JUST ONCE

By lovingtheapple

514K 9.1K 2.5K

More

JUST ONCE
CHAPTER 1.
CHAPTER 2.
CHAPTER 3.
CHAPTER 4.
CHAPTER 5.
CHAPTER 6.
CHAPTER 7.
CHAPTER 8.
CHAPTER 9.
CHAPTER 10.
CHAPTER 11.
CHAPTER 12.
CHAPTER 13.
CHAPTER 14.
CHAPTER 16.
CHAPTER 17.
CHAPTER 18.
CHAPTER 19.
CHAPTER 20.
CHAPTER 21.
CHAPTER 22.
CHAPTER 23.
CHAPTER 24.
CHAPTER 25.
CHAPTER 26.
CHAPTER 27.
CHAPTER 28.
CHAPTER 29.
CHAPTER 30.
CHAPTER 31.
CHAPTER 32.
CHAPTER 33.
CHAPTER 34.
CHAPTER 35.
CHAPTER 36.
CHAPTER 37.
CHAPTER 38.
CHAPTER 39.
CHAPTER 40.
CHAPTER 41.
CHAPTER 42.
CHAPTER 43.
CHAPTER 44.
CHAPTER 45.
CHAPTER 46.
CHAPTER 47.
CHAPTER 48.
CHAPTER 49.
CHAPTER 50.
CHAPTER 51.
CHAPTER 52.
CHAPTER 53.
CHAPTER 54-A.
CHAPTER 54-B.
CHAPTER 54-C.
CHAPTER 55.
CHAPTER 56.
CHAPTER 57.
CHAPTER 58.
CHAPTER 59.
CHAPTER 60.
CHAPTER 61.
CHAPTER 62.
CHAPTER 63.
CHAPTER 64.
CHAPTER 65.
CHAPTER 66.
CHAPTER 67.
CHAPTER 68.
CHAPTER 69.
CHAPTER 70.
CHAPTER 71.
CHAPTER 72.
CHAPTER 73.
CHAPTER 74.
CHAPTER 75.
CHAPTER 76.
CHAPTER 77.
CHAPTER 78.
CHAPTER 79.
CHAPTER 80.
CHAPTER 81.
CHAPTER 82.
CHAPTER 83.
CHAPTER 84.
CHAPTER 85.
FINALE.
EPILOGUE.
AUTHOR'S NOTE.

CHAPTER 15.

6.2K 85 20
By lovingtheapple

umupo siya sa tabi ng dalaga "tara" sabi niya kay Sarah

"ha?"

"halika na"

napakunot noo naman ang dalaga "san?"

"basta! bitawan mo na yan" kinuha niya ang script na binabasa ng dalaga "at tumayo ka na diyan"

hinawakan niya sa magkabilang braso ang dalaga at itinayo ito "san ba tayo pupunta?" tanong nito sa kanya ngunit parang wala naman siyang naririnig. dere deretcho siyang naglakad papunta sa kung nasaan ang kanyang sasakyan habang hila hila si Sarah "teka!! sandali!! hindi pa ko nagpapaalam kay Ate Ana! teka lang magpapa---"

binuksan niya ang front door para sa dalaga "--napaalam na kita, okay? chill. get in"

parang batang walang nagawa kundi sumunod na lang sa kanya si Sarah. sumakay na ito sa loob ng sasakyan. ng makapasok ang dalaga, lumipat naman siya sa kabilang side at sumakay na rin "seatbelt" sabi niya sa dalaga

hinila naman ng dalaga ang seatbelt ngunit hindi nito magawa, kaya tinulungan niya ito. napahinga ng malalim si Sarah ng lumapit siya sa dalaga, halos magkalapit ang kanilang mga mukha "relax. wala akong gagawin sayo. i will just help you make your day. okay?" at hila na niya ang seatbelt ng dalaga at inayos ito

"siguraduhin mo lang ha" nakangiting sabi ng dalaga sa kanya

unknown to him,

that's the vey first time she smilled....today

~~o~~o~~

huminto sila sa isang coffee shop sa may Ermita. yun kasi ang pinakamalapit sa kung nasaan ang location nila

