A Man's Life

By aKo_Narcisso

368K 6.8K 1.2K

Lalaki ako. Yun. Period. Bago kayo mag-isip ng kung ano pa man, lalaki po ako. So clear all your misconceptio... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine ~END~
To be published under Life is Beautiful
FAQ

Ten

9.1K 158 16
By aKo_Narcisso

Likas talaga akong matalino. Sabi yan ni mama. Sabi rin yan ni papa. Sabi rin ni tita Charlene. Sabi rin ni lola. Sabi rin ni Lolo. Sabi rin ng mga pinsan kong sina ate Aida, Lorna at Fe.

Pero di ko inasahan na yun ang muntik nang maging dahilan upang malamatan ang namumuong pagkakaibigan namin ni Louie.

First day of school. Tapos, mayroong assesment examination. As expected, na perfect ko yung exam. Madali lang naman kasi. I thought madami rin ang makakaperfect. Nagulat nalang ako nang biglang tumayo si Louie.

"Ma'am, how can this be? How could he habe a perfect score? Baka nagkamali lang po sa pag-check ng papers?"

"No, miss Kwok. Mr Flores really did got all the correct answers."

Tiningnan ako ni Louie ng masama. Binulong ng katabi ko na competetive daw talaga si Louie academically. Cosistent top student daw siya since elementary at hindi daw siya pumapayag na hindi siya ang top.

Since hiniling ni Charlie sa akin na kaibiganin ko daw si Louie. At kita ko naman sa bestfriend ko yung saya niya nung makit si Louie, ako na ang magpaparaya.

Dahil hindi ko naman maiiwasan na ibigay ang lahat ng makakaya ko academically, sa ECA ako nag lie low. Actually isa lang naman talaga ang sport ko. Chess. Pero wala na akong balak ituloy yun sa highschool. Hindi dahil sa pagpaparaya ko kay Louie kundi dahil sa napapabalitang student who' making his name in the world of chess - though hindi sa school namin galing yun.

Pag itinuloy ko kasi ang paglalaro ko ng Chess, malaki ang chance na magtatagpo ang landas naming dalawa. Ayoko nang maulit ang nakaraan. Nakakadiring isipin.

At the same time, bawas competition na din kay Louie sa ranking. In case kasi na mag-tie kami academically, yung points sa ECA ang magiging tie breaker. Since wala akong ECA, kay Louie na yun mapupunta. Ok lang naman kina mama kahit hindi ako magtop eh. Mahal na mahal ako ni mama at very understanding siya. Maiintindihan yan ng family ko. Supportive naman sila sakin eh.

Siguro tanggap na din ni Louie na matalino talaga ako at kaya ko siyang sabayan sa academics kaya hindi na niya ako masyado pinagbabantaan. Pero ang ikinagulat ko talaga ay siya pa ang maglulok sakin bilang class president.

If I know, paraan niya yun para hindi ko masyado matutukan studies ko. Haggard kaya! Meeting dito, meeting doon, tawag ka ni ma'am ganito, tawag ka ni ma'am ganoon, may ipapagawa si ganito, may ipapagawa si ganyan. Feeling ko tuloy inaalila lang ako ng mga teachers at mga kaklase ko.

Pero medyo natutuwa na din ako kahit papaano. Public service. Pero wala akong balak pasukin ang pulitika. Isa lang ang balak ko. Ang makasama si destiny forever! Eeee! Kinikilig ako.

Speaking of destiny, nahihirapan na akong suyuin si Krysyal. Di ko lang alam kung tibo rin ba siya o manhid lang talaga? Pero babaeng-babae naman siya. Mabait pa, tapos maganda, tapos sobrang bait, at sobrang ganda.

One time, nagpatulong ako kina Charlie at Louie kung paano suyuin si Krystal. Babae naman sila biologically kaya tingin ko may alam sila kahit papaano. And besides, close si Krystal kay Charlie. Naging schoolmates kasi sila dati sa all-girls school diba?

Bilang president ng klase, wala akong choice kundi ang ma-stuck sa walang katapusang meeting. Kung sa elementary ay pa-puchu puchu lang, ngayong highschool dibdiban na. Lalo pa ngayong papalapit na ang intrams.

Ahaha. Laptrip kasi si Louie yung representative namin. Pero malay natin. Maganda naman siguro si Louie pag nabihisan diba? Tsaka mayaman naman siya. Kaya naman siguro ng make-over yun.

After ng nakakapagod na meeting, bumalik na ako ng room. Malamang nagiintay na sina Charlie at Louie dun.

"Andiyan na pala kayo. Ano, ah, next week na daw official na ipapakilala ang mga contestant sa pageant. Teka Charlie, bakit andami mong bitbit?" sabi ko habang papalapit.

"Ahahaha. Ano, darating si Krystal dito mamaya. Alam mo ba?" tanong ni Charlie.

"TALAGA? Pupunta si Krystal?" Yes! Makikita ko ulit si destiny. Minsanan lang kasi yun magreply sa mga text ko eh.

"Hindi joke lang ni Charlie yun. Pupunta dito talaga si MAMA MO! Hahahaha," sabat naman ni Louie. Kahit kelan talaga tong tibuin na to.

