Tainted

By PollyNomial

68.4K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 12

1K 38 1
By PollyNomial

KABANATA 12 — Come. Quick.


Isinama ko si Zandra sa aking apartment. Hindi siya nagreklamo nang mamatay ang makina ng aking sasakyan at lumabas ako roon. Tinakbo ko pa ang front seat para pagbuksan siya ng pinto pero naunahan niya ako.

"You don't have to be a gentleman, Andrew. Kaibigan mo lang ako, hindi nililigawan," matabang niyang utas ngunit may kaunting sarkasmo.

Umawang ang bibig ko pero natawa pa rin. She's making it clear to me that we're just friends. I am making that clear to myself too. If only she knows.

"Right," utas ko. Ipinamulsa ko ang aking dalawang kamay. Sinundan ko siya nang pumasok siya sa loob ng building.

"Sa apartment ka ba ni Sukie matutulog?" tanong ko nang makasakay kami ng elevator.

Naalala ko ang unang beses namin dito sa loob. Ang tanga ko noon. I'm the assuming one. Akala ko ay sasama siya sa akin sa apartment ko pero iyon pala ay roon kay Sukie ang punta niya. I expected too much. Sana nagtanong ako. But she ended up sleeping in my apartment anyway. And now, she's here again.

Sumulyap siya sa akin. "Hindi na ba available ang kwarto sa apartment mo?"

Nakagat ko ang aking labi. Dammit! Iniisip ko lang ito kanina. Tumaas ang gilid ng labi ko para hindi halatang nagulat ako. "For you, it will always be available."

Ngumisi siya ngunit hindi sa paraang tuwang tuwa.

Pinanood ako ni Zandra habang nagluluto ako ng aming makakain. I couldn't move freely because she is watching me. Parang may pumipigil sa akin at mayroong kumakapit sa aking katawan. Panay ang tikhim ko habang hinahalo ang salad na para sa kanya at ang pasta na para sa akin.

"Are you sure this salad is enough for you? Dadagdagan ko ang pasta..."

Umiling siya at pumangalumbaba. "I'm fine with salad," utas niya at ngumuso. "Marunong ka talagang magluto 'no?" sambit niya.

"I learned from the best. Sa mother ko," sabi ko. Nabanggit ko na ito sa kanya. But I'm not sure if she still remembers it. Wala naman kasi siya sa sarili noon.

Tumango siya at tumalon mula sa highchair. Tumabi siya sa akin at sinilip ang kanyang salad. "Simpleng salad lang ang kaya kong gawin," aniya.

"This one's simple too. Dinagdagan ko lang ng dressing para mas masarap. I put some roasted chicken para hindi puro gulay ang manguya mo," sabi ko.

Nagpamewang siya. Nanahimik lang siya habang nakadungaw sa hinahalo ko. Hindi rin niya napansin na nakatitig na ako sa kanyang mukha habang abala ang kamay ko sa ibang bagay. I wonder if I could do this in a different way. Holy shit, Andrew!

Ipinilig ko ang aking ulo dahil lumalayo na sa katotohanan ang nararating ng isip ko. Bahagya akong umubo at umiwas sa kanya. Iniwan ko ang salad sa counter at sinuri naman iyon ni Zandra.

Ang red sauce ng aking pasta ang sinunod ko. Nang matapos ay nilagay ko sa malinis na plato ang pasta at sauce sa ibabaw.

"Ang sabi mo, may restaurant business kayo?" tanong niya sa akin.

Ipinatong ko sa mesa ang aming mga pagkain. She remembers that, though. "Yup. Tatlong branches pa lang. My mom is planning to have more branches in Metro Manila and then eventually, sa provinces," sagot ko.

Nagkanaw ako ng juice. I should buy fresh fruits from now on. Para hindi instant ang kinakanaw ko para sa aming dalawa.

Umupo siya sa aking harap. Magkaharapan kami at kitang kita ko siya sa ilalim ng liwanag kong dining room. I wonder if I could change it to a brighter light so...

"Only child ka," kuryoso ang tinig niya. "Ibig sabihin ay ikaw ang magmamana ng mga iyon. Do you want to manage it? Kaya ka ba nag-aral ng pagluluto?"

