Tainted

By PollyNomial

67.9K 1.8K 47

Zandra Dawn Morris' life is every girls dream. Yet they don't know anything about the reality that's been sur... More

Tainted
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Epilogue

Kabanata 8

1.1K 43 3
By PollyNomial

KABANATA 8 — Honey


Hindi maalis-alis ang aking ngiti sa labi. I didn't try to talk to her again after she started to drive. I don't want to annoy and distract her. Baka maaksidente pa kami ng wala sa oras. Malapit lapit na rin naman kami sa aking apartment. Doon ko na lang uli siya kakausapin at kukulitin. Siguro ay maaari ko siyang imbitahan sa apartment ko.

Habang tikom ang bibig ay tiningnan ko ang kabuuan ng kanyang sasakyan. Wala ni isang senyales na babae ang may-ari nito. Kung wala pa nga siya rito, baka inisip ko nang maskuladong lalaki ang may-ari ng sasakyan. Zac appeared in my mind at naisip kong baka kanya ito. I don't wanna ask though. Mamaya na lang gaya ng naisip ko kanina.

This girl is probably rich. Sa uri pa lang ng kanyang kotse ay hindi na maipagkakailang mayaman siya. The car isn't second hand, I'm sure. And I also saw his brother with the same luxurious car. I wonder why she ended up studying in my school. Hindi ko sinasabing pang mahirap ang paaralan na napili ko rito pero may mas matataas na paraalan pang mas babagay sa kanya. I also wonder where she would study for college or is she done with high school?

Napangisi ako dahil marami akong gustong itanong at dumarami pa iyon habang tumatagal na kasama ko siya. Hinding hindi ko ito palalagpasin. Susulitin ko ang pagkakataong ito. Baka hindi na maulit.

"Smiling isn't allowed inside my car," she said out of nowhere. She must have seen me smiling. Ngumingiti ako nang walang dahilan.

"I see. Hindi ka nga rin ngumingiti," sabi ko at pinagmasdan siya.

This girl likes skirts, huh? Sa ilang beses ko siyang nakita, iyon parati ang kanyang suot. Bumagsak ang tingin ko sa mahahaba niyang legs. Makinis at walang balat o kahit bakas ng peklat. Bagay na bagay sa kanya ang maliit na telang suot niya. Lumunok ako nang may sumabog sa dibdib ko. Kinuyom ko ang kamay ko sa ibabaw ng aking hita.

"Tss," narinig ko ang palatak niya. She's not looking at me when she rolled her eyes.

Umiwas ako ng tingin dahil sa paninitig ko sa kanyang balat. Naalala kong ayaw pala niya sa mga lalaki, ayaw niyang hinahawakan siya ng mga ito, at kahit tingnan ay hindi niya gusto.

"Get out of my car," utos niya sa malamig na tono. Walang malay akong napatingin sa labas at napansin na nakarating na pala kami. Nasa labas na kami ng apartment at nakaparada na ang kanyang kotse rito.

Tumikhim ako at tinanggal ang seatbelt ko. How would I invite her to see my place? Tiningnan ko siya uli habang naghahanap ng tamang salita nang lumabas siya ng sasakyan. Napaawang ang bibig ko sa biglaang paglalakad niya papasok sa building.

Sumunod agad ako at hinabol siya. "Hey!" bulalas ko. Nagdalawang isip ako kung huhulihin ko ba ang kamay niya pero hindi ko na lang ginawa. I don't want to hear her curse again. I hate it. At ayokong masira ang diskarte ko dahil lang sa hinawakan ko siya.

Dire-diretso siya sa elevator at pinagpipindot ang button niyon. Bumukas naman agad kaya mabilis siyang pumasok.

Humabol ako sa kanya at naglabas ng malalim na hininga. Tumawa ako nang pindutin niya ang floor kung saan ang apartment ko. Humalikipkip ako at sumandal sa malamig na pader para panoorin siya. She is crossing her arms too. Mahal na mahal niya siguro ang paghalukipkip at lagi niya iyong ginagawa.

"Assuming. Sana hinintay mo man lang akong magyaya," panunukso ko.

Bumabangon ang aliw sa katawan ko at lahat ng iyon ay para sa kanya. I am beginning to like her. Gusto ko na nga siya mula pa nung unang beses ko siyang nakita sa party na aking pinuntahan noon. I can still picture her eyes full of raging fire. Hindi ko na siya nakalimutan simula noon at alam kong ibang klaseng babae siya para magawa sa akin iyon.

