Living with a Half Blood

By april_avery

24.3M 985K 267K

Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito... More

Living with a Half Blood
Chapter 1: New Town
Chapter 2: The Alpha
Chapter 3: Flicker
Chapter 4: The Letter
Chapter 5: The Cat
Chapter 6: Meet the Alpha
Chapter 7: Hybrids
Chapter 8: Half Blood
Chapter 9: The Game
Chapter 10: Connection
Chapter 11: Loraine Van Zanth
Chapter 12: Confirmation
Chapter 13: His Mate
Chapter 14: Outsider
Chapter 15: Venise Marseille
Chapter 16: Hurting
Chapter 17: The Beta
Chapter 18: Forbidden
Chapter 19: Destined
Chapter 20: Shattering
Chapter 21: The Invitation
Chapter 22: All Hallow's Eve
Chapter 23: Tamed
Chapter 24: You're Mine
Chapter 25: The Arden
Chapter 27: The Bullet
Chapter 28: Forewarning
Chapter 29: Faded History
Chapter 30: Attack
Chapter 31: Alpha's Mark
Chapter 32: Insignia
Chapter 33: The Escape
Chapter 34: Trapped
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Bloodbath
Chapter 37: Sacrifice
Chapter 38: Wavering
Chapter 39: Final Chapter
Living with a Half Blood: Epilogue

Chapter 26: Lurking

569K 22.6K 6.6K
By april_avery

Chapter 26: Lurking

Ilang araw bago ang second semester, nadatnan ko ang mga orders sa mansion. Nasa sala sila noong bumaba ako. Nang makita nila ako agad silang yumuko at bumati.

Hangang ngayon naninibago parin ako kapag nakikita ko ang mga orders sa mansion. Malayo na ito sa secluded at tahimik na mansion na nakasanayan ko. Tila sa pagbabalik ni Zander bilang pinuno ay unti unting nagiging bukas ang lugar sa mga tao.

Nakita si Sebastian sa gitna ng mga tao. Parang ang tagal na mula noong huli ko siyang nakita. Nakikipag usap siya sa isa sa mga orders. Tumigil siya at humarap sa akin nang marinig ang pagdating ko.

"Hey."

Nakangiti siya nang lumapit sa akin. Pero hindi ko maiwasan na mapansin ang seryosong atmosphere sa paligid.

"Is there something wrong?" tanong ko kay Sebastian.

"Nagpatawag ng meeting si Zander." sagot niya.

"Para saan?"

"Tungkol sa kanyang position bilang alpha."

Natigilan ako. Napansin ni Sebastian ang reaction ko. Bahagya akong napayuko nang maramdaman ang palad niyang hinawakan ang ulo ko.

"Nag aalala ka nanaman para sa kanya." sinabi niya. "Hwag mo itong intindihin. Mananatili siya bilang alpha ng bayan."

Tumango na lamang ako. Maya maya pa dumating si Zander. Bumaba siya mula sa hagdan. Napansin ko na bahagyang magulo ang kanyang buhok at kasalukuyang nagbubutones ng kanyang damit. Dumerecho ang tingin niya sa akin. A light frown crossed his face.

"Why are you downstairs?" He asked. May usapan kasi kami na kapag may mga meeting o pack issues ay hindi ako makikialam. It's too dangerous according to him.

Napansin ko na naging attentive ang mga orders sa presensya niya. Some of them bowed in his direction.

"I'll go ahead, then." sinabi ko.

Paakyat na ako sa hagdan nang mapansin ko ang kwelyo ng damit ni Zander. Tumigil ako at lumapit sa kanya. Saka ko inayos ang kanyang damit. He was probably rushing out of his room kaya hindi niya ito napansin. Nang matapos ako muli akong nagpaalam.

Bago tuluyang umalis I noticed that Zander was watching me. At first I thought he would say something. Pero kalaunan ay tuluyan siyang humarap sa mga orders.

I busied myself while waiting for the meeting to end. Kumuha ako ng ilang libro at nagbasa. Ilang araw nalang magsisimula na ang pangalawang semester sa bayan.

It was already late afternoon nang marinig kong bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Sinara ko ang librong binabasa ko at lumingon dito.

"Tapos na ba kayo?" tanong ko.

He nodded. Pumasok si Zander sa kwarto. Sumandal siya sa pader na katapat ko. He folded his arms in front of his broad chest at tinitigan ako. Bigla akong naconscious sa gesture niya.

"What?"

"You and Sebastian seem to be close."

"We are." sagot ko. "Siya ang unang taong naging malapit sa akin dito sa Van Zanth."

He nodded. "Good. He's my best alliance and a friend. Kung may isang taong pinagkakatiwalaan kong mapalapit sayo, siya yon." Sinabi niya.

"I already arrange some orders to be in your class."

"You don't have to."

"You're my mate. If I have to lock down the whole school for your security, I will."

Natigilan ako bago muling nagsalita.

"Aren't you going with me?" tanong ko.

