Tainted

By PollyNomial

68.4K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 15

1K 35 1
By PollyNomial

KABANATA 15 — Die


Nababaliw na nga ako. Nababaliw ako dahil sa'yo. Nababaliw ako sa'yo, Zandra.

Mariing kong kinagat ang pang-ibabang labi mapigilan lang na lumabas iyan sa bibig ko. She continued hugging me from behind. Parang ito ang paraan niya upang pigilan akong umikot at makita siyang umiiyak.

Tunog pa lang ng pag-iyak niya, nawawasak na ang puso ko. If I see it, it will surely kill me. Kaya naman hinayaan ko ang ganoong posisyon namin. We were in that position for a long time until she let go. I felt empty when her arms left me.

Bumuntong hininga ako at umikot para makaharap sa kanya. She was about to turn her back on me but I held her arm. Hindi siya nagpapigil nang ilingon ko ang kanyang katawan sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" halos pumiyok ang aking boses. I didn't know that her pain can hurt me like like this. Parang may isang kamay na nakabalot sa puso ko at pinipiga iyon.

Yumuko siya. Determinado siyang iwasan ang aking mga mata. I am determined too. Hinawakan ko ang kanyang baba at inalalayan iyon upang maiharap ang mukha niya sa akin. Ang mata na lang niya ang sa iba nakatingin.

"Zandra..." tawag ko sa kanya.

Nakatikom ang kanyang bibig. Ni hindi ko naririnig ang paghinga niya. Nagtiim bagang ako bago ko bahagyang tinampal ang kanyang pisngi.

Mabilis ang paggusot ng kanyang kilay at dumapo ang mga tingin niya sa akin. Ngunit hindi siya nagsalita kahit na matalim ang mga tingin niya.

"I am asking you, Zandra. Bakit ka umiiyak?" tanong kong muli, mas banayad. May kislap pa rin sa basa niyang mga mata nang umiwas ulit siya.

Hinimas ko ang likod ng aking leeg kung saan dumaloy ang mga luha niya. Ipinakita ko iyon sa kanya bago nagtaas ng kilay. Tiningnan niya lang iyon.

"Ako ang unang nagtanong," matibay ang pagsasalita niya, taliwas sa nanghihina niyang hitsura. "Bakit ka ganito? Bakit mo ito ginagawa?" Nilahad niya ang kamay na parang nasa paligid naming dalawa ang lahat ng tinutukoy niya.

Umigting ang panga ko. Wala akong balak na iwasan ito. If she wants an answer, then I will give it to her. Ito ang gusto ko. Ang kausapin niya ako at magtanong siya sa akin.

"Dahil concern ako sa'yo. Ilang beses ko bang..."

"Andrew!" tumaas ang boses niya. Sumasabog at mahirap pakinggan ang galit niya.

"Let me explain, okay? Let me finish!" sikmat ko at hinanda ang sarili sa gagawing pag-amin.

Hindi na ako makakapagpigil.

"Gusto kita rito. Gusto ko nandito ka sa tabi ko kaya ginagawa ko ang lahat ng ito. I bought you the things you need para hindi mo na maisip na umalis at dito ka na lang tumira kung nasaan din ako." Marahas kong hinagod ang aking batok. Hindi ko na napigilan at lahat ng salitang nasa isip ko ay isa isang lumalabas sa bibig ko.

Hindi ko pinansin ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang mukha. This is not the time to cower. Sinimulan ko na kaya tatapusin ko ito.

"I don't know what this is all about." Nilahad ko rin ang dalawang kamay gaya ng ginawa niya kanina. Parang makikita roon ang lahat ng kabaliwan ko sa kanya. "Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa para sa'yo. Siguro nga may mga naging sagot at dahilan na ako pero kulang pa iyon. Yes, I am worried. Yes, I am concern. Nangako ako sa'yong poprotektahan kita at 'yon ang tinutupad ko. But there is something else, Zandra... May iba pang dahilan na hindi ko pa kayang pangalanan," nanigas ang panga ko sa bawat pagsasalita ko.

Nanlalabo ang paningin ko. At habang pinapanood niya akong ganoon ay nakatahimik lang siya, pinakikinggan ako. Punong puno ng kaguluhan ang kanyang mga mata ngunit hindi siya nagsalita upang magtanong.

