Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: Third Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 35: Snob, Jealous

688 14 7
By AyhenPey

Chapter 35

Serah's Standpoint

"Ano kayang nangyari doon?" tanong ko kay Kenn nagkibit balikat na lang siya kaya pumasok na kami sa loob ng bahay namin. May handaan din naman ako kahit konti. Pero sa totoo lang may nakukutob ako ng iba eh. Bakit pumunta siya dito? Tapos nung tinawag ko siya hindi niya ako pinansin. Hayss.. Ano ba itong iniisip ko?

"Serah, blow mo na itong candle!" sabi sa akin ni Kuya. Kaya lumapit ako sa table at hihipan na sana yung cake ng,

"Wait, kakanta muna kami!" nandito din kasi sila Hannah, I mean ang Journalism Club, si Ate Kate at si Kenn. Nginitian ko na lang sila..

"Saengil chukhamnida" kanta ni Ate Kate. Teka, ano yung sinabi niya?

"Ate korean ka?" biglang tanong ni Carla kay Ate Kate

"Hindi, mahilig lang akong manuod ng mga Korean drama hehehe"

"Oh siya ulitin ang kanta!" sabi naman ni kuya

"Happy Birthday to you~" pumapalakpak pa sila habang kumakanta. Nangiti na naman ako, thank you Lord! Tapos binolow ko na yung candle.

"Wooooh! Kainan na!!" syempre si kuya yung nanguna sa pag slice ng cake. Yaan mo na, regalo naman niya sa akin yan eh hehehe.

"Ate san kayo galing ni Kenn kanina?" biglang sumulpot si Carla sa tabi ko.

"Ah, iyon nilibre ako ng Frappe. Hehehe" 

"Ate, gala tayo mamaya?" tapos sumulpot naman si Irish

"Saan naman?"

"Sa park!" 

"Eh gabi na eh.." sabi ko naman

"Isama natin si Kenn para hindi ka matakot, pati picturan lang naman" 

"Go kami dyan!" sabay nilang sigaw kaya napaoo na lang ako. 

Naglalakad kami papuntang park at grabe ang ingay nung lima. Kami ni Kenn nasa likod lang at bakit kaya ang tahimik nitong katabi ko? Hmm, yaan na nga natin. Baka magsungit pa kapag pinuna ko. Pagkarating namin sa park napa wow ung lima kong kasama kasi iba ang itsura ng park ngayon. Mukhang may event ata dito, kasi yung puno ay puno ng lights may mga flower pa sa daan tapos basta ang ganda nung itsura!

Nagtakbuhan yung lima sa gitna kaya kami ni Kenn napasunod na lang. Nagulat na lang ako ng makita ko si Travis, Alex at Gian na inaantok doon sa gilid. Meron kasing instruments sa gilid nila, mukhang tumugtog sila at kakatapos lang. Tumingin naman ako sa other side at may pagkain! Tapos sa gitna may Romantic table at chair. Kaya ko nasabing romantic kasi may candle sa gitna at may design pa yung upuan at lamesa.

Lumapit ako kila Travis, tapos bigla nya akong sinigawan.

"SERAAAAAH! Bakit ngayon ka lang? Nasaan si Zac? Sinundo ka niya di ba? Pati bakit ang dami mong kasama, tapos kasama mo pa yan!" sabay turo kay Kenn.

"Ha? Anong sinasabi mo na sinundo? Nagpunta lang kami dito kasi magpipicturan daw sila" turo ko naman kila Hannah na mukhang bata dahil naglalaro sila ng habol habolan.

"Teka, alam mo bang pinapapunta ka ni Zac dito ng 6 o'clock?"

"Hindi, ang alam ko kasi si Kenn ang nagyaya nung 6 o'clock" sabi ko tapos napakamot na lang sa ulo sila Travis.

"Hayss, kasi Serah ang sabi ni Zac may pinaabot daw siya kaning umaga kay Jerome na papel at iabot daw sayo. Kaya ito nag prepare kami ng surprise sayo pero hindi ko naman dumating. Eh teka nasaan ba si Zac? Ang sabi niya kasi kanina pupuntahan ka niya at susunduin ka na lang kasi di ka pa nga pumupunta."

