SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 23.2 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 8 - Magical

1.7K 44 5
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 All Rights Reserved

Copyright © 2013 throbbingheart

Case 8

Magical

throbbingheart says: I like this case:D Hope you will too.

Dinelle's POV

I blink plenty of times. And run as fast as I need.

Kahit ako..

hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to. Na pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa akin.. nag-aalala pa rin ako.

Sacrifice? No.. that word was too much. Pity.. yes I pity him.

Save? No.. I won't. What I will do.. I called it Help.

Cry? Never.

Nagawa kong pigilan ang mga luha ko nang iwan nya ako. Paano pa kaya ang ngayon?

Alam ko malapit lang ang farm na yon sa hotel na ito. I saw the map and I'm sure it's somewhere on the left.

Tumigil ako sa pagtakbo at lumiko sa kaliwa. Natatanaw ko na ang kotse ng halimaw.

ö~ö~ö~ö

Nakatayo ako sa tapat ng bintana ng driver's seat.

Hindi kami nag-shooting dahil may pupuntahan daw sya? I sarcastically laughed on my mind.

Saan naman sya pumunta para saktan ang sarili nya?!

Nakapikit si Kiel habang nasa steering wheel ang sugatang kamay.

Bakit kailangan mo pang lumayo kung gusto mong magkaganyan? Kaya naman kitang patayin para matapos na lahat e.

I reached for the car's door and opened it. He slowly opened his eyes too.

"Dinelle.." he said in his weakest voice.

"Lumipat ka ng upuan, ako ang magda-drive." I plainly said.

Ngumiti sya at pumikit uli. "I missed you, worrying about me." mahinang sabi nya.

"Tsk! Alis sabi e!"

Tinapak nya palabas ang isang paa, nagulat akong pati iyon.. puro dugo.

Dumilat sya uli pero naniningkit ang mga mata.

He tried to stand while enduring the pain. I hate him very much for being like this.

Naitapak na niya sa labas ang isa nyang paa pero hindi nya nabalanse ang sarili. Mabubuwal na sya sa akin at handa naman akong alalayan sya...

yun nga lang may ibang sumalo sa kanya.

Bigla na lang nakita kong nasa harap ko ang Detective at hawak nya sa balikat si Kiel.

( O.O)

Bakit sya nandito?

"I like to see him fall but not on you." walang ngiting sabi nya sa'kin.

Kumapit si Kiel sa kotse at tinulak si Wanna Be. "I don't need your damn help!!"

Binuksan ko ang pinto sa back seat at inalalayan si Kiel na sumakay.

"I'll drive." sumakay si Wanna Be sa driver's seat.

Hindi na ako umalis sa tabi ni Kiel. Kailangan nya ako pero hindi ko kayang tulungan sya kung ako lang.

"Kausapin mo nga yang sira ulong kasama mo dahil ayokong ipa-drive sa kanya ang kotse ko!" inis na inis na sabi ni Kiel.

"Save your anger, may panahon para dyan."

Pumikit sya ng madiin habang nakakuyom ang parehong kamay.

Tumingin ako sa bintana. Madaling-araw na. Kung dadalhin namin sya sa ospital, makikita pa rin kami ng ilan.

I sighed.

Oo, natatakpan ng pera ang issues.. pero sinong gagawa noon? Si Kiel ang maraming kilalang media.

Napaawang ang mga labi ko nang mapansin kong hindi naman ito ang daan papunta ospital.

"Hoy!!" hinampas ko ang balikat nya. "Anong pangarap mo at hindi mo alam ang papuntang ospital?!! Ang lakas ng loob mong mag-presintang ikaw ang magda-drive!!"

"You'll be on newspapers if I drove you there. We're going to my house instead"

Nasabi nya sa'kin na dito rin sila sa Tagaytay nakatira dati kaya kilala nya si Mama.

"Sino namang gagamot sa kanya doon?"

