Facing The Legacy (FS # 1)

By SilentInspired

1.7M 33.3K 1K

"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We h... More

Facing The Legacy
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Wakas
"Kamukha ito ng.."
SilentInspired Closer

Kabanata XII

38K 767 16
By SilentInspired

"Babalik na ako" sabi ko kay Dylan at tumango naman ito.

Inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko ito. Hinawakan niya ako ng mahigpit. Naglakad na kami pabalik. Hindi kami nag kikibuan.

"Can you please behave?" tanong niya sa akin bago ako pumasok ng VIP lounge. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"I don't like getting jealous" Hindi ko mapigilang matawa sa mga sinasabi niya.

"Then you should behave too!" natatawang sabi ko at tinignan naman niya ako ng seryoso.

Mukhang seryoso talaga siya..

"Don't worry. I am all yours" hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya kaya tumalikod nalang ako at pumasok na.

Baka hindi ko kayanin at mamula nalang ako sa harap niya. Napakaganda siguro kung nagsimula kami sa tamang panahon, sa tamang sitwasyon..

Pero ganon naman talaga. Most of the time.. happiest things happen at the most unexpected time.

"Hey guys! We still have two days bago umalis si Josh" sabi ni Kuya Jos pagkaupo ko. Napansin kong nandito na rin sila Ate Pin at Jess.

Tinignan ko naman si Jade para magtanong kung anong nangyayari pero nag kibit balikat lang siya.

"Bakit ang tagal mo?" tanong sa akin ni Jade. Napakagat ako sa labi ko.

I can't lie to her but maybe I can keep a tiny situation?

"Well I run into something" sabi ko at ngumiti. Ngumisi naman siya.

"Something or someone?" ngumiti nalang ako at alam kong gets na niya iyon.

She knows me well, hindi ako makakapagtago ng sikreto.

"So.. it's my fault that we didn't finish our three days vacation" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Jos.

Hindi naman namin siya sinisisi. We understand that everything was out of hand.

"What are you trying to say? I mean I am sure na puno na ang reservations niyan and kulang na sa panahon" sabi ni Jasper. Napatango nalang ako sa sinabi niya.

"Well kahit gusto ko ng sexy girls. I agree with Jap, time doesn't wait for anything." natawa kami sa sinabi ni Jerem.

I was shocked by what he said. But he's right.. time doesn't wait for anything.

"Jer! Where did you get that?!" natatawang tanong ni Josh. Atleast he can laugh now.

"Anong akala niyo sakin? I study you idiots!" pagmamaktol niya kaya tinawanan nalang namin siya.

"Well, let's go back to the topic. My plan is to have camping" mukhang natuwa lahat sa sinabi ni Kuya Jos.

Pag ganito talaga, maraming alam si Kuya Jos para gawin.

"We never tried that! This is new!" excited na sabi ni Jade at tumango naman ako.

"Yes! We should pack now and go!" natatawang sabi ko. Nag jojoke lang ako pero mukhang tinotoo nila.

"Lets's go!" sabi ni Jayden kaya napatayo nalang ako.

Napaka biglaan nito pero I don't mind.

"Jess, you coming?" tanong ni Jayden kay Jess.

"Sure! I'll just gonna ask my brothers" sabi niya at nauna ng umalis.

Nakakapanibago na kailangan niya pang magpaalam ngayon sa iba. May isinasalangalang muna siyang iba. Hindi pa nag sisink-in sa akin ang nangyari pero sa ngayon.. parang nararamdaman ko na, Wong na talaga ang pamilya niya.

Kahit sabihin niyang, walang magbabago sa amin. Meron at meron talaga..

Time will come at kaibigan niya nalang kami. We're not cousins anymore or she's not my little sister anymore. Mawawala na unti-unti ang karapatan namin sakanya.

Ngumiti sa akin si Jade kaya ngumiti din ako. Hinintay namin bumalik si Jess at hindi naman siya nag tagal.

"Pinayagan ako kaya lang kailangan kasama si Kuya Dylan, David and Dexiter" sabi ni Jess. Nagtinginan kami at ngumiti.

Sa munting pagbanggit ng pangalan niya ay parang lumundag na ang puso ko.

"Sure" sabi ni Ate Pin at napasigaw si Jess kaya tumawa kami.

"Mag papack palang naman diba? Just text me where we will meet and susunod nalang kami." sabi ni Jess at tumango naman ako. Nag lakad na kami palabas.

"Ate can you come with me?" tanong ni Jess sa akin. Napaawang naman ang labi ko.

"Huh? How will I pack kung sasama ako sayo?" tanong ko sakanya. Mukhang nag iisip naman siya ng paraan.

