Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 13

984 34 0
By PollyNomial

KABANATA 13 — That's It, Nothing Else


Tumakbo ako sa pinto nang marinig ang hindi makapaghintay na malalakas na katok. Pinadaan ko ang mga daliri sa aking magulong buhok bago ko pinagbuksan si Zandra.

"This should be very important, Andrew." Tuloy tuloy ang kanyang pagpasok at pag-upo sa aking sofa. Pinatong niya ang bag sa coffee table at natabunan niyon ang envelope na kanina ko pa tinititigan.

"Hindi kita papapuntahin dito kung hindi," utas ko at lumapit sa kanya. "You want juice? Gawan kita ng salad kung gusto mo," sabi ko habang nakadungaw sa kanya.

She glared at me. Umatras ako at tinaas ang dalawang palad, parang sumusuko. "Fine," pagsuko ko.

Umupo ako sa kanyang tabi. Sinandal naman niya ang likod at ulo sa malambot na sofa. Parang tamad na tamad sa pagpunta rito. Lumingon siya sa akin at hinintay ang dahilan ko kung bakit siya pinapunta.

Kinuha ko ang kanyang bag at itinabi iyon. Lumantad ang envelope at tinuro ko iyon sa kanya. Huminga ako ng malalim. "My dad's birthday is next week," panimula ko. Pero iyon pa lang ang nasasabi ay sumabog na agad ang bulkan sa katawan niya.

"What?! You asked me to come here because your dad's birthday is next week?" paghihisterya niya.

Umirap ako at ginulong muli ang aking buhok. "Hindi pa 'yon, okay? Patapusin mo muna kasi ako!" bahagya tumaas ang boses ko kaya naman tumigil siya.

Huminga uli ako ng malalim.

"Ayokong umuwi. Bakasyon man pero ayoko talagang umuwi." Kinuha ko ang envelope at itinapat iyon sa kanyang mukha. "My mom sent me this ticket kasi ayokong bumili para sa sarili ko. Balikan ang ticket pero ayoko talaga." Sumandal ako sa sofa kagaya niya.

"Oh? Tapos? Anong gagawin ko?" aniyang bakas na wala na siyang pasensya. Hindi na naman niya napigilan ang paghalukipkip niya.

Sa ilang araw na pakikipag-usap at pagtulog niya rito ay nasasanay na ako sa kanya. Hindi ko na pinapansin ang pabago-bago niyang ugali na mas madalas na laging galit at iritado. Although I still can't get over her choice of clothes. Lagi siyang naka skirt kung saan nakikita ko parati ang mahahaba niyang legs.

"Kailangan kong mag-isip ng idadahilan.," utas ko. "I gave them the same reasons eversince I got here. Baka kapag parehong dahilan na naman ay hindi na nila ako payagan," paliwanag ko.

Iyon talaga ang mangyayari. Ayoko nang irason na kaya ayaw kong umuwi ay dahil ayokong balikan ang aking nakaraan. I am done with my past and I am not making a big deal out of it anymore. Also, this time, it isn't because I don't want to see Angel. Kahit makita ko pa siya ay ayos na sa akin. Sigurado akong wala na akong mararamdaman na kahit ano sa muling pagkikita naming dalawa. Kaya hindi na maaari ang mga rason na ito. Magsisinungaling lang ako kung gagamitin ko ulit iyon.

"Sabihin mo na nagre-ready ka na for college. Tell them that you are frequently visiting the university to be familiar with it. Sabihin mo nag-a-advance study ka ng mga lessons mo," inisa isa niya ang lahat ng maaaring idahilan.

Pero lahat ng iyan ay nasabi ko na!

Hilaw akong tumawa. "Believe me, Zandra. I already told them those reasons pero mapilit ang parents ko. Lalo na si mommy. Kahit mga tatlong araw lang daw ay sapat na sa kanila."

