My Twisted Happily Ever After...

By BlueAmazon

68.2K 1.5K 118

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #3: Leann Rain Just when she thought everything was everlasting fate made t... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Love C.

Special Chapter

2.4K 57 5
By BlueAmazon

Namiss ko ata si Leann at EJ? Haha. Kayo ba?

------------------------------------------------------------

Mahigit isang taon mula nang magkaayos kami ni EJ. Kung tutuusin, ang tagal niyang hinabol ang atensyon ko. Aaminin ko, gusto ko siyang pahirapan pa. May mga pagkakataon na talagang pinagtitripan ko lang siya.


Pero bigla kong naalala, oo nga pala gumagawa kami ng panibagong alaala, so tinitigil ko na lang ang kalokohan ko.


At last month, inihatid ako ng mga magulang ko sa altar kung saan siya naghihintay.


Nabigla ako nang may matitipunong brasong yumakap sa bewang ko. Natawa ako saka hinaplos ang braso ng asawa ko. We're currently on our honeymoon dito sa Amanpulo. Iniwan lang namin si Jordan sa kapatid ko. Natutuwa rin naman sina mama at papa kay Jordan kahit pa anak siya ni EJ sa ibang babae. Sabi nga ni mama, bata lang si Jordan at wala siyang kasalanan dahil di niya ginusto ang nangyari sa amin ng mga magulang niya.


"Anong iniisip mo, love?" tanong ni EJ habang hinahalik-halikan ang batok ko. Kung saan saan rin nadapo ang kamay niya kaya natatawa ako. Napatigil siya, "Pinagtatawanan mo ba ako?" tanong niya saka hinarap ang mukha ko sa mukha niya. Nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.


I stick my tongue at him at di na sumagot. Sa totoo lang kinakabahan kasi ako. Bigla namang kumunot ang noo niya, "May problema ba? Bakit bumangon ka mula sa kama ng sobrang aga kanina? San ka pumunta?"


"May tiningnan lang ako sa tabi-tabi," pagsisinungaling ko.


Pumunta ako ng pharmacy dahil may gusto akong i-confirm. Not that sasabihin ko 'yun sa kanya. "Love, magbihis ka." ani ko.


Kumunot naman ang noo niya bago natawa, "Damn, niyayaya mo ba ako magdate?" nakakalokong tanong niya. Iningusan ko lang siya at tinulak papunta sa walk in closet ng rest house na tinutuluyan namin, "Magbihis ka na. Hawakan mo lagi ang phone mo. Mauuna na ako 'dun. Bye!" bago pa siya makaangal ay sinara ko na ang pinto.


Nakahinga ako ng maluwag. Okay, game!


**


"Okay na lahat? O sige thanks!" ani ko sa mga dating kasamahan ko sa hotel. I prepared a candlelight dinner for us. Yes, ako ang nagprepare. Sino ba kasing nagpauso na lalaki lang dapat ang mang-surprise? Dapat kaya minsan pati mga girls din para hindi manawa ang mga boylet natin. Girl power ito! Sayang ang pinaglalaban ni Gabriela Silang.


I grinned when I saw my husband being dragged by my friends' husbands. Syempre, kasabwat ko ang mga kaibigan ko. I can't make this possible without their help. And of course, God. Kasi akala ko talaga di ako matutulungan ng mga kaibigan ko ngayon dahil syempre busy na rin sila masyado sa buhay nila ano? May mga pamilya na kami kaya't bago na ang priorities namin.


"What the hell is this man? Susumbong ko talaga kayo sa mga asawa niyo. Where the hell are you taking me?" naiiritang tanong ni EJ sa mga kaibigan. Natawa naman ako ng mahina.


"Ass, pasalamat ka pa nga sa amin." ani Kirby.


"Ulol! Baka halayin niyo ako, kay Leann lang ako ugok!" ani pa ni EJ.