Ngumiti ako. Nakakatuwang marami siyang tanong tungkol sa akin. It means that she wants to get to know me better. She's interested and that means she's seeing me as her friend too.

"Yeah. I want that. Pero wala talaga akong proper lessons na kinuha tungkol sa pagluluto. Mag-aaral ako ng business para sa iba pang negosyo ni dad," sagot ko at mas dumami pa ang kanyang mga tanong.

She asked me about my life in the Philippines. She asked me the difference between my high school life there and here in New York. Hindi ko napansin na habang tumatagal ang mga pagtatanong niya, napapasok na pala niya ang maliit na espasyo ng personal kong buhay.

"Do you have a girlfriend left back home?" Walang malisya niyang tanong. Hindi pa nga siya nakatingin sa akin. She's so busy eating her salad. Napuri na niya iyon kanina nang matikman niya. Nakapangalawang kuha na nga siya.

Tinagilid ko ang aking ulo. Nilapag ko ang aking tinidor at uminom saglit ng juice bago siya sinagot. "Wala," simpleng sagot ko. Wala naman talaga.

"Hm... nagka girlfriend ka na?" tanong pa niya.

I don't want this to end. Nag-uusap kaming dalawa at ito ang unang pagkakataon na humaba ito ng ganito katagal. At may pinatutunguhan ang pag-uusap naming dalawa. Somewhere to being closer to each other. Pero masyadong personal...

"Hindi pa," utas kong muli. Hindi pa naman talaga.

Tumango tango siya. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sagot ko o nahihimigan ba niya na ayoko sa sinasagot kong mga tanong. Nang tumingin sa akin at nagtaas siya ng kilay.

"May minahal ka na?"

That's it! Maitatanggi ko ang mga tanong kanina ngunit hindi ito. Dahil totoong wala naman talaga sa mga tanong niya kanina. Pero dito... I'm not sure.

"Hindi ko alam," tumaas ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam? Why do I feel like I've answered her correctly?

Kumunot ang noo niya at ngumuso. Pumangalumbaba siya sa harap ko. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang sinusuri naman niya ang ekspresyon sa mukha ko. O baka ang sagot ko ang pinag-iisipan niya.

"Hindi mo alam? What do you mean? Pwede ba iyon?" tanong niya. She sounded so innocent about this kind of matter. Para bang kakarinig lang niya sa mga ganitong isyu kahit siya ang nagbukas ng paksa.

"Hindi ko alam. There's a girl..."

"You answered 'wala' sa tanong ko kanina kung may babae ka ba!" tumaas ang tono niya. Nakakatawa ang paghihisterya niya pero hindi ito ang tamang panahon para tumawa.

"Wala kasi talaga! Pero may isang babae akong hinangaan noon," maybe that's really what it is.

"Hinangaan? You mean crush? What's the difference? Pwede ba iyon?" tanong niya. She really is innocent about this.

Mayroon akong ibang naiisip tungkol dito pero sa ibang usapan na iyon papasok.

Sumandal siya sa kanyang upuan. She waited for my answer while looking directly to my eyes. Tuluyan ko nang tinigilan ang pagkain. Tinulak ko palayo sa akin ang plato. Napansin niya iyon ngunit hindi nagsalita tungkol doon.

I can't believe na ako ang nasa hot seat! Ako ang nakipagkaibigan kaya dapat ako ang maraming tanong tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na madaldal at matanong pala siya! And what kind of topic is this for a snobby girl like her?

"May pinagkaiba," sigurado ako rito ngunit hindi alam kung paano ipapaliwanag. "Love, it's sacred. It is a serious emotion you'll have for the right person when you finally meet each other at the right time. Crush... paghanga, you're just attracted. It may change through the course of time. Minsan panandalian lang kasi makakahanap ka agad ng panibagong taong maaari mong hangaan."

Napalunok ako sa lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sagot at naintindihan kaya niya ito. Pero iyon ang tingin ko. Hindi ko kayang ipaliwanag ng mas malalim. I can't because I cannot base it on any experiences I've had before. Iyong kay Angel, nawala na lang na parang hanging dumaan lang at mabilis na lumisan. Ni hindi ko na maalala ang pakiramdam.