"Di nga Charlie? Pupunta talaga si Krystal?" Siyempre, ayokong pansinin pang-aasar ni Louie. Ang mahalaga, ma-confirm ko na makimita ko si Krystal. Hihi.

"Oo nga! Tineks ako," sagot ni Charlie. Minsan talaga nakakapanselos na close si Krystal at Charlie. Pero ok lang. Bestfriend ko naman si Charlie at alam kong boto siya samin ni Krystal.

"Teka, kumusta itsura ko, gwapo na ba? Baka mamaya may dumi ako sa mukha. Maayos na ba tignan damit ko? Teka, may pabango kayo diyan? Mouthwash? Hairbrush? Sanitizer?" Medyo natataranta na ako. I need to look good in front of the woman whom I'm gonna spend my entire life with. Alam ko yang iniisip niyo! Wag nga kayong panira ng moment diyan!

"HAHAHAHAHAHAHAHA. Hanep sa taranta. Naka-downy naman siguro ang damit mo, d na kelangan ng pabango. Hahahahahaha," Ayan na naman siya. Sino pa ba? Eh di si Louie.

"HAHA. Gwapo ka ba? Parang mali 'yung tanong mo. HAHAHAHA. Gusto ni Krystal ng MAGANDA!" sabi naman ni Charlie.

"EH? Eh, p-p-papano yan? Charlie, Louie anong gagawin ko?" Bakit maganda ang gusto ni Krystal? Pero sabi naman dati ni tita Charlene maganda daw ako. Pwede na yun diba? Kahit na it sound so gay.

"Magbigti ka na! Hahahahahaha. De joke. May plano daw si Charlie. Makinig ka na lang muna dami mo sinasabi." Louie. Uh-oh.

Inakbayan ako ni Charlie. "Wag kang mag-alala, napag-isipan ko nang mabuti yan. Sabi mo naman, gagawin mo ang lahat diba?"

"O-oo? P-pero ano bang gagawin? Charlie naman eh, kinakabahan ako!" Waaa.

Kaya mo 'to! Madali lang, as in," Savi ni Charlie ng may nakakalokong ngiti. "Game ka na?" Masama talaga kutob ko dito.

Napalunok ako ng laway at napatango ng madaming madami.

Sabi na nga ba eh. Magdadamit daw ako ng pambabae. Susuotn ko daw uniform ni Charlie. Kadiri kaya! Ako, magdadamit babae? Pero sa huli, napilit di ako. Inisip ko nalang para sa future family ko nalang to. Kung di lang talaga ako head over heels kay Krystal my labs my destiny, hindi ko gagawin to. 

"Ang ganda mo ngaaa!!!" Nagniningning ang mga matanf sabi ni Charlie.

"Hindi ba natin me-make-upan yan? O lalasuhan? Hahahaha," dagdag pa ni Louie. Hindi pa ba sila kuntento sa kahihiyang ito?

Napakamot naman ng ulo si Charlie. "May alam ka ba dun? Di ko naman alam kung pano gumamit non e."

"Syempre, mas wala. Hahaha. Makihiram na lang tayo ng laso." Ngumiti pa ng bongga. Wa na ba talaa ako say dito?

"Labas na tayo Chan-Chan."

Woy! Teka teka. Ano daw? Paano pag...

"CHARLIE! LOUIE! AYOKONG LUMABAS NG NAKAGANITO! MAY KAKLASE PA BA AKO DIYAN? PAUWIIN NIYO SILA PLEASE! PLEASE!"

Sumilip naman si Louie sa loob. Yaaak. Sinilipan ako ni Louie. De joke lang. "Wala na. Akong bahala, walang mag-iingay tungkol dito kaya cooperate ka lang diyan. Hahaha"

I really have a bad feeling about this. Ugh.

Hindi ko talaga alam kung mapaglaro ang tadhana or pinaglalaruan ako ng tadhana. Paglabas na paglabas kasi namin, nakita ko si tita Charlene. Oh my! Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ang makita siya or ano. Lalong lalo na sa suot ko ngayon.

"Anong ginawa niyo sa pamangkin ko?" bungad ni tita Charlene nang makalapit. Sinipat din niya ako mula ulo hanggang paa. Is that concern on tita's face?

!H-Hello po! M-may play? T-tama! May play po kasi kami! Si Chan-Chan ang b-bida." Palusot ni Louie.

"Opo!! May p-play po... tapos... dapat 'yung pinakamaganda ang bida. Kaya si Chan-Chan po 'yung napili namin," gatong naman ni Charlie.

"WHAT?" Medyo malakas angbpagkakasabi ni tita kaya nasindak ang dalawa. Is this really is it?

"Tita!" sabi ko na medyo nagpapa-awa. Nagsisisi na talaga ako kung bakit ako napapayag nina Charlie at Louie na gumawa ng karumaldumal na bagay na to.

"Hindi dapat ganito ang ginawa niyo! Gosh! Wala man lang make-up? Mas may igaganda pa tong pamangkin ko. Tingnan niyo to." Inilabas ni tita ang wallet niya at pinakita ang mga pictures ko nung bata pa ako. Yung nakadamit pambabae. "...diba he's sooooo pretty? dapat ganito yung ma-achieve niyo! di ba kayo marunong maglagay kahit blush-on man lang?"

