[DIANNE’S POV]
“Beh sino ba satin ang worried na hindi kaya ni Avie?” Wala na akong nagawa when Dave grabbed my phone.
“Beh I’m not worried about Avie alam kong kaya ng baby ko” he just chucked after what I said.
“So is that why you called her five times already?” He checked my phone’s log.
“’Kay fine, I just wanted to check if she’s ok” I took my phone from him.
“Beh she’s ok, diba sabi naman satin ni Avie she’s doing fine kanina the first time we called her? Ikaw naman hindi naman siya mashadong helpless and she’s enjoying her stay, beh naman wala pang 24 hours mula noong iniwan natin si Avie sa campsite, pero beh bago ang lahat pwede bang alisin mo na ‘to” He looked at his other wrist na nakaposas at nakakabit sa headboard ng kama namin. Wahahaha gusto ko kasi talaga ng tracker bracelet para kay Avie at Jayjay katulad nung kay Dave. Kaya kinareer ko siya sa request niyang lap dance, hindi na siya basta nakatali, nakaposas siya sa bed. Hahahaha
Super sosyal naman kasi ng hubby kong pogi dahil siya pala ang nagdesign at nagdevelop ng gadget na yun, so it’s kinda unavailable in the market pa dahil prototype palang yung meron and there’s just one set sa buong mundo and it’s designed for him and Avie kaya hindi niya basta pwedeng ibigay nalang sakin kahit kanina ko pa kinukuha sa kanya. Kaya kung gusto ko ng ganun, gagawa pa at customized para sakin with the additional features for Jayjay.
Wow rich talaga hahaha
Kaya dapat sulit ang ‘performance’ dahil it’s super expensive pala. Nahiya naman ako dahil lalagyan nanaman ng diamonds as requested by Dave. Hahaha grabe spoiled talaga ako sa hubby kong pogi noh?
“Sus! Akala ko ba enjoy na enjoy ka jan, wag na nating alisin” natatawang sabi ko. Actually dalawang kamay kanina yung nakaposas kay Dave. Inalis ko lang yung isa so he could rest properly.
“Repeat performance pa ba? I lock mo ulit yung kabila beh” Nakangiting sabi niya at umayos ng higa.
“Tama na baka atakihin ka na sa puso” I kissed him and unlocked his cuffed wrist. Nakatitig lang siya sakin at nakangiti habang inaalis ko. “Problema mo?” I asked him. Para naman kasi siyang adik kung maka-titig hahaha.
“Wala I’m just happy, wala bang confirmation if you’re pregnant?” Sows! So hindi pa pala siya nakakalimot about that.
“Pwede kasing false positive yun beh, wag mashadong umasa ha? Kasi po mejo malabo yung chance” I patted his cheek. At hindi naman kasi talaga ako yung buntis. Hoping lang talaga si Dave.
“Pero beh, if you’re pregnant I want you to tell me agad, gusto kong safe kayo ng baby natin” Hapet much?
“Opo, sige na po” I pulled his shirt. Naka underwear lang kasi ako at malamig kung babangon ako para kunin yung robe ko.
“Baby akala ko ba pagod ka? Teka lang--” Ay sows! Ka-landi ay? Grabe feeling re-reypin?
“Hoy malamig po, kaya akin na yan” Napakamot ulo si Dave at saka niya hinubad yung shirt niya at agad ko namang sinuot saka ako humiga ng maayos sa bed namin.
“Wala ngayon?” He looked so disappointed. Wala ako sa mood eh hahahaha kaya magtiis sha hahaha
“Next time nalang beh ha? Pagod kasi talaga ako” I kissed him saka kami natulog. Wahahaha dismayado much tuloy ang hubby ko.
As usual I woke up early para pumunta sa hospital. May dadaanan din kasi akong patient ko na kakatapos lang yung procedure na ginawa ko sa kanya. I just want to see if she’s ok, naks ganyan talaga kapag patient ko, alagang alaga hahaha
Pero ang totoo maaga lang ako lagi dahil ayaw kong abutan ng traffic hahaha nakaka-stress naman kasi and maganda naman dahil marami akong nagagawa agad kaya nakakauwi ako ng maaga.
Same doctorly routine and drama ng work day ko. Check up dito, check up doon, at paikot sa hospital, hindi naman nakakaumay, nakakapagod lang
I stopped by sa nurse’s station para makichika saglit. Matagal akong busy kaya na-miss ko sila hahaha Nasa kalagitaan ako ng chismisan when they told me someone’s waiting for me outside. Ayan nanaman sila sa pa-suspense eh, halata naman kasing si Da---
“Dianne can we talk?” Sabi ni Yel when I came out of the nurse’s station. He looked serious, ano naman kayang problema nito? Alam na kaya niyang buntis si Margarette?