Humalukipkip si Zandra. Pinanatili ko ang mga mata sa kanyang mukha. I think she's trying to figure out what I mean. Tumagal iyon ng ilang segundo bago siya tumango.

"So nagkaroon ka ng crush. Mga hinangaan na babae, ganun? Kasi di ba? Crush ay pabago bago..." aniya.

Tumango ako. Hindi ko na sinabi sa kanyang isa lang ang babaeng hinangaan ko noon sa Pilipinas. Mas lalong hindi ko sinabing siya ang pangalawa.

Tumikhim ako at pinagmasdan siya. Lumiit ang mga mata ko. Bakit nga ba niya naitanong sa akin iyon? Is she interested in my love life? Bakit naman? Ayoko sanang mag-assume pero bakit ba tinatanong ng babae ang lalaki kung may girlfriend, may minahal, o may iniwan na ba ito? Hindi ba ay para tingnan kung may pag-asa ba siya rito? Or is she just so curious about me that she also wants that part of me?

"Okay. It's your turn," huminga ako ng malalim na parang naghahanda. Sumandal ako at humalukipkip din gaya niya.

Nagtaas lamang siya ng isang kilay at naghintay ng aking itatanong.

"How many years exactly? Iyong paglipat ninyo rito?"

Bumaba ang nakataas niyang kilay. Tila lumalim ang kanyang pag-iisip ng mga taon na siya ay hindi pa rito nakatira. "I was eight years old when I got here. Hindi ko kasama ang pamilya ko nung nag-migrate ako rito. They were already living here that time. Sumunod lang ako after a few years nilang umalis ng Pilipinas," tamad na pakikwento niya.

Tiningnan ko siya at napansin kong nawala ang kaninang maliwanag niyang mukha. May ilaw pa naman ngunit talagang dumilim ang paligid niya.

"Do you want to live here?" tanong ko sa posibleng dahilan kung bakit nawala ang gana niya sa pakikwento.

Nagkibit siya ng balikat. "I don't have a choice," simpleng sagot niya. Humilig siya sa akin. "Ikaw? Gusto mo ba rito?" may kursyusidad sa tono niya.

"Oo. Kaya nga nandito ako ngayon. This is my own choice. Ayaw ng mom pero mapilit ako," sagot ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang lihim siyang ngumiti.

Marami pa akong gustong itanong sa kanya pero tinapos niya ang usapan nang siya ay tumayo. Dinala niya ang kanyang pinggan sa lababo at ambang bubuksan ang gripo nang kumaripas ako sa tayo.

"No! Ako na," tinulak ko siya ng bahagya upang makaalis sa lababo.

Ngumiwi siya sa ginawa ko. Ngumisi na lang ako at inilagay na rin doon ang aking pinggan. Pinanood niya akong maghugas ng mga pinagkainan namin at dahil matigas ang ulo niya ay naghawak pa rin siya ng maduduming pinaglutuan.

"Ako na nga," utas ko nang simulan niyang dalhin ang mga ito sa sink.

"Dadalhin ko lang sa'yo," pakikipagtalo niya. "Pupunasan ko ang stove. Saan ang pamumas?" naghahanap na ang mga mata niya habang sinasabi iyon.

Nang may makitang wet towel ay iyon ang ginamit niya. Bumuntong hininga ako. Maybe she's done this before. Ayaw ko siyang pakilusin dahil bahay ko ito. I should be the done doing things and she should jsut sit there on the couch. Hindi naman iyon ang ginawa niya. She cleaned the table, the stove, and the sides of the sink. Nababasa lang uli ang mga iyon dahil naghuhugas pa ako. Tumigil siya nang mapansing hindi siya matatapos kung uulit ulitin niya iyon.

Pagkatapos ng lahat ay tumabi siya sa akin para maghugas ng kamay. I have held that hand a while ago at the bar. Malambot iyon at makinis. Hindi magaspang dahil sa pagtatrabaho. Pero sa paglilinis niya kanina, parang sanay na sanay na siya.

"You can borrow my clothes. May mga bago pa ako at hindi pa nagagamit. I can lend you..."

"Hindi na," inunahan na niya ako bago ko pa matapos ang pagmamagandang loob ko. If we are friends, then this should be okay to her. Bakit ayaw niya?

