RASTRO FEELS

De pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... Mais

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Time Machine (10)

5.4K 228 111
De pluviopilya

After 5 Months.....






"Gusto mo tulungan kita?"

Tiningnan siya nung bata habang nag-aayos ito ng gamit. "Tapos na rin naman po. Salamat po." Medyo bulol talaga sa S yung bata nung sinabi yun.

She smiled. "Tara na?" Inabot niya yung kamay dun sa bata para akayin na ito palabas.

"Opo." Hinawakan nung bata yung kamay niya at lumabas na sila ng kwartong yun.

Habang naglalakad, tinitingnan nung bata si Rhian. "Ate Denise, ay Mommy Yoyon.... Bakit ngayon lang po ulit kayo bumalik?"

Tiningnan ni Rhian yung bata. "Denise, maraming inasikaso si Mommy Yoyon. Maraming inisip so pasensya na baby ha?"

Tumango si Baby Denise. "Sabi po kasi ninyo, babalikan niyo po ako agad. Natakot po ako nung di na po kayo bumalik ni...Mommy Cha. Natakot po ako na baka di niyo naman po ako kunin."

Nag-stop si Rhian sa paglalakad. Umupo siya para magkapantay na sila ni Baby Denise. Hinawakan niya ito sa balikat at tiningnan. "Wala na kasi akong kasama bumalik.... Ang dami kong inisip na baka di ko kayanin kapag kinuha ko na kayo... Kinuha na kita. Sorry baby kung di nasunod yung agad agad na pagbalik namin para kunin ka. Si Mommy Cha mo kasi e, nang-iwan." Napalunok si Rhian. Nagsstart nanaman bumigat ang pakiramdam niya.

"Nasan po ba si Mommy Cha?" Inosenteng tanong ni Baby Denise.

Ngumiti si Rhian at kumurap ng ilang beses para hindi siya tuluyang maiyak. "Sana masaya si Mommy Cha mo kung nasan man siya ngayon... Yun lang naman yung gusto ko, malaman mismo sa kanya na masaya siya." Rhian sighed at tumayo na para akayin na ulit si Baby Denise. "Halika na baby. Pupuntahan pa natin yung soon to be sisters mo." Medyo natawa siya at natawa din si Baby Denise....

"Alam mo po ba Mommy Yoyon, naalala ko lang po sabi ni Mommy Cha sakin nung nag-usap po kami dito po nung kinakausap niyo po si Sister nun, pagkakuha niyo daw po sakin, ano po, gagala po tayo sa gusto nating lugar Mommy Yoyon. Sabi po ni Mommy Cha, kahit saan daw po na gusto natin pupuntahan natin basta daw po masaya tayo. Tsaka po sinabi din niya po sakin na natatakot daw po siya."

Napakunot ang noo ni Rhian habang nakatingin kay Baby Denise. "Natatakot?"

Tumango si Baby Denise. "Natatakot daw po na baka iwan niyo daw po ata si Mommy Cha."

Napalunok si Rhian at nag-look away. Siya nga yung nang-iwan e.....

Tiningnan niya ulit si Baby Denise. "Si Mommy Cha mo talaga. Alam naman niyang hindi ko yun gagawin." Ngumiti siya. "Uhm, Baby, tara na."


Nag-smile din si Baby Denise. "Tara po."

Nagbuntong hininga si Rhian. G naman e, ako naman yung iniwan mo.... Iniwan mo ko....



//



"Mommy Yoyon!" Mabilis na tumakbo sina Cassie at Nicole nang makita si Rhian. Kasama din ni Rhian si Baby Denise para ipakilala kina Cassie at Nicole.

Niyakap ni Rhian yung dalawa.

"Bakit ngayon lang po kayo?" Parang naiiyak na tanong ni Cassie.

"Akala po namin di niyo na kami babalikan ni Mommy Cha." Sabi naman ni Nicole at bumitaw bigla sa pagkakayakap kay Rhian. "Nasan po si Mommy Cha? Nasa kotse pa po ba?"

