STRAWBERRY BY: GRACEY

By HeartRomances

42.6K 996 21

SYNOPSIS: "If one day has come na makakaya ko nang ngumit ng walang nararamdaman na kahit anong kirot dito sa... More

Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:
Chapter 10:
Chapter 11:
Chapter 12:
Chapter 13:
Chapter 14:
Chapter 15:
Chapter 16:
Chapter 17:
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21:
Chapter 22:
Chapter 23:
Chapter 24:
Chapter 25:
Chapter 26:
Chapter 27:
Finale:

Chapter 18:

1.3K 36 0
By HeartRomances

"WHAT?!" Bulalas ni Pinky.

Halos sabay na napangiwi sina Berry, at Jecka, sa reaksyon ng kaibigan.

Dahil sa kakaisip ng dalaga sa mga ginagawa ni Uno, nagpasiya siyang humingi ng opinion sa dalawang kaibigan.

"As in nag-kiss kayo ni Uno! Omg!" Sinapo pa nito ang dibdib.

"Hindi ko nga alam kung bakit niya ginagawa 'yon. Sa totoo lang naguguluhan din ako, wala naman siyang sinasabi na kahit ano." Isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga.

"Alam mo 'bru, ang pinaka magandang gawin mo ay tanungin mo si Uno. Dati ka nang nasaktan, Baka mamaya umasa ka na naman. " Wika ni Jecka.

"Eh, diba nga bumabawi daw siya? So enjoy mo nalang 'bru." Ani Pinky

"Enjoy? Tapos sa huli ay crying lady na naman ang emote niya?" Sagot ni Jecka.

"Alam n'yo ang pinagdaanan ko. At tama ka Pinky, nasisiyahan ako sa mga effort niya. Pero hindi ko maiwasan na mag-alinlangan. Dahil tama ka din Jecka, nasaktan na ako." Aniya.

"Ang best solution ay tanungin mo siya, kung bumabawi lang talaga ang ginagawa niya, bakit may halikan portion pa." At napangiti pa si Pinky.

SAMANTALA kanina pa pinagmamasdan ni Uno, ang photo frame na nasa kaniyang harapan. Na may larawan nilang dalawa ni Berry, nang nasa kolehiyo na sila pareho.
Nangingiti naman ang binata habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Matagal na itong nandito sa opisina niya.

Hindi tuloy niya napansin ang pagpasok ni Miko.

"Mukhang nadala ka yata sa ibang mundo ng picture na yan ah." Tukso niya sa binata.

Napapailing na napapangiti si Uno, habang binabalik niya ang photo frame.

"All seat na ba lahat para sa sunday?" Tanong ni Miko.

"Ayos na lahat. And I can't wait." Tugon ng binata.

……

Tokyo, Japan.

"How are you, Margie?" Nakangiting bungad ni Barbie sa kapatid.

Nasisiyahan siyang makita na nagiging maayos ito.

"Feeling better! Excited na akong umuwi ng pilipinas." Mababakas ang excitement at kasiglahan nito.

"Wait, I have something for you, from philippines." Aniya at binigay niya ang dalang paper bag.

Agad namang binuksan iyon ng dalaga.

"Magazine?" Nalilitong napatingin siya sa kapatid.

"Yup, turn to page to 35." Aniya sa kapatid.

Agad namang tumalima ito.

"Uno!" Bulalas nito. Pagkatapos ang dinala pa niya ang magazine sa kaniyang dibdib at niyakap ito ng mahigpit. Bahagyang namasa ng luha ang kaniyang mata. Makalipas ang ilang sandali ay excited niya itong binasa.

"He's doing great, walang pinag bago sa kaniya. Handsome parin." Puno ng kasabikan na tinitigan ito ng dalaga.

"At napaka successful ng company nila." Dugtong ni Barbie.

"I miss him badly, ate." Bahagyang lumungkot ang tinig nito.

"Kaya nga, pagaling ka pa para makauwi kana ng pilipinas, at magkita na kayo." Nilapitan ito ni Barbie at niyakap.

"I will ate." Ani ni Margie na puno ng determinasyon.

……

LINGGO nang umaga, humihikab pa ang dalaga palabas ng kanilang bahay, kasunod ang binatang si Uno.

"Tsk, ang aga aga naman. Saan ba tayo pupunta?" Nagmamaktol na wika ng dalaga.

"Basta, pwde ka namang matulog sa kotse. Gigisingin nalang kita pag nandoon na tayo. Okay?" Ani ng binata at pinagbukas ng pintuan ang dalaga.

"Ano ba kasi ang gagawin natin?" Baling ng dalaga.

"Later, malalaman mo din." Ani ni Uno, at pinaandar na ang sasakyan.

Dahil inaantok pa ang dalaga, ay agad naman siyan nakatulog.

Pasulyap sulyap naman ang binata sa dalagang natutulog. Ang sarap pagmasdan, parang angel na natutulog. Napangiti pa si Uno habang iniisip ang mangyayari mamaya sa kanilang pupuntahan.

Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating na sila sa clark pampanga. Sakto namang nagising ang dalaga.

"Nasan na tayo?" Tanong ni Berry, at nagpalinga linga.

"We're here. Clark sky diving center Let's go shine." Anito at bumaba ng sasakyan.

Kinabahan naman ang dalaga sa narinig.

'Sky diving daw?' Tanong niya sa sarili.

Agad namang sumunod ang dalaga.

"Teka, mag ssky diving ka pala, bakit sinama mo pa ako?" Kunot nuong tanong niya.

Imbes na sumagot ay ngumiti lang ang binata sa kaniya. May kinuha ito sa compartment ng kotse. Isang malaking varsity bag.
Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa kamay, at iginaya papasok.

Pag bungad palang sa information ay agad niyang namataan ang dalawang kaibigan. Sina Pinky at Jecka.

"Ang tagal niyo naman! Excited na ako eh." Anito sa kanila.

"Exciting talaga!" Dugtong naman ni Jecka.

Nagugulumihanang nagpalipat lipat ng tingin si Berry sa mga kaharap.

"Teka lang, ibig sabihin kasama kayo nitong lalake na 'to?" Turo pa ng dalaga kay Uno.

"Oo, at sila din." Nakangising nginuso ni Pinky, ang dalawang paparating. Sina Ferdz at Miko. Nakasuot na ito ng sky diving gear.

"Late kayo." Ani ni Ferdz.

"Ready kana ba Berry?" Nakangising tanong ni Miko.

Nanlalaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.

"Anong sinasabi mo Miko??" Natitilihang tanong niya sa kaharap.

Pero hindi siya sinagot nito, bagkos ay bumaling ito kay Uno.

"Ikaw na bahala d'yan dude. Mag aantay nalang kami sa run way." Ani Miko

Magkakasunod na umalis ang apat.

"Uno?! Anong kalokohan 'to?! Bakit kasali ako?!" Galit na wika niya. Halos isang linya nalang ang kilay ng dalaga.

"Relax, Shine. Kasama mo naman ako." Pagpapakalma ng binata sa dalaga.

"Relax?! Alam mong takot ako sa matataas! Sky diving pa kaya?! Uuwi na ako!" Akmang tatalikod ang dalaga ng yakapin siya sa likod ng dalaga.

"Over come your fear. At hinihintay na nila tayo." Natatawang wika ni Uno. Ang itsura kasi ng dalaga ay kinakabahang natatakot parang bata.

"Ayoko! Uuwi na ako!" Anito na parang iiyak na.

Lalo naman napatawa si Uno.

"Kaya mo yan. Kasama mo ako, certified diving instructor na ako ngayon." Anito na hila hila ang dalagang parang bata.

Tawa naman ng tawa ang apat, habang pinapanuod si Berry. Nakakatawa kasi ang itsura nito.

"Uno naman, please manunuod nalang ako. Diyos ko po. Mommy!" Sigaw ng dalaga habang yumakap pa sa railings ng sliding glass, papunta na sila sa mga diving equipments.

"Nandito ako, Shine. Trust me okay?" Pigil na pigil si Uno na 'wag tumawa sa harap ng dalaga.

Dali daling lumapit si Pinky at Jecka, Upang pasuotan ng Jumpsuit ang dalaga.
Pwersahan talaga ang nangyari.

At nang sa wakas ay natapos ang pahirapan moment ng dalaga. Kasalukuyang nag bibigay ng instruction ang diving instructor na nakalaan kina Pinky at Jecka. Sina Ferdz at Miko naman ay hindi na kailangang ng instructor dahil mga bihasa na ang mga ito.

Si Uno naman ang bahala kay Berry, dahil matagal na siyang nakakuha ng lisensya bilang instructor.

"Okay, Shine listen carefully, Nakasuot ka ng Jumpsuit na may harnessed, na ikakabit sa harnessed ko, Kasi Tandem in freefall tayong dalawa, you also wear a goggles and helmet, After ng thirteen thousand feet pwede na tayong tumalon..." Hindi pa natatapos ang binata ng sumigaw ang dalaga.

"Thirteen thousand feet?! Tapos tatalon?! Are you crazy?!" Aniya na abot langit ang kaba. Nanginginig na ang kalamnan niya. Napahawak siya ng mahigpit sa helmet.

Naglingonan naman ang mga kasama nila sa Dalagang napalakas ang boses, nag ngitian lang ang mga nandoon sa ginawang iyon ni Berry.

"Shine, listen okay? Pag jump, one minute after saka ko i-oopen ang main parachute natin. Then magla-landing tayo sa dropzone." Paliwanag ng binata. Ngunit wala doon ang atensyon ng dalaga, dahil kabado talaga siya.

Habang papaakyat ang cessna plane na kinalululanan nila ang parang sasabog ang dibdib ng dalaga, napapa pikit pa siya habang nararamdaman ang hangin.

Pinagtatawanan lang siya ng mga kasama.
Agad namang hinawakan ng binata ang kamay niyang nanlalamig.