“Yel bakit? What’s so important na hindi makaintay para pagusapan nalang sa bahay?” Ayaw ko kasing naiistorbo kapag nakikipagchismisan ako hahaha Kakaloka naman kasi baka may magsumbong pang alipores si Dave na nagkita kami ni Yel. Alam ko naman kasi ang feeling ng nagseselos kaya ayaw ko ring bigyan ng dahilan si Dave para sumama ang loob niya diba? Naks! Ganyan na ba ngayon? Bumabait na ako hahaha
Pero infairness to Yel ah? Kinda pogi rin talaga, ang galing ko talagang pumili hahaha Joke behave!!
Mai-text nga si Dave parang feel ko makipaglandian ng tanghaling tapat hahaha at dumadating naman si Dave within 15 minutes kapag ginagawa ko yun
“Dianne” He called my attention. Ano nanaman ba kasi yun? Ganito ba talaga kapag maganda lagi nalang hanap? Hahaha
Hay sige na nga..
“Tara sa office ko Yel” sabi ko then I walked papunta sa office ko.
I asked him to sit sa upuan sa tapat ng desk ko when we got into my office.
“Ano ba yun Yel? Makasugod ka naman, may brain tumor k aba? Are you experiencing headaches of any kind?” Sumandal ako sa swivel chair ko and rested my head.
“I want to talk about this” He placed a folder on my desk. “I know about Dave, you ran away from him bago kayo ikasal and I met you a year later.” Sabi ni Yel.
Haist! E ano naman sa kanya? My golly naman. “So?” I asked him uninterestedly. Wala naman siyang pakialam dun.
“Dianne you were gone for two years” sabi ulit ni Yel.
“Oo nga, where this is conversation going, Yel?” Sumasakit na ang ulo ko sa balak niya at mga hirit niya. Ayaw pa kasi niya akong direchohin kung ano nanaman yung plano niya sa buhay.
He opened the folder he placed on my desk. Puro pictures yon nila Dave, Avie at yung clone ko. They were taken siguro noong time na nasa Germany pa sila dahil wala akong ma-alala na nandun ako that time and baby na baby pa si Avie sa pictures.
"Alam mo Dianne, nakakapag-taka lang, kasi from these documents, nagsasabi na nasa US ka at meron ding attendance logs sa training mo that confirms na you were there. Pero from the date na these pictures were taken, it tells another story" Shoot!
I felt my body froze. Hindi ako prepared harapin 'to. Dave was able to cover up his tracks pero imposbileng matabunan yung mga panahon na dalawa yung existence ko. Nasa US ako while my clone's in Germany.
"Dianne you were at two places at once, papano nangyari yon?" He asked as if he knows the answer. "Ah! I know! Is it possible na your rich husband cloned you?" I don't like Yel's tone, wala lang akong magawa dahil nasa kritikal na situation ako. One wrong word makes him win or lose sa kung ano mang gusto niyang patunguhan ng usapan namin.
"Ayaw mong sumagot? Ganito nalang, mas maiintidihan mo 'to" He showed me a picture, yun yung araw na Avie was born in Germany. Nasa hospital sina Dave while my clone was holding Avie in her arms.
"That was the day Avie was born. Ano bang gusto mong palabasin ha?" I asked him. Pwede ko naman kasing sabihin na ako yung nasa picture.
"Gusto kong palabasin na you weren't even there when Avie was born" He placed a picture of me taken sa US with my friends. Nasa valentines party ako dated noong time na Avie was born.
Sh!T! Huling huli kami. Hindi na ako makaimik. I just looked at Yel.
“Avie isn’t human, is she?” Yel asked me. What the hell?!! Sira ulo talaga ata ‘to
“Yel, anak ko si Avie, of course she is!” Galit na ako hindi na kasi nakakatuwa yung joke niya.
“Anak si Avie ng clone mo Dianne, a laboratory experiment, I bet that explains why she's incredibly intelligent” Ay inggit ka? Gawa ka rin.
"I'm smart and Dave's so freakin intelligent, natural lang na gifted ang anak namin" Kakaloka much naman si Yel ang sarap hiwain at buhusan ng lemon juice para mahapdi.
"Wag ka nang magdeny Dianne, alam ko na ang lahat" Shit talaga!!!
"Lets cut to the chase, Yel" Kung alam na niya edi wala narin talgang point na magdeny pa ako. "Magkano ba ang katahimikan mo about this matter?" Alam kong impractical at mali dahil he might just ask for more money, pero kung yun lang din naman to keep my baby safe wala nang halaga ang pera.
Natawa si Yel. "Dianne, what made you think I need money?" Ahm kasi poor ka at rich kami??
"So anong gusto mo? A place in our company? Bahay? Car? Come on, Yel, lahat ng tao may presyo" Waaah!! Dapat pumayag siya sa pera, hindi ako papayag na mapahamak ang baby ko.
"Dianne with this kind of information hindi lang basta yung mga yon ang pwede kong makuha" proud na sabi ni Yel.
Takte naman!!
"I want you and Avie, makipaghiwalay ka kay Dave and all these records will go away forever" Shit! Bwiset naman! Pang pelikula lang yan ah? Pero what does he want with Avie??