Nag-look away si Rhian. Hindi talaga niya alam kung paano sasabihin sa mga bata...

"Maraming nangyari e." She said. "Tsaka ko na sasabihin sa inyo kung bakit wala si Mommy Cha okay? Magbihis na kayo. Kukunin ko na kayo."

Parang nagulat naman yung dalawa. "Kukunin niyo na po kami?!"

Rhian nodded. "Pero before yun, say hi muna kay baby Denise. Magiging kapatid niyo siya tapos magsasama sama tayo sa bahay namin."

"Kasama po si Mommy Cha?!" Masayang tanong ni Cassie.


Nagbuntong hininga si Rhian at unti unti nalang ngumiti sa mga bata. "Lagi naman nating kasama si Mommy Cha niyo e...." Matamlay na sabi niya.

Tuwang tuwa naman yung mga bata na halatang di naintindihan yung sinabi niya.. "Sige po, magaayos na kami. Halika Denise, samahan mo kaming mag-ayos ng gamit." Niyaya na ni Nicole at Cassie si Denise.

"Babies, mag-ayos muna kayo ng gamit ha? May pupuntahan lang si Mommy Yoyon. Babalik din ako agad." She slightly smiled.

Tumango yung mga bata. "Okay po. Magpapasama rin po muna kami kay Denise."

Nag-wave na siya sa mga bata at pumasok na rin ang mga ito sa loob para mag-ayos ng mga gamit.

Rhian exhaled. Umalis muna siya dun sa ampunan para puntahan yung lugar na gusto sana niyang balikan pagkatapos ng lahat ng nangyari sa nakaraang limang buwan.


//

Malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago siya pumasok sa loob.



Pagpasok niya, nagulat nanaman yung mga staff na nandun. Pati yung ibang kumakain. Kumaway siya sa mga nag-hi at lumapit agad sa kanya yung isang staff dun pero hindi yung Kaye na nag-assist sa kanila ni Glaiza nung unang beses na nagpunta sila dito.

Sinabi nung staff na sa taas nga siya pwedeng mag-stay dahil VIP area nga yun. Tinanong niya kung may tao pero sinabing kakaalis lang nung ibang celebrities na nagpunta dun so wala ng tao dun ngayon.

Bago siya tumaas sa 2nd floor, sinabihan niya yung staff na bababa nalang siya para umorder. Gusto rin muna kasi niyang mapagisa dun sa taas.

Pagtaas niya sa 2nd floor nga, may tugtog. Medyo napangiti siya dahil nag-improve yung restaurant. Nung nagpunta kami ni Glaiza dito, wala namang tugtog. Medyo natawa siya sa naisip niyang yun.

Pero nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita niya yung table kung san sila pumwesto ni Glaiza noon.... Napalunok siya at unti unting lumapit dun.

Medyo ramdam niyang parang naninikip nanaman ang dibdib niya.... Alam niyang any minute, maiiyak nanaman siya.


Yung pictures.... Yung pictures nila ni Glaiza. Yung mga sulat dun. Yung sulat ni Glaiza para sa kanya....

Unti-unti niyang hinawakan yung picture nila ni Glaiza na kurot nito ang ilong niya. Yung pag-smile nilang dalawa dun sa picture....

Doon na unti unting tumulo ang mga luha niya....

"Nakakalokong isipin na pagkatapos na pagkatapos ng lahat ng saya natin nung araw na to, tsaka mapapaltan ng sobra sobrang sakit at lungkot." Napalunok siya... "G, bakit kaya ganun? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.... Hanggang ngayon, pag gigising ako sa umaga, umaasa pa rin akong panaginip lang ang lahat. Umaasa pa rin ako na paggising ko, nandito ka pa rin. Pwede pa rin kitang makasama...."

Doon na humikbi si Rhian ng sobra.... Habang pinagmamasdan yung pictures nila ni Glaiza, napalitan yung yung tugtog dun sa 2nd floor.... At sa lahat naman ng pwedeng patugtugin, ito pa.