Nasa tamang taas na ang cessna plane para sa kanilang pagtalon. Kaya't nagsalita na isang instructor.

"Okay, ready for jump everybody!" Sigaw nito dahil maingay.

Unang tumalon si Ferdz, sunod si Miko. Pagkatapos si Pinky at ang instructor nito. Ganoon din si Jecka, kasama din ang instructor nito. Narinig pa ni Berry ang mga sigaw nito. Lalo tuloy siya kinabahan. Parang bibitayin ang pakiramdam niya.

"Ready Shine?!" Sigaw ni Uno, Habang pinagdudugtong ang mga harnessed nila.

"Te-teka m-muna! Sa-sandali!" Aniya at parang butiking nakayakap sa pintuan ng cessna.

"Trust me, Nandito lng ako!" Muling hinakawan ni Uno ang kamay niya.

"Te-tekaaa! Uno pleasse! B-baka pwdeng ik-ikaw nalangg?" Sunod sunod na lunok ang ginawa ng dalaga. Naiiling na tinatanggal ng binata ang pagkakayap niya sa pintuan. Hindi na nag aksaya ng oras ang binata. Agad niyang inumang ang dalaga palabas.

"Jump! Berry!" Sigaw ng binata.

Pikit matang tumalon ang dalaga kasabay ng isang makapugtong hiningang sigaw.

"Aaahh!!!!! I hatee youu Uuno!!!!!!!!"

Parang kumakalas lahat ng laman niya sa katawan ng bumubulosok sila pababa. Parang mamatay na siya sa gravity na nararamdaman.

Makalipas ang ilang sandali ay hinila na ng binata ang tali ng parachute nila. At unti unting nawala ang hampas ng hangin. Dahan dahan silang bumababa sa dropzone.

Nakatulalang napaluhod ang dalaga ng maramdaman ang pag apak niya sa lupa.
Dali daling tinanggal ni uno ang harnessed na nakakabit sa likoran ng dalaga at humarap dito.

"Shine? Are you okay? Berry?" Aniya sa dalaga at niyugyog pa ang mga balikat nito.

Marahang nag angat ng mukha ang dalagang walang kibo, at biglang naningkit ang mga mata nito. Isang malakas na sampal ang binigay niya sa binata.

"Walanghiya kang lalake ka?! Papatayin mo ako sa takot!" Galit niyang pinagtatampal ang kaharap.

"Ouch! Tama na Shine! Masakit na ah!" Panay naman ang salag ng binata.

Halos maluha luha naman ang apat nilang kaibigan sa kakatawa. Nang biglang may isang malakas na pagsabog silang narinig. Agad tumayo sina Uno at Berry.

May mga iilan na ring lumapit sa pinagsabugan, at may puting usok.

Dala ng kuryusidad lumapit din silang anim.

Unti unting nawala ang usok, at isang lalaki na naka-costume ng 'Tarzan' look ang nakatayong nakangiti. May hawak pa itong mga sunflower. At maya maya ay may lumabas na babae.

Nagulat pa si Berry ng makitang may name plate ang naturang babae, sa kanang dibdib nito. ' Strawberry' ang nakalagay.

Lumapit ang 'Tarzan' na lalake, sa babaeng si 'Strawberry'. At nagsalita ito.

"Simula pa noon, Minahal na kita. Hindi ko lang binigyan ng pansin kasi, ayokong masira ang pagkakaibigan natin. Hindi mo lang alam sa tuwing nakikita kita, pilit kong nilalabanan ang nararamdaman ko. At nang sa wakas ay sabihin mong mahal mo din ako, naging bulag naman ang puso ko. Nasaktan kita ng labis sa pagkakataong iyon. Lubos kong pinagsisihan ang lahat. Ngayong nandito ka na muli. Hindi ko na hahayaang mawala ka pa." At huminto ito sa pagsasalita.

Nanginginig na namang muli si Berry, dahil sa nagaganap ng mga oras na iyon.

Tumingin ang 'Tarzan' na lalake sa gawi nila ni Uno.

Napatingin naman ang dalaga sa katabing binata. Malamlam ang mga tingin nito at puno ng emosyon.

Kinikilig pa ang mga audience na nandoon.

Nanlalaki naman ang mga mata nina Pinky at Jecka. Ang mga bibig nito ay naka formed ng letter 'O'.

Nag-apir naman sina Miko at Ferdz.

Nag umpisang magsalita ang tunay na 'Tarzan'. Si Uno.

"Ayoko nang maging kaibigan mo lang. Kaya please, Strawberry Marquez. If you allowed me, Pwede ko bang ipakita sayo kung gaano kita kamahal? Can i Court You?" Ngumiti pa ito ng buong pagsuyo at hinawakan ang kaniyang mga kamay.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.5M 55K 80
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance. ...
136K 546 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
288K 4.1K 33
Wala akong ibang ginawa kundi mahalin sya. Tinanggap ko lahat ng masakit na pagtrato sakin ng pamilya ko at niya. Pero bakit sa lahat ng titirahin ny...