Nalipat ang tingin niya sa akin. Hindi siya nagsalita, walang ekspresyon sa mukha niya. Tumitig siya sa akin at hindi lang siya nakuntento sa aking mukha. Bumaba ang tingin niya sa kabuuan ko at parang may maliliit na pagsabog sa loob ng katawan ko. What the hell is that? Para niya akong binabaliw sa mga tingin niya.

Tumunog ang elevator at walang pasabi siyang lumabas. Naiwan akong nakatayo sa loob pero agad namang natauhan. I saw her walking in the direction where my room is. Paano niya nalaman ang apartment ko? Whatever. Baka nalaman niya kay Sukie.

I should have known! Pakipot lang ang babaeng ito.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Mabuti na lang at maayos ang loob ng apartment ko. I wonder what I have inside my refrigerator. May kape o tsaa ba ako? Does she like juice and what flavor does she prefer? Maybe I should cook for her. Napayuko ako at umiling sa mga pinag-iiisip ko. Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at nagpatuloy sa masiglang paglalakad nang mauntog ako.

"What the," singhal ni Zandra sa aking harapan. Hinimas niya ang kanyang noo.

Napaatras ako sa lakas ng pagtama ko sa kanya. Tiningnan ko ang harap ng pinto kung saan siya biglaang tumigil. "Hindi 'yan ang apartment ko. Nandoon pa," utas ko at nginuso ang dulo ng hallway. "That's my door over there, not this one."

Nagusot ang gitna ng kilay niya. May nilabas siya mula sa maliit niyang bag at tunog iyon ng susi. Nakabilog ang bibig ko habang sinusuot niya iyon sa lock ng pinto at nang marinig ko ang maliit na click ay tumingin muli siya sa mukha ko. That's when I realized something.

"Anong tingin mo? Pupunta ako sa apartment mo? Alone with you?" Ilang beses siyang pumalatak. "Assuming," aniya at sa unang beses ay narinig ko ang tawa niyang para sa akin.

I was left outside her door, stunned and speechless. Kinamot ko ang aking ulo at humarap sa pintong pinasukan niya.

"You are unbelievable. Kaya siguro walang lalaking nangangahas na lumapit sa'yo," bulong ko. Naalala ko ang sinabing iyon ni Owen. "But not me," nginisihan ko ang aking sarili. Parang baliw akong humahagikgik habang naglalakad patungo sa sarili kong pinto.

Hindi ko matanggap na nasa loob siya ng apartment ni Sukie. Kailan pa? She couldn't have been there all this time while I have no fucking idea. Ang tagal tagal ko siyang hinahanap, hinihintay, pero hindi ko siya nakikita rito building. Makakasuntok yata ako kapag nalaman kong doon pala siya nakatira all this time.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Hindi ako magpapatalo sa kanyang pamamahiya sa akin. Assuming? Ako pa ang assuming? Huwag niyang kakalimutan na may utang na loob siya sa akin. She may have said thank you and gave me a ride home but that's not enough. Hindi ko pa nararamdaman ang totoong pasasalamat niya. Hindi pwedeng iyon lang ang makuha ko mula sa kanya.

Nagtingin tingin ako ng mayroon sa loob ng fridge. Namili ako noon nung nandito pa ang aking ina at may ilan pang natira mula roon. Lately kasi ay sinimulan ko na naman ang pagkain ng frozen food dahil tinatamad akong kumilos at marami akong iniisip. And those were all Zandra's fault. Kaya talagang malaki ang utang niya sa akin. Mahigit kalahati ng utak ko ang sinakop niya at gusto kong ibalik niya sa akin iyon.

Hiniwa ko ang isang buong manok. Ipinatong ko sa mesa ang suka, toyo, asin at paminta bago nagpunta sa sink upang hugasan ng maigi ang chicken. Binilisan ko ang aking kilos pero sinigurado kong masarap ang niluluto ko. Mabuti na lang at kumpleto ang ingredients ko para rito. Nang maamoy ko ang usok mula sa aking niluluto ay pinalakpakan ko ang sarili ko.

Zandra's Filipina. I wonder how long she's been living here in the US. Nandito rin kaya siya upang mag-aral o dito na talaga siya nakatira kasama ang pamilya? Nakakatikim pa kaya siya ng mga pagkaing pinoy? That's for me to find out. Ginandahan ko ang presentation ng aking niluto nang ilipat ko iyon sa bowl. Nilagyan ko pa ang ibabaw niyon ng maliliit na dahon bilang palamuti. It didn't affect the taste of the food. Para lang maganda sa paningin.

Wala akong rice kaya hindi ko siya madadalhan niyon. Pwede namang kainin ito ng walang kanin. Pwede naming papakin ang manok.