"I think alam ko na ang pangyayari" singit naman ni Kenn. "-akala ni Serah yung papel na binigay sa kanya ni Jerome ay galing sa akin. Eh kasi nung oras na iyon hindi ko naman alam na niyaya siya ni Zac, kaya sinabihan ko siya na magkikita din kami ng 6'o clock. Kaya ito ngayon ang nangyari"

Ano? Hindi ko magets ang sinasabi nilang dalawa. Lumakad na lang ako sa paligid, nakaramdam ako ng lungkot kasi ginawan pala ako ng surprise nila Zac pero hindi naman ako pumunta. Eh akala ko kasi si Kenn iyon eh! 

Kaya siguro nagpunta si Zac sa amin kanina dahil dito. Pero nakita naman niya ako ah! Bakit hindi na niya ako pinansin? Eh kasama ko lang naman si Ke-- Teka! Posible kayang? No way! Si Mara gusto noon eh, pati bakit nya ako ginawaan ng surprise kung.. Aish! Di ko na talaga alam ang naiisip ko, naloloka na ako!

"Siya, tutal may pasok pa tayo bukas at wala na ang master mind ng suprise na ito. Umuwi na tayo!" -Travis na kasalukuyang hinahampas ang ulo ni Gian at Alex. Kasi yung dalawa nakahiga na sa bermuda. 

"Gising! Uuwi na tayo!"  -Travis

"Eh paano ito?" -Alex na tinuturo ang paligid

"Inaantok na din ako, tinatamad akong mag linis, uwi na tayo.." at nagtakbuhan na ang tatlo. Nagkatinginan lang kami ni Kenn, di kaya kami ang maglilinis nito? 

"Hannah, Carla, Irish, Abby at Paula!" sigaw ko sa lima, mga ilang segundo lang lumapit na sila sa akin. 

"Grabe kapagod mag laro ng habulan, ano yun Ate Serah?"

"Uhmm, pwede nyo ba kaming tulungan linisin itong paligid?" tumingin ako kay Kenn at nakatingin lang siya sa itaas. If I know ayaw lang din niyang maglinis. Hayss, pero nakakahiya naman kung hindi lilinisin itong park. Public places ito eh.. 

"Pero bago tayo mag linis, pwede bang kainin natin yun? Wala namang tao eh" 

Umoo na lang ako, hayss nasaan na ba kasi si Zac? I feel bad

- - -

Papasok na ako sa gate at tamang tama nakita ko sya na papasok din. Kaya sinigawan ko siya malayo din kasi siya sa akin.

"ZAC!" halos nagtinginan lahat ng students na papasok din sa gate pero si Zac hindi ako pinansin. Baka may pagkabingi lang siya.

"ZAC!" iyon tumingin din sa wakas pero inisnob lang niya ako. Parang ang dating lumingon siya sa akin pero dahil hindi niya ako kilala hindi niya ako pinansin. Feeling ko sumikip ang dibdib ko doon. Tumungo na din ako sa Building namin pero hindi ako lumalakad ng mabilis. Ayaw kong sumabay kay Zac galit siya sa akin eh. 

Pagdating ko sa room, nandoon na si Ma'am Fuentes kaya dali dali akong umupo. 

"Class, nasabi nyo na ba sa parents nyo ang tungkol sa Retreat/ Recollection?" 

"Yes Ma'am" - chorus na sagot nila. Ako hindi ko pa nasasabi eh.

"-Sino sasama?" halos nagtaasan ng kamay ang mga classmate ko. Wala pa kasi si Kenn late na naman. At ang kinagugulat ko, ako at si Zac lang ang hindi nakataas ang kamay. Nagdadalawang isip tuloy ako kung itataas ko itong akin pero ang totoo naman hindi pa alam ng parents ko ang about doon. Ibig sabihin lalabas lang na nag sisinungaling ako. 

"Mukhang may date yung dalawa kaya di pa sila decided" - sabi ni Ma'am ewan ko naging defensive naman ako.

