Facing The Legacy (FS # 1)

By SilentInspired

1.7M 33.2K 1K

"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We h... More

Facing The Legacy
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Wakas
"Kamukha ito ng.."
SilentInspired Closer

Kabanata XIX

32.5K 728 11
By SilentInspired

Inabala ko ang sarili ko sa pag aayos ng gamit sa condo unit ko. Ang mga luma kong damit ay ibabalik ko mamaya sa bahay namin.

Binuksan ko ang refrigerator at masasabi kong kailangan ko ng mag grocery this weekend.

Napatingin ako sa orasan at dalawang oras nalang ay lunch na. Tinungo ko ang banyo at naligo na. Pagkatapos ko maligo ay nag ayos na din ako. Halos hindi ako makapili ng damit dahil pang malamig silang lahat.

I settled on a turtle neck sleeveless dress.

Tinext ko si Jade at sinabing palabas na ako.

Lumabas ako at halos matumba ako nung makabangga ko si Jade.

"Jade!" Sigaw ko at napahawak sakanya. Para siyang hinahabol ng aso sa pagmamadali niya.

"Ano bang ginagawa mo? Okay ka lang?" Nag aalala kong tanong. Tumango naman ito at hinila ako ng mabilis papasok ng elevator.

"Jade ano ba?! Mapipilayan ako sa ginagawa mo" sabi ko at nung nagsara ang elevator ay doon lamang siya parang nakahinga.

"Im sorry. Couz, can't we just move? I will find a new condo unit promise. Mas maganda at mas convenient" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What? Anong problema? Last time I check, wala naman problema dito and ikaw pa nga ang unang nag agree sa lugar na to--" natigilan ako nung mag flash ang mukha ni David sa isipan ko.

"I know this is out of context but are you and David an item before?" Tanong ko at nanlaki ang mata niya dahil dito.

"No!" Umiwas siya ng tingin at napasandal sa elevator.

Lalong nanliit ang mata ko sa inaakto niya. It's unusual to see her like this.

"We're best cousins right? You promise not to keep a thing from me like I am to you." Napalunok siya dahil sa sinabi ko. Kung ibang bagay lamang ito ay baka tawanan ko pa siya pero seryoso 'to.

"Well, it's complicated, it's just David and I are not in good terms." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumunog na ang elevator.

Lumabas kami at sakto ay naka receive kami ng message kay Jayden na nandito na siya sa labas.

"Hi JD" bati ko sakanya nung makalapit kami.

"Nandon na ang iba" na excite naman ako sa sinabi niya. I miss them so much.

Nung makasakay kami sa kotse ay parang nabunutan ng tinik si Jade. Sumandal ito at para bang nawalan ng problema.

"What happened to her?" Nagtatakang tanong ni Jayden.

"Nothing JD, just drive" naiinis na sagot ni Jade. Nag signal nalang ako kay Jayden na mag drive nalang.

Nung makarating kami doon ay nandoon na si Jerem, Jasper, Ate Pin at Kuya Jos. Mabilis silang tumayo at yinakap kami isa isa.

"I miss you. You're a woman now, Jas." sabi ni Kuya Jos sabay halik sa noo ko. Nag mature ang kuya ko!

"Aww, I miss you too Kuya" sabi ko at yinakap din siya. Si Ate Pin naman ang yumakap sakin.

"Did you like the unit?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako.

She look so elegant with her office attire. Naka pencil skirt ito at blouse but she still look so classy.

"Yes. I did and thank you" sabi ko naman.

"Miss you cousin. Super!" natawa ako sa sinabi niya.

"I miss you too" sabi ko at bumitiw na. Nakipag bro fist naman si Jasper sa akin.

"Jas! How are you?!" Masiglang bati niya at pabirong yinakap ako. Pinalo ko naman siya.

"Umayos ka nga! Adik mo" sabi ko at inayos ang damit ko.

"Arte! Dati naka jeans and shirt ka lang ngayon pa dress dress na" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nagtaas naman siya ng kamay.

"Look who's in suit?" Natatawang sabi ko at nagkibit balikat naman ang mokong. Parang hindi tumatanda tong mga to.

"Man! Ang tatagal niyo!" Pagmamaktol ni Jerem at napailing nalang ako. Umupo na kami sa mga upuan.

I miss this, I miss everything. Yung buo kami, feel ko tuwing buo kami kahit anong mangyari magiging okay ang lahat. Yung tipong secured.

"Kumusta ang mga bata?" Tanong ko sakanila.

"Ayos naman, ayun first year college na si Jamelia." Pinaka bunso samin magpipinsan si Jamelia. Napangiti ako sa balita. I suddenly missed them.

"Time fly so fast" nakangising sabi ni Jasper at kaya napangiti ako. Time really fly so fast.

"Si Josh pala?" tanong ni Kuya Joseph.

"Well, next week siya babalik dito. With his whole cruise and we invited ourselves to join him. Kasama tayong lahat." sagot ni Jayden na mukha naman nagustuhan nila.

"This is exciting! Nawalan ng excitement nung nawala kayo. Lagi nalang si Jos ang kasama ko" pag mamaktol ni Jasper kaya inambaan siya ng suntok ni Kuya Jos. Natawa naman kami dahil doon.

"Paano pa ako no? Gosh! Wala akong kasama mag shopping!" mas lalo akong natawa kay Ate Pin. Si Jasper at Kuya Jos lang ang pwede niyang makasama. Masyado na kaming na attach sa isa't isa kaya pati sa school kami ang mag kakasama. Mostly ay wala kaming close friends.

Nakita kong napatingin sila sa likod ko.

"Jess" masayang tawag ni Jayden sa likod ko kaya mabilis akong tumalikod.