Ang paglabas ko sa aking pinto ay siya ring pagbukas ng pinto ni Zandra. Unang pumasok sa isip ko ay habulin siya pero naalala ko ang hawak ko na baka matapon sa pagmamadali. Sa halip ay sumigaw na lang ako.

"Zandra!" tawag ko sa kanya.

Lumingon agad siya sa akin. Ang pamilyar na kunot ay nasa kanyang noo na.

"Aalis ka?" tanong ko.

Tumaas ang isang kilay niya. Naglakad ako patungo sa kanya at nabigla ako nang salubungin din niya ako ng paglapit.

"What is that smell?" tanong niya habang nagbababa ng tingin sa aking hawak.

"Ito? Uh, nagluto kasi ako," nginisihan ko siya. "This is for you. Adobo," hindi ko napigilan ang hiya sa boses ko. Damn!

Dalawang kilay na niya ang nakataas ngayon. Umangat ang ulo niya at sa wakas ay ibang klaseng tingin naman ang ipinukol niya sa akin. I saw appreciation in her eyes. She liked and appreciated what I did for her.

"Kumain ka na ba? You could eat this—"

"Thank you. But I have to go. May pupuntahan pa ako," natigilan ako sa pagbabago ng tono niya.

Saglit kaming nagtitigan at siya ang unang bumitiw. Patalikod na sana siya nang magsalita ako. "What's wrong with you?" tanong ko.

Agad na bumalik ang tingin niya sa akin. Her eyes showed a different emotion now. I can't identify what it is. Kumurap siya at hindi nakalagpas sa akin ang pagkinang ng kanyang mga mata. I swear those were tears in her eyes. Nagsisi ako sa itinanong ko pero bakit? Anong mali roon? I was just asking what's wrong with her that she can't even be nice to me even just for a second. Kahit pakitang tao lang. Ibang klase ang ugali ng babaeng ito. Parang ang laki ng problema niya sa buhay. O sa akin lang siya may problema?

"Hindi mo man lang ba tatanggapin ang niluto ko?" tanong kong iritado na.

Tiningnan niya uli ang hawak ko. I know she wants to accept it but something's stopping her. Hindi ko alam kung ano iyon. Iba ang nakikita ko sa mga mata niya sa ginagawa ng katawan at sinasabi ng bibig niya.

"Why should I accept that? Hindi naman kita kilala. Malay ko ba kung may lason 'yan," matabang niyang sabi.

God! This girl is the problem. Wala siyang problema at ang mismong sarili niya ang problema niya.

"Nagluluto ako para magpakain ng tao, hindi para pumatay. Bakit ko naman lalagyan ng lason 'to."

"I don't know. Ask yourself," nagawa pa niyang umirap.

Natawa ako pero hindi dahil sa aliw kundi sa inis. Konting konti na lang ay mapupuno na ako sa kanya. Wala nang katuturan ang mga sinasabi niya. Kung anu-ano na lang makatakas lang siya sa akin. Well, I won't let her.

"Ibang klase 'yang ugali mo. Baguhin mo 'yan," sambit ko.

Nang sabihin ko iyon ay gumuhit ang sakit sa mukha niya. Kumislap ang kanyang mga mata.

Natahimik ako at naisip na may mali ang mga nasabi ko. Holy shit, was that really pain in her eyes? "I-I'm sorry, I didn't mean—"

"Wala kang karapatang sabihin 'yan sa akin. Who are you?" Tila hindi siya makapaniwala.

Kung ano man ang kaninang bumalot sa mga mata niya ay mabilis nawala o naitago agad niya. Humigpit ang hawak ko sa bowl at napikon ako sa aking sarili.

"Hindi porket tinulungan mo ako ng dalawang beses ay may karapatan ka nang sabihing baguhin ko ang ugali ko. I will do anything I want, I'll be anyone I want and I will not change myself for someone I don't even know. Kung mabait ka sa akin, 'wag kang mag-expect na mabait din ako sa'yo. We are two different people," may diin sa kanyang pagsasalita. Dinuro niya ako. "You don't know me."

Pagkatapos ay tumalikod siya. Nawalan ako ng mga salita. Tumayo lang ako roon habang tinutunton niya ang hallway hanggang sa elevator. Pasalamat na lang at may utak pa ako para mag-isip ng dapat gawin nang bumukas ang elevator at lumabas ang tatlong lalaking pamilyar sa akin.

Napaatras palayo si Zandra sa kanila. Pumalakpak ang isa sa kanila at ngumisi naman ang isa. What the fuck are they doing here?