"Ma'am nakalimutan ko lang pong sabihin. Birthday ko po kasi kahapon" 

Bigla kong natakpan ang bibig ko. Feeling ko ang yabang ko. 

"Oh, belated Happy Birthday sayo" nagulat na lang ako nung iba ko ding classmate binati ako. Kahit late na natuwa pa din ako. Ngayon ko na lang nafeel na belong ako sa IV-Turquoise. 

Bigla na lang kaming napatingin sa likuran dahil biglang tumayo si Zac at deredrerchong lumabas ng room. 

"Where are you going?" sigaw ni Ma'am

"Magpapalamig lang po ng ulo" 

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganoon gusto ko siyang kausapin at syempre humingi ng sorry dahil hindi ko nagawang pumunta sa tamang oras ng surprise niya sa akin. Tapos biglang pumasok sa room si Kenn.

"Oh bakit ngayon ka lang?" -Ma'am Fuentes. Napakamot naman ng ulo si Kenn.

"Ah kasi po.. Uhmmm" 

"Labas! Di ko na tinatanggap ang Late comers!" at iyon napalabas si Kenn ng room. Pero nakarinig ako ng bulungan sa likod ko.

"Woosh, porket walang pagtingin si Kenn sa anak nya eh. Sinungitan na agad" 

Hindi ko na lang pinansin at naisip ko ako din naman ang may kasalanan kung bakit siya late. Kasi kagabi naglinis kami ng park, nakakaasar nga si Kenn. Sila na lang daw maglilinis doon tutal birthday ko naman daw. Hindi niya ako pinatulong kahit anong gawin kong pilit susungitan ako. Kaya I feel bad na naman. Hayss, kamusta na kaya sila Hannah? Napuyat din ata sila doon. Halos mag e-eleven na din kami umuwi.

"Sino ang kasintahan ni Paulita Gomez?" 

Quiz namin ngayon sa Filipino. Mabuti na lang talaga nagka interes ako dito sa El Filibusterismo kasi kung iisipin ko na naman yung mga Bible Characters for sure bababa ang grades ko. Sinulat ko sa 1/4 ang sagot na - Isagani. At hanggang ngayon hindi pa din bumabalik si Zac.

After ng 15 questions, nakipag palitan na kami sa tabi namin ng papel. Bumalik na din si Kenn at hanggang ngayon hindi pa din niya ako pinapansin. Ewan ko ba dito ang sungit talaga. 

Tinignan ko na lang ang mga sagot ni Kenn at pare-parehas naman kami ng sagot. May pag-asa akong makaperfect hehehe. Nagulat na lang ako sa kalagitnaan ng pagchecheck namin kinulbit ako ni Kenn. Tumingin ako sa kanya at tinuro niya yung sagot ko sa number 14.

Nung nakita ko iyon promise parang gusto ko ng umuwi sa kahihiyan. Ang sagot ko kasi Zac.

Eh sa pagkakaalam ko, Isagani ang sinulat ko. Tinignan ko si Kenn baka pinaltan lang niya pero halata sa mukha niya na iritado siya. Hmm, galit ata ito sa akin gawa kagabi at kaya nalate siya. Waaah.

Kaya iyon hindi ko naperfect yung quiz 14/15 ako habang si Kenn perfect!  

 "Kenn galit ka ba sa akin?" bigla kong tanong sa kanya after namin ipasa sa unahan yung 1/4 namin. Eh kasi nabobother talaga ako eh.

"Sasama ka sa Retreat?" tanong niya. Hindi man lang sinagot yung tanong ko.

"Hindi ko pa alam."

"Ahh" 

Tapos bigla na lang siyang tumayo at iniwan ako. Bakit ganito ang mga lalaki? Ang hilig mag walk-out sa totoo lang. Nakita ko si Zac na tumayo at parang pupunta siya sa harapan ko. I mean may lalaki kasing nakaupo sa harapan ko. Tinawag ko ulit sya,

"Zac" pero hindi niya ako pinansin tinapik lang niya yung lalaking nasa harapan ko at lumabas na din ng room. 