(( Please listen to Time Machine by Six Part Invention ))


Do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
We were together for so long
I haven’t noticed, that we’re falling down too fast



Lalo lang tuloy lumakas yung hikbi ni Rhian. Tiningnan niya yung sinulat ni Glaiza at binasa niya lang ulit.

....Hi sa dyosang binibini na kasama ko sa litratong ito (arrow) -- Mahal na mahal kita.... Naniniwala akong hindi ito ang huli. Hindi ito, hindi bukas, hindi sa isang araw. Gusto pa kitang makasama... Always, forever. I love you, R. ❤ - G. Ü

If I could take it all back
I still want you by my side.
If only I could bring you back to me
If I could go back in time
promise we won’t say goodbye
I never really moved on,
No, not in time…

Lalo siyang naiyak. Napahawak nanaman siya sa bibig niya dahil nanghihina nanaman siya.

Kinuha niya yung picture na yun kung san nilagyan ng arrow ni Glaiza. Kinuha niya at pinagmasdan nanaman. Parang yung mga moment nung araw na to, bumalik. Bumalik sa kanya.... Bumalik sa ala-ala niya. Pero si Glaiza, si Glaiza hinding-hindi na babalik.


I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin, your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment
If only I have a time machine...


Napakunot bigla ang noo niya nang biglang mapansing parang may nakasulat dun sa likod ng picture... Pinunasan niya yung luha niya kahit alam niyang mapapaltan din naman yun ng panibagong luha...

Napalunok siya nang makitang may nakasulat nga dun. Pero parang putol so nakakutob siya na meron din dun sa isang picture so kinuha niya din yun.


I need you like the air I breathe
(you make me feel alive)
You’re the best part of my everyday (my every night)
If only I could travel back in time
I’d take it all back and I’ll turn it all around


Unti unti niyang binasa yung nandun sa unang picture.... Pero sa intro palang, naiiyak nanaman siya ng sobra...

Hi Rhian Denise Ramos Howell (Galura) Hahahaha! ❤




If I could take it all back
I still want you by my side.
If only I could bring you back to me
If I could go back in time
promise we won’t say goodbye
I never really moved on,
No, not in time…


Uhm, pag nakita mo to, magtatravel tayo out of the country gaya ng gusto mo. Pramis! Pero pag hindi mo nakita, sa bahay lang tayo magtatravel. Haha de biro lang. Dito ako nagsulat sa likod ng picture dahil gusto kong ibalik kita dito. Ipapakita ko to sayo pag bumalik tayo dito. Alam kong marami pang pagkakataon.... Hindi lang ngayon. Naniniwala ako dun. Aaminin kong natatakot ako ngayon, hindi ko alam kung bakit pero may napanaginipan ako.... Natakot at kinakabahan ako na baka magkatotoo...... Sana hindi. Kasi kung magkatotoo yun, hindi ko na alam ang gagawin ko...


Kinuha ni Rhian yung isa namang picture at binasa din yung nakasulat dun.

I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin, your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment
If only I have a time machine....


Sobrang mahal na kita... Ikaw yung nagturo sakin kung ano talagang tunay na kahulugan ng masaya. I love you Rhian. Pasensya na kung itong gala lang na ito yung naibigay ko. Sobrang natatakot talaga kasi ako na ilayo ka. Natatakot akong sabihin sayo.... Pero pag walang nangyaring masama ngayon, sasabihin ko din sayo. Natatakot lang talaga ako ngayon. Ayokong mangyari.... Kahit kailan. Ayokong mawala ka. Natatakot ako, Alam kong hindi dahil sa panaginip na yun.....

Natatakot ako dahil mahal kita.

I love you sobra, magandang binibini. ❤
- Love, G. ❤

Doon na nagbreak down si Rhian at umiyak ng sobra....


