My Coldhearted Boss

By jernetz16

1.8M 33.2K 484

Alex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secr... More

Swerte
Meeting the Boss
Intro sa Gyera
Endorsement Period Over
1st Meeting
Exhausting Week
The Bar
Slept at the Wrong House
Tahanan ng Prinsesa
Way to Paradise
Return of the Past
Meeting the Bestfriend
Perfect Fit
The Past and the Present Meets Up
Alex's Confession
Awkward
Kilig sa Paraiso
A Night with the Prince
Leaving Paraiso
Permiso
1st Move ng Prinsipe
What's the Real Score?
The Waiting has Ended
Ang Desperadang Ex
Protecting the Princess
Bad Moves ni Ex
The Captured Princess
Saving my Princess
Author's Note
Gaining Back the Memories
Memories Regained
Reunited with the Bestfriends
Fast Forward
The Proposal
The Wedding Preparation
Two Hearts Binded as ONE
Author's Note
Special Chapter

Where's Alex?

33.7K 646 1
By jernetz16

It's been 2 weeks after the incident and still there is no sign of Alex. Continuous pa rin naman ang paghahanap ng mga pulis kay Alex.

"What? Ang tagal tagal na. Bakit hindi nyo pa rin sya nahahanap? Ano bang pagkilos ang ginagawa nyo?" singhal ni Zach sa kausap sa kabilang linya at ibinaba na din agad.

"Calm down Pare. Ginagawa naman nila ang lahat para mahanap si Alex", saad ni Nick.

"Ginagawa? Kung ginagawa nila ang lahat, bakit wala pa din dito si Alex!", sabi pa ni Zach kasunod ng pagyugyog ng mga balikat nito, tanda ng pag-iyak nito.

"Kaya mo yan Pare. Pasasaan ba't makikita din si Alex. No signs naman ng casualty kaya for sure, ok lang sya", pagkakalma ni Nick sa kaibigan.

"Awang-awa na ko kay Zach. Halos hindi na sya kumakain at natutulog nang maayos. Halos araw araw ay sumasama sya sa paghahanap kay Alex. Sya na rin ang nag-ayos ng burol at libing ng mga magulang ni Alex. Mabuti na lang at hinayaan muna syang mag-leave ng kanyang ama. Tutal, hindi din naman sya makakapag-focus sa trabaho", isip ni Nick at napabuntong-hininga na lang sa nakikitang sitwasyon ng matalik na kaibigan. Wala rin kasi syang magagawa kundi ang samahan na lang ito.

Lumipas pa ang mga araw. Umabot na ito ng isang buwan ngunit wala pa ring balita kay Alex. Unti unti na silang nawawalan ng pag-asa.

"Zach! Zach! Wake up dude!", gising ni Nick kay Zach.

"Bakit ba Nick? Ano bang problema mo?" asar na tanong ni Zach. Bumalik na ito sa trabaho at kitang kita ang malaking pagbabago nito. Sobrang mabilis uminit ang ulo kahit sa mababaw na dahilan lang. Madalas pasigaw sa mga kausap. Naging mailap ito at ngayon ay halos kinatatakutan ng lapitan ng mga empleyado ng El Grande.

"We've been calling you for hours dude! Hindi ka sumasagot sa mga tawag ng mga pulis kaya sakin na sila tumawag. At nang di ka pa din nasagot, I decided to direct you here", sambit ni Nick.

"E bakit nga ba? Ano ba kasing kailangan mo?", sigaw pa nito.

"Will you stop shouting? Dude, may update na sa paghahanap kay Alex. May tumawag daw sa opisina ng mga pulis at sinabing may nakakita kay Alex sa isang baryo sa dulo ng ilog kung san sya nahulog" Nick exclaimed.

Nang marinig yun ni Zach ay napabalikwas ito at agad agad na nagbihis.