"diyan ka lang ha?" bilin ni Gerald sa kanya. tumango naman siya bilang tugon "wag kang lalabas"

tumango siyang muli "dito ka lang ha?" bilin muli ng binata sa kanya

"oo nga" 

"hintayin mo ko" at sinara na ni Gerald ang pinto. tinanaw naman niya ang binata mula sa bintana. nakasuot ito ng shades at sumbrero, para hindi ito makilala masyado ng mga tao

naisip niyang laruin muna ang iphone habang hinihintay ang binata, ngunit bago pa man din niya mabuksan ang kanyang cellphone ay biglang tumunog ito. binasa naman niya ang message na natanggap

-------------------

Ate Ana:

maybe this time it'll be loving they'll find

maybe now they can be more than just friends

-------------------

ate? pwede ba?

-------------------

Ate Ana:

o bakit?

-------------------

kung anuman yang iniisip mo

sinasabi ko na sayo

HINDI NA PWEDE!!

-------------------

Ate Ana:

bakit anu bang iniisip ko?? ;)

-------------------

malay ko sayo Ate

-------------------

Ate Ana:

ikaw yata ang may iniisip ;)

itinext ko lang sayo yung theme song ng movie niyo

binigay na yung note sakin

approved na ng head yung kanta

-------------------

ang dami namang kanta a

bakit yun pa?

-------------------

bakit yun?

-------------------

Ate Ana:

may problema ba kung yun?

-------------------

oo nga Sarah, may problema ba kung yun ang magiging theme song ng pelikula niyo

-------------------

Ate Ana:

baka may gusto kang isuggest?

pwede nating sabihin

-------------------

wala!

-------------------

Ate Ana:

o wala naman pala e!

o di yun na! :)

-------------------

magrereply pa sana siya sa assistant ng biglang pumasok ang binata sa loob ng sasakyan. may mga dala dala itong brown paper bag. kinuha naman niya ang mga ito para makapasok ng maigi ang binta 

"anu to?" titignan na sana niya ang mga paper bag ng awatin siya ng binata "hep!hep!hep!!akin na yan" sabay kuha ng binata sa kanya ng mga bag "later.okay"

nakalabi niyang isinoli ito sa binata "san ba kasi tayo pupunta?"

"you'll see"

~~o~~o~~

ibinababa niya ang bintana upang makita siya ng security guard. pero bahagya lang dahil iniiwasan niyang makita nito si Sarah "o Sir Ge. ikaw pala"

"pwede ba ako ulit dun sa taas?"

"oo naman Sir pwedeng pwede"

kinuha naman niya ang isang paper bag at ibinigay iyon sa security guard "o Kuya sayo to"

"ay Sir wag na po" pagtanggi nito sa kanya 

"sige na kuhain mo na Kuya"

"nakakahiya po Sir"

"sus Kuya, wag ka nang mahiya sakin. sige na tanggapin mo na"

"salamat po Sir" sabay kuha ni manong guard sa inaabot niya 

"akyat na ko Kuya ha?"

"sige Sir. akong bahala sayo"

"sige salamat Kuya" sabi nito sa security guard. ibinaba naman niya na ang salamin ng sasakyan 

"galing manuhol ha?" komento ni Sarah sa kanya 

"hindi suhol yun. ang tawag dun diskarte"

"o san mo na ko dadalhin?"

hindi naman na niya sinagot pa ang dalaga. pinaandar na niya ang sasakyan paakyat. paakyat sa pinakamataas na palapag ng building na kinaroroonan nilang dalawa

~~o~~o~~

ng pagbuksan siya ng pinto ng binata, isang malapad na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. nasa rooftop sila ng isang condiminium sa may Roxas Boluevard, at ang rooftop na ito ay napapaligiran ng mga bulaklak at halaman, para bang mini garden sa tuktok ng building

nakangiting tinitignan lang siya ni Gerald. bawat kilos at galaw ng kanyang kamay habang dinadama ang mga bulaklak sa kanyang paligid, ay pinapanood nito

"panu mo nalaman tong lugar na to?"

"kay Fred. dito kasi nakatira yung ex niya dati"

"dito?"