If I could go back in time, I’d make us so much better
If I could hear and if I could see,
If I could hold on to your hands
once again



Natatakot ako, Alam kong hindi dahil sa panaginip na yun.....

Natatakot ako dahil mahal kita.



"Glaiza..... Oh, God Glaiza..... Nasan ka na ba... G, namimiss na kita ng sobra.... Jusko G... Anong ginagawa mo sakin.... Nahihirapan na ko.... Limang buwan na yung nakalipas nung nawala ka.... Pero sa tingin ko, hinding hindi ako makaka-move on. Napakahirap nito Glaiza sana binreak mo nalang ako. At least pag binreak mo ko, alam kong buhay ka pa din.. Pwede pa rin kitang kausapin, yakapin... Pero itong sitwasyon na to, napakasakit. Lovelove, sobrang sakit na....." Rhian said sa pagitan ng bawat hikbi.

Hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa yung sakit na nararamdaman niya. Hanggang ngayon, sobra sobra pa ring sakit yung nararamdaman niya...

I wanna go back to the way we used to be
I wanna feel your skin, your lips so close to me
I wanna go back when I called you mine all the time
Every smile and every moment
If only I have a time machine.
If only I have a time machine.



"Glaiza, hindi ko na kaya at kahit kailan, hindi ko kakayanin.... Gusto kitang yakapin. Namimiss na kita ng sobra... Pakiramdam ko mababaliw na ko Lovelove.... Hindi ko na kaya."

Sa sobrang panlalambot, napasandal siya sa pader. Pumikit siya habang iyak pa rin ng iyak..... G, sobrang durog na yung puso ko, hindi ko na alam ang gagawin ko, kailangan ko lang ng yakap mo.....





*****


"Rhian..."



Nilingon ni Rhian yung tumawag sa kanya.



Unti-unti siyang naiyak nang makita si Glaiza.... Nakangiti ito sa kanya.


"Hi Love." Glaiza said.

"Anong 'Hi Love'? Wag ka ngang umakto diyan na parang walang nangyari. Na parang di ka nang-iwan!" Rhian said habang naiyak pa rin.

Medyo natawa si Glaiza. "Galit ka sakin?"

"Sobra." Rhian said. "Galit ako sayo kasi di ka na bumalik... Galit ako sayo kasi ayaw mong maiwanan pero ikaw naman yung nang-iwan. Naiinis ako sayo G, pero mahal na mahal pa rin kita. Namimiss na kita ng sobra. Ano ba sa tingin mong ginagawa mo ha?! Ang sakit na ng nararamdaman ko! ang sakit sakit na G, hindi ko na kaya.... Bumalik ka na please, G. Balikan mo na ko...."


Kitang kita ni Rhian yung pagtitig ni Glaiza sa kanya. Yung ngiti nito kanina, biglang nawala at nakita niya ang malungkot na mukha nito habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ko kaya...." Glaiza said. "Hindi na pwede.... Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung patuloy kang nasasaktan..."

"Nasasaktan ako pero hindi nagbabago yung nararamdaman ko para sayo. Alam kong hindi mo na ko babalikan kahit kailan, at alam kong hindi pa tayo magkikita ulit pero ikaw at ikaw lang talaga yung tinitibok ng puso ko Glaiza. Ikaw lang talaga.... I love you too Lovelove. Yan yung sagot ko dun sa binulong mo sakin bago ka nawala. I love you too. I love you. Sabi mo, ibabalik mo ko sa restaurant, ibinalik mo nga ako pero wala ka na. Hindi mo na ko sinamahan..." Iyak na ng iyak si Rhian... "Sabi mo, natatakot ka na baka iwan kita.... Itong pag-iwan mo sakin, hindi lang takot yung naramdaman ko. Simula nung mawala ka, hindi ko na alam kung paano gumising sa umaga na hindi ka nakikita at nayayakap. Namimiss ko na yung I love you mo. Yung mga ngiti mo. Yung pagtawa mo, yung boses mo...... At G, nag-quit na nga pala ako sa showbiz. Tapos na yung kontrata ko pero di na ulit ako pumirma. Wala na e.... Sira na yung plano natin. Plano natin, work muna tayo tapos magpapakasal na sa U.S. at pupunta tayo ng Japan at lilibutin natin lahat ng gusto natin.... Pero ano pang gagawin ko? Wala na rin G. Magfofocus nalang ako sa mga bata. Kinuha ko na sila sa ampunan, kanina lang. Nagdecide ako na sa bahay sila patuluyin. Sayang nga e. Nanghihinayang ako kasi kung kasama pa sana kita, edi sana nagpagawa na tayo ng bahay at doon nalang tayo kasama mga bata. Sayang...." Parang namamaos na si Rhian habang umiiyak at nagkkwento kay Glaiza. "Palagi nilang tinatanong kung nasan ka. Anong sasabihin ko? Na wala ka na? Na kahit kailan, hindi ka na talaga babalik?"

