, hindi lang ito basta baril o armalite, ang bala nito ay silver na kayang pumatay ng halimaw, bukod pa sa dinasalan ko ito" paliwanag nito sa amin.

" Astig mo talaga Lolo...," sabi naman ni Albert.

" Pero mga apo, ang mas kailangan natin sa ngayon ay ang pananalig at paniniwala sa Panginoon" muling seryosong sabi nito.

Sabay muli kaming napatango ni Albert.

Maya maya lamang ay may narinig na kaming kakaibang huni. Animo ay huni o atungal ng maraming hayop.

" Apo Lamberto... Ano po iyon?" tanong ko sa albularyo.

" Alam na nila na naririto tayo! Humanda kayo!! " maotoridad na sabi nito sa amin.

Diyos ko po... nasambit ko nalang, ibig sabihin ay wala nang bisa ang orasyon ni Apo Lamberto..

Tumambad sa kanila ang napakaraming uri ng ibat ibang halimaw.

" Apo Lamberto! Natatakot po ako!!! " sigaw ko, nanginginig ako sa takot, hindi ko akalaing ganito pala karami ang halimaw na aming haharapin.

" Wag kang matakot! Manalig ka iha! At hinaplit nito ng hawak na buntot pagi ang halimaw na pasugod rito. Agad namang pumalahaw sa sakit ang nilalang at mabilis na nasunog at naging abo...

Dahil sa nakita ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumaban.Hindi naman pwedeng wala akong gagawin. Nakita ko ang papasugod na manananggal sa akin, sinalubong ko ito ng hampas ng buntot pagi at mabilis itong naging abo.

Ganon rin ang ginagawa ni Albert. Wala na rin ang takot sa mukha nito at matapang na hinaharap ang mga kalaban.

Hingal na hingal na ako, at hindi man lang  nauubos ang mgA halimAw, masyadong marami ito para sa amin.

Kabikabila ang naging pagsugod nito sa akin. Dahil sa pagod ay hindi na ganon kalakas ang paghampas ko sa mga ito. Napasigaw ako ng bigla akong dinagit ng halimaw at inilipad pataas.

" Ahhhhh!!! Albert!! Apo Lamberto!!!" sigaw ko, nanghihina na ako.

Tutulungan sana ako ni Albert pero bigla na lamang ito na tumalsik at humampas sa patay na puno. Napaliyad naman ito sa sakit ng katawan.

" Albert!!!!!" sigaw ko sa binatilyo. Awang Awa ako rito.

Hindi ko na nakita pa si Apo Lamberto dahil inilipad na ako ng halimaw palayo. Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa pagod at pagkakahigpit ng hawak sa akin ng halimaw.

" Apo Lamberto... Albert....." huling nasabi ko at nagdilim na ang lahat sa akin...





" Bitawan niyo ako!!! Nagwawala naman si Lander sa pagkakahawak ng nilalang na kalahating tao at kalahating kabayo o tikbalang.

Ipinasok ng nilalang si Lander sa isang rehas na bakal na kulungan. Pagkapasok nito sa kanya ay iniwan rin siya nito.

" Mga demonyo kayo!! Palabasin niyo ako rito! malakas niyang sigaw.

Nahuli kasi siya kanina habang namamahinga siya, matapos makarinig ng kaluskos ay hindi na siya nakatakbo ng dambahin siya ng tikbalang.

" Lander.. aking mahal.." sabi ng papalapit na babae.

" Hayop ka Chynna! Hindi pala! Dahil ikaw naman talaga si Charry!" galit na sigaw ng binata.

Natahimik naman si Chynna.

" Alam mo na pala... " walang emosyong sabi ng babae.

" Oo!! At alam ko na rin na ikaw pala ang pumatay sa kapatid ko!! " sigaw muli ng binata.

Nanlisik naman ang mata ng babae.

" Dapat lang sa kanya iyon!! Inalipusta niya ang pagkatao ko! " sabi nito.

" Pero kahit na!! Wala kang karapatang patayin siya!!" ganting sigaw ko muli.

" Sawang sawa na ako Lander... sawang sawa na ako sa pang aalipusta nila sa akin.. Lalong lalo na ang sarili kong ina!!" humahagulhol na sabi nito.

" Pero kahit na! Hindi yan dahilan para sumamba ka sa demonyo.....! Ako Charry... alam mong hindi kita inalipusta.. " Hindi ako katulad nila..." hindi pa huli ang lahat, pwede ka pang magbago.." mababa na ngayon ang boses ng binata.

" Huli na Lander...Andito na ako sa sitwasyong ito, ayaw ko nang maranasan ang panglilibak ng mga tao..." sabi nito.

Napailing nalang ang binata. Alam niyang wala na kahit konting konsiyensiya pa ang babae.

" Ang tangi ko nalang gusto ngayon ay ang pagmamahal mo Lander....Mahal na mahal kita!" malambing na sabi nito.

" Hindi.. hindi kailanman kita magagawang mahalin.. hindi ako magmamahal ng isang halimaw na kampon ng demonyo..." galit muling sabi ng binata.

" Lander..." may sakit naman sa mukha ng babae.

" Mabuti pang patayin mo nalang ako... kesa naman ang ipilit mo akong mahalin ka.. " pinal na sabi ng binata.

Nawala naman ang sakit na bumadha sa mukha ng babae. Napalitan ito ng ngisi.

" Magagawa ko ang kahit ano Lander...  Kahit ang pagmamahal mo ay kayang kaya kong kunin.." pagkasabi noon ay tinalikuran na siya ng babae.

Napasuntok nalang sa rehas na bakal ang binata.

Ilang saglit lang ay may narinig siyang ungol sa isa pang rehas na bakal na nakaharap sa kinakukulungan niya.

May naaninag siyang tao na nakaupo doon.

" Sino yan? " tanong ng binata.

" Ahhh... Ughhh...!!" ungol muli.

" May tao ba diyan?" muling tanong ni Lander.

" Kristine apo ko...." sabi ng boses.

Nagtaka naman ang binata sa sinabing pangalan ng taong iyon.

" Sino ka ba?" muling tanong ng binata.

" Ang apo kong si Kristine...Ako ang lola niya si Ditas.

Nanlaki ang mata ng binata sa sinabi nito. Bakit naririto si Lola Ditas ang lola ng kaibigan niyang si Kristine..

" Lola Ditas! Ako po ito si Lander.." pakilala ng binata.

" Diyos ko... Lander iho.. ikaw ba yan? " garalgal na sagot nito.

" Opo Lola..." Paano po kayo napunta dito?

" May halimaw na kumuha sa akin, at dinala ako rito.! Si Kristine! Siguradong nandito rin siya!" sabi nito.

" Ano po? Bakit po siya pupunta rito?" takang tanong ng binata.

Ikinuwento naman ng matanda ang lahat sa binata.

Nanlumo sa narinig ang binata. Siguradong sa oras na ito ay nasa panganib narin ang buhay ni Kristine... Ang bestfriend niya....












Itutuloy....
      

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 74.3K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
162K 9.1K 44
π»π’Ύπ‘”π’½π‘’π“ˆπ“‰ 𝓇𝒢𝓃𝓀: 1 in zombie; 2 in apocalypse How much courage and faith do you have to survive? Will you run for your life in the midst of d...
657K 46.9K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
1.9M 53K 40
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...