"u-uhm. actually si Fred ang umayos ng mga yan. siya yung nagtanim. siya yung nagpatubo. siya yung nag-alaga. pati yung mga upuan, siya rin bumili niyan. mahilig kasi sa mga bulaklak yung ex girlfriend niya kaya ayan, ginawa niya yang garden"

"dito tayo" yaya ng binata sa kanya. hawak hawak pa nito ang biniling mga pagkain

"sweet pala si Fred, ngayon ko lang nalaman" komento niya ng makalapit sa binata. pinaghila naman siya ng binata ng upuan. matapos siyang makaupo, ay umupo na rin ang binata sa kabilang upuan

nilibot niyang muli ang paningin. talagang napakaganda sa kanilang paligid, panu ba namang hindi e napapalibutan sila ng mga bulaklak

"here's yours" abot ni Gerald ng binili nito para sa kanya. napangiti siya

"Java Chip?"

"yeah. Java Chip with non-fat milk and no whipped cream. just the way you like it, the way you always like it" nakangiting sabi ng binata sa kanya. kinuha naman ng binata ang isa pang paper bag na kanina'y hawak at binuksan ito

he still know it....

"and..." inilabas ni Gerald ang isang "....banana loaf" at may hinugot muli ang binata sa paper bag "honey-dipped doughnut, belgian waffle with chocolate syrup" at muli ay may hinugot ito sa paper bag "ofcourse, chicken salad. all your favorite"

napangiti siya sa inakto ng binata 

...he still remember every thing

how come?

iniabot naman ng binata lahat ng binili nito sa kanya "ikaw? anung binili mo para sa sarili mo?" tanong niya dito habang pinupunasan ng tissue ng binata ang kanyang kutsara

"siyempre....." at inilabas ng binata ang binili nito para sa sarili. napangiti siya ng makita kung anu ito

bakit pa nga niya tinanung e alam na alam na rin naman niya ang sagot. katulad ni Gerald, kahit papanu ay kabisado na rin naman niya ito

"sabi na e...Coffee Jelly"

"so let's eat?" anyaya ng binata sa kanya. bigla namang nabawasan ang ngiti sa kanyang labi ng makitang crinumple nito ang paper bag "yan lang binili mo sa sarili mo?"

"bakit?"

"wala kang biniling pastry para sayo?"

napangisi naman si Gerald "meron"

"asan?"

"eto" sabay kuha ng binata sa belgian waffle "teka bat yan sayo?" reklamo naman niya

"o bakit?"

"ito na lang sayo" sabay abot sa binata ng honey-dipped doughut "wag yan. please?" nakalabi niyang sabi sa binata. sa lahat kasi ng binili ng binata, ang belgian waffle ang pinakapaborito niya "ayoko niyan" nakangiting tanggi ng binata sa kanya

"to' na lang sayo" tinatangka naman niyang hablutin ang plato mula sa binata ngunit nakakalokong inilalayo ng binata ito sa kanya "bawal to' sayo. matamis masyado. yung boses mo, sige ka" natatawang sabi ng binata sa kanya

"konti lang. sige na!" nakalabing sabi niya sa binata ngunit parang aliw na aliw ito sa pangaalaska sa kanya "hindi"

"Gerald!!!please?" mas inilabi pa niya ang labi. and he finds it soooo cute

"konti lang"

"promise konti lang"

hihiwa na sana siya ng kapira ng waffle ng pigilan siya ng binata  "hindi!! ako na" sabay taboy ng binata sa kanyang kutsara habang pigil na pigil ang hagigik nito "ang laki ng hiwa mo o"

napakunot noo siya "anung ang laki?" parang batang reklamo nito

"A!!!" utos nito sa kanya "ako na" reklamo nanaman niya "hindi. ako na" sabi naman ng binata sa kanya. siya na walang nagawa, ay ibinuka na lang ng bahagya ang kanyang bibig

"sarap?" tanong ni Gerald sa kanya ng maisubo na niya ang waffle

"mas masarap kung ibibigay mo na lang siya sa akin" 

natawa naman siya sa naging hirit ni Sarah "sige na Ge. ito na lang sayo" muling niyang alok ng honey-dipped doughnut sa binata "palit na lang tayo"

alam naman ni Gerald, na hindi niya matiis ang dalaga. hindi rin naman niya kayang ipagkait ang mga bagay na gusto ni Sarah. talagang, inaasar lang niya ito