"Uhh, okay just ride with us mamaya. Pag pumunta na kami sa meeting place lipat ka ng kotse. I want to spend time with you. Sama mo na si Jade." napangiti naman ako sa sinabi niya at inakbayan siya.

"Okay sister" sabi ko at tumawa.

Atleast.. namimiss niya kami. That's enough.

Umuwi na kami at nag pack na ako. Tinulungan ko pa si Jayden. Pinuntahan namin si mom and dad sa kwarto nila at nag paalam. Masayang masaya si mommy na kasama si Jess.

Sinundo kami ni Jasper. Dalawang kotse ulit ang gagamitin namin. Kotse ni Josh at Jasper naman ngayon.

Nung makarating kami sa meeting place ay nakita kong nandon na ang van nila Dylan.

"Jade, nakiusap si Jess kung pwede tayong sumakay sa van nila" sabi ko kay Jade habang nag aayos ng gamit sa likod ng kotse.

"Oh sure" sabi niya at ngumiti. Tumango naman ako.

"ATE!" natawa ako nung yakapin niya ako.

"Hey!" sabay sabay na sabi ng mga pinsan namin at nakiyakap din. Tawa lang ako ng tawa, pinipitpit nila ako.

"I missed you guys!" sabi niya kaya lalo nila kaming pinitpit. I felt like crying pero sobrang saya namin na ayaw kong sirain ito.

Parang nung dati lang.. ngumiti nalang ako at tumawa. Napalingon ako sa kaliwa habang nakayakap sila sa akin. Jerem was really funny, sinusubukan niyang buhatin si Jade at Jess para makasiksik sa yakap.

Nakita ko si Josh na nakasandal sa kotse niya.

"JOSH!" sigaw ko at ngumisi naman siya. Tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit siya sa amin at nakiyakap na din.

Tumawa ako lalo at yinakap sila ng mahigpit.

"We're family." Bulong ko pero sapat na para marinig nila.

Bumitaw na din kami at sinara ang likod ng mga kotse.

"Let's go" sabi ni Jess samin at sumunod na kami ni Jade.

Pagkasakay ko sa van nila ay parang gusto ko bumaba ulit. Pinaandar na ang van at sumusunod ito kay Kuya Jos.

"Hey!" bati samin nung babaeng nakita ko kanina sa bar.

Tinignan ko si Dylan, siya ang nag dadrive at katabi niya ang babae. Hindi man niya ako tinapunan ng tingin. Si David ay kasama namin sa likod at katabi niya si Jade na katabi din sa kabila si Dexter.

"Hello" bati ko at tinignan si Jade. Tumaas ang kilay ni Jade kaya nag kibit balikat nalang ako.

"I am Stephanie Li. Dylan's fiance" nakangising sabi ni Stephanie.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hinawakan ni Jess ang kamay ko. I was shocked. I was caugh of guard. Narinig ko ang pekeng tawa ni Jade.

This is unexpected! Totally unexpected!

Don't cry, don't you freaking cry Jas! Bakit naman ako iiyak? What the heck?

"Steph!" pagbabawal ni Dylan. Pinilit kong ngumiti.

"Oh! Really? Hindi nabalita sa amin yon." sabi ko nalang at tumingin kay Jade.

Ang sakit sakit, namamanhid ang puso ko. I mean.. hindi ako sumakay dito para marinig 'yon.

Hindi ko nga alam bakit ako nasasaktan. I shouldn't be..

Fiance? Bullshit!

"Ngayon ko ngalang din nalaman. Sinabi ni mommy kanina sa amin na siya ang gusto niya para kay Kuya Dylan" pagpapaliwanag ni Jess pero umiling ako.

Wala naman dapat mag explain..

This is what I am talking about. Chinese is for Chinese, siguradong nag paplano na ang parents nila. Hindi pa man nag sisimula ang laban, talo na.

May laban nga ba?

"Why are you explaining to her? Who is she ba?" tanong nung babae pero walang sumagot. Napakagat ako sa labi ko.

"She is my.." kinabahan ako nung nag salita si Dylan.

"I am his friend" mabilis kong dugtong sa sinabi ni Dylan. Ayokong gumawa ng gulo. Mahaba haba ang byahe at hindi maganda kung paguusapan 'to.

Nakita kong napatingin si Dylan sa akin pero hindi ako tumingin sakanya. I can't look at him.

"Well not his friend actually. I am his long lost sister's sister before" sabi ko at ngumiti. Tumango tango naman siya at hinawakan sa kamay si Dylan. Napaiwas ako ng tingin. This fucking hurts, napahawak ako sa puso ko.

"Why am I even sitting beside you?" naiinis na sabi ni Jade at nag iwas ng tingin kay David. Tumawa naman si David.