"Kukuha kita," matigas din ang ulo ko. Bago pa siya makaprotesta ay pumasok na ako sa loob ng aking kwarto.

Sinara ko ang pinto at saglit na tumunganga sa harap ng aking kama. Palagi na lang akong napapangiti ng mag-isa. Inilingan ko ang sarili at hinanap ang mga bagong damit na pinamili sa akin ni mommy noong nandito siya.

Naulit ang pagtulog niya sa aking apartment ng isa pang beses matapos nang gabing iyon. She's now more comfortable when she's talking to me. Hindi kagaya dati na para akong isang malaking istorbo sa kanyang mga mata. That whenever I talk, she starts to get annoyed and frustrated. Hindi na ganoon ngayon. We, somehow, made a tiny connection with each other. Kapag magkausap kami ay nagkakasundo na kami. Kahit na sa mga kaunting pagkakataon lang.

"I'm fine, ma." Ito ang sinasagot ko sa tuwing kukumustahin ako ni mommy. It never ended. Ang mga litanya niya na kabisado ko na.

"Nagkaroon ako ng balita tungkol sa isang kamag-anak natin diyan. Remember your Tita Susanna? Ang asawa niya ay kapatid ng dad mo, your Tito Manolito. Ang sabi niya ay pupunta raw ang anak niya malapit sa kung saan ka nakatira. Can you meet him for me?" Nahimigan ko kaagad ang pakikiusap.

"For what, ma?" tanong ko, nakangiwi.

I'm not close to any of my cousins. I don't even know them or remember their names. Ako lang mag-isa at sa lahat ng magkakamag-anak ay ang pamilya na lang namin ang nasa Pilipinas. All of my relatives are living in the different parts of the world. Malay ko sa kanila. Hindi naman sila bumibisita at kung may reunion man, isa o dalawang beses pa lang. The third one happened last Christmas. Wala naman ako sa pinas.

"Para lang makilala mo siya. And Andrew, you're not a kid anymore. Hindi mo na kailangan mahiya—"

"I'm not shy, ma," agarang pagbawi ko ng sinabi niya.

"Hmm. Besides, anak, kasing tanda mo lang ang batang iyon. Sebastian will be very glad if you meet with him."

"Sebastian," banggit ko uli sa pangalan. "Alright, ma."

Huminga ako ng malalim. Kamag-anak ko iyon. Siguro naman ay magiging maayos ang pagkikita naming dalawa. I'm not sure, though. Kaya ayokong makipagkilala ay dahil sa inaasahan kong magiging ugali nila. But if mom insist, wala na akong magagawa.

"And Andrew, your dad's..."

Hindi ko na siya pinatapos. "Ma, I told you, hindi ako pwedeng umuwi," pangunguna ko.

Sumuko siya sa paulit ulit na pamimilit. Pero siguradong hindi ito ang huli na tatawagan niya ako.

Sa gabing iyon ay ipinagkatiwala ko kay Sukie ang bayad para sa aking kotse. Hindi na talaga ako nakabalik sa shop at ang sabi naman niya ay okay lang. As long as I pay the price. I already met her British boyfriend na mabait naman. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Zandra itong makilala kahit na magdadalawang taon na ang relasyon nito at ng kaibigan niya.

Hindi ko na hinahanap kay Sukie si Zandra gaya ng ginawa ko noong isang beses. We exchanged our numbers the night we decided to be friends. She clearly reminded me that there should be no petty messages. Ayaw niya ng good mornings, good evenings, o kahit goodnight manlang. According to her, I should only text here when it's already a matter of life and death.

And that's why I was allowed to text her now.

Me:

Zandra... Come. Quick.

Napangisi ako. Umupo ako sa couch at hinagod ang aking batok. Limang minuto yata bago siya nag-reply.

Zandra:

Why?

Napakatipid naman sumagot. Well, ako din.

Me:

Importante ito.

Hindi na siya nag-replay sa text kong iyon.


Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 496K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
5.6K 56 38
September 7 2023 - October 1 2023 Solana Rose Almodovar, is a woman of her words. She has a strong and passionate personality that makes her independ...
189K 13.6K 39
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
8.4K 232 33
(Paradise Series#3) He's a living stone and the best thing about him for me is he always teaches me a new lesson. [Cover are not mine. Credit to the...