"Eh bakit ba kasi ayaw mong umuwi?" tumuwid siya ng upo at hinarap na ako. Umurong ako palayo nang ipatong niya ang isang hita sa ibabaw ng sofa.

Huminga ako ng malalim at tumikhim. "Ayokong bigyan sila ng chance na pilitin akong mag-stay na sa Pilipinas." What I said is true. My mom will do everything to make me stay. Anything. If she has to cage me so I won't get away, she would.

"Why don't they come here instead?" iba na ang tono ni Zandra. She really does not sound like she's going to help me.

"Hindi maiwan ang mga negosyo. At kababalik lang ni dad sa Pilipinas galing sa isang business trip. And of course, they want to spend the occasion there." Kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanilang bisitahin na lang uli ako ay ayaw nila. "They are doing anything just to make me go home," sabi ko.

Bumagsak ang balikat ni Zandra. Tamad niyang inalis ang tingin sa akin at kinuha uli ang bag. "I don't know, okay? I can't help you. Kung ayaw kang payagan na hindi umuwi, then umuwi ka. Easy!" aniya at tumayo na.

Sumunod agad ako nang maglakad siya. "Aalis ka na agad?" tanong ko, inunahan ko siya hinarangan ko pa ang pinto.

"Marami akong kailangan gawin, Andrew," sabi niya at pinatabi ako. Nang umiling ako ay suminghap siya. "Alright, try this one. Kung mapilit sila, then disobey them. Huwag mo silang kausapin hanggang sa makalagpas ang birthday ng daddy mo." Nilagpasan niya ako.

"That can't be possible!" sikmat ko. "Magagalit ang parents ko."

She opened the door and started walking for the elevator.

"Then sundin mo. God, I don't know, okay? I have to go. Marami akong gagawin—"

"Saan ka ba nagpupupunta? Ilang beses na kitang tinatanong kung bakit ka parating nagmamadali pero hindi mo sinasabi sa akin." Sumunod ako sa kanya at tumigil siya sa gitna ng hallway.

"Nagtatrabaho ako," simpeng sagot niya.

"Summer job?" tanong ko ulit.

Hinarap niya ako at saka humalukipkip. "Yes, Andrew. Summer job para may pera ako."

"Hindi ba pwedeng makapaghintay 'yan? Or mag-absent ka?"

"Hindi pwede!" Tinalikuran niya ako.

"Zandra!" Ako naman ang nawalan ng pasensya. How could she act like this? Simpleng tulong ang hinihingi ko pero hindi niya man lang ako mapagbigyan kahit isang beses lang. And me, I am so willing to help her anytime she needs me! "Sumama ka na lang kaya sa'kin!"

Doon siya tumigil. Ang bumukas na elevator ay sumaradong muli nang hindi siya sumakay. Tumama sa mukha ko ang buntot ng nakapusod niyang buhok nang marahas siyang lumingon. "What?" naguguluhan niyang tanong.

"Sumama ka sa akin," mas klaro ang aking boses.

Ang kunot ay unti unti nawala hanggang sa nakatulala na lang siya sa akin. Umawang ang bibig niya. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi.

"You're crazy, Andrew." Pagkasabi niyon ay bumalik ang kaluluwa sa mga mata niya. "Bakit naman ako sasama sa'yo?"

"Paano ka na kung wala ako rito. Ayaw kong iwan kang mag-isa. It'd be better if you come with me..." Hindi ko naipagpatuloy ang sinasabi ko. What the heck? Nanuot sa akin ang mga binitiwan kong salita. Isasama ko siya sa pag-uwi ko? Iyon ba ang sinabi ko?

Tumulala uli siya sa akin. Nang ngumiti ako ay pakiramdam ko ay isang ngiwi iyon. I said everything without thinking. Lumunok ako nang mamula ang kanyang mukha.

Bumilog ang mga mata niya at nangunot ang gitna ng kilay niya.

"Ibig sabihin... kaya ayaw mong umalis ay dahil ayaw mong maiwan ako?" she asked me that question as if she, herself, couldn't believe it.