- - -

Jan. 21 and 22 ang retreat namin. Pumayag naman sila Mama at Papa na sumama ako kahit mga Pari or Madre ang karaniwang nag hahandle sa Retreat basta huwag ko na lang daw gawin yung pinapagawa kapag sa Catholic. Nirerespect naman daw iyon kaya okay lang. Pero sa totoo lang hindi ko alam ang purpose ng retreat. Naririnig ko sa mga classmate ko: "Sumama ka, babait ka doon" 

Ano bang ginagawa doon? Hmm, sasama na nga lang ako para malaman ko. 

Kinabukasan,

Dumating kami sa school ng bandang 7 o'clock. Ang sabi kasi 7:15 ang alis ng Bus namin. Dala ko na din ang bag ko na may lamang damit, pantulog, shampoo, sabon, toothbrush and toothpaste and etc. Libre naman daw ang food kaya wag na daw magdala. Pero pwede din naman kung gustong kumain sa Bus. 

Nagdala na lang ako ng five sandwiches dahil malayo layo din ang biyahe. Sa Tagaytay daw kasi gaganapin yung Retreat namin. Mayamaya pinasakay na din kami sa Bus. Sino kaya ang makakatabi ko? 

Bigla kong nakita si Kenn. Pero naalala ko galit ata siya sa akin kaya hindi ko na lang siya tinawag. For sure iisnoban lang ako nyan. Nakita ko din na pumasok si Zac pero dahil nung isang linggo pa nya ako di pinapansin, di ko na lang din siya tinawag. Hanggang sa nakita ko si Bethina. Kinawayan ko siya, ngumiti naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. 

"Nahihilo ka sa biyahe?" biglang tanong niya

"Oo, kaya matutulog kaagad ako heheh" tapos may kinuha siya sa bag niya. At inabot sa akin ang isang tableta.

"Bonamine. Gamot sa hilo. Para naman may kachikahan ako, wag kang matulog heheh" kinuha ko naman yung Bonamine at sinubo ito. Chewable naman kaya hindi ko na kailangan ng tubig. 

Nung nakapasok na lahat ng mga classmate ko sa bus. Sinabi ni Ma'am Fuentes na magdadasala daw kami. Kaya iyon tumungo kami at nagdasal. Na gabayan kami ni Lord sa aming biyahe at maging makabuluhan ang Retreat namin. Dito sa Bus puro Turquoise lang ang tao dito. Kaya hindi rin magkasama si Bethina at Travis. Iba kasi sila ng Bus dahil Dandelion.

After nung prayer, tinanong agad ako ni Bethina.

"May something na naman" 

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ka pinapansin ni Zac at balita ko kila Travis wala na din daw closure si Zac kay Mara" 

"Bakit naman?" nag shrug lang si Bethina at hinawakan yung hair ko. 

"Ayieeh, suot niya"

"Syempre bigay mo eh" 

After ng 3 hours nakarating din kami sa Tagaytay. Halos nagsisigawan yung mga classmate ko pagkababa sa Bus. Ang ganda kasi nung place super fresh yung lugar. Malayo sa mataong lugar. Dito makakahanap ka ng peace at dahil nga maingay yung mga classmate ko.

"Be quiet! Mahiya kayo sa mga Pari at nag sesemenaryo dito" kaya iyon nanahimik kami at lumakad papunta sa Hall nung Retreat House. After ng check in ata pinaakyat kami sa floor kung saan kami matutulog. Parang nung nasa Baguio kami ganito din ang life namin hehehe. Pero ngayon 4th years lang ang tao. 

Sa isang room dalawang tao lang. Napag desisyunan namin ni Bethina na magsama. Pagkapasok namin sa kwarto.

"Bethina, for sure si Travis ang gusto mong kasama" 

"Heheh, yeah pero hindi pwede no. Lalaki iyon pati babae ako"

"Ahh oo nga" kalalapag pa lang namin ng gamit ng pinalabas kami sa kwarto at magtungo daw sa Activity Area. Nagpunta kami doon at pinaupo kami sa sahig. Malinis naman yung sahig, at naka aircon yung room. Mayamaya may pumasok na lalaki.

