Facing The Legacy (FS # 1)

By SilentInspired

1.7M 33.3K 1K

"Hindi mo ba naiintindihan? We can't be together, the stars won't allow it and the heaven is against us. We h... More

Facing The Legacy
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Wakas
"Kamukha ito ng.."
SilentInspired Closer

Kabanata IV

56.8K 1.2K 40
By SilentInspired

"Jas!"

Napalingon ako at nakita ko si Ate Pin. Napalunok ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit siya samin at pinakatitigan si Dylan.

"Let's go ate" sabi ko at hinila siya pero ayaw niyang magpatangay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw niyang sumama.

"So you like my cousin?" tanong niya at tinaasan ng kilay si Dylan. Napatingin ako kay Dylan na hindi man lang sumagot.

Shit.

I felt pain pero mabilis ko din yun tinanggal sa isip ko.

"I don't think I need to answer that question now." napalunok ako, natawa si Ate Pin.

Saan ba patungo ang usapang to?

"Honest.. that is good. Well wala naman akong problema sayo but Kuya Joseph surely has problems so watch out Wong" sabi niya at hinila na ako paalis doon.

What? Ayos lang sakanya?

Pinigilan ko ang sarili kong lumingon kahit gustong gusto ko.

"Kanina ka pa hinahanap ni Hosep. Buti nalang ay hindi siya ang nakakita sayo. By the way.. bantayan mo ang sarili mo.. delikado kung mahulog ka doon sa Wong. Chinese people have their legacy. Hindi ko alam kung uso pa yon sakanila pero you heard about the chinese are for chinese?" tumango nalang ako at sumama na sakanya papunta sa VIP Lounge ulit.

Napaisip ako sa sinabi ni Ate Pin.. chinese are for chinese? Pero hindi naman magiging kami eh, imposible din. I shouldn't think about that.

Nakakatawa na wala pa man ngang nangyayari ay linalatag na sa harapan ko ang mga bawal.

Tumabi ako kay Jade at Jess. Ngumiti ako sakanila dahil kung tignan nila ako ay parang may ginawa akong masama.

"I saw what happened." Ani Jade at kininditan niya ako.

Napaawang ang labi ko. Why does it sound so weird? Jade saw me having my first kiss?

"What is it?" Tanong ni Jess pero mabilis kong pinanlakihan ng mata si Jade kaya humagikgik siya.

"Wala naman Jess. Nakipag tukaan lang ate mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Tukaan? Ano ako? What the heck?

Tumawa si Jess na parang nakuha niya 'yon. Ako naman ay napasapo nalang sa mukha ko.

May mga bagay na pinipilit, may mga bagay na pinababayaan nalang.

Natapos ang gabi ng normal lang maliban lang don sa nangyari sa dance floor. Maayos naman lahat at hindi ko na din nakita si Dylan. Mabuti nalang nga at hindi ko na siya nakita dahil hindi ko kakayanin na harapin siya ngayon. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko alam paano magreact.


Pinapanuod namin sila Jayden mag practice. Tinignan niya ako at nginitian ko siya.

"Jas nakalimutan ko yung book ko sa room." sabi ni Jade.

Kumunot ang noo ko.

"Okay I'll get it for you. Bibili na din ako ng drinks nila. Hold my bag for a while." sabi ko kay Jade at kinuha lang ang wallet ko.

"Samahan na kita Jas" sabi ni Jade pero umiling ako.

"Samahan mo nalang si Jess diyan. Hintayin niyo si Ate Pin" sabi ko at tumango naman siya. Lumabas na ako ng gym at tinungo ang room nila Jade at Jess. Magka block kasi sila.

Kailangan kong bilisan dahil nag sasara na ng room ang guard. Dahan dahan akong pumasok sa room nila at nagulat ako nung makita ko Dylan doon sa loob.

Bakit siya nandito? Unang una ay hindi siya dito nag aaral kaya anong ginagawa niya dito? Aalis ba ako?

Tinatanong pa ba 'yon? Aalis ako!

Pero huli na ang lahat. Napatingin siya sa akin at halata ang gulat sa mukha niya. Bubuksan ko sana ang ilaw nung biglang mag sara ang pintuan at narinig ko ang lock.

Lumapit ako doon at pilit na binubuksan yon.

"Tao po? Kuya! Kuya! May tao po dito" desperadong desperado kong sigaw. Kinapa ko ang bulsa ko pero wala ang phone ko.

Napakagat ako sa labi ko.

"Fuck" mahina kong mura. Naiwan ko pa sa bag.

Natigilan ako nung may humawak sa balikat ko at naramdaman ko ang init ng katawan ni Dylan.

"Calm down.. hindi yan ma sosolusyunan sa ganyan." sabi niya sakin at binuksan niya ang ilaw.

Shit lang! Hindi din nakakatulong ang pag lapit niya sa akin!

Nung lumiwanag ay nakampante ako, lalo na nung makita ko ang kalmado niyang ekspresyon.

Sana hanapin na nila ako.

Umupo nalang ako sa sahig at sumandal sa pintuan. Tumabi siya sa akin at umupo din sa tabi ko.

Ngayon ko lang na-realize na.. iba talaga ang dulot niya sa akin. I don't know if I am just intimidated or what.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"I'm just checking on something. Ikaw?" tanong niya sakin. Inabot ko ang libro sa upuan na kaharap ko at tinapat iyon sakanya.

"Checking on what?" ngumisi siya sa tanong ko kaya kumunot ang noo ko.

"You're now interested on me?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ang lakas talaga ng bilib nito sa sarili niya. Well may ipagmamayabang naman pero ang hangin niya sobra.

"Nevermind" sabi ko nalang at linapag ang libro sa tabi ko.

