Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 14

1K 32 0
By PollyNomial

KABANATA 14 — Nababaliw


Nakipag kita ako kay Owen at Ethan para makipag catch up dahil matagal tagal na ang huling pagkikita namin. Ang dalawa ay abala na sa pag-aasikaso para sa college at sa kanilang mga pinasok na trabaho upang makapag-ipon ng pera.

"I got a scholarship because of football. Dad told me he's proud," ani Ethan. Positibo ang sinasbi niya pero mukhang hindi naman siya masaya.

"So proud... but your face is like that?" patanong na sambit ni Owen. Tinuro niya ang mukha ni Ethan na parang binagsakan ng langit at lupa.

Umiling ako at ngumisi habang pinaglalaruan ang aking inumin.

"Because I hate it! I don't want him to be proud of me," pasigaw na sabi ni Ethan at hinampas pa ang mesa.

Tumawa kaming dalawa ni Owen. Sinong mag-aakala na ang mahilig mag-party at uminom na si Ethan ay may problema rin sa pamilya? He has an alcoholic mother and a genius father. That's quite a combination. Hindi ko maintindihan ang mga kwento niya pero sa suma total ng mga iyon, hindi nagkakasundo ang mga magulang niyang malapit nang mag-divorce. His mom doesn't want to take him while his dad has a set of conditions if he chose to live with him. Isa na nga ang makapasok sa pangarap nitong university para sa kanya at maglaro ng football.

"Don't be stupid, dude. You got a scholarship. Maglalaro ka lang ng football. Hilig mo naman iyon, why not just go for it?" utas ni Owen.

"I agree with him," sunod kong sinabi.

Umiling si Ethan. Lumipat ang tingin niya sa akin. Tumagilid ako upang makaharap sa kanya. "And then I'll be his slave for the rest of my life," aniya at sinapo ang ulo.

Wala kaming nagawa kundi panoorin at pakinggan ang kanyang mga hinaing sa kayang pamilya. Habang sila ni Owen ay nag-uusap at nagtatalo kung gaano siya kswerte ay sumulyap ako sa aking phone.

Tinipa ko iyon upang umilaw at ang pag-asa ko ay naglaho na naman. Zandra hasn't texted me for two days. Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Every time I call her, it will just go to the voice mail. Naiinis na ako pero naisip kong baka busy siya.

Hindi ko alam na nagtatrabaho pala siya. She never mentioned that until the other day. Gusto kong itanong kung ano ba ang trabaho niya pero hindi ko pa siya nakakausap. I wonder if her workplace is harmless. I wonder if she's safe right now.

"I'll be leaving next week." Iyon na lang ang naintindihan ko sa sinabi ni Owen nang tumingin at makinig ulit ako sa kanila.

Tinatamad akong humilig sa sandalan. "Lilipat ka na agad?" tanong ko.

"Yeah. I found a job in California. I'm planning to work while I study for college," sabi niya. "Kahit na may allowance ako from dad, it's still not enough." Doon ko nakita ang pinagkaibiga nila ni Ethan. Kaya naman sobra ang pagalit ni Owen dito.

Tumaas ang kilay ko. Si Ethan naman ang nagkaroon ng tsansang mang-asar. "Woah! Didn't expect to hear that from you," tuwang tuwa siya nang sumimangot si Owen.

Nang dumating ako rito, hindi ko na inisip na maghanap ng mga kaibigan habang inuubos ko ang oras sa pag-aaral. Hindi ko naisip na magkakaroon ako ng mga Pilipinong kakilala rito na hanggang ngayon ay kasama ko pa rin. They were true to me kahit na madalas nila akong pinagtutulungan. Sa loob ng pagsasama namin nila Owen at Ethan ay isang bagay lang ang hindi namin napagkasunduan. Ito ay ang mag-party tuwing weekend at mambabae. They still carry my culture, somehow. Kaya nagkakasundo kami. Pero mukhang paubos na ang mga araw na maaari ko silang makita.

Sana lang ay pwede kong banggitin ang tungkol kay Zandra. Gusto kong magkwento at magtanong sa kanila tungkol sa mga pinaggagagawa ko. But I don't think it is right to just talk about her. Hindi ko kaya. I feel like I am betraying her. Hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang pakiramdam ko.

Niyaya kami ni Owen sa kanyang 'farewell party'. Sa bahay niya raw iyon gaganapin dahil wala ang mga magulang niya sa darating na weekend. Pinilit nila akong dalawa dahil alam niyang tatanggi na naman ako. But this is for my friend. It's the least thing I can do before he leaves.

Gabi na nang makauwi ako sa aking apartment. Nakayuko ako at pinapaikot ang susi sa daliri nang makarinig ako ng tunog ng takong.