"Bakit hindi mo agad sinabi? Nasan sila?", tanong ni Zach sa pagitan ng pagbibihis nito.

"Wow dude ah. Bilis ng mood shift ah", sambit ni Nick. "Sana si Alex na nga yun. I want my best friend back. Kay Alex ko lang sya nakitang naging masaya. At kay Alex ko lang din sya nakitang nagkaganito. Hindi ko sya nakitang ganun kaapektado nun naghiwalay sila ni Monique". Isip ni Nick.

Agad agad ay pinaharurot ni Zach ang kanyang kotse papunta sa opisina ng pulisya.

"Alex! Alex, I pray it's really you. I miss you badly princess. Come home to me. Please! I hope you're okay. I wanted to see you", isip isip ni Zach.

Nang makarating sa opisina ng pulisya ay patakbong pinuntahan nina Alex at Zach ang kinaroroonan ng head ng operation para kay Alex.

"Good afternoon Sir Zach, Sir Nick", bati nito.

"Good afternoon din officer. Ano na pong balita?, tanong agad ni Zach.

"Sir, may tumawag po kasi dito kanina lang. Nag-inform po na nakita nya si Alex dun sa baryo sa dulo ng ilog kung san sya nahulog. Although, we're not 100% sure kung sya nga yun pero it's better to see in person na rin. Available po ba kayo ngayon sir para mapuntahan na po natin yung location?", tanong ng officer.

"Very much available. Tara na po", agad na sagot ni Zach.

Habang binabagtas nila ang daan ay hindi mapigilan ni Zach ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Sari-saring emosyon ang lumulukob sa kanyang pagkatao sa ngayon. Naroon ang excitement, saya, kaba at takot. Takot na baka nagkamali lang ang nakakita. Takot na baka hindi sa Alex ang kanilang pupuntahan. Papalapit sila nang papalapit sa destinasyon nila at palakas din nag palakas ang kabog ng dibdib ni Zach.

"Sir, andito na po tayo. I'll lead the way po", sambit ng officer na kasama nila.

"S-sige po. We'll follow!", sagot naman ni Zach na kitang kita ang nerbyos sa katawan.

Huminto ang officer sa harap ng isang bahay at kumatok doon. Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang matandang babae.

"Nanay, magandang umaga po. Ako po si officer Dela Cruz. May gusto lang ho sana kaming itanong sa inyo. Okay lang po ba?", magalang na bati nito sa babae.

"Magandang umaga din mga ginoo. Sige ho. Tuloy ho muna kayo at maupo", anyaya naman nito.

"Salamat ho Nanay. Di na ho kami magpapaligoy ligoy pa. Gusto ho sana naming malaman kung nakikilala nyo po ba ang babaeng ito na nasa larawan?" tanong ng officer at iniabot ang litrato ni Alex.

Pinagkatitigan ito ng matandang babae at maya maya'y may tinawag itong bata. May sinabi ito dito ngunit hindi na nila naintindihan dahil agad na tumalilis palabas ng bahay ang bata. Maya maya ay bumalik na ito at napansin nilang may kasama na ito pabalik.

Sabay sabay silang napalingon sa kasama ng bata at namangha, higit si Zach. Agad na napatayo si Zach at napasugod sa kinatatayuan ng kasama ng bata. Agad nya itong niyakap.

"Alex! Alex, you're alive. You're alive! I'm here now princess. I'm going to take you home." Wika ni Zach at humarap na sa dalaga. "My God, I missed you so much!", dagdag pa nito na kitang kita ang kasabikan kay Alex.

"Ah-, eh-, sino po kayo?" tanong ng dalaga na nakapagpakunot sa noo ng lahat.

"W-what do you mean sino kami princess? Hindi mo ba kami nakikilala?", takang tanong ni Zach at nagsalita naman ang matandang babae.