Nanahimik ang paligid. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung mag sasalita ba ako. Lalo na at naaalala ko ang nangyari nung isang gabi sa amin.

"About yesterday night" napalunok ako, he is now opening the topic. What should I do?

He is so damn brave. Nakakatakot.

"I know that you're only challenged with our situation or baka iniinis mo lang ang kuya ko?" sabi ko sakanya at nakita ko namang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

Well it's the truth.

"My feelings are true. Alam ko."

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Napaka seryoso ng usapan namin.

There is so much conviction in his voice. Para bang siguradong sigurado siya.

Naalala ko ang sinabi ni Ate Pin kagabi.

"Chinese are for chinese diba?" napaiwas siya ng tingin sakin pero muli din niya itong ibinalik.

That answered my question.

"Yes, we have this tradition." napatango ako sa sinabi niya. It's clear as the ocean, hindi kami pwede.

I don't even know kung bakit ko kino-konsidera ito. Hindi ko nga dapat ito iniisip.

Parang sumakit ang puso ko sa sinabi niya. Is it because I like him? Well maybe I am only interested. I should stop this.

Baka dahil bago sa akin ang mga bagay na to. I bearly know him.. pero sabi sa akin ni mommy, it's not about the time. It's about what you feel.

Dagdag pa ni mommy dati.. You can be in a relationship for how many years but still feel nothing. You can be in a relationship for just days and feel everything.

"Does it bother you?" parang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nung tinanog niya yon.

"Heck yes! I am not chinese! Wala pa man nga ay sinasabi na ng dugo mo at dugo ko na hindi tayo pwede!"

Nagulat siya sa sinabi ko at pati rin ako. Hindi ko na naisip kung anong sinasabi ko. Sobra na kasi akong naiinis.

Kahit kailan ay hindi ako nahirapan sa buong buhay ko. I never wished for a complicated love story. I only wanted a simple and a happy one.

This is getting out of hand.

"Bakit ba kasi kayo nandito sa Pilipinas? I mean no offense, kung gusto niyo ng chinese to chinese, shouldn't you be looking that chinese on China?" tanong ko at natawa naman siya sa sinabi ko. Tuwing tumatawa siya ay parang nawawala ang mata niya but that doesn't make him less handsome.

Am I really complimenting him?

"Well nandito ang business namin at matagal ng nandito ang ama ko. I mean my grandmother on english language" tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Paano iyon, bakit hindi ka nalang maghanap ng Chinese?" tanong ko sakanya pero napatakip ako ng bibig ko. What am I even blabbering about?! Hindi ako nag iisip!

"Nevermind that. Hindi ko alam kung saan nanggaling yon. I'm just being curious.. kasi diba.. uhm. Nevermind. Fuck." sabi ko at tatayo na sana pero hinawakan niya ang kamay ko.

Ngayon ko lang napansin na sobrang lapit na niya sa akin at sobrang lalim pala ng pinaguusapan namin. I never thought that I will have this conversation with Dylan Wong.

"If you'll want me as I want you, No legacy can stop me" tinignan ko siya sa mata at nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

Bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko. What he said came through straight.. to my heart.

Deretsong deretso, hindi lumiko. Saktong sakto.

"Ate! Are you there?!" napatayo ako sa sumigaw. Napatayo na din si Dylan. I can hear Jess' voice.

"Jess! I am here!" sabi ko at hinintay mag bukas ang pintuan. Pag kabukas ko ng pintuan ay nakita ko si Jess at Jayden na nasa harap ng pintuan kasama ang guard.

Mabilis akong yinakap ni Jess at yinakap ko din siya.

"We were so worried. Ang tagal mo kasi" sabi niya. Hindi nalang ako sumagot at yinakap nalang din siya.

Nung bumitaw siya ay hinarap niya si Dylan. Pinagmasdan ko silang dalawa, something is weird. Hindi ko lang matukoy kung ano yon.

"Thank you for accompanying my sister" sabi niya at hinawakan na ang kamay ko. Lumabas na kami at nakasunod si Dylan at Jerem sa amin.

"Thank you kuya" sabi ko sa guard at sumunod nalang kay Jess.

"Nandoon pa sila sa gym?" tanong ko habang nag lalakad kami. Gusto ko man lingunin si Dylan ay hindi ko magawa. Naputol sa maganda ngunit nakakatakot ang usapan namin.

"Wala, nasa parking lot na." sabi ni Jerem at tumango nalang ako. Nung marating namin ang parking lot ay nakita ko ang mga pinsan ko. Si Kuya Jos ay nakasandal sa kotse niya, siya nalang ang nakalabas at nasa loob na ang iba.

Lumapit siya sa amin at tinignan si Dylan.

"Don't get mad kuya, siya ang kasama ni ate sa loob ng room. If wala siya baka nag panic na si ate" sabi ni Jess kaya nakita kong kumalma si Kuya Jos. She is talking about my phobia, sa dilim.

"Mauna na kayo sige, mag papasalamat at paalam lang ako" sabi ko kaya nauna ng maglakad si Jess at Jerem. Si Kuya Jos ay ayaw pa umalis pero simaaan ko siya ng tingin kaya umalis na din.

Hinarap ko naman si Dylan.

"Thank you" sabi ko at napaurong ako nung humakbang siya palapit sakin.

Hinawakan niya ako sa kamay at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung may ibibilis pa ito..

"No, thankyou. Thank you for allowing me to have that conversation with you. Atleast malinaw na kung anong kaya kong gawin." sabi niya at tumalikod na.

As long as I'll want him as he wants me?

No legacy will stop him? Yun ba 'yun?

Ikakatuwa ko ba 'yon?

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...
11.6M 362K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
5.6M 353K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.