"Gusto ko lang maging kaibigan mo..." kumunot ang noo ko sa sinabi kong iyon. "I want you to see me as your friend. Gusto kong maging panatag ka sa akin. Gusto kong pagkatiwalaan mo ako. I don't want you to think that I am only here because I want you," diniin ko ang mga salita. "Alam kong hindi iyon ang iniisip mo dahil wala ka rito kung may pagdududa ka sa akin. I am not here to harm you, Zandra. I am your friend. Pero kulang pa," hirap kong utas. "Nakukulangan pa ako. Hindi pa sapat na sinabi mong magkaibigan na tayo. Hindi iyon ang nararamdaman ko..."

Dinala ko ang dalawa kong palad sa aking mukha. Marahas kong pinunasan ang lahat ng frustrations na nakapaskil doon. Naglabas ako ng masamang hangin mula sa aking katawan hanggang sa hinarap ko ulit siya.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema... Anong problema mo, Zandra?" punong puno ng pagsusumamo ang boses ko.

Tiningnan niya ako na para akong baliw na nakikiusap sa kanyang harapan. Bumaba ang tingin niya at bumalik uli sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Hindi ko alam kung magsasalita na ba siya at sasagutin ang tanong ko.

"If I am your friend, then you'll talk to me... Sasabihin mo ang mga problema. Marami akong napapansin, Zandra. Nakikita ko sa mga mata mo na may tinatago ka sa akin..."

Pinutol niya ako. "Wala kang karapatang alamin iyon," matibay niyang utas.

"Pero magkaibigan tayo..."

"It's not enough..." umalon ang boses niya nang sabihin iyon. Tila hindi rin siya sigurado sa kanyang sinabi.

"Sino 'yong tatlong lalaki?" Sa tanong kong iyon ay nanlaki ang mga mata niya.

Nawala ang kaluluwa roon. Kahit na nababahala ako sa reaksyon niya ay nagpatuloy ako.

"Bakit ka nila sinusundan? Bakit ka nila gustong makita? And why are you so scared of them? Bakit kailangan mong umiwas at magtago sa kanila?" sunod sunod ang mga tanong ko. At hindi pa iyon ang lahat. "Who's the guy who touched you at the bar? Bakit mo siya kasama kung ayaw mo pa lang makipagsayaw o magpahawak sa kanya? Why were you even at the bar in the first place?"

"Tama na..." bulong niya.

Maraming pumapaikot ikot na mga salita sa utak ko at isa isa iyon nilalabas ng bibig ko.

"Bakit galit na galit ka sa akin noon? Tinulungan kita pero parang muhing muhi ka sa akin. You can't even look at me in the eye when I was trying to talk to you. You were shaking. You looked so terrified that time, Zandra. Takot na takot ang mukha mo na parang ako ang nanakit sa'yo," sa huling salita ay tumaas ang boses ko.

"Tama na... Stop this, Andrew," pakiusap niya nang hindi makatingin sa akin. Hinaplos niya ang magkabilang braso niya.

"Ngayon, bakit ganyan ka ngayon? Nanginginig ka na naman? Ano? Takot ka na naman? Bakit? Bakit natatakot ka? Tangina, Zandra, sagutin mo ang mga tanong ko kasi gulong gulo na ako pero gustong gusto pa rin kitang tulungan! Gusto kong kamuhian ang mga dahilan kung bakit ka nagkakaganyan—"

"Tama na!" pumiyok ang kanyang boses at bumuhos ang mga luha niya.

Ngunit hindi ako tumigil.

"What happened? Sa nakaraan mo, may nangyari ba? Hindi mo lang alam pero napapansin ko kada iiwas kang pag-usapan iyon. There was always a wall between you and your past! Na parang ayaw mo itong papasukin sa sarili mo."

Nanghihina niyang nabitawan ang mga hinahaplos na braso at bumagsak ang dalawang kamay niya. Umatras siya palayo sa akin.

"Tama na! Ayoko na!" humagulgol siya sa pag-iyak. Patuloy ang pag-atras niya na parang lumalayo sa kinatatakutan niya. Ang dalawang kamay ay nakatakip sa tainga niya.

Umangat ang tingin niya sa akin at pulang pula ang kanyang mga mata. Nagulat ako sa rumehistrong takot doon. Nakaawang ang aking bibig at nanlalaki ang mga mata dahil sa sobrang takot na ipinapakita niya. Umamba akong lalapit ngunit mas namilog ang mga mata niya. Napako ako sa kinatatayuan ko nang itaas niya ang dalawang kamay upang patigilin ako sa paglalakad.

"Ayoko na... Tama na! Huwag kang lalapit sa akin. Huwag kang lalapit sa akin!" malakas niyang sigaw.