"Sus, naging akin din si Leann, once upon a time." pang aasar ni Ced. Napangisi si Joselle habang napailing naman ako. Tarantado talaga ito. Alam ko namang pabiro lang iyon, pero duh. Andyan kaya ang asawa niya. Wala nga lang ang mga bata dahil pinag-iiwan namin sa mga lolo at lola nila. Mag-iingay lang 'yon dito. Ay joke lang. Di nga, SPG kasi ito kaya di pwede ang bata. De loko lang ulit.


Ganito yata kapag kinakabahan? Ang daldal ko kahit sarili ko lang naman ang kausap ko. "Tae, mahihimatay ata ako." ani ko sa mga kaibigan ko.


"Subukan mo nang kami ang magsabi sa pinakamamahal mong asawa." ani Tine at pinandilatan ako. Inirapan ko nalang siya. "Whatever, lambot." ani ko at nginisihan siya.


"Hoy! Hoy! Hoy! Ano ba!" ani pa ni EJ. Ang daldal talaga! Hindi mo talaga maiisip na gentleman siya sa ingay niya ngayon. Parang bakla.


"Tumigil ka, love. Para ka namang bakla eh." di ko napigilang sabihin. Tumigil naman siya at nagbehave na parang tutang hinahanap ang amo.


"Love? Asan ka? Ikaw ba ang nagpakidnap sa akin?" nakangiti niyang tanong. Natawa naman ako pati na rin ang mga kasama namin. "What the hell, marami kayo? Teka nga 'wag niyong sabihin na andito rin ang mga bata?"


"Wala, adik! May magla-live show mamaya eh mabubura ang kainosentehan nila," ani Camille. Lumapit naman si Francis sa kanya at inakbayan siya, "Oo, at kami ang maglalive show mamaya. Dagdag na rin sa adventures namin. Diba, misis?"


"Che!" ani ng kaibigan ko.


"Mamaya na siguro tayo mag lokohan ano? Siguro kalagan niyo muna yung asawa ko saka tanggalin yung piring?" ani ko habang nakapamewang at nakatayo sa mini stage kung saan nasa harap ko ang asawa ko.


Tinanggal rin naman nila ang piring at tali sa asawa ko. Poor EJ, sorry love kelangan sa props eh. "So what's this about?" naka-cross arms siya habang nakangit na parang naaaliw sa ginagawa ko at nangyayari sa kanya ngayon.


"Magsustory telling ako kaya maupo na kayong lahat." inirapan ko silang lahat pero natawa lang sila. "Okay, magkukwento ako, talagang madali lang."


"May nakilala ako, isang lalaking dinala ni kuya noon sa bahay niya. Payat siya at maitim. Sobrang itim dahil sa soccer," biglang natawa si EJ. Syempre kilala niya kung sino iyon. "At siya ang crush ko kahit pa gusgusin pa lamang ako non."


"Madalas siya sa bahay at naglalaro sila ni kuya ng soccer sa likod bahay. Sa kagustuhan kong makita siya umakyat ako ng puno. Agang lumandi no?" natawa naman ang mga kaibigan ko. "Sa sobrang focus ko na umakyat non hindi ko namalayang palapit na pala sila ng palapit ni kuya sa punong inakyatan ko. Nung makarating ako sa taas nagulat ako dahil wala na sila!


"Sa sobrang paghahanap di ko namalayang nahulog na pala ako sa kanya. And I mean literally, halos panawan ako ng ulirat dahil akala ko sa sahig ako babagsak." natawa sila at napangiwi ako ng may maalala, "Actually, mas okay pa kung sa sahig na lang ako bumagsak." napatingin sila kay EJ na grabe na ang tawa. Malamang naaalala niya na kung saan ako bumagsak noon. "Kasi nung nahulog ako nakapalda ako at nahulog ako sa mismong...mukha niya. As in doon talaga tumapat, leche!" saka narinig ang halakhakan ng buong lugar. Namumula ang mukha ko sa hiya pero natatawa rin ako.


"I remember that pink panther." ani EJ.


"Pink panther?" tanong ng girls.


"Design ng panty niya." nakangising saad ng isa. Nagtawanan lalo ang mga adik.