Naglakad si Glaiza papunta kay Rhian at niyakap ito.

Sobrang damang dama ni Rhian yung katawan ni Glaiza na nakayakap sa kanya. Niyakap niya din ito ng mahigpit. At doon siya tuluyang nag-break down. Yung panginginig niya habang yakap yakap si Glaiza..... Yung paghikbi niya ng sobra....

"Lagi naman akong nasa tabi niyo. Lagi akong nasa tabi mo. Babantayan kita, kayo. Babantayan ko kayo. Hinding hindi ako aalis sa tabi mo Love... Nasa tabi mo lang ako." Hinaplos ni Glaiza yung buhok ni Rhian.

Lalong umiyak si Rhian at hinigpitan ang pagkakayakap kay Glaiza.

Limang buwan. Limang buwan na hindi niya naramdaman ang yakap na to.

"Lovelove, wag mo na kong bitawan. Please, ayoko ng umalis dito sa yakap mo. Please, ganito nalang tayo... Wag mo kong bibitawan. Please... Please, ayoko. Dito nalang ako sayo..." Rhian said na parang nagmamakaawa.

Umiling si Glaiza. Hinawakan niya yung pisngi ni Rhian at tiningnan ito sa mata ng masinsinan. "Ayoko na rin sanang umalis ka. Ayoko na rin sanang bitawan ka. Pero Love, kailangan ka ng mga bata.... Hinihintay ka na nila."

Umiling din si Rhian. "Pero G, mas kailangan kita. Sobrang hina ko na... Dito nalang ako please. Dito nalang ako kasama mo."

"Love, Rhi, kailangan ka ng mga bata. Sila yung isipin mo okay? Kailangan ka nila. Tuparin mo yung pangako mo sa kanila. At nasa tabi mo lang ako para gabayan ka. Hinihintay ka na nila Love...."

Umiyak lang lalo si Rhian at niyakap ulit si Glaiza. "Hintayin mo ko ha? Hintayin mo ko dito. Please G. Hintayin mo ko...."

Glaiza smiled at hinalikan ang noo ni Rhian. "Nandito lang ako at maghihintay.... Kahit gaano kapa katagal.... I love you."

"I love you too." Rhian said kasabay ng pagpatak ng luha niya.


*****




"Miss Rhi?"



Naramdaman ni Rhian ang pag-alog alog na yun sa balikat niya. "Glaiza?"


"Hindi po ako si Miss Glaiza." Ngumiti yung babae. And it was Kaye.

"Kaye...."

"Naaalala niyo pa po ako? At teka, okay lang po ba kayo? Umiiyak po kayo."

Umiling si Rhian at biglang niyakap si Kaye. "Napanaginipan ko si Glaiza... Napanaginipan ko siya."

Nabigla si Kaye sa pagyakap sa kanya ni Rhian pero niyakap din niya ito. "N-Nabalitaan ko nga po yung nangyari. Sorry po Miss Rhian."

Hindi sumagot si Rhian. Umiyak lang siya ng umiyak.