Zandra is standing outside my door. Binilisan ko ang paglalakad patungo sa kanya. Nilingon niya ako nang marinig ang mga yapak ko.

Malamlam siyang ngumiti nang makita ako.

"What are you doing here?" tanong ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Hindi na ba ako pwede rito?" matabang niyang tanong.

I turned to look at her. "I did not say that. Hindi ka kasi nagpaparamdam tapos madadatnan na lang kitang naghihintay sa pinto ko," sabi ko at tinalikuran siya.

May kaunting kirot sa dibdib ko. Kumunot ang noo ko nang sulyapan ko ang aking dibdib. Nagtatampo ba ang tono ko? Nagtiim bagang ako.

"I was busy," simpleng paliwanag niya. Can't she atleast give me a long explanation?

Umupo siya sa sofa. Ipinatong niya ang dalawang paa sa ibabaw ng coffee table. Looking so comfortable, huh? Hinayaan ko siya roon nang tumungo ako sa bathroom para mag-shower.

Panay na paghugot ko ng malalim na hininga. I can't just tell her how worried I am when she didn't talk to me for two days. Siguradong mag-fi-freakout na naman siya. Sasabihin na naman niya na hindi ko kailangan mag-aalala dahil kaya naman niya ang sarili niya.

Sinapo ko ang aking dibdib at sinandal ang noo sa malamig na pader. If this has a deeper meaning, I don't think I could handle it right now. Lalo na siya. Ayokong isipin niya na kaya ko siya laging nilalapitan ay dahil gusto ko siya. I want her to think of me as his friend. Saka na ang mas malalalim na dahilan.

I knew I like her. Alam ko na iyon simula pa lang. I wouldn't waste my time for her if I don't. Pero hindi pa pwede iyong hihigit pa roon. Hindi pa ako sigurado. Hindi ko rin alam kung handa ba siya oras na higitan ko pa ang nararamdaman ko para sa kanya. I won't be able to control this, I am so aware of that. Kaya nga hangga't wala pa ay aayusin ko muna siya at ihahanda.

Lumabas ako ng banyo na isang asul na tuwalya lang ang suot. Zandra looked at me with her mouth slightly opened. Lihim kong minura ang aking sarili. Pinanood niya ako hanggang sa makalakad ako sa kusina. I could feel her watching me while I open the refrigerator. Pakiramdam ko, tinutusok ako ng kanyang titig.

For God's sake, I am a growing man! I'm human and damn I have damanding hormones! Nagsisisi ako dahil nakaranas ako ng experience. Kung hindi ay baka hindi ito hinahanap ng katawan ko ngayon. Tinigil ko ang pag-inom at tumikhim. I don't want to lose my voice while trying to talk to her.

"So... What did you do that you were busy you can't even talk to me," tanong ko sa kanya.

Nilingon ko siya at halos magwala ako nang nakatitig pa rin siya sakin. I got hold of myself before I explode.

Tinitigan pa niya ako ng ilan pang segundo bago siya nagkibit balikat. "Nag-out of town kami ng family ko," aniya.

Hindi ako umimik. It's because I didn't understand what she said. I was so distracted by many things, especially with this raging fire within me. Habang kinokontrol ko ang katawan ko ay pinanood ko siya. We are meters away from each other. I think our distance should be kept this way. Lalo na at dito pa lang ay nakikita ko na ang makinis niyang balat. Sometimes I can handle this, minsan ay nakakaya ko pa ngang huwag pansinin. Pero sa mga ganitong pagkakataon kung saan nakatuwalya lang ako at siya ay tahimik at malalim ang titig sa akin, kung anuano ay tumatakbo sa utak ko.

Bago pa may mangyaring hindi kanais-nais sa katawan ko ay umalis na ako ng kusina at tahimik na tumungo sa aking kwarto. I inhaled deeply and exhaled all the frustrations inside of me. Kinuyom ko ang aking kamay. Zandra isn't just a friend to me. She will never be just my friend. Dahil hindi ito iisipin ng isang kaibigan sa kapwa niya kaibigan.

God, I want her. That thought sent shivers down my spine. Sa bawat araw na pinipigilan ko ang sarili ko, sa bawat araw na iniisip kong hindi ko siya pwedeng naisin dahil kaibigan ko siya, sa bawat araw na inaalala ko ang pag-iwas niya sa mga lalaki sa hindi malaman na dahilan, mas lalo pa yatang umaatikabo ang apoy ng pagnanais ko sa kanya. The more I try to get hold of myself, the more anticipation I have for her.