"You're really something woman. Every girl will kill somebody for this place" nakangising sabi ni David at nag roll eyes naman si Jade.

"Good, I would gladly help them to settle down behind the bars" sabi ni Jade at natawa lang si David don. Inis na inis si Jade pero mukhang nag eenjoy lang si David.

"Dylan kasi! Why are we making sama pa on their camping? Hatid nalang natin sila and let's enjoy the night together?" napayuko ako sa narinig ko. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko, baka nga dumugo na yung labi ko kakakagat ko.

I can't stop the throbbing pain in my heart.

"I didn't ask you to come" masungit na sabi ni Dylan. Can I just evaporate?

"Yes but your mom told me to come to this crap" sabi ni Stephanie at doon ako napatingin sakanya.

"Shut it" sabi ni Dylan pero ayaw niya parin dahil padabog niyang kinuha ang bag niya.

"Ayoko dito! I'm not into camping Dylan! It-s just so yucky!" napupuno na ako sa babaeng to.

Nakita kong naiinis na rin si Jade. Hindi ko mapipigilan si Jade pag siya ang pumatol sa babaeng 'to.

"Crap? No one is forcing you to come! You are not even invited here!" hindi ko mapigilang sabihin. Ayoko pa man sa lahat ay yung reklamo ng reklamo pero wala namang karapatan.

"Did you just insulted me?!" naiinis na sabi niya sakin at tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Steph! Stop that" pagbabawal ni Dylan. Hinawakan naman ni Jess ang braso ko.

Ngumisi ako sakanya at kita ko ang pamumula ng sobrang pula niyang pisngi na parang sinampal dahil sa inis.

"Why me? She insulted me!" pag mamaktol niya at napabuga ako ng hangin don.

Napaka! Aba't! Ilang taon na ba ang babaeng 'to?

"Nauna ka" sabi ni Dylan. Akala niya purkit pinagtatanggol niya ako ay matutuwa ako? Dinala niya yung babaeng yon dito ng hindi man lang ako naiisip.

Wait? Bakit nga ba niya ako iisipin? The heck!

"You know what? Stop the car at bababa ako." sabi ko at napatingin sakin si Dylan.

"No!" mabilis niyang sabi pero binuksan ko ang pintuan ng sasakyan.

"You will stop the car or I'll jump?!" pagbabanta ko kaya tinigil niya ito. Mabilis akong bumaba at nakita kong tumigil din ang kotse ni Jasper at ni Josh sa harap.

Bumaba lahat ng nasa loob ng van.

"What is happening?" tanong ni Jayden nung buksan niya ang bintana ng sasakyan ni Josh.

"Iwan nalang natin siya!" sabi ni Steph at parang gusto ko siyang sabunutan non.

Nangingig ang kamay ko at gustong gusto ko siyang sugurin but I know better..

"Get inside" sabi ni Dylan pero hindi ako pumasok.

Tingnan ko siya at inirapan. Bahala siya sa buhay niya! Magsama sila!

Lumabas si Kuya Jos at lumapit sa amin.

"I don't want to spend my one hour and thirty minutes of travelling with that girl!" sabi ko at tumalikod na papunta sa sasakyan ni Josh pero pinigilan niya ako.

"Please.. I am sorry. Aayusin ko 'to." sabi niya pero umiling ako.

"Get inside Josh's car" sabi ni Kuya Jos at tumango naman ako.

I know that he knows that this isn't just everything about what happened inside the car. It's not just about dealing with Stephanie.

He is taken, I should keep my distance. Kahit huli na ang lahat, mabawasan lang ng kahit konti ang sakit ay kailangan kong gawin. Kailangan kong tulungan ang sarili ko.

"Stay away from me" sabi ko at tumalikod na. Parang ngayon lang bumuhos sa akin ang lahat.

"I'm going to ride with them kuya, kayo ng bahala kung susunod kayo o hindi. Whatever pero I am on Ate Jas' side" narinig kong sabi ni Jess.

"And you bitch, you're not welcome into camping either. Wag kang magpapakita sa akin dahil hindi ako katulad ni Jas na mental pain ang ibibigay sa'yo. More on physical ako." narinig kong sabi ni Jade.

Mabilis na humabol sa akin si Jess at Jade. Nakita kong ba-baba ata si Jayden pero pinigilan ko siya.

"Let's just go" sabi ko at sumakay na sa kotse ni Josh.

Binalaan ko na ang sarili ko dati pero ang tigas kasi ng ulo ko.

Hindi ko matanggap na ang tanging bagay na gusto ko ay hindi pwede. Imposibleng makuha..

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
175M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
56.3M 994K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
10.7M 397K 35
Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeous in-denial stalker 24/7! ...