In Love With A Stripper

By kathrineotani

19.7K 365 50

Based on T-Pain song of the same title... No Pagerism intended @copyright 2013 More

Meet the Dancer
Anthony Flores Ocampo
They Meet
Fate or Disaster
Bad mood
The Unexpected Stripper
They Meet Again
Date gone wrong
Give me a chance
Date 101
In The Club
In The Club 2
Music for Love
Dress shopping
Wedding Date
Trouble
Problem

Glimpse of Her

1.4K 27 3
By kathrineotani

NATASHA'S POV

"Eunice!" Tawag ko sa kanya nang makapasok na ako sa dressing room.

"Oi late ka ah. Ano ba nangyari sa'yo?" Tanong niya.

"Traffic."

Magsasalita pa sana siya nang bigla nalang namin narinig na pumasok si Mama Tere sa loob ng dressing room.

"Naya. Late ka ah." Sabi niya at napakamot ako sa ulo.

"Sorry na mama, traffic eh." Sabi ko na may konting paglalambing. Paawa effect.

"Dahil late ka, ikaw ulit ang mag-open ng show. Mag sexy dance ka ulit."

"Mama Tere naman! Kagabi ako na ang nag open ng show eh." Pag-iinarte ko. Ano ba naman itong si mama, hindi naman ako super late para parusahan ng ganito.

"Huwag ka na mag-inarte Naya. Hala magbihis ka na at mag-ayos at bilisan mo." Final niyang sabi at agad na lumabas ng dressing room.

"Naman eh!" Padabog ko tuloy nailapag ang bag ko at napaupo sa upuan.

"Hayaan mo na Bessy." Si Eunice na inaalo-alo ako. "Atlis yan lang punishment mo. Alam mo naman na ayaw ni mama tere ang may na-late sa kanyang mga dancers."

"Hindi naman ako super late ng bongga noh. Si mama tere kung minsan ang unreasonable niya." Naman eh!

"Magbihis ka na girl. Fifteen minutes na lang mag start na ang show." Sabi niya kaya napatayo na ako mula sa pagkakaupo. Kinuha ko ang susi ng locker sa bag ko at binuksan ito at nagsimula nang magbihis.

********

ANTHONY'S POV

"Pare!" Boses ni Kenneth ang narinig ko sa di kalayuan at agad ko silang nakita, ang buong barkada. Sina Edward, Daniel at Matthew. Agad akong lumapit sa table na malapit lang sa stage at naupo.

"Late ka ah." Puna sakin si Kenneth.

"Traffic." Tipid kong sagot. Totoo naman.

"Anyway, glad you made it." Sabi naman ni Edward.

Tipid lang na ngiti ang sagot ko at saka umorder na ako ng makakain. May isang bucket na nang beer sa table. Kumuha ako ng isa.

"Okay Guys Cheers to Kenneth!" We raised our bottles of san miguel beer. "Happy Birthday!"

"Maraming salamat mga pare!" Nagsalita si Kenneth. "Napakaswerte ko talaga at meron akong mga kaibigan na katulad niyo."

"Corny pare!" Kantyaw ni Matthew at Daniel.

Nagtawanan kaming lahat.

"At sana ngayong birthday ko sana maka-jockpot ako." Dagdag pa ni Kenneth at sinamahan pa ng pilyong ngiti.

"Ang tanong pare, makaka-score ka kaya?" Kantyaw ni Daniel at uminom ng beer.

Napapailing na lang ako sa mga 'to.

I drank my beer again at nilapag ito sa table. Bigla ko naisip ang babaeng iyon kanina na tinulungan ko. I search for the whole crowd. Looks like she's no where to be seen around here, at isa pa madilim ang paligid. I can never forget her face. Her beautiful face especially her beautiful emerald eyes.

"Pare sinong hinahanap mo?" Nagulat na lang ako nang bigla akong tapikin sa balikat ni Edward.

Hinarap ko siya. "Wala."