"here" at ibiigay na nga ng binata ang hinihiling niyang belgian waffle. siya naman ay parang batang nag-yeyehey, para bang nanalo siya sa isang patimpalak "thank you" 

"your always welcome" nakangiting sabi ng binata sa kanya

"ganda nun o" turo niya kay Gerald. ang tinutukoy niya ay ang ferris wheel na natatanaw niya "san?" pihit naman patalikod ng binata upang makita nito ang tinutukoy niya "gusto mo sumakay dun?"

"nung bata ako, pag may peryahan samin. sumasakay kami ng mga kapatid ko sa ganun e....." nagtuloy tuloy ang kanilang kwentuhan, mula sa kanilang kabataan hanggang sa mga hilig nilang dalawa. para ngang ngayon lang sila nakapag-kwentuhan dalawa, sa tanang buhay nila e

"....napanood ko rin yun e. si Meg Ryan pa nga yung bida dun diba?"

"alam mo. walang halong biro a. pero tingin ko, ikaw ang Meg Ryan ng pilipinas. totoo"

"etchosero!!!!!!" natawa si Gerald sa kanyang naging reaksyon

dalawang oras yata halos sila nag-kwentuhang dalawa. lagpas tatlo yata ang naging topic nila; childhood, movies, sports, at siyempre ang paborito talaga nilang dalawa...pagkain. pero wala masyado silang napag-usapan na personal, lalo na tungkol sa mga buhay nila ng magkalabuan silang dalawa

mabuti na rin nga siguro yun. yung hindi na nilang dalawa pa ibalik yung mga bagay na nangyari sa nakaraan

"nag-text na si Ate, hinahanap na daw tayo" sabi ni Gerald habang inililigpit nito ang mga kalat nilang dalawa

"nag-text na rin si Ate e, pinapabalik na ko. tayo pala" 

"tara na?"

"sige. akin na yan" kukuhain sana niya ang isa sa mga paper bag na dala dala ng binata ngunit inilayo nito sa kanya ang mga ito "ako na lang" 

"gentleman?"

"i need to. im with a princess"

~~o~~o~~

"Bebe?" tawag niya sa alaga ng makita niya itong bumaba mula sa sasakyan ni Gerald

lumapit naman ang dalawa sa kanya "o Ate!!" 

"bigay ko lang to sa kanila ha" paalam ni Gerald kay Sarah. tumango naman ang alaga sa binata 

"san kayo nag-puntang dalawa?"

"secret" malapad na ngiting sagot ng alaga

nagulat naman siya sa reaksyon ng alaga. aba!! kanina lang umaga ay halos magtama na ang labi nito at ang sahig, sa pagkakabusangot ng mukha nito. pwede na nga siyang tumawid sa salubong na kilay ng alaga e...

anung nangyaring okay na ito? 

hindi ganito ang alaga. kapag sinusumpong ito ng migraine dati ay buong araw itong may toyo pero ito ngayon ang alaga, wagas kung makangiti

"okay ka na?"

napakunot noo ang alaga, pero nakangiti pa rin "anung okay?"

"wala ka ng sumpong?"

"ata..." nakangiting tugon nito sa kanya 

"aba himala!! dati kapag sinusumpong ka whole day e. ngayon half day na lang" nakangisi at nakakalokong sabi niya sa alaga

Sarah give her a what-are-you-trying-to-say-look

"totoo naman a"

"Ate Ana---" sasagot pa sana si Sarah ng tawagin na siya ng isa sa mga staff "Ms.Sarah tawag daw po kayo ni Direk"

"o tawag ka daw" nakakaloko niya pa ring sabi sa alaga

~~o~~o~~

aktong sasakay na si Nhila sa sasakyan ng pansinin siya nito "o san ka pa pupunta?"

"anu--a--"

"anu?"