"Good Afternoon 4th years" nakangiti niyang bati sa amin. "-sino gutom na?"

Halos nagsitaasan ng kamay ang mga classmate ko. Kahit ako kasi tanghaling tapat ngayon at hindi pa kami naglulunch. 

"Sige pero bago tayo mag Lunch. May ilang minuto muna akong Introduction. Okay lang ba?" umoo naman kami.

"Ako pala si Bro. Joey ang Retreat Master niyo. Panigurado nagtataka kayo ano ba ang Retreat? Bakit kami nandito? Anong gagawin namin? Well, kung iisipin nyo sa Military, sinasabi din ang Retreat. Ganoon din dito" 

Hindi natapos sa pagsasalita si Bro. Joey ng may nagsalita

"Eh di mag babarilan din po tayo? Kasi sinisigaw ng mga sundalo yung Retreat eh"

"Hindi naman kuya, kasi di pa ako tapos magsalita eh. Hehehe, ang meaning kasi ng Retreat ay pagbabalik. Bali kayo naman magbabalik tanaw. Kasi sa buhay natin hindi tayo basta basta lalakad. Kailangan din nating mag balik tanaw kung sakaling may mga pangit  o pagkakamali tayong nagawa matatama natin o mababago natin." 

"-kasi there is a LIFE ater High School. At kaya kayo nandito ay para malaman natin ang dapat nating gawin to face that LIFE they're talking about." 

"At dahil alam kong gutom na kayo at hindi pumapasok sa isip nyo ang mga sinabi ko. Kumain muna tayo ng Lunch :)" 

At iyon tumayo na kami, pero pigil ang pag-iingay namin. Kasi sa lugar na ito naka-paskil ang malaking 'OBSERVED SILENCE'

- - -

Halos 3 hours na din kaming nandito sa Activity Area at unti unti ko ng narerealize ang Retreat. Nung una tinackle ni Kuya ang about sa Dream. Binigyan niya kami ng clay at iform daw namin gamit ang clay ang simbolo ng aming pangarap. Humulma ako ng Cake. Oo, cake. Nakapag desisyon na ako sa kursong kukunin ko sa college. At gusto ko relared sa Baking ang kukunin ko. Masaya kasi ako kapag gumagawa ako ng mga cookies, cake at kung ano ano pang matatamis. 

Pinalagay ni Bro. Joey sa gitna yung mga clay namin. Ginawa naman namin. Nagulat na lang kami nung inapakapakan ni Bro. Joey yung clay namin.

"Dear 4th year students, kung mangyayari ito. Inapakan ang mga pangarap niyo, nasira ang pinaghirapan nyo. Papayag ba kayo?" 

"Hindi" sigaw naming lahat. Sa totoo lang naiiyak na ako naiisip ko pa lang na mawawala sa akin yung pangarap ko. Hindi ko na matake.

"I asked everyone of you to close your eyes. Isipin nyo ito na ang mga pangarap nyo, abot kamay at abot tanaw niyo lang. Pero sa isang iglap maglalaho, isipin nyo dear students ang gagawin nyo." 

"Minsan ba naisip nyo si God?" nakapikit pa din ako. At naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko. Nakakadagdag pa yung Backgrund Music.

"Kasi dear students, di naman mangyayari na bigla na lang mawawala sa isang iglap ang mga Dreams nyo kung sa pag-abot nyo noon kasama si God. Kaya tatanungin ko ulit kayo, naisip nyo ba na kasama nyo si God habang ginagawa nyo itong mga clay? Naisip nyo ba si God habang iniisip nyo din ang Pangarap niyo?"

Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. 

"In life kasi binibigyan tayo in God ng option kaya kung maari sa lahat ng gagawin natin isasama natin siya. Sa kanya kasi lahat ng gagaling. Isa pa, naisip nyo ba ang mga Parents niyo this time habang ginagawa itong mga Dreams nyo? Ginawa nyo ba yang Dreams nyo para sa inyo lang? O para sa kanila?"