"Marami kaming santo sa bahay. Magdasal sya."

I grit my teeth. "I'm serious here!"

"Alright then, I'll call a private doctor." tiningnan nya ako sa rear view mirror.

I rolled my eyes.

Tiningnan ko si Kiel, tulog pala ang halimaw.

He may be the guy in every girl's dream.

Actually he once became a prince in my real life story. Pero ang mga prinsipe ay nabubuhay lang sa mga kwento kaya hindi na ako nagtatakang iniwan nya rin ako.

Biglang bumilis ang takbo ng kotse. "Kung gusto mo nang mamatay, ibaba mo ako!!"

Hindi sya sumagot.

Babagsak na dapat ang ulo ni Kiel sa balikat ko nang biglang magpreno si Wanna Be. Nagising tuloy si Kiel.

Kamuntik na akong mauntog sa inuupuan nya. "SABI NANG IBABA MO MUNA AKO BAGO KA MAGPAKAMATAY E!!"

"May tumawid." dahilan nya.

Tumingin ako pero wala namang tao. "At nasaan?!"

"Hindi mo ba nakita?" nilingon nya ako at hindi na iyon sa salamin.

Tapos tumingin sya kay Kiel. "Ikaw? Nakita mo?"

"Don't push me to my limit, you crap!!"

Napakatalented rin talagang mang-pikon ni Wanna Be.

Wag nyang sabihing multo ang tumawid at nakakakita rin sya non. Napaka-gifted naman yata nya.

ö~ö~ö~ö

"Hello Apple.." sabi ni Wanna Be sa kausap nya sa phone.

Apple? Other endearment? Whatever!

Nandito na kami sa bahay ni Wanna Be. Nakaupo ako sa sofa katabi si Kiel na salubong pa rin ang kilay habang nakapikit.

Iginala ko ang paningin ko sa bahay nila, malinis at napakaayos kahit na hindi naman na natitirahan dahil sa Manila nag-aaral si Wanna Be.

"Nagising ba kita? Sorry na.."

Talaga bang private doctor ang kausap nya?

"Oo ako nga.."

Kung naghihingalo pala si Kiel, malamang na double dead na rin sya ngayon.

"Aah.. hindi ako magtatagal dito, may tour lang kami."

Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari edi sana sa ospital na lang kami dumiretso!

"Okay.. I'm sorry Apple for not letting you know I'm here."

I gasp air. Then heaved out a very deep sigh.

"Ayos lang, ikaw ba, kamusta?"

Nakatalikod sya kaya hindi ko nakikita ang pesteng reactions ng mukha nya.

Tumayo na ako. Kung ganito nang ganito, mas gugustuhin ko nang maging headline ng dyaryo!

Humarap si Wanna Be at tumingin sa akin. "Go back to sleep. I'll call you later."

He hung up his phone.

"Yon ba ang sinasabi mong doktor?!" inis na inis kong tanong.

Umiling sya.

Oh great!!

"Ah ganon?! At sino pala yon?! Mukha pala kaming tanga kahihintay dito?!!"

"Si Apple."

"Ahhh... ohhh.. kayyy.. SI APPLE PALA!! Samantalang sabi mo tatawag ka na lang ng private doctor! My time is more than gold, d'you know that?!"

"Kuya ni Apple ang sinasabi kong doktor."

"E BAKIT HINDI YUNG KUYA NYA ANG TINAWAGAN MO?!"

"Bakit tatawagan ko pa kung pwede ko namang itext?" iniharap nya sa'kin ang screen ng cellphone nya. "He's on his way here"

Pigil na pigil akong saktan sya kaya ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa sofa.

E kung pwede naman palang itext bakit yung mansanas na yon.. tinawagan nya pa?! Oh pleeeaaasee!!

ö~ö~ö~ö

"CRAP THING!!! DAHAN-DAHAN NAMAN!!" sigaw ni Kiel kay Barry.