"may nakalimutan ako sa tent. babalikan ko lang saglit" rason niya "sandali lang ako. swear" nakataas pa ang kanang kamay niyang sabi sa handler

"bilisan mo"

"u-uhm. bibilisan ko. mabilis lang ako"

"may Kristv ka pa bukas" paalala ng kanyang handler sa kanya. sumakay na si Nhila sa loob ng sasakyan. naglalakad na siya pabalik ng may tumawag sa kanya 

"Ge???" nilingon naman niya ito "Ate Ana...."

"san ka punta? akala ko nakaalis na kayo"

"si Sarah?" tanong niya kay Ana. ni hindi man lang niya sinagot ang naging tanong nito sa kanya

"nasa loob pa may----"

"---o Ge!!!" tawag ni Sarah sa kanya "akala ko, nakaalis na kayo"

"yan din sabi ko sa kanya, inulit mo lang" pag-sisingit ni Ana ngunit parang hangin naman siya na hindi naririnig ng dalawa

"may nakalimutan kasi ako sa tent"

"A!!!!" 

"anung nakalimutan mo?" singit muli ni Ana

"a---a---anu--yung---yung scri--script ko" nauutal niyang tugon "oo.yung script ko" 

"o sige Ge. mauna na kami ha?" 

"sige Ate!!"

"Ge?" paalam naman ni Sarah sa kanya "una na kami"

"sige.ingat"

bahagyang nakalayo na si Sarah ng muli itong bumalik papunta sa kanya

"may nakalimutan ka?" tanong niya sa dalaga

"wala..gusto ko lang mag-thank you, kanina"

napangiti naman siya "wala yun"

"thank you" muling sabi ng dalaga sa kanya "thank you for helping me save my day"

mas lalo siyang napangiti sa tamis ng boses ng dalaga "thank you, for letting me"

"sige. una na kami"

"ingat kayo"

"u-uhm" tango naman ng dalaga "ingat din kayo"

"ingat ka"

"ingat ka rin"

"ingat"

tumango naman si Sarah 

"ingat" muli niyang sabi

"wag kang mag-alala...iingatan ko talaga tong si Sarah" biglang singit ni Ana na ikinagulat naman nilang dalawa "Ate, anu ba?" nakahawak sa dibdib na piglat ni Sarah

"akala ko naman nakasunod ka sa likod ko, yun pala---"

tinakpan naman ni Sarah ang bibig ng handler para hindi na ito makapagsalita "sige Ge..una na talaga kami at inaantok na to si Ate"

tumalikod na si Sarah at naglakad na palayo mula sa kanya, ngunit bago pa man din makalayo, ay muling lumingon ang dalaga sa kanya

kumaway naman siya dito na siya namang tinugunan ng dalaga, ng isang matamis na ngiti at naglakad na nga papunta sa sasakyan nito 

~~o~~o~~

"nakita niyo ba si Ge?" tanong niya kila Ana ng makita niya ang mga ito sa parking

"oo. bumalik sa loob. nakalimutan niya raw yung script niya"

"nakalimutan e bini---" hindi na niya itinuloy pa ang sinasabi "---sige salamat"

"o panu Nhils, una na kami" paalam ni Ana sa kanya. bumeso naman siya dito "ingat kayo pauwi. pasabi kay Sarah babye"

"sige.ingat din kayo"

ilang sandali pa ay lumitaw ang kanyang alaga. pinamewengahan niya ito ng makita 

"anung nakalimutan mo?"

"ha?A---anu yung script ko"

"nakita mo?"

"hindi nga e" napakamot pa sa ulong tugon ng alaga 

"talagang hindi mo makikita dun, kasi diba binigay mo sakin" 

"binigay ko ba sayo?" nag-mamaang maangan sabi ng alaga "binigay ko pala sayo"

"ewan ko sayo. best actor ka nga" pataray na sabi niya sa alaga "tara na. maaga pa tayo bukas"

-------------

nabawi ko na ba yung kahapon?? XD

comments/votes

HAPPY THURSDAY!!

#522

Continue Reading

You'll Also Like

95.8K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
26.6K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
18.8K 887 60
Sa panahon ng Dynastiya ng Xiang noong ikatlong siglo sa Tsina, ay sino ang magaakala na ang isang ordinaryong babae lamang na si Fei ay papasok sa p...
12.4K 706 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...