I panicked. Hinihingal ako at natigil ang panlalabo sa mga mata ko. Nakabuka ang aking bibig na may gustong sabihin pero walang lumabas na salita. Gusto ko siyang lapitan pero nakababahala ang paglayo at ang mga sinasabi niya.

Nang mapatid siya dahil sa upuan ay kinain ng mga paa ko ang distansya naming dalawa.

Tumili siya at nagpumiglas nang saluhin ko siya.

"Zandra!" niyugyog ko ang kanyang balikat.

Patuloy ang paghagulgol at pagpapalayo niya sa akin. Sumikip ang dibdib ko nang manigas ang kanyang katawan para lang hindi madikit sa akin. Tumatagilid ang ulo niya makalayo lang at nakangiwi ang kanyang mukha sa takot. Hindi ko alam kung guniguni ko lang ba pero may pandidiri rin sa kanyang mga mata.

"Tama na... Pakiusap, tama na po... Ayoko na... Tama na," panay ang kanyang pag-iling. Naninigas ang kanyang katawan. Nakakumpol iyon na parang nilalamig, ang tuhod ay nakadikit sa kanyang mukha.

May iba siyang nakikita. Sigurado akong hindi para sa akin ang mga pagsusumamo at pakikiusap niya.

"Zandra, look at me!" sigaw ko pabalik. "Tumingin ka sa akin!" Nilagay ko ang dalawang kamay sa pisngi niya at nahirapan pa sa kapupumiglas niya. "This is Andrew, Zandra. This is me..." nanghihina ang boses ko pero idiniin ko iyon para lang maintindihan niya.

Hinawakan ko siya ng mahigpit. Dinala ko siya sa aking mga bisig habang pinapaalala sa kanya kung sino ako at kung nasaan siya. Nababalot ng dilim ang mga mata niya. I just triggered something in her. Something in her past. Hindi ko alam na ganito iyon kalupit na kaya siya nitong hilahin patungo sa kadiliman.

I held her tighly in my arms. She will never go there. I will never let it get her. Ibinalik ko siya sa liwanag ng kasalukuyan. Panay ang aking pagpapatahan. Tumigil na siya sa pagsigaw ngunit patuloy ang kanyang paghikbi.

"Shhh, Zandra. I am here. Si Andrew, ang kaibigan mo. Come back to me, Zandra." Inugoy ko ang aking katawan gaya ng ginagawa sa isang sanggol.

Pumikit ako at ipinatong ko ang aking baba sa ibabaw ng ulo niya. Her head was resting on my chest. Unti unti ay napapanatag ang kanyang paghinga hanggang sa nawala na rin ang mahihinang hikbi niya. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Zandra..." tawag ko sa kanya.

Nanginginig siya sa aking mga bisig ngunit nagawa niyang iangat ang kanyang mukha. Namumula ito nang humarap sa akin.

"Andrew," umalon ang kanyang boses at tumulong muli ang mga luha. "Ayoko, Andrew. Ayoko... Ayoko nang balikan iyon." pagsusumamo niya habang panay ang iling.

My heart shattered into pieces. I've just witness a horrible part of Zandra's life. Maaaring hindi pa iyon ang lahat. Maaaring hindi pa iyon ang kabuuan. Pero ang patikim na iyon ay winasak ako ng pinong pino. Hindi ko alam kung anong magagawa sa akin ng kabuuan ng malupit niyang nakaraan kung ito pa lang ay dinudurog na ako.

"You will not get back there, Zandra. You'll stay here... with me," malinaw ang aking boses.

Sinubukan kong huwag ipakita roon na natatakot din ako para sa kanya. She needs me right now. Ayokong makita niyang pati ako ay nanghihina rin para sa kanya.

"You have to rest. Dadalhin kita sa kwarto mo..." halos patanong kong sinabi iyon sa kanya. Hindi ko alam kung dapat na ba kaming kumilos o kailangan pa niya ng oras upang makabalik ng buo. She nodded her head, though. Kaya naman hinigpitan ko ang kapit sa kanyang katawan at sinikop siyang muli patungo sa kanyang silid.

Isinabit niya ang mga braso sa aking leeg. Kinagat ko ang aking labi at pinagmasdan ang nakakunot niyang noo at pikit na mata. She's sobbing again and it's hurting me. Nilunok ko ang panghihina bago binuksan ang pinto.