Nakarinig ako ng mga naghihikbihan. 

"Kasi dear students, hindi naman tayo makakatungtong sa kinauupuan o kinatatayuan natin ngayon kung di dahil sa Parents natin eh. Di tayo makakapasok sa eskwelahan, magkakaroon ng gamit, makakain, at kung ano ano pa. Kung wala ang mga magulang natin. Maswerte ka pa kung buo ang magulang mo na tinutustusan ikaw o kaya ng kapatid mo. Kaya sana sa ngayon naiisip nyo na ang buhay nyo kapag nareach nyo na ang Dreams nyo. Libre naman mangarap at mas maganda higitan nyo na. Nandyan naman si God at ang mga nagmamahal nyong magulang umaalalay sa inyo."

Pinunasan ko na yung mga luha ko. Naisip ko kasi si Mama, Papa at Kuya. Naisip ko kung ano ang buhay ko kung sakaling natupad ko ang pangarap kong magkaroon ng sikat na Bakery or Cupcakery. Panigurado matutuwa sila sa akin. 

"You can now open your eyes" 

Pagkamulat ko ng mata ko, nagsitayuan agad yung mga classmate ko at nagyayakapan sila. Kahit ako napatayo na din di ko nga alam kung sino na ang niyakap ko. Basta alam ko mga classmate ko sila. Nakita ko si Kenn at nilapitan ko siya. Nagpupunas pa siya ng luha nya. Tumingin siya sa akin at bigla na lang akong niyakap.

"May pangarap pala ako sa buhay. Takte" ngumiti na lang ako at hinagod yung likuran niya. 

Nung gabi na, sinabi ni Bro. Joey na bukas na lang ipagpapatuloy ang Retreat. Bago kami bumalik sa kwarto namin kumain muna kami ng Dinner. Nung natapos na akong kumain inantay ko si Bethina para sabay na kaming babalik sa kwarto. Habang umaakyat kami, nadaan yung mga kabatch namin.

"Mga tol, matulog tayo ng maaga. May nagpapakita daw dito" 

"Luh! Tanda mo na naniniwala ka pa sa ganon?"

"Loko! Kilala itong Retreat House na ito bilang Horror Place. Grabe tol kung alam mo lang ang buong storya." tapos nagtakbuhan na sila nung yung isang kaibigan nila nagpanggap na naeexorcist. Grabe naman sila. Wala naman ganoon dito. Kasama natin si Lord noh? 

Tumawa na lang si Bethina pati ako. Pagkatapat namin sa kwarto namin at dahil na kay Bethina yung susi luminga linga ako sa tapat naming room. Nagulat na lang ako nung lumabas si Zac. Pero nakita niya ata ako nakatingin sa kanya kaya iyon pumasok ulit siya sa room.

Pumasok na ako sa room at kinuha sa bag ko yung Towel. 

"Ay Serah, pwedeng ako muna mag shower?"

"Sige" umupo na lang ako sa couch sa gilid nitong kwarto. Pero after ng ilang seconds nabored na ako. Kaya naisipan kong lumabas muna ng room. 

Di ko alam sa paa ko at lumalakad ito sa tapat ng room ni Zac. Sino kaya kasama niya room? Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng nakakatakot na tunog.

"RWARRAAAW" pagtingin ko sa tabi ko may katabi na akong lalaking dugo dugo ang damit. Tapos yung mata nya nakaluwa na at sobrang puti ng mukha niya.

"AHHHHHHHHHHH!"sigaw ko sa sobrang gulat. Nakatingin lang ako sa lalaking ito at narealize ko na si Jerome pala siya. Naka costume na nakakatakot! Akmang susuntukin ko na siya ng biglang lumabas si Zac sa kwarto.

Napatingin ako sa kanya dahil nakatapis lang siya ng twalya.

"Sino yung sumigaw? ANONG NANGYARI?!" sigaw niya kay Jerome tapos tinuro na lang ako ni Jerome. Nagulat na lang ako nung hinigit niya ako papasok sa kwarto. At narealize ko siya lang ang tao. Tumingin ako sa kanya at ang sama ng tingin niya.