Si Barry ang tinawagang private doctor ni Wanna Be. Kasalukuyang tinatanggal ni Barry yung mga bubog na napasok sa talampakan ni Kiel.

"Kiel, para kang bata. Shut up." inis kong sabi.

Matalim nya akong tinapunan ng tingin.

"Lumalim na kasi ang pagkakatusok ng mga bubog sa paa mo, medyo matatagalan tayo. At kung matatanggal naman ito baka isang linggo nating iba-bandage muna ang paa mo." paliwanag naman ni Barry.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Wanna Be at nakahiga si Kiel sa kama habang walang tigil sa karereklamo kay Barry.

"DOKTOR KA BA TALAGA?! BAKIT HINDI KA GUMAWA NG PARAAN PARA MAPABILIS ANG PAGGALING KO?!"

"Barry, pwede mong patulugin muna si Kiel." I suggested.

Saksakan mo ng sangkaterbang pampatulog. Ang daming reklamo e kasalanan nya naman!!

Lumabas na ako ng kwarto bago ko pa masaksak si Kiel sa kaartehan nya.

ö~ö~ö~ö

Iginala ko ang paningin ko sa bahay ni Wanna Be. Nasan na ang mga santong sinasabi nya?

Kung di ba naman sya luko-luko!!

"Inaantok ka na ba?" nakaupo pala si Wanna Be sa carpet habang nakasandal sa couch.

Lumapit ako. Di dapat ako magulat na nandito sya, kung sa hotel nga pasulpot-sulpot sya, dito pa kaya sa bahay nya?

Dahan-dahan akong naupo sa couch. Nagbabasa sya ng libro at mula paglabas ko dito hindi nya pa ako nililingon.

"Doon ka matulog sa kwarto ni Mama."

Mama nya? Kasama nya bang nakatira sa Manila o nandito? Wala akong nabasang tungkol doon sa notebook ni Shel.

"Nasa Maynila sya pero hindi ko sya kasama."

"Sabihin mo nga sa'kin. Lahat ba ng isip nababasa mo?"

"You're judgemental. I'm not a mind reader."

Librong binabasa nya at likod lang nya ang nakikita ko pero sigurado akong nakangisi na naman sya.

He flip the page of his book.

"I'm not reading your mind but I hear your softest voice."

"W-Will you stop saying weird things?!"

Lahat na lang ng sinasabi nya hindi ko maintindihan.

Hindi nya ako sinagot.

"S-Salamat nga pala.." kahit ako nagulat rin sa nasabi ko.

I rarely say 'thank you' behind cameras. I'm the worst and selfish. My manager actually calls me 'sadist.'

Isinara niya ang binabasang libro. "Saying 'thank you' means appreciating." tumayo sya at naupo sa center table kaharap ko.

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Masyadong malapit ang mukha nya sa mukha ko.

Sa shooting, ginagawa lang ito ng lalaki pag hahalikan nya ang babae.

He touches my cheek.

Kinuyom ko ang nanginginig kong kamay.

"Puntahan mo na ang direktor mo.. baka mapatay sya ni Barry. Pikon pa naman yon." he tapped my cheeks and leaved.

Napabuga ako ng hangin. At nanghihinang napasandal sa couch.

This was unexplainable.

Napahawak ako sa pisngi ko na hinawakan nya.

Pinalo-palo ko ang noo ko.

I feel somehow disappointed on what he only did. I have the guts to call everyone FLIRT but I'm being one. The nerve!!

Kung magpapatuloy pa ito, hindi malabong.... oh forget it!! Malabo yon!!

ö~ö~ö~ö

"Bukas na bukas aalis na tayo dito. Sabihin mo sa lalakeng yon babayaran ko lahat ng 'to."

Natatanaw ko mula sa bintana ng kwarto ni Wanna Be ang gate nila. I hate Kiel but I realized I am also like him.