Natigilan ako nung may nahagip ang mata ko. Ito nanaman, parang hinihila nanaman ako ng mga mata niya. Kita ko rin ang pag kagulat sakanya, mabilis kong iniwas ang tingin ko sakanya at tumingin kay Jess. Tumingin siya sa akin at ngumiti ako sakanya.

Lumapit siya amin at nakita kong masama ang tingin ni Jerem. Napailing nalang ako, di ko naman siya masisi dahil siya din ang isa sa pinaka close kay Jess before. Pinaka sobrang na a-attach din sa tao ay si Jerem.

"Why are you here?" malamig na tanong ni Jerem kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Napatingin ako kay Jess at hindi ko alam kung dahil ba sa klima ng China o dahil ba sa pagkain nila don at nag mukha siya lalong Chinese.

"Why? Tinalikuran niya tayo tapos lakas ng loob lumapit" mapait na sabi ni Jerem kaya siniko siya ni Jade.

"I-Im sorry" mahinang sabi ni Jess at hinila siya ni Dylan at linagay sa likod nito na parang pinoprotektahan ito.

Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Don't worry bro, pinagsasalitaan lang siya ni Jerem ng ganyan pero hindi naman siya sasaktan physically. Parang nanay mo lang yan kay Jas" natigilan ako sa sinabi ni Jasper. Isa pa to sa mga matapang samin. Napatingin ako kay Dylan at mukhang nagtataka siya.

"What do you mean? My mom to Jas? Nag usap kayo?" sunod sunod niyang tanong at sabay tingin sakin. His voice.. how I miss his voice. Umiwas ako ng tingin.

"Jap!" pag bawal ko sakanya pero ngumisi lamang ito.

"So mukhang hindi na kwento ng magaling mong nanay ang ginawa niya sa ate ko?" nakangisi ding tanong ni Jayden. Tahimik lang ang lahat at sobrang seryoso ng usapan.

Pinaghandaan ko lahat to pero parang wala akong masabi.

"This is not the time to talk about this." sabi ko sabay harap kay Ate Pin para humingi ng tulong. Tumango naman ito.

"Jas is right. Nasa harap tayo ng pagkain. Mabuti pa ay mag lunch muna" sabi niya kaya para akong nabunutan ng tinik.

"Mabuti pa sumabay na kayo" pag anya-ya ni Ate Pin at napatingin ako sakanya.

"Hindi--" mukhang hihindi ata si Jess pero pinigilan siya ni Dylan.

"Sasabay kami" sabi ni Dylan at nag palagay ng extension table sa gilid namin. Si Jade ay mukhang hindi rin komportable.

Tahimik lamang kami sa pagkain. Minsan ay mag tatanong sila Ate Pin at Kuya Jos ng mga ginawa namin.

"Who is Rickos?" napatingin ako kay Jasper sa tanong niya. Nakatingin lahat sa akin.

Randam ko din ang titig niya sa akin.

"Ah.. siya yung anak ni Tito Ram. A good friend of mine and pati din sila Jade, diba?" pagbaling ko kay Jade at nagkibit balikat lamang siya.

"Well last time I check, sayo lang siya nakikipag usap madalas" nakangising sagot ni Jade. Pinanlakihan ko siya ng mata. The is not so true! Close kaming lahat kay Rickos.

Bakit naman sinabi ni Jade to?

Napapitlag ako nung marinig kong may nabasag. Napatingin ako sa gawing iyon at nakita kong basag ang hawak ni Dylan na baso.

Pero mas nagulat ako nung tumayo siya at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at marahas akong tinayo. Hihilahin niya sana ako nung may humawak sa akin.

"Wala kang karapatan hilahin ang kapatid ko" madiin na sabi ni Jayden.

"Bitawan mo ako Dylan" seryosong sabi ko pero nakatingin lamang siya akin. Ibang iba siya ngayon, dati ay parati siyang hindi nababasa. Pero ngayon ay kitang kita ko kung gaano nag hahalo ang emosyon sakanya.

Malungkot at pag kainis ang nakikita ko.

"Simula ng sabihan ng nanay mo na hindi nararapat ang kapatid ko para sayo ay nawalan ka na ng karapatan. Sinabi ko sa sarili ko non na po-protektahan ko ang kapatid ko mula sa mga taong tulad niyo. Wala ka nung mga panahon na sobrang hinusgahan ang kapatid ko" napayuko ako sa sinabi ni Jayden. Mukhang nagulat din ang lahat.

"Ate.." narinig kong mahinang tawag ni Jess sa akin.

"Is that true? My mom told you that?" mahina at sobrang lungkot niyang tanong sa akin. Tinignan ko siya sa mata.

Ngumiti ako at dahan dahan tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin. Hindi naman siya nanlaban at hinayaan ako.

"Wala na yon, matagal na yon. We're both matured and I think we should not bring that up anymore. It's okay" sabi ko at ngumiti. Umupo ako muli at kahit nanginginig ay tinuloy ang pag kain ko. Tumalikod siya at tuloy tuloy na lumabas.

Napapikit nalang ako at ngumiti ng mapait.

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 512 15
After running away on his wedding day, Calyx Royce returns to his hometown to fulfil the broken promise to his bride-to-be, only to learn that she ha...
4.7M 105K 60
Si Tulip Montomery, ang nag iisang bulaklak sa mga anak ni Ivor at Jade Montgomery. Bilang nag iisang babae sakanilang magkakapatid ay madali niyang...
7.5K 189 62
Book 2 of Destined to Reunite Panibagong yugto sa buhay nila Caitlyn at Joshua. Paano kung ang past at binaon na sa limot ay muling magbabalik? Maay...