"Kung iyon ang... tingin mo, oo." Kahit ako ay hindi makapaniwala sa sagot ko.

Dammit! Ano ba iyong sinabi ko? Is that really what it is? Kaya ayaw kong umalis ay dahil sa kanya? My brain is my body's boss. It commands what my body needs to do. What my mouth has to say. At iyon ang sinasabi ng isip ko? That I should stay here because she's here? That I do not want to go because I can't leave her? And if I would have to go, she has to come with me too? Holy shit, Andrew! Nag-aalala ako sa kanya pero hindi ko akalaing aabot ako sa ganoon kalayo. And what? Iyon na ang rason ko simula ngayon kaya ayaw kong umuwi?

"Pinayagan kitang maging kaibigan ko pero parang sobra sobra naman ito..." walang lakas ang boses niya.

Tinigil niya ang pagsasalita. Para siyang may iniisip at sa hitsura niya ay tila imposible ang iniisip niya. Her eyes are frustrated and in pain. I saw how hard she gripped the strap of her bag. Na parang kapag bumitaw siya roon ay mahuhulog siya.

"I am concern... I am worried, Zandra," Sabi ko ang tunay na nararamdaman ko. Bumaba uli ang tingin ko sa kanyang mga kamay na halos manginig kung hindi lang nito kapit ang strap. Ano ba itong sinasabi ko? Am I scaring her?

Nanatili kaming nakatayo sa harap ng elevator. Walang ibang taong dumadating o sumasakay roon. Ilang minuto siyang hindi nagsalita. Sa tagal ay parang isang buong araw kaming nakatayo ng tahimik.

Akala ko ay mananatili siya sa hindi pagsasalita at nang ako na sana ang babasag sa katahimikan ay saka siya tumawa.

"Baliw ka!" sabi niya, hindi tumitigil sa paghalakhak. "Kaya ko naman ang sarili ko... ano ka ba!" aniya, pinapalo ang aking braso. Napansin ko ang hindi niya pagkasigurado sa mga salita niya.

Kung sa ibang sitwasyon ito ay baka naaliw pa ako sa malakas niyang pagtawa na ngayon ko lang narinig. Pero hindi e. Dahil alam kong may iba sa kanyang pagtawa. Pilit iyon at hindi ito biro sa kanya.

Natigilan siya kanina dahil hindi niya inasahan ang sinabi ko. Hindi niya inasahan na kaya ayaw kong umalis ay dahil sa kanya. I didn't expect it too.

Tinapik niya ang balikat ko. Pinanood ko ang ginawa niyang iyon. "Pumili ka na lang doon sa mga sinabi ko..." tinikom niya ang kanyang bibig at saglit na nag-isip. "Ang sabi mo nga, ayaw nilang makinig. Kaya kahit ano pang dahilan, hindi nila papatulan. If you really don't want it, edi huwag. Tell them that it's your final decision." Pagkasabi niya ng lahat ng iyon ay pinindot niya ang elevator.

Hindi na ako nakagalaw nang magpaalam siya. Hindi ko na siya napigilan nang kumaway siya at tumapak sa loob ng elevetor. Hindi ko na rin napigilan ang pagsara nito at tuluyang pag-alis niya.

Ang payo ni Zandra ang ginawa ko. Nakailang beses pa akong pinilit ni mommy pero labas sa tainga ang lahat ng kanyang sinabi sa akin. She's mad, extremely mad at me. Habang si daddy ay naiintindihan ako dahil pag-aaral ang dahilan ko. Totoo naman na nag-a-advance study ako pero tumigil na ako sa pagbisita sa university. He said that it is good to be ready for school and better if I just stay here while preparing. Para raw masanay ang katawan ko lalo na at ilang taon akong mag-aaral dito.

I'm happy that dad already gave his support about this.