Nilapag ko sa sa kama. Imbes na humiga ng maigi ay kinumpol niyang muli ang katawan sa isang pwesto. Niyakap niya ang kanyang tuhod at para siyang isang maliit na musmos sa aking paningin. Nanikip muli ang aking dibdib. Nakaigting ang aking panga nang umupo ako sa kanyang tabi. I brought my hand on his forehead. Para siyang magkakasakit sa kanyang hitsura. It made me so mad, so angry at myself. Ako ang may dahilan kung bakit ganito siya ngayon. Ako ang nagdala sa kanya sa kadiliman. Kahit pa ako ang humila sa kanya palayo roon, ako pa rin ang may kasalanan.

Kaya naman hindi ko siya iniwan. I cuddled her and brought her face on my chest. Hindi siya nagreklamo. The always irritated and frustrated Zandra was now gone. Siya ngayon ay inosente at nanghihina. Niyakap ko siya ng mahigpit. Kasing higpit ng yakap ko sa kanya ang paghawak niya sa aking braso na parang ako lang ang kaya niyang kapitan sa mundong ito.

Inalala ko ang mga sinabi ko kanina. Every word I said was a mistake. Iyon ang nag trigger ng kung anong mayroon sa nakaraan ni Zandra. I'm sure there's something in there that made her miserable and scared. Kung ano man iyon, hindi ko makapa. Inalala ko ang mga tanong ko. Sa isang konklusyon lang ako bumabagsak sa tuwing iisipin ko ang posibleng dahilan nito. A man, or... men? Lalaki kaya ang dahilan nito?

"I'm so sorry..." bulong ko sa kanyang tainga.

I couldn't think of anything else yet. Saka ko na bubuuin ang mga piraso ng mga putol putol at nakakalitong pangyayari ngayong gabi. The only thing I need to do right now is to ease Zandra's pain away.

"Shhh," patahan ko sa mga maliliit at mahihina niyang hikbi. She held on tight to me. So tight that she couldn't seem to do anything else in this world than to hold on to me. Hinayaan ko siya ako ang kapitan niya.

Unti unti ay naging banayad ang kanyang paghinga. Sa puntong ito ay alam kong nakatulog na siya. But even if she was fast asleef, she still has that familiar crease inbetween her eyebrows. Pinanatili ko ang kanyang mukha sa aking dibdib at hinimas ang kanyang buhok.

"It's okay," I whispered. Dinala ko ang aking paningin sa nakapikit niyang mata. "I won't bring you there again. Hindi na, Zandra. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin," nanginig ako sa mga sinasabi ko. Naramdam kong basa ang mga mata ko. "I'm so sorry, baby..." Hinalikan ko ang kanyang noo.

Hindi ko na pinansin kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Hindi ko na rin pinansin ang pangangalay ng aking katawan. I eased away from her nang maramdaman kong maayos na siya. I will get some water para kapag nagising siya ay maibibigay ko iyon sa kanya. Sa rami ng niluha niya kanina, palagay ko ay naubos ang likido sa katawan niya.

Binitiwan ko ang kanyang kamay. Tumalikod ako at hindi pa nakakahakbang patungong pinto nang marinig ko ang kanyang tili. Tumakbo agad ako palapit sa kanya. I was alarmed by her screams.

"Zandra!" Sinubukan ko siyang gisingin at nabunot ang tumusok na tinik sa aking dibdib nang dumilat siya.

Bilog na bilog ang kanyang mga mata nang dumapo iyon sa akin. Kinuha niya ang kamay ko ang dinala niya iyon sa kanyang dibdib. I could feel her heart pounding so hard inside her chest. Inangat ko ang sarili upang makatabi ulit sa kanya at dinala siyang muli sa aking mga bisig.

"Zandra, shh." Kahit ako ay nanginginig sa takot. What the fuck is happening?! Bakit siya nagkakaganito? Kung ano man ang dahilan nito, kung sino man, siguradong mawawasak at mapapatay ko.

Nang manahimik ay inangat niya ang mukha sa akin. Punong puno ng hinanakit, galit, takot, pagsusumamo at kung anuano pang emosyon ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano iyon nagsasama sama.

"I hate him..." Nung una ay hindi ko pa nakuha ang kanyang ibinulong ngunit nang ulitin ay saka ko iyon malinaw na narinig. "I hate him... I hate him so much. He deserved to die. He deserved to die..." matapos ng mga galit na bulong ay huminahong muli ang kanyang katawan.

She's alseep again.


Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
44.7K 653 33
Fernandez Series#1 Both Thalia Laurene Fernandez and Kenzo Vin Villarica were involved in a painful relationship. They fell in love, but things becam...
12.9K 506 45
[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked ab...
7.6K 343 41
A friendship that begins one summer- and a love story blooms after.