"Oooh... You finally showed up," one of them said. Kung tingnan nila si Zandra ay para itong masarap na pagkaing nakahain sa harap nila.

Ang masarap na pagkain ay hawak ko at hindi siya, mga gago!

Napansin ko ang pagdiin ng kapit ni Zandra sa strap ng kanyang bag. Umatras pa siya ngunit patuloy lang sa paglapit ang mga lalaki sa kanya.

Nilunok ko ang lahat ng natitirang damdamin ko kanina. She needs a help right now and damn I'm the only one who could give that to her. I stood up straight and plastered a huge grin on my face.

"Honey!" iyon ang unang lumabas na salita sa bibig ko.

Kunot-noo akong nilingon ni Zandra. She was still walking away from those guys. Lumapit ako para kunin siya. Kinuha ng isang kamay ko ang braso niya nang makaabot ako sa kanya. My other hand is still holding the food I cooked just for her.

"Please don't be mad at me. Pinagluto na nga kita oh," sambit ko.

Batid ko ang paninitig ng mga lalaki. Wala silang sinabing kahit na ano. Nakikinig lang sa hindi nila naiintindihang salita ko.

"Anong ginagawa mo?" pabulong niyang tanong. Takot niyang nilingon ang tatlo bago ako tiningnang muli.

Ngumiti ako lalo. "Sumakay ka na lang. Iniiwasan mo sila 'di ba?" pinanlakihan ko siya ng mata. "Right, honey?"

Lumaki rin ang mata niya sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Napakahirap basahin ng babaeng ito lalo na kapag itinatago niya ang nararamdaman niya. She stared at me for a while then slapped my face.

Suminghap ako sa gulat. Nanlisik ang mga mata ko nang tumawa ang isa sa mga lalaki. Natahimik din naman sila nang bumaling ako at hinamon sila.

"I hate you," mariin niyang utask. "But... fine," lumipat ang tingin ko kay Zandra. Her face broke into a smile.

Umiigting man ang panga ko at mainit ang pisngi dahil sa sampal ay hindi ko pa rin naiwasang mamangha sa tunay na ngiting nakaguhit sa kanyang mukha.

"Fine," ulit niya. "I forgive you, honey. Let's go? You will still let me taste your cooking, right?" nagtaas siya ng kilay. Kung hindi pa niya ako pinanlalakihan ng mga mata ay inisip ko nang totoo ito at hindi kami umaarte.

Isinukbit niya ang kamay sa braso ko at naramdaman ko ang panginginig ng kamay kong may hawak ng adobo. Biglang bumigat iyon sa aking kamay. Tumikhim ako at nilinis ang mga naramdamang bato sa aking lalamunan.

"Oh, hon. I'm really sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya," patuloy ko kahit na nagsimula na kaming maglakad palayo sa mga lalaki.

Hindi nila kami hinabol. Hindi sila sumigaw o sumugod para patigilin kami. Nang makapasok sa loob ng aking apartment ay wala na silang nagawa kundi maiwan doon sa labas at mag-isip ng tungkol sa nakita nila. I didn't care whether they believed our acting. Basta safe at narito sa tabi ko si Zandra ang mahalaga sa akin.

Bumuntong hininga ako habang siya ay nakatulala sa harap ng living room ko.

Bumitiw siya nang isara ko ang pinto. Hindi agad niya ako nilingon. Hinimas niya ang kanyang magkabilang braso na parang nangingilabot siya sa lamig. Nang lumingon siya ay kahit papaano ay may nabasa akong kinang sa mga mata niya.

Ngumiti ako at tumango. She doesn't have to say anything anymore. I'd still help her kahit na ilang beses niya akong pinakitaan ng sama ng ugali mula nang magkakilala kaming dalawa. Hindi ko lubos maisip ang lahat ng nangyari sa loob lang ng isang araw.

"You're welcome," utas ko at sa unang pagkakataon ay ako ang naunang tumalikod sa kanya.

Unti unti akong napangiti sa aking sarili.


Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 353 34
Elya Kristen Llanos is a type of girl that is serious when it comes to studying. She's always in the library and making sure no one will acknowledge...
85.8K 2K 38
Lana Marjorie del Rey refused to be a puppet of a world she doesn't admire. She was tired of being not herself anymore. She destroyed the image they'...
3.4K 413 44
Status: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from a prominent medical family in Boston, t...
14.2K 1.1K 55
When Zyra Izabeaux Gaffny Roces learn how to love everything fucked up. When things was going on her way there's always a problem. She always believ...