He sighed. "I want us to go together. But there are still things I need to fix. And spending time in a classroom won't help."

Inaasahan ko na ang sagot na yon mula sa kanya. After all attending a public school is only a form of formality for him. Muling pumasok sa isip ko ang tungkol sa meeting.  It was one of the consequences of Zander keeping me. Another stain in the long outstanding Van Zanth reign. And this time, it's because of me.

"Napapagod ka na ba?"

Natigilan siya sa tanong ko. Umalis ako mula sa kanyang pagkakayakap at tinitigan siya. Doon ko napansin ang pagod sa kanyang mga mata. This past few days he's been overworking himself. Hindi niya gustong magkamali. Lalo na ngayon na naghihintay lamang ang council ng pagkakataon.

"Would it be easier if you have someone who has the same status as you?" sinabi ko. "No issues, no complications. A strong and dependable woman who can be by your side at all cost."

Hindi siya sumagot. Sa halip pinalapit niya ako sa kanya. "C'mere."

Noong una nagtaka ako. Pero tumayo ako at lumapit sa kanya.

"What--"

Hindi ko natapos ang sasabihin nang bumalot ang kamay ni Zander sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. He kissed the top of my head.

"I want you to remember one thing." I heard him say. "I will never be tired if it's all for you. You are more than enough, Laura."

Tinitigan ko siya. Zander, you always say you're fine even if everything is falling apart on your feet. What can I do for you?

—-

Maaga akong nagising noong umagang yon. Ito ang unang araw ng second semester. Bumaba ako sa staircase. I was about to go directly to the front door when I stopped.

Naghihintay si Zander sa paanan ng hagdan. Nakabihis siya na tila may pupuntahan. Nilislis niya ang cuff ng suot niya at sinilip ang wrist watch. Maya maya pa lumingon siya nang marinig ang pag dating ko.

"Let's go."

Nagtataka na pinagmasdan ko siya. “Where are you going?" tanong ko.

He frowned. "Ihahatid kita." He pointed out.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa front door bago pa ako makapagsalita. Sumunod ako. Nakita ko ang isang itim na sasakyan sa harap ng mansion. Pumasok siya sa driver's seat.

“I can use my truck. Hindi mo na ako kailangan ihatid.”

"May aasikasuhin ako sa bayan so I might as well drive you to school.” He said.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik na nagdrive si Zander. It was the first time that he was seated beside me, driving, like a normal person. Like it's a normal relationship.

Naging tahimik ang aming byahe. Muli kong nakita ang familiar na daan patungo sa campus. Huminto ang sasakyan sa parking lot. Kinuha ko ang gamit ko. My hands were unnervingly all over the place. Napansin ito ni Zander. He held my hand. I flinched. Kumunot ang kanyang noo dahil sa aking reaction. Tuluyang niyang pinatay ang engine ng sasakyan.

“What’s wrong?”

Ito ng unang beses na haharap ako sa mga taga bayan matapos ang gabi ng All Hallow. Matapos ang party at ang gulo. Hindi ko alam kung ano ang aasahan sa pagkakataong ito.

“Nothing.”

“Step outside and wait for me.”

Napalingon ako kay Zander dahil sa sinabi niya. “You don’t have to.” Mabilis kong sinabi. “I’ll go ahead.”

Tila nabasa ni Zander ang nasa isip ko.

“Laura.” Natigilan ako sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan. Humarap ako sa kanya. “Let me do this.”

Tinitigan ko siya. Tumango ako. Kinuha kong muli ang aking gamit at binuksan ang pintuan. Paglabas ko agad natigilan ang mga tao sa parking lot nang makita ako.

“She’s here.”

“Did you hear what happened?”

“I know.”

Humigpit ang hawak ko sa straps ng bag na suot ko. Maya maya pa narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan kung saan ako galing. Huminga ako ng malalim.

Halos hindi nakapagsalita ang mga tao nang makita siya. Bahagyang tumigil sa paglalakad ang ilan at yumuko sa direction niya.

“Alpha.”

Lumapit si Zander sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Ihahatid kita sa classroom.” sinabi niya na hindi alintana ang reaction ng mga taong nasa paligid niya.

Nagsimula kaming maglakad papunta sa building. Nasa amin ang tingin ng lahat. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Zander.

“The alpha's really with her.”

Sinalubong si Zander ng ilang mga orders na tila inaasahan na ang pagdating niya. Nakita ko din si Sebastian. Ngumiti siya bago humarap kay Zander. Nag uusap sila. Pinagtinginan sila ng mga tao. Zander is really here in school, in front of his people.

Bago nagpaalam na umalis, muling lumapit sa akin si Zander. Hinalikan niya ako sa aking noo.

“I’ll see you later.”

Tumango ako. Naglakad siya pabalik sa hallway bago tuluyang nawala sa aking paningin. Noong pumasok ako sa classroom, napansin kong nakatingin sila sa akin. Ang iba sa kanila ay napayuko nang maglakad ako sa kanilang harapan.