Napailing nalang ako saka mahinang natawa, "I forgot about that guy. I fell in love with my bestfriend but I didn't know, time will come where I'll meet him again and become his wife. And the mother of his children." nakagat ko ang labi ko sa sinabi ko.


On cue, biglang may pinakitang imahe sa likod ko. Nakatulong na madilim kaya't klaro ang imaheng pinapakita ng AVR. Ultrasound picture ko 'yun last month bago ang kasal. Yes, I'm pregnant at gumising ako ng maaga kanina para pumunta sa pharmacy for my vitamins. I'm two months pregnant dahil ang loko-loko kong asawa, binuntis ako bago ang kasal.


Nanigas siya at hindi nakapagsalita. Nakatitig lang siya sa imaheng nasa stage. Maya maya ay tumayo siya at niyakap ako. "Oh, God. Oh my God! Thank you! Thank you! Thank you! I love you!" aniya at hinalikan ako ng buong puso.


"Sabi ko sa'yo eh, may magla-live show." ani Camille.


Humiwalay siya sa akin, "I never thought it was possible, pero mahal tayo ng Diyos at binigyan niya tayo ng baby. Pero sana 'wag magbago ang pagmamahal mo kay Jordan ha? Kahit hindi ako 'yung nanay ng batang 'yon mahal na mahal ko 'yun." ani ko sa kanya.



"I know love, and I love Jordan as I love my child from you. Pareho ko silang anak. Hindi lang ako nakapag-react ng ganito noong pinagbubuntis si Jordan dahil hindi ko naman mahal ang nanay niya. But it's all in the past now. We'll be a family. You, me, Jordan and the new member of the family. I love you, Leann."


"As I love you."


"Oh! Baka gusto niyong kausapin itong cute na ito?" napalingon kami kay Nicole nang ipinakita niya ang ipad niya at nandoon ang nakangising mukha ni Jordan. Kamukhang kamukha talaga siya ni EJ, "Hello, baby!" excited kong bati. Namimiss ko na si Jordan, namimiss ko na ang panganay ko.


"Mommy!" sigaw niya at nagtatalon, "Tita Nic said I have a baby sister already? Can I see her? Can I see her?!" napangiti ako sa sinabi niya. Masyadong hyper ang batang ito.


"Here's the picture baby, but she's still in mommy's tummy. And how sure are you that your sibling will be a she?" tanong ko at pinakita ang imaheng nasa AVR.


"Wow!" aniya at nilapit ang mukha sa screen. Natawa ako dahil ang cute niya, "and mommy, I'm her kuya of course I know she will be a girl. And I want a baby sister, like kuya Jonson and kuya Raph!"


"Okay, okay." natatawang saad ko. Nilingon ko si EJ na nakangiti sa amin, "You want to talk to daddy?"


"Yeeeees!"


"Hey, kiddo." ani EJ nang binigay ko ang ipad sa kanya. Nag-usap na sila ni Jordan.


This is what I want. Friends that'll always be my side and a family to call my own. I can't have everything if God didn't allow it. This baby in my tummy is a miracle, a gift. At sa wakas masasabi ko na rin isa na talaga akong nanay. At gaya ng sabi ko kay EJ, kahit pa hindi akin si Jordan, hindi ko ipaparamdam sa kanya na hindi siya belong sa family. Dahil siya ang isa sa dahilan kung bakit ginusto kong makipag ayos kay EJ. Siya ang nagparamdam sa akin na pwede parin akong maging nanay.


Maraming liko ang dinaanan ng sinasakyan namin pero in the end of the day, nakarating parin kami sa aming destinasyon ng magkasama.


We still end up reaching our happy ever after.

Continue Reading

You'll Also Like

579K 1.5K 1
Montgomery Series 2(COMPLETED) "You wanna know something? You can never be angry with someone you love the most. Mas mangingibabaw pa rin ang...
1.9M 36.8K 36
Sa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok...
439K 9.6K 44
The bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestf...
211K 5.9K 32
COMPLETED FULL STORY Karen Santiago's ultimate goal in life is to marry Lucas Kendrick. Will her gorgeous face, wit, natural humour and charm earn h...