Sinigurado kong bago ako lumabas sa kwarto ay maayos na ang lagay ko. Huminga ulit ako ng malalim bago ko pinihit ang hawakan ng pinto. Bumungad sa akin si Zandra na payapang natutulog sa sofa. How could I think of dirty thoughts about her when she's this innocent? Ako lang ang gumugulo sa sarili kong mundo.

Nilapitan ko siya at huminto ako ng ilang pulgada sa harap niya. Naupo ako sa coffee table at tinitigan ang kanyang mukha. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok sa kanyang mukha. Iyon lang dapat ang gagawin ko pero hindi ko napigilang haplusin ang kanyang pisngi.

"Why are you so complicated?" I didn't mean to say my thoughts out loud. Kinagat ko ang aking labi. "What happened to you, Zandra? Kahit hindi mo sabihin, alam kong may problema. Can you tell your problems to me? Masasabi mo ba 'yon kahit bago pa lang ang pagkakaibigan natin? I don't know what's happening but I am willing to help you. If you just let me..."

Kinuha ko ang kanyang braso at isinabit iyon sa aking balikat. Dahan dahan ko siyang sinikop upang dalhin sa kwarto niya. Nahihirapang binuksan ko ang pinto at bahagyang sinipa para bumukas. Itinabi ko ang pajama niyang nakalatag sa kama at inihiga siya roon.

She was fast asleep. Payapa ang kanyang paghinga. Kinumutan ko siya at hinayaan siyang matulog dahil mukhang pagod na pagod siya.

Lumabas ako at sinimulan ang paghahanda ng hapunan. I won't allow her to eat only salad this time. Pero gumawa pa rin ako na sapat lang bilang appetizer niya. Kaldereta ang niluto kong ulam na sa tingin ko ay ngayon lang din niya matitikman. She merely talks about her past. If she does, just a bit of information about it. Kung hindi pa nga ako magtatanong ay hindi siya magkikwento tungkol dito. And it didn't stop me from noticing something each time she talks about it. It was always guarded. Parang may isang pader na nakaharang sa gitna niya at ng nakaraan niya. Something I have always observed but never asked her about it.

Kasabay natapos maluto ng kaldereta ang kanin. I put it all in a clean plate and served it on the table. Nang makarinig ako ng maliliit na ingay mula sa loob ng kwarto ni Zandra ay nagmadali na ako upang pagkalabas niya ay kakain na lang siya.

"Where's my bag?" bungad ni Zandra nang lumabas siya ng pintuan.

Naglakad siya patungong kusina kung nasaan ako.

"Nakapatong pa rin sa coffee table," tinuro ko iyon.

Tumingin siya roon at ngumuso. Parang inisip kung bakit hindi niya iyon nakita nang dumaan siya roon.

"Dinner's ready. Maghilamos ka muna," utas ko at ngumisi sa mukha niya.

Nanatili ang pagnguso niya. Sumulyap siya sa kwarto kung saan siya nanggaling kaya napantingin din ako roon.

"Bakit hindi mo sinabing may nahanap ka na palang rerenta sa kwartong gamit ko? Nakakahiya, dapat hindi mo na ako dinala roon," aniya habang sinusuri ang nakahaing pagkain sa mesa. "What's this?" Hindi ang tanong na iyon ang sinagot ko.

"Wala pang rumerenta roon," utas ko. Nilapag ko ang pitcher sa gitna ng mesa.

"Huh? Pero may mga gamit na..." tumingin siyang muli sa kwarto at sa mukha ko. Tila may iniisip na hindi makuha ang punto.

"Those are yours," simpleng sabi ko matapos ay iminuwestra ang kanyang upuan. "Kumain na tayo," sambit ko at naunang maupo.

Hindi siya agad kumilos. She stood there like she's thinking of something ridiculous and unbelievable. Nagmartsa siya sa kanyang upuan at padabog na umupo roon.

"Andrew..."

Umangat ang mga mata ko. Pabulong ang kanyang tinig. Pinigilan kong tumayo ang mga balahibo ko roon. Nang titigan ko ang mga mata niya ay may kaguluhan doon. Umigting ang panga ko. Ipinaliwanag ko ang dapat ipaliwanag.

"Namili ako nung isang araw sa grocery. I saw some stuff that you could use whenever you're here. Marami kang kailangan like towels, toothbrush, clothes, and some girl stuffs. Para naman kapag dito ka natutulog ay hindi ka nahihirapan. Makakapagpalit ka rin ng damit..." tumigil ako sa pagsasalita nang may maaninag sa kanyang mga mata.

Nangingilid ang mga luha niya at kagat kagat niya ang labi niya. Iniwas niya ang tingin nang malamang nakatitig ako at nakikita ko ang nalalapit niyang pagluha. I didn't move on my seat. I want to run to her, though. Gusto kong saluhin ang bubuhos niyang luha.