"Meron eh." Sabi naman ni Kenneth. "May sinama ka bang babe at hinihintay mong dumating dito?"

Nagliwanag ang mukha nilang lahat sa sinabi ni Kenneth.

"Wala." Sabi ko at halata ang pagkadismaya sa mukha nila.

"Akala pa naman namin pare may ipapakilala ka nang girlfriend." Sabi ni Daniel.

"Sorry to dissappoint you mga pare." Iiling-iling na sabi ko.

"Di bale pare, dahil birthday ko naman ngayon. Libre ko na." Pilyong sabi ni Kenneth.

Kahit di niya sabihin, alam ko ang ibig niyang sabihin and sorry to say, hindi ako tulad niya na nag-pick up ng babae.

"Sira ulo!" Sabi ko.

Natawanan lang silang lahat.

"Pare naman, binabahagian ka na nga ng grasya tumatanggi ka pa."

Napailing na lang ako at uminom na lang ng beer. That's when we heard the announcer speaking.

"Yes! Its showtime!" Si Kenneth. Kung umasta parang ngayon lang makakapanood ng showtime.

I wasn't really paying attention sa sinasabi ng speaker until I heard the name of Naya.

The music started to play at nang tingnan ko ang stage ay may liwanag na ito na napansin ko kanina ay madilim. A Lady on the stage is doing a sexy dance number. I am studying her carefully, she is wearing a mask. She has a flawless skin, katulad ng babae na tinulungan ko. Her hair, mahaba tulad ng sa babae. And when she moved to the front of the stage di ko maiwasan ang mapaisip. Even her body features ay katulad na katulad nang doon sa babae. Nang magtama ang mga mata namin, I felt the same thing that I felt kanina lang.

"Damn! That chick is really good at her thing!" Hiyaw ni Kenneth pero hindi ko ito masyado pinansin. I was focus on the woman dancing on stage. Yes, he's right and she is sexy as hell in that nightie thing she is wearing. Kitang-kita ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. And I admit, nakaramdam ako ng init sa katawan.

"Pare baka pasukin na ng langaw ang bibig mo." Natatawang sabi ni Edward. Hindi ako alam na nakabuka na pala ang bibig dahil sa pagkatulala ko sa babaeng sumasayaw sa stage.

"Bet mo ang dancer na yan noh?" Si Daniel.

"Di bale, kakasusapin ko ang mama san nila kung pwede ba i-table siya, para sa'yo." Ngiting sabi sakin ni Kenneth.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nataman kong pinapanood ang babaeng nagsasayaw. She really is a good dancer. Kahit sinong lalaki maakit sa ginagawa niyang galaw ngayon. I can even hear other men sa kabilang mga table na naghihiyawan at nang tingnan ko ang mga ito gustong mainis sa titig na pinapakita nila. Kulang na lang hubaran na nila ang babae the way they're staring at her.

"Pare chill!" Sabi ni Edward. "Para kang manununtok sa tingin na yan ah."

"Papano kasi yong mga lalaking nasa kabilang table, kung titigan yang babae parang hinuhubaran." Inis na sabi ko. Di ko maintindihan kung bakit ganito ako mainis. This place is a club, natural maraming mga lalaki dito na nagpupunta para lang may maka-table na mga babae o kaya manood ng strip show. Geez!

"Looks like our friend here has been smitten by a dancer on stage!" Hirit ni Matthew at sabay akbay sakin at itinaas ang bote ng beer. "Cheers to that pare!"

"Mga loko-loko! Hindi ganon." Sabi ko at inalis ko ang braso ni Matthew na nakapatong sa balikat ko.

I just watched her dance hanggang sa matapos ang kanyang performance at nagpalakpakan ang mga tao.

"Teka sandali lang ah." Sabi ni Kenneth at tumayo ito sa upuan.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Edi tatanungin ko ang mama san kung pwede i-table ang babae na katatapos lang sumayaw."