//



Hininto niya yung kotse. Tiningnan niya yung mga pagkain na tinake-out nalang niya kasi di rin niya makakain at ibibigay nalang para sa mga bata.

Tiningnan niya yung lugar na hinintuan niya. Bumaba siya.



Saglit na tiningnan niya yung hawak niya tapos bigla niya itong itinapon doon. Sa dagat. Sa dagat kung saan nasaksihan nila ni Glaiza yung paglubog ng araw. Tinapon niya yung singsing. Yung singsing na may dahilan ng lahat. Yung singsing na naging dahilan kung bakit nawala si Glaiza.... Tinapon na niya yun at binitawan na ang masamang ala-ala na dala nun.

"I'm sorry. I'm sorry G pero kailangan ko ng bitawan yun. Pag nakikita ko yung singsing na yun, naaalala ko lang kung paano at bakit ka nawala sakin. I'm sorry...."

Sumakay na siya sa kotse at bago bumiyahe pabalik ng ampunan, chineck niya yung sulat na nakalagay kasama ng mga tinake-out niyang pagkain.

Sandali niyang tiningnan at binasa ulit yun.



Kung binabasa mo ito ngayon, binibining Dyosa, ibig sabihin, naibalik kita dito. Ipinabigay ko ito kay Kaye para pagbalik natin, iabot niya sayo at masurprise ka. Sana nasurprise ka. :P Yung pagkanta ko sayo, sana okay lang. Hehe I love you, Love. Kung papipiliin ako, kung saang lugar ko gustong pumunta ngayon, pipiliin kong sa tabi mo. ❤ Mahal kita binibining Howell. - G.

Napalunok siya at napabuntong hininga. Iniabot to sa kanya ni Kaye kanina at sinabing binigay daw ito ni Glaiza 5 months ago nung nagpunta sila doon sa kanya para iabot mga kay Rhian pagbalik ng mga ito. Tapos may mga plano pa si Glaiza na kakantahan niya si Rhian dun pagbalik nila.... Pero di na nga nangyari.

Ibinaba niya yung sulat at nagbuntong hininga nanaman. "G, Lovelove, kung nasan ka man, maraming salamat. Mahal na mahal din kita...... At kahit kailan, hindi yun magbabago. Hintayin mo lang ako...."


Inistart na niya ang kotse at nagdrive na papunta sa ampunan para kuhain yung mga bata.


Kahit papano, nabawasan yung sakit na nararamdaman niya. As long as okay si Glaiza, okay na rin siya. Sobrang gumaan yung pakiramdam niya sa yakap na yun ni Glaiza sa kanya... Panaginip pero parang totoo. Panaginip pero nararamdaman niyang totoo yun. Yun lang naman yung kailangan niya e.... Yung yakap ni Glaiza at yung malaman na okay at masaya ito.

Katulad ng sinabi ni Glaiza, hindi lahat ng bagay nagsstay forever. Kaya habang nandiyan pa, ingatan at pahalagahan. =)


//

.

.

.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

AN: THE END. ❤

This is the only story na hanggang 10 chapters. Lol

- I'm sorry sa mga nabigo ko. :( Kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng ending, happy. Well, maging masaya na rin tayo dito kay Rhian dahil hinaharap niya ito kahit nasasaktan siya. Parang sa totoong buhay lang.... The other half doesn't want na, pero nandiyan pa rin siya at lumalaban, pinapasaya tayo kahit mag-isa siya. Of course, masakit din sa kanya.... Pero wala naman na din siyang magagawa kundi tanggapin nalang din.

Orayt. Magmahalan tayong lahat. =)

Continue lendo

Você também vai gostar

1.3M 17K 46
This is my first story. Please bear with me:D Comment your suggestions po:))
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
439K 8.3K 43
"I dedicate this song to you, the one who never sees the truth that I can take away your hurt heartbreak girl." "I'm right here when you gonna realiz...
57.9K 1.7K 21
It started from being her STALKER.