“Don’t look so surprised.”

Napalingon ako sa nagsalita. Pumasok sa loob ng classroom si Sebastian habang nakapamulsa.

“You're the alpha's mate now.”

Nakangiti siya. Sebastian can always make a serious topic sound so light. I’m glad magkaklase parin kami. Umupo kami sa mga bakanteng upuan sa likod ng classroom.

Ilang mga kaklase namin ang bumati kay Sebastian. Nang makita nila ako muli silang yumuko. Hindi ko mapigilan na mailang.

Nagsimula ang aming klase. Everyone, even the teachers seems to know what happened during the semester break. Napansin ko ang pagiba ng pakikitungo nila sa akin. The treatment was so different from the last time I stepped in this place.

Pagdating ng lunch nag paalam si Sebastian na may aasikasuhin.

"Pero unang araw palang ng klase, aalis ka na?"

Bahagya siyang humalakhak sa sinabi ko. Ginulo niya ang aking buhok. "I'm only here to monitor things."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Si Peter at Chailo, sila ang magbabantay sayo kapag wala ako."

Nakatingin si Sebastian sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang dalawang orders na papunta sa amin. Nang makalapit sila, yumuko sila para bumati.

I smiled uncomfortable. "You don't need to do that, really."

Nanatiling formal ang kilos nila.

"They are here just to keep an eye on you." Bumaling siya kay Peter at Chailo saka niya tinapik ang kanilang balikat."Kayo na ang bahala sa kanya."

Nagpaalam si Sebastian. Bumuntong hininga ako. Lumabas siya ng building at tinahak ang direction ng kakahuyan. Nang mawala siya sa paningin ko, naglakad ako papunta sa cafeteria. Nanatili sa malapit si Chailo at Peter. They are not exactly following me, but close enough to casually keep an eye.

Pagpasok ko sa cafeteria natigilan ako nang mapansin na tumahimik ang paligid. Nag iwas ako ng tingin at dumerecho sa counter. Tumabi ang mga taong nakapila sa harap nito. I wanted to tell them it's fine. Pero tuluyan silang lumayo.

Ganito ang naging sitwasyon buong araw. Tumatahimik sila at yumuyuko kapag napapalapit ako. Kahit ang magtanong sa kanila ay hindi ko magawa dahil sa labis na formality na pinapakita nila. They couldn't even address me with my name alone. It's always Miss Laura or the alpha's mate.

I found this sudden change of behavior of the town's people quite eerie. Dahil sa kanilang mga mata nakikita ko ang tunay na iniisip nila.

"You shouldn't be here."

—-

Nagmadali akong umalis sa classroom nang matapos ang aking klase. Paglabas ko ng building natigilan ako nang makita siyang muli sa school grounds. Kausap niya ang isang order habang nakatalikod sa direction ko.

Hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa kanya. Saka sila mapapalingon sa akin. Pilit ko silang hindi pinansin. Naglakad ako papunta sa parking lot kung nasaan siya. Pero bago pa man ako makarating, tumigil siya sa pakikipag usap at lumingon sa akin. And a sudden certain act caught me off guard. Zander smiled.

"Hey."

Lumapit siya sa akin. Maging ang mga tao sa paligid ay napansin ang madalang na ngiting yon. The alpha smiled.

"Bakit ang tagal mong lumabas?" tanong niya. Bumalik ang kunot sa kanyang noo. But still, the smile on his eyes is visible.

"I didn't know na susunduin mo ako." nasabi ko.

Kinuha niya ang bag na dala ko at sinabit ito sa sarili niyang balikat. The huge backpack looked pre-school like in his broad arms.

"Let's go."

Hinawakan niya ang aking kamay. Sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan. Tinanong niya ako kung kamusta ang naging araw ko. He didn't even recognize all the eyes staring at him.

Nang halos nasa parking lot na kami, doon ko yon napansin. In the middle of the staring people, isang kakaibang pakiramdam ang bumalot sa akin. Natigilan sa paglalakad. Linibot ko ang tingin sa mga tao.

"What's wrong?"

Bumaling ako kay Zander. Tinitigan niya ako, nagtataka. Umiling ako.

"Nothing."

If Zander or the people around me didn't felt it, it must be nothing. I pushed the peculiar feeling on the back of my mind. But a sudden wave of shiver run down my spine.

Automatic na tumigil ang mga paa ko sa paglalakad at nanlamig ang aking mga kamay.

Pakiramdam ko may nagmamasid sa mga galaw namin.

***

Continue Reading

You'll Also Like

418K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
159K 2.8K 101
🐝 Since 2016 🐝 In the past, it is titled as "Hugot Poems (English and Tagalog)." This is a compilation of Tagalog, and English poems. If you need t...
377K 8.2K 40
He treats the world as if it is his exclusive doll house and people as his prized dolls, treating human emotion as trash. Pulling the strings to join...