"Kumain ka na..." namaos ang aking boses. Hindi ko kayang magtanong. Ayokong magtanong ngayon. If she wants to tell something to me, then she will without me asking her any more questions. Kung may gusto siyang pag-usapan, siya mismo ang magbubukas ng paksa. Yet she's avoiding my gaze. It only means that she won't talk about anything at this moment.

Dahil hindi siya gumalaw at nanatiling nakayuko ang mukha ay ako na ang tumayo para maglagay ng pagkain sa plato niya. Hindi ko na pinansin ang salad na katabi ng ulam. She has to eat. Hindi ko sinasabing pangit ang hubog ng katawan niya pero kung hindi siya kakain ng maayos ay papayat pa siyang lalo.

"You need to eat rice. Para hindi ka tuluyang pumayat..." Pinaglagyan ko siya ng sapat na rami ng kanin at ulam sa pinggan. Nilagyan ko na rin ng juice ang baso niya.

Naupo akong muli sa harap niya at ako naman ang kumuha ng pagkain.

"This is kaldereta. Are you familiar with this? Nagluluto ba ng ganito ang mama mo?" Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ako. "Mas masarap kung sasamahan mo ng kanin. Alam kong hindi ka mahilig pero subukan mo lang," sunod sunod ang pagsasalita ko kahit na wala siyang imik sa harap ko.

Pinagmasdan niya ang pagkain. Pinanood ko siya sa buong pananahimik niya. Nang umangat ang kamay niya para sa kutsara ay lumuwag ang paghinga ko. I thought she'll just stare at the food the whole time.

Tahimik kami sa buong pagkain. Hindi na ako nagsalita. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin. Sa sobrang tibay ng katahimikan ay nawalan ako ng kakayahang basagin iyon. Hanggang sa matapos ay walang nagsalita sa amin. Tanging ang mga tunog lang ng kutsara, pagnguya at paghinga namin ang naririnig sa paligid. When we're both done eathing, I stood up and started cleaning the table.

Tumayo rin siya. "Are you going to sleep here?" tanong ko.

Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Hindi siya nagsalita kaya lumingon na ako. Pinapanood pala niya ang pagliligpit ko sa kusina. Tumango siya at nanatiling nakatayo sa likod ng kanyang silya. Hindi siya ganito. She would always help me clean up when we're done eating. Ngayon ay para siyang nawalan ng lakas na gawin ang kahit ano.

"Magpalit ka ng damit kung matutulog ka na. There are some clothes in the closet. Sa loob ng kwarto mo. It's not my clothes anymore. Ibinili kita. If you want to take a bath, may tuwalya ka na rin sa bathroom at toothbrush." Nagsimula akong maghugas ng pinggan.

Titig na titig ako sa hinuhugasan ko. Hindi ko na alam kung saan pa ba aabot ang lahat ng ito. Mabigat ang hanging nakapaligid sa akin. Habang pinapaalam ko sa kanya ang lahat ng ginawa ko para sa kanya, ang mga ipinamili ko para sa kanya, ang mga kailangan niyang tinugunan ko habang nandito siya, ay pakiramdam ko ay lumalalim at dumadami ang mga tanong sa isip niya. It gets worst for me too. Kaibigan ko siya pero hindi ba parang sobra na? Maaaring ito ang isipin niya.

Nang wala nang marinig na kahit ano mula sa aking likod ay napagtanto kong umalis na siya. Maybe she went to her room or in the bathroom. Or maybe she left because she's already freaking out.

I continued washing the dishes without turning around to find out what happened to her when warm and soft arms embraced me. Nahigit ko ang aking hininga. Ilang segundo pa bago ko nakayanang ibaba ang tingin sa aking tiyan upang tingnan kung ano ang mainit na nakadampi sa ibabaw ng damit ko. It's obvious but I was still shocked when I saw Zandra's arms around me. I feel a pressure in my bloodstream. The cloths inbetween my skin and hers didn't stop the heat coming from her body to mine.

"Ano 'tong ginagawa mo? Bakit ganito? Bakit ka ganito? Nababaliw ka na, Andrew..." bulong niya sa aking leeg at naramdaman ko ang pamamasa ng aking balat doon.


Continue Reading

You'll Also Like

339K 10.5K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
15.3K 647 21
Trisha is totally attracted to Dominic since Day 1. But Dom is smitten with a much prettier, livelier and a younger girl. At maraming mga bagay na na...
119K 2.2K 53
Boundless Series Book 1 [Completed] An only child Sophia Montallana run away from home and lived from country to country to escape her father. She th...