Literal na napanganga kaming tatlo. I should have known.

"HUH?! Ah-eh, kasi... h-hindi naman po k-kami marunong maglagay?" Napakamot pa mg ulo si Louie habang nagpapaliwanag.

Ito na ba yun? Is this how my life ends? I'm going to faint. Teka, bright idea. Paghinimatay ako, hindi na matutuloy ang kalokohang ito.

"Hoy Chan-Chan baby tigilan mo yang arte mo. Halika na nga, memake-up-an kita. Papagandahin ka ni tita! Buti nalang prepared ako," sabi ni tita Charlene. I can't take this anymore. Lupa, lamunin monalang ako bilis!

"Hahahahahahaha. Ang cool niyo po Tita. Hahahaha." Sapo-sapo pa ni Louie sa sobtang tawa. Tawa pa sige. Sana kabagin ka.

Pilit naman akong iniupo ni Charlie habang pinagpipyestahan ang mga puctures ko "WAHAHAHAHAHA!!!! yung totoo, babae ka yata eh! May birdie ka ba talaga? HAHAHAHA"

"TITA!" Reklamo ko.

"Huwag kang sumigaw kung ayaw mong bawiin ko yang iPhone na binigay ko sayo." Ibinaling naman niya ang atensyon niya kay Charlie. Ang ganda niya diyan no? Sayang nga at tinubuan siya ng birdie."

"TITA NAMAN EH!" If anything could be worse. Wala na. Durog na durog na ang dangal ko.

Gustong gusto ko nang umiyak. Pero nung sinabi ni tita na papangit ako, di ko tinuloy. Ayoko namang makita ako ni Krystal na pangit diba?

I decided to tune them out nalang at hinayaan ko silang lapastanganin ang pagkatao ko.

Pagkatapos akong malagyan ni tita ng kolorete sa mukha, puring puri nila ako. Ang ganda ko daw. 

"Ayokong mag thank-you. Ayoko nito! Wala na bang ibang paraan?" In my final attempt to revert everything.

"Wala na yata. Hehehe. Ayos naman eh." Lumapit pa si Louie sakin saka bumulomg. "Tingin ko in love agad sayo si Krystal niyan. Hehehehehehe."

Inlove agad si Krystal sakin? Kahit ganito itsura ko at mainlove si Krystal sakin, love padin yun diba? Mapapansin na din ako ni Krystal.

Nung inanunsyo ni Charlie na andyan na si Krystal, muntik nang magkabistuhan. Na-curious si tita eh. Lalo na nung bumalik ulit siya. Buti nalang napaalis ko agad. Pumunta na kami ng fountain dahil andun daw si Krystal naghihintay.

Tumakbo papalapit samin si Krystal nang makita niya kami. "Antagal nyo naman sino yun? Mommy mo?"

"Ano... tita ni... Cha... Shan-Shan," sagot naman ni Charlie.

"Shan-Shan? Si Chan-Chan ba?"

"Hinde.. Iba. ano... kakambal ni Chan-Chan si Shan-Shan. Gusto ka raw makilala." Lumingon naman si Charlie sakin at pinandilatan ako. Kanina pa kasi ako nagtatago sa likod niya. Eh sa nahihiya ako eh.

"Ahh, H-Hi? hehe." Inipit ko pa ang boses ko para kahit papaano, magtunog babae.

"Hahahaha. Pakilala niyo kaya muna ako dyan? Ehem. Mic test, mic test. Haha." Singit naman ni Louie.

"Krystal... si Louie." Pakilala ni Charlie. Hinawi naman agad niya si Louie para ipakilala ako. "Tsaka si.. Shan... "

"Hello Krystal.. Si Shantel nga pala, na-meet mo na ba yan?" Salo naman ni Louie

"Sh--shan...tel?"

"Yup," sagot naman ni Louie at pinaghugpong pa talaga ang mga kamay namin.

Ngumiti naman ako ng pilit habang titig na titig sakin si Krystal.

"Bakit parang kamukha nya si Chan-Chan?"

"H-Hindi ah! Mas maganda si Shan-Shan kesa sa pangit na si Chan-Chan," sabi naman ni Charlie.

"May kambal bang hindi magkamukha? Fraternal twin sila, if you know what it means. Tsss." Sabat naman ni Louie.

"H-hello!" bati ni Krystal sakin.

"H-hello?" sagot ko naman at nag wave ako ng konti.

Bigla bigla ay tinulak ako ni Charlie papunta kay Krystal. "Dyan na kayo!!! alis na kameeee."

At tumakbo na sila ni Louie. Malamang kakain yung mga yun. Si Charlie pa. Eh ang siba nun.

Ako naman?

Eto.

Nganga.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
172 61 4
Compilation of my one-shot stories and stuff.
3.7K 827 39
Word Trip Series 7 A plan to travel a week in Bangkok brings much more than just the culture and attractions, Andrew didn't expect that in a week, hi...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.