"Bahala ka na nga." I just rolled my eyes.

The next who step on stage ay dalawang babae naman. I bet they're gonna dance a duo. Habang nanonood kami ay saka bumalik si Kenneth sa table namin, his face a little bit dissappointed.

"Bakit pare?" Tanong ni Edward.

"Sorry pare." Baling sakin ni Kenneth. "That girl Naya, hindi pala nakikipag-table sa mga customer. Kahit anong pakiusap ko sa mama, hindi niya pwede pilitin ang mga dancers niya na makipag-table sa mga customer kung ayaw nito."

"Sayang." Hinayang na sabi ni Daniel.

"Nasa mga dancers na lang daw kung gusto nila. May mga babae naman na pwede daw natin i-table."

"Oh nasaan na?" Tanong naman ni Matthew at palinga-linga siya sa paligid.

"Ayun parating na." Ngumuso si Kenneth.

***************

NATASHA'S POV

"Bessy!!!" Hiyaw ni Eunice sa loob ng dressing room.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Sabi sakin ni Mama Tere ang gwapo ng lalaking gustong i-table ka. Bakit di ka pa pumayag kahit ngayon gabi lang?"

"Hay naku Eunice." Buntong hininga. "Basta mag-stick pa rin ako sa rule ko as ever. Hinding-hindi ako makikipagtable sa mga customers."

"Hay naku, mukhang pursigido si pogi na i-table ka." Tili niyang sabi at umupo sa tabi ko at humarap din sa salamin at inayos ang kanyang buhok.

"Hmp, nagsasayang lang siya ng oras. Hindi ako papayag noh." Pag-irap ko.

"Sayang, mukhang mga mayayaman pa sila." Sabi nito. "At alam mo yong isa nilang kasama na mukhang serious, ang poooogggggiiii!!!! makalaglag panty!!!"

Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Yong lalaki kanina na tinulungan ako nung nadapa ako! Bigla nga ako ninerbyos kanina habang nagsasayaw ako, lalo na nung nakita ko siya at nagtama ang mga mata namin. Buti na lang at nakasuot ako ng maskara kaya hindi niya ako nakilala. At oo, he's one hell of a handsome man.

"Sige, Natasha. Mauuna na ako." Sabi niya at tumayo na siya.

"Saan ka pupunta?" Hindi pa naman uwian.

"Edi doon sa table A2, kung nasaan ang mga mr. pogi. Sisingit ako sa table nila." Sabi niya. "Since ayaw mo maupo sa kanila, edi ako na lang, and don't worry kikilatisin ko si mr. pogi slash serious mode para lang sa'yo. Bet ko siya for you!! Mukhang bagay kayo!"

Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya. As if naman na papatulan ko ang customer na iyon. Eunice talaga kahit kailan oh.

"Bahala ka na nga." Nasabi ko na lang. "Basta mag-iingat ka sa mga creature na yan ah." Tanging advise ko na lang sa kanya.

"Vavush!!!" Sabi niya at lumabas na ng dressing room.

***********

Mabilis lumipas ang oras ngayong gabi at sa wakas uwian na! Medyo nalasing si Eunice dahil sa dami ng nainom niya kaya inalalayan ko pa siya papasok sa taxi.

kasalukuyan akong naghihintay ng taxi nang biglang may tumawag sakin.

"Hi Miss." Boses ng lalaki ang narinig ko at nalingon ko siya.

"Ikaw?!" Gulat ang reaction ko. Siya naman! Yong lalaki na tinulungan ako at yong lalaki sa table A2!

******************

NOTE:

Sa wakas after 48 years na-update ko na rin!!! Pasensya na po kung lame ang update ah!! I hope hindi kayo ma-dissappointed mga readers.. Hehehehe!!!

Ano ang say niyo sa story na ito?

Vote or comment

The song Naya was performing>>>>>>>>>

O by Omarion

Enjoy reading!!!

xoxo

Continue Reading