"Ginoo, nakita namin yang si Nene (palayaw nila kay Alex) na duguan dun sa tabi ng ilog. Hindi namin alam kung san sya galing pero ang inisip na lang namin ay ang magamot sya. Ilang araw ding walang malay yang batang yan. At nang magising naman sya ay wala syang maalala. Sinubukan namin magtanong tanong sa baranggay kung may nakakakilala sa kanya kaya lang wala raw. Kaya, minabuti kong dito na muna sya sa amin kesa naman kung san pa sya mapunta at baka mapahamak pa" salaysay ng matandang babae.

"Nanay, maari po bang isama na namin sya para mapatingnan ko ho ang kalagayan nya. Ako ho ang nobyo nya at Alex po ang tunay nyang pangalan. Matagal na ho namin syang hinahanap", wika pa ni Zach.

"Sa amin naman ay walang problema. Tutal, sa itsura naman ninyong iyan ay muka naman kayong mapagkakatiwalaan", sagot nito. "Nene, mukang sila ang nakakaalam ng tungkol sayo. Sumama ka sa kanila at nang bumalik na ang mga alaala mo. Ngayon, natagpuan ka na nila. Siguradong matutulungan ka nila", dagdag pa nito.

"S-sige po Nay. Marami pong salamat sa pagkupkop nyo sa akin. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob. Babalik balikan ko pa rin ho kayo kahit bumalik na ang alaala ko" pamamaalam ni Alex.

"Nay, maraming maraming salamat po sa pag-aalaga ninyo kay Alex kahit hindi nyo po sya kaanu-ano. Malaking bagay po ito sa amin, higit lalo sa akin. Tatanawin ko po itong napakalaking utang na loob mula sa inyo", pasasalamat ni Zach.

"Nay, tutuloy na ho kami. Marami pong salamat sa inyo!", ika ni Nick.

"Sige ho Nay, tuloy na po kami", paalam din ng officer.

Bago sila tuluyang umalis ay niyakap muna ni Alex ang matandang babae at ang batang kasama nito.

"Pangako, babalikan ko po kayo rito. Hintayin nyo po ako", saad ni Alex.

Lumulan na sila sa sasakyan. Si Alex ay nakatingin lamang sa labas at tila napakalalim ng iniisip.

"Alex, are you okay?", Zach asked.

Ngunit nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana at hindi lumilingon kay Zach. Naalala ni Zach na may amnesia nga pala ito kung kaya tinawag nya ito sa pangalan na ibinigay ng mga kumupkop dito.

"Ahm, Nene, okay ka lang ba?" pag-uulit ni Zach.

"Ah, oo, okay lang ako. Pasensya ka na. Wala kasi talaga akong maalalang kahit na ano tungkol sayo, sa inyong lahat", wika nito na tila nahihiya.

"Okay lang, wag mong pilitin. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo ngayon. Wag mong pilitin. Ahm, ok lang ba sayo kung dumeretso tayo sa ospital para mapatingnan kita?" tanong ni Zach.

"Okay lang, wala namang problema sakin. Gusto ko na rinnaman kasing makaalala. Ang dami dami kasing tanong sa utak ko na wala akong makuhang sagot", sambit ni Alex.

Sa sinabing iyon ni Zach ay tila may kumurot sa kanyang puso. Sa ngayon, higit syang kailangan ni Alex para gabayan ito. Lalo pa't hindi nito matandaan na wala na ang kanyang mga kinalakihang magulang.


Continue Reading

You'll Also Like

3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
1.3M 11.3K 21
Drake Zhane Montillano one of Zach and Arrabella's triplets. He is handsome She is Beautiful He is Rich She is Poor He is the C.E.O AND She...
313K 5.3K 38
Always Remember the saying. "The truth will always sets you free" even if it hurts like hell.
1.7M 29.1K 43
Mr. Kenjie Madrid Sarmiento is the CEO of Sarmiento Airlines and Advertising Company. Sya ang nag-mamay-ari ng naglalakihang eroplano at helipad sa b...