Self-centered and full of myself. Giving material things instead of saying 'thank you.' I must hate myself too.

"What in the world are you looking at?" sabi nya at napatingin ako dahil katabi ko na pala sya.

I looked at his foot. "Ipagpatuloy mo ang paglakad nang ma-lumpo ka na habang buhay! Tss." lumayo ako at naupo sa single couch.

"You can use the bed. I hate lying there anyway. The shoot will be rescheduled tomorrow. You need sleep."

He is gentleman in his own ways. I always saw it.

I weakly smiles at him. "Pagkatapos ng ginawa mo sa'kin makakatulog pa ba ako kung nandito ka? You must use the bed instead."

ö~ö~ö~ö

The last thing I saw before falling asleep out of tiredness was Kiel sleeping soundly on Wanna Be's bed.

It made me smile. Hate sleeping on his bed huh? Kiel's pride never fail to made me smile.

ö~ö~ö~ö

Ray of sunlight woke me up. I stretched my hands and sit up as I am smiling. It also happened years ago.

+++++

Now Playing: Rise and Shine

{Please play the video on the right side. Listen to it as you continue reading}

+++++

Mr. Sun always forced me to open my eyes, to share smiles, to rise and shine.

Way back then, I hate sleeping, I dunno the word 'give up,' I always try my hardest.

Smiles never leave my face. Smiles never fade. Smiles are innocent but real.

Life was simple. Believing in fairytales, waiting for Santa Claus. Only a wounded knee is the reason to cry.

I always experienced magic. Like the flowers which opened after my sleep. Like the rain that always color the sky, Papa told me it's called rainbow. But I called it magic.

Like sleeping on couch and magically waking up on my bed. Like now..

Napatingin ako sa paligid. Ito siguro ang sinasabi nyang kwarto ng Mama nya. Pero hindi ko natatandaan na dito ako natulog.

Imposibleng MAGIC 'to. Sya ba ang nagdala sa'kin dito?

Tumayo na ako pero bago ako makahakbang may nakita akong pagkain sa side table.

Tinalikuran ko yon at pumasok ako sa CR para maghilamos. Medyo gutom na rin ako pero mas gugustuhin ko nang mamatay sa gutom kaysa magmukha na namang patay-gutom.

I twists the faucet and wash my hands.

Malay ko ba kung may plano syang lasunin ako. Yeah, I won't dare eat that.

Pero bago ko pa mabasa ng tubig ang mukha ko.. nakita ko sa salamin na may apple-shaped sticky note pala ako sa noo.

Hindi ko mabasa dahil baliktad ang reflection sa salamin. Kahit basa pa ang kamay ko, kinuha ko iyon at binasa.

Huling araw na ng gumawa nito. The nerve!!

=====

I won't poison you. Eat your breakfast.

-detective

=====

I look at the mirror and saw my smile.

Detective? I found it funny. Did he liked what I called him?

ö~ö~ö~ö

Tinikman ko ang pagkain at nilasahan ng mabuti. Mukha namang wala ngang lason.

Ininom ko din ng konti yung gatas. Humahanap ako ng maipipintas sa gawa nya pero.. wala talaga akong masabi.

I realized he's unconsciously changing me.

Nabitawan ko ang tinidor na hawak ko.

Tumayo ako para isara ang kurtina. Alam kong wala na rin ang mga ngiti sa labi ko.

I never opened my curtain to avoid the sunlight waking me up.

Napatingin ako sa kama. I know there's no such thing as MAGIC.

Kinuha ko ang note.

"Enough of weird things, detective."

Kinuyom ko ang kamay ko at nilukot iyon.

Kung nananaginip ako gusto ko nang magising. Hindi ako naniniwalang totoo si Wanna Be. Ayokong maniwala.

Wag nya akong turuang dumepende sa kanya o sanayin na palagi syang nandyan dahil alam kong iiwan nya rin ako.