"Ano bang nangyari?!" sigaw nya. Tapos kinuha niya yung towel ko at sinabit sa upuan sa likuran niya.

"Nagulat kasi ako, ikaw kaya tabihan ng ganoon ang itsura. Hindi ka ba magugulat?"

"Eh bakit ka nasa tapat ng kwarto ko?!" sigaw na naman niya. 

"Kasi pakiramdam ko galit ka sa akin." 

"Tch." tapos nakatingin lang siya sa akin ng masama.

"Galit ka nga? Well, kaya ako nandito para humingi ng sorry. Nasayang yung surprise mo, sinabi sa akin ni Travis yung plano mo at hindi ako nakarating sa oras. Sorry talaga.. Pero kung alam ko lang talaga na ikaw yung nagpaabot ng sulat pupuntahan ko talaga yung park. Kaya lang, akala ko si Kenn. Kaya..

"Tch, lumabas ka na.. Doon ka nasa Kenn mo." tapos pinagtulakan na niya ako palabas ng kwarto.

"Wait, yung towel ko" pero tinutulak pa din niya ako kaya ang ginawa ko kahit hindi ko nakikita yung towel dahil nakatalikod ako. Kinapa ko na lang, nung nakapa ko na bigla ko itong hinigit. And I swear sumakit ang tenga ko sa malakas nyang sigaw.

"SERAAAAAAAAAAAH!" napalingon ako sa kanya at narealize ko kung anong towel ang nahigit ko.  Uminit super duper ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Serah, wag kang titingin sa baba malaking kasalanan ito. Nakatingin lang ako derecho sa mata niya at di ako tumintingin sa ibang direksyon. Inabot ko sa kanya yung towel nya na mabilis naman niyang kinuha. 

"Wag kang aalis, di pa tayo tapos" tapos tumakbo sya papasok sa CR. Napa wooh ako at pinaypayan ang sarili ko. Tinampal ko pa ang mukha ko. 

After ng ilang minuto. Lumabas na siya ng CR at nakapajama na siya. Thank God! 

"Oh bakit nandito ka pa?" tanong niya ng naiirita. Bumalik na naman si Zac sa dating siya. -__- Kasalanan ko ito.

"Sabi mo kasi wag akong aalis." napasabunot na lang siya sa ulo niya. 

"Bakit mo ba ako hindi pinapansin?" tanong ko naman.

"BAKIT? Gusto mong malaman ha?!" sigaw niya tapos ako nag nod.

"DAHIL NAAASAR AKO SA SARILI KO!" sigaw niya bigla na lang napataas ang kilay ko. Sa sarili pala niya siya naaasar pero bakit ako ata ang nagsusuffer?

"Wag mo akong taasan ng kilay. Baka mag cool down ako!" napanod na lang ulit ako.

"Eh bakit ka nga ba kasi nagagalit?" 

"Dahil nga sa sarili ko madami akong narealize na di ko nagawa noon. At kung kailan narealize ko na, iba na ang gusto mo." 

"Ha?"

"Lintek Serah! Totoo na ang nararamdaman ko sayo! Simula nung nakita kong masaya ka kay Kenn nabuhusan ata ako ng malamig na tubig at nagising ako sa katotohanan na nagseselos pala ako. At di talaga si Mara ang gusto ko!" 

Masyadong mabilis ang pagsasalita niya kahit sumisigaw. Hindi ma-take ng utak ko ang mga sinabi niya. Pero isa lang ang tumatatak sa isip ko. Totoo na daw ang nararamdaman niya.. 

"Hindi ko maintindihan.." kinuha ko sa may upuan yung towel ko, at pinisa ko ito ng mahigpit. 

"Hindi mo ba maintindihan?" napatingin ako kay Zac at nakatingin din siya sa akin. Pero di ko na ata kinaya ang sinunod niyang sinabi.

"I love you, Serah"

Continue Reading

You'll Also Like

640K 3.3K 6
Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kaloko...
42.1K 1.6K 43
Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Na...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...