Hindi ko na binuno ang natirang mga oras sa pag-iisip ng mga pagbabago sa akin. I tried to get away from it. Mabuti na lang ay kaya ko pang sagutin ang mga tanong sa dibdib ko. Although there are some questions that are really difficult to answer. Dahil hindi pa kayang abutin ng utak ko ang mga sagot.

If this really because of Zandra, then perhaps I am just being a very very very good friend to her. Na umabot ako sa isiping ayaw ko siyang iwan dito. It feels like pinabayaan ko siya kapag umalis ako sa tabi niya. Nasa magkabilang mundo kami kung mangyaring umalis ako. At sino ang magbabantay sa kanya? Paano kung bumalik ang tatlong lalaki at guluhin siya? Paano kung sumama uli siya sa kapatid niya na wala namang pakealam sa kanya?

Anything's possible. Kung aalis ako, walang magpo-protekta sa kanya.

Kinuha ko ang aking susi at lumabas ng apartment. I'm tired of just staying here for the past days. Lalabas ako ngayon at mamimili sa grocery dahil kaunti na lang ang stock ko. The food isn't just for me anymore. Ngayon ay may isa pa akong bibig na pinapakain.

Tumungo ako sa pinakamalapit na grocery sa aking apartment. Itinulak ko ang cart at dinaanan ang halos lahat ng sections dito. May kinukuha ako sa bawat madadaanan ko.

Naglagay ako sa cart ng mga instant food na maaaring kainin ni Zandra kung hindi ako makakapagluto. Kunyari na lang kung nauunahan niya akong magising sa umaga. Sometimes I wake up and she's not in the apartment anymore. Hindi ko alam kung nahihiya lang ba siyang gisingin ako para sa almusal o wala talaga siyang balak. Bumili na rin ako ng cereals para sa kanya. I chose the one made with vegetables. Sa ilang araw kong nakakasama si Zandra ay nalaman ko nang mahilig siya sa gulay. But she's not a vegetarian, though.

When I got to the section where household products are located, I cannot stop in getting the stuffs that she can use whenever she sleeps in my apartment. Bumili na rin ako ng akin. Tuwang tuwa ako habang kumukuha ng dalawang tuwalya (isang pink at blue), dalawang toothbrush sa ganoon ding kulay, showergel na pambabae at marami pang iba. I also didn't stop myself when I went to the girl stuffs and buy the things that I think she needs.

Isang punong cart ang ipinila ko sa cashier. Dala ko rin ito hanggang labas at isa isang nilagay sa likod ng sasakyan ang aking ipinamili. Pagkauwi ay tuloy tuloy ang aking pagkilos. Inayos ko ang mga ito sa mga cabinet at ang mga gamit ni Zandra ay nilagay ko sa kanyang kwarto. I put it all into place where she can find and use it. Pinagpag ko ang kanyang kama nang mapalitan ko ito ng covers. Inayos ko rin ang kurtina ng kanyang kwarto. Pati ang pajama na binili ko para sa kanya ay nilatag ko sa kanyang kama. So that she won't have to wear skirts whenever she sleeps here.

I am aware of how weird this is. Lahat ng ginagawa ko ay hindi normal. But I want everything to be normal for us. Kung iisipin kong weird ito ay baka iyon talaga ang kalabasan. I am not doing anything wrong. I'm just being a nice and generous friend. Ginagawa ko ito kasi alam kong ito ang kailangan niya. I promised to her that I'd be by her side when she needs someone. Kaming dalawa ni Sukie ay kanyang kaibigan. I'm sure Sukie is doing the same thing for her.

Ang mga ito ang nakatatak sa isip ko hanggang sa matapos ko ang pag-aayos sa mga ipinamili ko para sa kanya. I am being a friend. Yes. I am being a friend. I am her friend. That's it, nothing else. 


Continue Reading

You'll Also Like

30.3K 1.9K 34
May sakit sa puso si Coffee. Tuwing inaatake ng sakit ay nawawalan siya ng pag-asang gumaling, nawawalan ng ganang mabuhay. Dahil din sa sakit niya k...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...