Ganon naman lahat ng tao. Pag wala na silang kailangan sa'yo, bibitawan ka na nila.

Pinihit ko ang doorknob at lumabas na.

It make sense. Why hold still? What for if you don't need it?

Sinilip ko si Kiel sa kwarto ni Wanna Be at nakitang natutulog pa sya.

Naghanap ako ng wall clock para tingnan kung anong oras na.

I found one and it reads seven thirty-four.

Sinarado ko na ang pintuan. Dadalawa lang ang kwarto sa bahay na ito. Ibig sabihin, wala pala syang kapatid? Yung kamang hinigaan ko kanina, single bed lang, san kaya natutulog ang Papa nya?

E kung dadalawa ang kwarto dito, san pala sya natulog?

ö~ö~ö~ö

Naikot ko na ang buong bahay pero wala talaga si Wanna Be. Pinagtataguan nya ba ako?

Huling araw nya na talaga 'to!!

Itong back door na lang ang hindi ko pa natitingnan. Binuksan ko iyon at lumabas ako.

(O_O) My eyes widened as I saw a white horse running through my direction.

Nabuwal ako sa damuhan nang dambahin nya ako at amoy-amuyin.

Oh great!

"Hey!! Get off me, you monstrous, foolish, pathetic, lame horse!!" napapikit ako.

"I said GET OFF!!" sigaw ko habang pilit na inilalayo ko ang sarili ko sa kabayong 'to. I hate all kinds of animals and I never touched one. Crisostomo and Kiel are the exceptions.

Naramdaman ko ang pagkawag ng mahabang buntot nya sa binti ko.

"CURSED YOU!! GET OFF!!"

Napadilat lang ako nang may marinig akong tumatawa. Sa daming beses nya akong pinagtawanan. Kilalang-kilala ko na ang tawa nya. "Yeah, great!! Very funny!!" I shouted at him.

"It is." sagot ni Wanna Be at nagpatuloy lang sa pagtawa.

Aba't sumang-ayon pa!!

"Is this horse, yours?!!"

"Nah."

"A little help here?!!?!" I sarcastically asks.

He winked at me instead.

"Tingnan natin kung mabuhay ka pa pag nakaalis ako dito!!"

Naupo sya sa damuhan na may kalayuan sa akin. "Come here, Lass."

Tumayo ako kaagad nang lumapit sa kanya ang impaktong kabayo nya.

Pinagpag ko ang damit ko atsaka ko sya hinarap. "Bakit sya nakikinig sa'yo?! Akala ko ba hindi mo sya kabayo?!"

"Hindi nga."

"Maglokohan tayo dito! Sige!!"

"Hindi ko sya kabayo. Aso si Lass."

"Aso? Yan?"

Halos kasinlaki ng kabayo tapos sasabihin nya ASO?

Tumingin sa'kin yung sinasabi nyang aso daw at lumakad palapit.

"Stop and stay there! I'm warning you!!" I points at his pet.

Pero lumapit pa rin ang impaktong halimaw kaya napatakbo ako at tumakbo rin 'tong alaga nya at hinabol ako.

"Lass rarely likes people. You must be proud she likes you."

"Magkikita tayo sa korte kasama 'tong aso mo kung hindi ka gagawa ng paraan!!!"

"She's harmless. Kamukha mo lang siguro ang nag-alaga sa kanya dati kaya gusto nyang makipaglaro. You look like Diccy, your mom."

That made me stop. Ito ba ang asong sinasabi ni Wanna Be na ginamot ni Mama nung masugatan?

The dog also stopped and licks the back of my hand.

Hindi yan ang kamay na nagpagaling sa'yo. Ang taong kilala mo ay matagal nang wala.

Lumapit si Wanna Be.

Napayuko ako. "Wala akong sinabi na pag-aksayahan mo ng panahon ang kaso ni Mama. Kung pangarap mong lutasin yon mula pa noon. Gawin mo yon ng malayo sa akin."

Hindi ko sya pinilit na bantayan ako. At manatili sa tabi ko kahit na ganon na lang kung ipagtabuyan ko sya. Hindi ko sinabing buhatin nya ako para matulog sa kama ng Mama nya o ipaghanda ako ng pagkain.

Wala akong hiniling na kahit na ano.

Madami syang ginawa para sa akin at tama na ang lahat nang yon.

Inangat ko ang mukha ko at ibinato sa kanya ang nilukot kong note. "Tama na. Tumigil ka na. Sawa na akong mabuhay sa nakaraan. Kahit magawa mo pang lutasin ang kaso ni Mama....."

Umiwas ako ng tingin. "Hindi mo na sya maibabalik."

I took steps away but he grabbed my hand and pulled me just to whisper..

"Lalayo ako kung iyon ang gusto mo pero hindi kita iiwan." he let go of my hand and I watched him as he walks away.

Sandaling tiningnan ako ng alaga nya bago ito sumunod sa kanya.

I always tried to turn my back on him but I end up seeing his back.

ö~ö~ö~ö

"Kiel, aalis na tayo. Bumangon ka na."

Kumuha ako ng unan at inihampas sa kanya. "KIEEEEEL!!"

Napadilat sya at antok na antok pang tiningnan ako. "What?"

"Kung gusto mo pa dito. Fine! Maiwan ka!!"

Bumangon si Kiel at ibinaba sa semento ang mga paa saka tumayong mag-isa.

Salubong na naman ang mga kilay nya. I know it's hard for him to walk alone so I'm walking with him.

I put his hand on my shoulder and my hand on his waist. "Sa susunod magpakamatay ka na para hindi ako nahihirapan."

Natawa sya at noon na bumalik sa normal ang arko ng kilay nya

ö~ö~ö~ö

"Hey!! Where else are you going?! Akala ko ba aalis na tayo?!" sigaw ni Kiel na nasa tabi na ng driver's seat.

"Oh just shut your mouth! It wouldn't take me a minute!" lumakad uli ako papasok ng bahay ni Wanna Be para sabihing aalis na kami ni Kiel. Too awkward if not.

"S-Sino ka? Bakit ka papasok sa bahay ni Justin?"

Lumingon ako para makita kung sino ang nagsalita.

Isang ipis na babaeng nakulangan sa gatas kaya hindi matangkad. Napaka-weird ng suot nya at parang kagigising nya lang.

Her eyes widened. "I-Ikaw? Yung.. yung.. nasa TV?"

Everyone knows who I am!! Then she didn't even know my name?! How insulting!

Tumalikod na ako sa kanya bago ko pa sya matarayan.

Bigla na lang bumukas ang pinto na dapat ay bubuksan ko na at  lumabas doon si Wanna Be.

Tumingin sya sa akin, binukas ko na ang mga labi ko para magsalita pero..

"Apple.. missed me?" lumipat ang tingin nya sa nasa likuran ko.

Napatingin uli ako sa babaeng yon.

I saw how her lips curved upward and how her eyes magically sparks. "Um-um!" nahihiyang tumango sya at tumakbo para yakapin si Wanna Be.

He said he'll be far but he will never leaved me.

How come I feel alone now?

-will be continued

throbbingheart says: Next chapter / case was one of my favorite part. Watch out for that, please :)

Thank you. Thank you. Thank you for the read. 

Case dedicated to dhindhin29 for supporting this story and putting it on her reading list. Thank you <3

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 459K 114
"One mobile dating app... gone wrong. Countless of daredevil couples in Lancaster High are now battling dangerously because of this deadly app. Every...
MATCHA HOLMES By Lunatella

Mystery / Thriller

2.8K 129 41
When the adoptive grandfather of Matcha Holmes died. She thought that she'll be all alone again. But when their neighborhood lawyer came to visit and...
17.8M 319K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 176K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...